Chapter 53 - Chapter 52

Chapter 51:Lervin's madness

KAMI na lamang ang natira nina Lervin at Athena sa loob ng pribado kong silid na kinuha nila.

Dito ako natulog sa mahaba-habang panahon at umabot ng two years.

Natutuwa ako dahil may Athena na kami. Biro pa ng iba naming kasama kanina ay isang bubuwit lang daw pala ang magpapa-gising sa akin.

Si Athena lang daw pala ang gamot ko para magising na ako sa malalim kong pagkatulog.

Tuwang-tuwa naman ang bata dahil parang Diyos daw siya at nagawa niya raw akong gisingin.

Hindi ko rin maiwasang hindi masaktan noong kinuwento sa akin ni Lervin na una niyang makita si Athena sa labas ng flower shop na umiiyak.

Kulang daw ang peya (pera) niya at hindi niya nabilhan ang mama niya ng flowel (flower). Birthday pa naman daw noon nang mama niya.

Minsan, hindi siya bulol sa letter R.

I shooked my head again nang maramdaman ko ang mga mata ng asawa kong titig na titig sa akin.

"Huwag mo na akong iyakan, hindi naman ako namatay," ani ko at heto na naman ang yakap niya.

"I prayed for God for many times, that can he extend your life? Can he extend your years to live and be with me forever? Can he give us a chance to live forever? Can he give us a fairytale love story? That there's happily ever after?" sabi niya sa mahinang boses.

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila maiiyak ako sa sinabi niya. Hay, Lervin babe. Hindi mo talaga ako binigo because until now, my heart is beating for you, still.

"Because God knows, I died for everything happened to you. I died when your friends told me that you have sick. I died when I was seeing you walking like that, nahihirapan. I died when I realized, I'm in love with you but I hurt you. I died when you are slowly dying, baby. Kaya, pagbiyan niya sana ako na makasama ka pa nang mas matagal," mahabang sabi niya at sinabayan pa ng luha.

"And he did," nakangiting sabi ko at tumango siya.

"I love you, baby. I love you wife," malambing niyang sambit at hinalikan ako sa labi. Smack lang 'yon dahil bawal, kasi may Athena kami rito. Haha.

"Hmm... Let me see, kung mahal pa kita," sabi ko at nawala 'yong ngiti niya.

"What the f*ck, baby?!" mura niya at sinamaan ko siya nang tingin saka ko nginuso si Athena.

"Y-You can't..."

"Nah, nag-iiba ang feelings ng tao lalo pa kung natulog siya sa maraming panahon," sabi ko at umawang ang mga labi niya na mabilis ko ring sinara.

"Hay, mag crush pa naman ako at nakasama ko siya sa panaginip ko kaya ayokong magising dahil nandoon siya."

"What the fucking fuck!"

***

Tatlong araw na ang nakalipas since nagising ako at hayon nga. Madalas akong dalawin ng mga kaibigan ko at kaibigan ng asawa ko. Si Athena ay bihira na lang nakakapunta dahil pinag-aral na siya ng Lervin babe ko. Day care pa! Five years pa kasi kaya pala bulol-bulol kung magsalita. Pero cute naman.

Mag-isa lang ako sa kuwarto ko dahil lumabas si Lervin at nagpabili ako ng makakain. Hanggang ngayon ay gutom pa rin kasi ako! Grabe, feeling ko tataba ako.

Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong bumukas ito at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

"Shin! Oh my God!"

Sumenyas siya na isara ang bibig ko at ni-lock pa niya ang pintuan saka siya lumapit sa akin.

Halos mahulog na nga ang panga ko nang makita kong...

"Y-You're pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya at may ilang butil ng luha ang nahulog mula sa kanyang mga mata.

I hugged her tightly nang magsimula siyang umiyak.

"Namiss kita, Art. A-Akala ko tuluyan mo na kaming iniwan. N-Natakot talaga ako," mangiyak-ngiyak na sabi niya at hinaplos ko ang likod niya.

"Hush, Shin. Don't cry baka mapahamak pa ang baby mo," pag-aalo ko pero mas umiyak lang siya no'ng nai-mention ko ang 'baby'.

"S-Sorry kung hindi na kita nadalaw kaagad. Noong nalaman kong n-nagkamalay ka na ay gustung-gusto ko na talagang magpakita sa 'yo pero hindi ko naman magawa."

"Bakit? Dahil pinagtataguan mo ang Cervin bebe mo?" tanong ko at napairap ako nang maalala ko ang isa pang gungg*ng na kalahi ni Lervin.

