Xiao Kingdom is a small empire from the grasslands. Pero kahit na maliit, nanatili ito sa may pinakamalakas na militar sa lahat ng magkakatabing kaharian. At kung nasusunod ang kwento sa manhwa, ito ang naging dahilan para magkaroon ng power struggle sa pagitan nila ng Qin Kingdom.
Ngunit kahit gaano pa man kalakas ang pwersa ng Xiao Kingdom ay mananatili silang malayo sa lakas ng military power na mayroon ang Emperor Zhang Wei.
Zhang Wei is a power monster. Xiao Kingdom will be crushed with just a simple snap of his fingers.
At sa takot na mangyari iyon, walang ibang nagawa ang Emperor ng Xiao Kingdom kundi ipamigay ang isa sa mga anak niyang babae bilang palatandaan ng pakikipagkaibigan at pakikipag-alyansa na gusto niyang ipakita sa Qin.
But Emperor Hong, the Xiao Kingdom's King and the father of this Princess is a cheat.
Magbibigay na nga lang siya ng anak ay yung sakitin pa at yung least favorite niya!
Paano ko nalaman? Well, his daughter just died a few minutes ago pero wala man lang siyang awa at konsiderasyon na ipapamigay ako sa kalaban this instant!
"Listen to his majesty's orders!" ang sigaw ng matandang eunuch.
Nakalinya lahat ang mga Prinsesa ng kaharian na ito sa harapan ng Emperor. At hindi ko alam kung bakit pa kailangang gawin ito kung alam naman ng lahat ng taong nandito kung sino ang napiling tribute sa kalaban? Alam ko yun sa paraan palang ng pag-ngisi ng mga Prinsesang katabi ko. They just dodged a bullet while I've catched it with flying colors. Pero wala akong pakialam, hindi ko naman ito katawan eh.
"The eighth Princess will be sent as a bride to the Emperor of Qin, this is to preserve the long years of friendship and alliance of the two kingdoms!" ang pagbasa ng eunuch sa malaking scroll na hawak niya habang nakatayo siya sa harapan ko. "Princess Chin, take heed to his majesty's wishes."
Matapos siyang magsalita ay binigay na niya sa akin ang scroll. Well, may choice pa ba ako? Nandito na ako sa loob ng manhwa kaya go with the flow muna ako habang wala pa akong naiisip na paraan kung paano makakabalik sa mundo ko.
Tinanggap ko naman ang scroll at hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero parang magic ay alam ko na kung ano ang sasabihin ko.
"Yes, your majesty." Ang malumanay kong sagot. Bwisit na boses ito. Ito talaga ang boses ng mga babaing madaling i-bully.
Nasilip ko pa sa dulo ng mga mata ko ang hagikgik ng mga Prinsesang katabi ko.
Mga bruha!
"Princess Chin." The Emperor called me.
Mabilis naman akong naupo ng maayos.
As I've said earlier, Princess Chin is just a cameo character. Halos walang papel sa kwento. Walang ambag. At dahil doon kaya nabigla ako nang magkaroon bigla ng ganitong scene. Wala ang scene na ito sa kwento. Ni hindi naikwento at nai-describe ang lugar na pinanggalingan niya. kaya hindi ko alam kung ano ang mangyayari dito. Mas mabuti ng mag-lie low muna kesa sa gumawa ng eksena na hindi ko alam kung ano ang patutunguhan.
"You must prepare for your journey today."
His old voice announced. "You will serve the Emperor Zhang Wei upon reaching his Kingdom. You must not do anything that will displease his royal highness and affect the peace treaty between our empires. Wether it's a long lasting alliance or war, only your actions will decide for our fate."
Grabe. Ito ba ang tamang gawin mo sa anak mo na kakabuhay lang?! Ang ipadala siya sa lungga ng mga kalaban?! At bigyan siya ng ganito kabigat na responsibilidad?!
It's no wonder that Princess Chin died from having a heart attack.
Pero teka lang, base sa kwento ay hindi siya namatay ng ganito kaaga sa sakit niya sa puso. She was able to live for a few years after being bestowed as a high ranking concubine of the protagonist. Ano ba talaga ang nangyayari dito?