"Oo, isa pa natatakot na akong magpakita pa sa kanya." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at diretsong tiningnan ko siya.

"Si Cervin ba ang ama ng dinadala mo, Shin?" tanong ko. I want to know the truth.

Umiiyak na tumango siya. Halatang nagdadalang tao na kasi siya. May baby bumps na. Tapos mukhang tumaba rin siya pero mas gumanda? Ang daya! Ako nga pumayat kahit puro vitamins ang ini-inject sa akin at ilang timbang din ang nawala sa akin.

"Art, gutom ako. P-Puwede sa akin na ang pizza mo?" aniya tapos umiba na ang mood niya.

Napangiwi ako dahil naging bipolar na siya. Ganito ba ang mga buntis? Moody?

"Bakit pizza ang kakainin mo? Saka hindi ako kumakain niyan, hate ko ang pizza. Hindi ko lang maitapon kasi baka maano...ma-offend ang Cervin bebe mo," sabi ko at napasigaw ako nang lumundag siya mula sa kama ko!

"Shin!" saway ko sa kanya at mabilis na kinuha ang box ng pizza at doon kumain.

What the... Nang sabihin ko na galing kay Cervin 'yon ay excited ba kinain ang pizza. Mukhang pinaglilihian niya ang bebe niya.

Muli siyang naupo sa tabi ko at abala na siya sa pag-nguya ng pizza.

"Alam mo bang pinapahanap ka niya? At pinag-uunahan kang hanapin ka," pagku-kuwento ko at tumangu-tango lang siya.

"Kung makikita ka ni Hillarus, o sina Drim at Crim ay ilalayo ka na nila from Cervin. At dahil sumama ako ay ako ang magpapalayo sa 'yo sa kanya. Gusto mong sumama sa akin?" tanong ko at mabilis na nilunok ang kinakain niya. Uminom na muna siya ng tubig bago sumagot.

"Actually...alam ng Lervin babe mo kung saan ako tumutuloy," sabi niya at nanlaki 'yong eyes ko.

"What the fuck?!" ako naman ang napamura. Nahawa ako sa asawa ko.

"Saka isa pa...siya ang nagbabayad ng expenses ko," she added.

"What the fucking fuck?!"

"Aray, Art. Hindi ka naman palamura, ha? Bakit ba mura ka nang mura riyan?" nakangiwing tanong niya sa skin.

Naiinis ako dahil may alam pala ang magaling kong asawa kung nasaan ang kaibigan ko! Mag-a-I love you, too na sana ako sa kanya dahil hindi niya pinabayaan si Shin pero nag-back out din ako dahil hindi niya naman sinabi.

"Ilang buwan na ang baby mo?" tanong ko nang mahimasmasan ang kalooban ko.

"Four months," nakangiting sagot niya at para siyang bata nang tinaas at pinakita pa niya sa akin ang apat na daliri niya.

Mukhang hindi naman siya malungkot dahil ang saya-saya niya.

"Bakit ka umalis sa poder niya?"

"Tapos na naman ang kontrata namin dahil nakita at nahanap na niya ang legal wife niya. Alam mo namang proxy wife lang ako. Saka...hindi ko na kayang mag-stay pa sa tabi niya lalo na...hindi naman niya ako mahal. Ako ang kawawa roon...katulad mo noon, Art. Namamalimos din ako ng pagmamahal mula sa kanya. Ilang beses ko ring inamin sa kanya na mahal ko siya at huwag na niyang hanapin pa ang asawa niya pero mahal niya 'yong tao, eh. Mahal niya ang asawa niya," naiiyak na wika niya at nanlambot ang puso ko.

"Isa pa sinabi niyang...gusto niyang lumaki si Cerae sa tunay nitong ina. Wala akong karapatang tumayong ina ng bata gayong buhay naman ang mommy niya." Ramdam ko ang paghihirap ni Shin.

Because, I've been there. Masakit, masakit ang pinagdaanan ko noon at ngayon unti-unti nang nararanasan ni Shin ang lahat.

Pero alam kong katulad ko ay makakaya rin 'yon ni Shin. Alam kong kaya niya.

"Aray..." mahinang bulong niya nang makita kong naghihirap siya.

Nakahawak siya sa kanyang tiyan at may iniindang sakit.

"S-Shin..."

Tinaas niya ang palad niya na tila sinasabi niyang okay lang siya. Natakot ako sa reaction niya.

"M-Madalas itong mangyari sa akin, Art. N-Namimilipit ako sa sakit..."