There is really something going on with this new plot of the story. And whatever it is, alam kong hindi ko ito ikakatuwa.
"Yes, your majesty." My voice answered as if I already know what am I doing.
Matapos ang death penalty na inipataw sa akin ng sariling ama ng Prinsesang ito ay lumabas na kami sa palasyo ng Emperor. At habang naglalakad sa pathway ay hindi ko maiwasang marinig ang bulong-bulungan ng mga Prinsesa na naglalakad sa likuran ko.
"She's a Princess from a fallen state of the Empire. It's no wonder that his majesty chose her as a tribute to that ugly Emperor Zhang Wei."
"I heard that the Emperor of Qin Kingdom is an ugly, old, fat guy..."
"He conquered lots of lands while killing so many people..."
"He's a tyrant that killed his own father, brothers and the other royals in line to the throne to ensure his power."
"Stepping to his Kingdom as a tribute only means death. It's no wonder father chose that good-for-nothing Chin as a bride. He wouldn't want to lose his beloved Princesses over that ugly Emperor."
Sa lahat ng chismis na sinabi nila ay tatlo lang ang naging tama.
Una, Princess Chin is indeed from a fallen state of Xiao Kingdom. Ang tanging nasabi lang sa kwento ay anak siya ng Emperor sa isang Prinsesa na nagmula sa isang natalong state ng kaharian na ito.
Pangalawa, Emperor Zhang Wei rose to power by killing his own father, bothers, and the other royals in line to the throne. He's a mad man. I won't argue with that. Sa nabasa kong kwento ay ginawa niyang pumatay for survival. His heart only soften upon meeting the female protagonist of the story. But before meeting her, the lives of the people around him are just mere jokes for him.
Pangatlo, stepping as a tribute to the Qin Kingdom indeed only means death. Walang natirang buhay sa mga characters except for the male and the female protagonist. It's a happy ending for them but not for the other characters. So this Princess Chin will only await death upon reaching the Qin Kingdom. The end. Sige na, huwag na kayong magbasa. Alam ko na ang tatakbuhan ng kwentong ito.
But as the thing goes now, sa totoo lang ay nagkakaroon na ako ng uncertainness sa totoong tatakbuhan ng manhwa.
Am I following the right plot of the story?
Hindi din totoong ugly, fat, at old ang Emperor Zhang Wei. Although yun naman talaga ang inaakala ng lahat ng hindi pa nakakakita sa kanya sa kwento. Hindi mo rin sila masisisi dahil sino ba ang mag-iisip na ang lalaking nagtatag ng pinakamalakas na Empire sa buong mundo at ang sumakop ng napakaraming lupain ay halos kaedad lang namin?
Hindi siya ang fave male character ko sa manhwa pero hindi ko maitatanggi that he's a fine, young man. And a dark one.
Ngayong nalaman ko na nasa loob ako ng kwentong ito ay ang tanging magiging problema ko lang ay paano makakabalik sa mundo ko.
Paano pa nga ba ako makakabalik ngayong ipapadala na ako sa Qin Kingdom as a tribute to that tyrant Emperor? Sasabay nalang ba ako sa kwento hanggang sa mamatay ang Prisesang ito? Argh. Ang gulo na besh.
Sa tingin ko ang mas tamang gawin ngayon ay sumabay muna sa kwento hanggang sa makaisip ako ng paraan kung paano makakabalik.
***
Qin Kingdom is the most powerful empire in the whole continent. Pero hindi laging naging ganun sa unang part ng manhwa. Noong si Emperor Ming o ang ama ng Emperor Zhang Wei palang ang nakaupo ay ito ang pinaka mahina at laging binubully na empire noon.
Nagsimula lang magbago ang lahat nang sapilitan ng naupo sa trono si Zhang Wei and in just a matter of few years, made this empire the strongest when it comes to militar, trade, and commerce. Hindi lang iyon ang nagawa ni Zhang Wei sa ilang taon na naupo siya. Ilang lupain at kaharian din ang nasakop niya para i-expand ang teritoryo ng Qin.