"M-Maselan ba ang pagbubuntis mo?" nag-aalalang tanong ko pero malungkot na ngumiti siya at umiling.

"S-sana n-nga ganoon na lang, Art."

"Shin..."

"M-May sakit ako, Art. M-May sakit din ako. P-Pinapili rin ako ng doctor, dalawang buhay pero isa lang ang maari nilang iligtas. A-Ang buhay ko ba o a-ang buhay ng a-anak ko..." Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng bato mula sa langit dahil sa sinabi niya.

M-Magkaibigan nga kami ni Shin. Parehas complicated ang love life at ang buhay namin. Ako...pagaling na. Siya, m-mararanasan na ang sakit.

"Shin naman..." naluluha kong sambit.

"I choose my baby, Art. H-Hindi ko kayang mawala siya g-gayong siya lang ang mayroon ako. S-Siya lang nag-iisa kong k-kamag-anak. Hindi ko kayang patayin ang s-sarili kong anak... A-Ayos na sa akin na ako lang ang mawala. H-Huwag lang siya...

UMILING ako dahil hindi ako sang-ayon sa nais niya.

"Shin naman...bakit nagkakabaliktad na naman t-tayo?" I can't help myself but to cry.

Ako na naman ang nahihirapan sa situation ng kaibigan ko. G-Ganito rin ba ang feelings niya noong ako naman ang may sakit? Ang sakit pala.

"Shin, parehas kayong maiililigtas. Mabubuhay kayo ng b-baby mo. H-Huwag ka namang sumuko kaagad..."

"Okay na ako, Art. Saka masaya na sana ako noong akala ko mamamatay ka na at susunod naman ako." Hindi ko alam kung joke niya ba 'yon or what. Walang hiya.

"Sabay tayong maglakbay pero deserve mo ang mabuhay dahil maraming nagmamahal sa 'yo, Art. Nandiyang ang lolo mo, ang mga in-laws mo, si Lervin at ang mga kaibigan mo. Deserve mong mabuhay..."

"Mahal din kita, S-Shin. K-Kaibigan mo rin sila, ah. N-Nandiyan sina Crim, Drim at Hillarus. K-Kaibigan natin sila saka...n-nandito pa naman ako..." Natatakot ako, natatakot ako sa mangyayari sa kanya.

Bakit pakiramdam ko sinadya ng Diyos na pagtagpuin ang landas namin ni Shin para lang malaman namin sa isa't-isa na may sakit kami parehas?

"May c-canser ako sa stomach, Art. K-Kung ipapalaglag ko ang anak ko ay mabubuhay ko pero habang-buhay ko 'yon pagsisisihan. Saka h-hindi na ako magkaka-anak pa, tatanggalin na nila kasi... Kaya mas gusto kong mabuhay ang anak ko. Deserve niya ring mabuhay sa mundong ito, Art. A-Ayaw kong ipagkait sa kanya ang mundo at ang buhay niya..." Nakikita ko, nakikita ko ang isang ina kung paano niya mahalin ang kanyang anak.

Hindi pa man lumalabas si baby sa tummy ng mommy niya ay mahal na mahal na siya nito.

"Hindi ako makakapayag..."

"Honey..."

Parehas kaming nagulat nang may kumatok at narinig namin ang boses ni Cervin.

"Open the door, please. H-Honey... Let me see you. I-I heard it, I heard everything. A-Alam kong nandiyan ka. P-Please, tigilan mo na ang pagtatago mula sa akin."

Napatakip si Shin sa bibig niya at napahikbi. Nasasaktan akong makitang ganito ang kaibigan ko.

"Honey p-please... Huwag mo naman akong pahirapan. T-Tama na ang taguan, please. A-Ayoko na..." Nagiging corny rin pala si Dr.Cervin.

"Honey..."

Bumukas ang pintuan kahit naka-lock 'yon. Siyempre may susi sila kaya nabuksan nila.

Patakbong lumapit pa si Cervin kay Shin at kinulong ito sa mga bisig niya.

Mas lalo lang humikbi si Shin at pilit na kumakawala sa pagkakayakap dito.

"Baby..." Napatingin ako kay Lervin.

Naalala ko 'yong galit niya kanina na may halong pagseselos.

"Magkaibigan nga kayo. Parehong tarantad*," mariing sambit ko.

"At parehong magmahal na nakamamatay." Napektusan ko siya dahil doon.

"Your friend is safe from Cervin. Alam kong hindi pababayaan ng kaibigan ko ang mag-ina niya. Kaya huwag ka na ring malungkot."

***

#GS1:SIBG