The travel time from the Xiao to Qin is freaking 3 days. At ito pa, isang palanquin na hila ng dalawang kabayo ang sinakyan ko. I'm still lucky enough compared to the twenty servants na sumama sa akin dahil naglakad lang naman sila ng tatlong araw. Nai-imagine niyo ba kung gaano katindi ang pagod nararamdaman namin ngayon?!
And now, ito pa ang sasalubong sa amin?!
"His majesty bestowed this palace to your royal highness," ang pigil-tawa at nang-uuyam na pang-welcome lang naman sa amin ng babaing ito.
Sa kasuotan niya ay sa tingin ko ay isa siyang high ranking court lady.
"This is a straightforward insult to our royal Princess!" galit na sigaw ni Mei saka hinarap ang mayabang na court lady. "Our royal highness is the eighth Princess of the Xiao Kingdom! She doesn't deserve this kind of treatment!"
Hindi ko masisi kung saan nanggagaling ang galit ni Mei.
This place is a total wreck. Sira ang mga kagamitan, puno ng mga cobwebs, at kulang nalang ay multo at pwede na itong isali sa mga horror movies. Teka, may balak bang magpatayo ng hunted house ang masamang Emperor na iyon?
At nagulat ako ha. Hindi nasali sa manhwa ang scene na ito. Princess Chin is a high ranking concubine of the Emperor kaya puro magagandang bagay lang ang mayroon siya sa manhwa. Hindi ko nabasa ang lumang palasyo na ito. Sabagay, maliit lang naman ang character niya.
Nagulantang ako ng marinig ko ang malakas na pagsampal ng court lady kay Mei.
"How dare you question his majesty's orders!" sigaw niya. "Don't bring your filth from the grasslands!"
At hindi na ako nakapagtimpi pa.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa maldita at bruhang court lady. Aba! Hindi ako papayag na apihin kami ng ganito. Palaban ako girl. Huwag ako.
"Anong sabi mo?" ang nandidilim na mukhang sabi ko sa kanya. "Baka gusto mong ilublub ko iyang ulo mo sa kumukulo na mantika na may harina at kainin kita ng buhay? Hindi mo ba alam na nangangain ng tao ang mga Prinsesa ng Xiao? Gusto mong ma-sampolan? Magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa taong napunta sa kakaibang mundo at wala pang pahinga!"
All of the servants that are standing there froze and look at me with a terrified look into their faces. Pati si Mei ay hindi makapaniwalang napatitig sa akin habang hawak parin niya ang nasampal na mukha.
Ang mahinhin at hindi makabasag pinggan na Prinsesa na pinagsisilbihan niya ng ilang taon ay nakapagsabi lang naman ng ganun. Well, I can't blame her. Princess Chin from the manhwa is the kindest and the most soft spoken character. Iyon din ata ang naging dahilan ng maagang kamatayan niya.
"What a vulgar Princess!" the court lady exclaimed. "This will be reported to his majesty!"
"Eh di magsumbong ka, gago!" sigaw ko saka siya itinulak ng malakas. "Baka gusto mo magsuntukan pa kami ng pinagmamayabang mo na Emperor na iyan eh. Ano? Suntukan nalang oh?"
Saka ko ini-crack ang knuckles ko.
Sa sobrang lakas ng pagtulak ko sa kanya ay napahandusay pa siya sa sahig. Kasabay nun ay ang pagsinghap ng lahat ng servants na nadoon na para bang hindi sila makapaniwala sa napapanood.
Their kind Princess just turned into a monster right before their eyes.
"Our Princess..." parang kinakabahan pa na pag-awat sa akin ni Mei.
"Hah! These filthy grassland people..." naiiritang wika niya bago siya naglakad paalis.
Samantalang hindi parin makapaniwala na napatingin sa akin si Mei.
"O ano?" lingon ko sa kanya.
Mabilis naman siyang umiling.
Napalingon ako sa magulong kwartong iyon at napahawak ng bewang.
So this Emperor Zhang Wei is straightforward bullying me with this filthy palace. Kinikilig pa ako sa kanya sa manhwa pero shit, ngayong nararanasan ko na ang kasamaan ng ugali niya sa totoong buhay ay hindi na ako natutuwa.
Whatever, Zhang Wei. I will survive inside this manhwa hanggang sa hindi ako nakakabalik sa earth.
Pinag-krus ko ang mga braso ko at taas noong nagsalita.
"We will clean this palace and won't let that jerk bully us like this," I announced.
But right after I said that, a horrifying scream was heard outside of the palace.
"Have mercy, your majesty!" a terrified man voice continued to beg. "Mercy!"
Mabilis naman akong napalingon sa pinagmulan ng sigaw at sa rinig ko ay mukhang nasa labas sila ng bakod ng maliit na palasyo ko.
Lumabas ako at sumunod sa akin ang mga servants.
Natagpuan ko na nakatayo ang isang grupo ng kalalakihan sa labas habang pinapalibutan nila ang lalaking nagmamakaawang nakaluhod sa harapan nila.
Pare-parehong nakasuot ng hood at black armor ang limang lalaki. Samantalang isang simpleng black armor lang ang suot ng nakaluhod. Nakatalikod silang lahat sa akin kaya di ko makita ng maayos ang lalaking nangunguna sa kanila.
"He is the mole that the Kingdom of Han sent, your majesty." One of the men said. "I found evidences inside his quarters."
Pero hindi ako naging handa sa mga sumunod kong nakita.
Without saying anything, the leader of the hooded men slash the neck of the men in front of them.
Blood splashed everywhere.
Naramdaman ko nalang ang panghihina ng tuhod ko nang makita ko ang pagpagulong-gulong ng ulo ng lalaking nagmamakaawa kanina.
"Feed him to the wolves." He ordered the hooded men. "And execute all of the members of their clan. Leave no trace of their blood into my kingdom."
I was planning to run.
Ang lahat ng tapang na mayroon ako kanina ay bigla nalang naglahong lahat. Ngunit ng dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na magawang igalaw ang mga paa ko.
Who...
Who is this man?
He turned and started to walk into my direction.
I can't move.
I can't breathe.
My eyes slowly looked up and saw the five black hooded men formed a line and bow down to him.
Hindi...
Hindi ako pwedeng magkamali.
That dark aura that's emitting from him is the only thing that separates him from the group. He have this soulless silver eyes, tanned skin, and hard feature on his face.
He's wearing a different black armor from the group.
May bahid pa ng dugo ang mukha niya habang bitbit ang duguan at malaking espada na ginamit niya sa pagpugot ng ulo ng lalaking nagmamakaawa kanina.
I felt the cold sweats that dripped into my forehead down to my cheeks. Malamig ang klima pero pinagpapawisan ako.
Then those emotionless eyes suddenly turned to me. At dahil nakatingin ako sa kanya ay biglang nagsalubong ang paningin naming dalawa.
I felt the cold shivers in every corner of my skin when he changed his tracks and suddenly walked into my direction.
He's coming.
Emperor Zhang Wei is coming.
Alam ko kung gaano siya nakakatakot mula sa manhwa pero shit, iba parin pala talaga kapag nasa personal na.
I will finally get to meet the male protagonist of my favorite manhwa. Pero hindi ako natutuwa. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa dumarating ang female protagonist sa panahon na ito kaya alam kong nuknukan pa ng sama ang ugali niya.
According to the manhwa, Princess Chin first appeared to the palace months before the female protagonist arrives and changes everything.
Oh soul of Princess Chin, how did you able to survive this fear?
Nanginginig parin ako nang tumayo na siya sa harapan ko. The man that I could only read from my favorite manga is now only a meter away from me.
Hindi siya nagsalita.
Napalunok pa ako ng tumitig sa akin ang walang kaemo-emosyon na mga mata niya. Pero dahil narin siguro sa takot ay hindi ko magawang tanggalin ang mga tingin ko sa kanya.
So we stood there and stare at each other.
"Your majesty," one of the hooded men spoke behind him. "May I introduce you to the Princess of Xiao Kingdom, Princess Chin."
At nang marinig niya ang pangalan ko ay nakita ko nalang ang unti-unting pag-guhit ng nang-uuyam na ngiti sa labi niya habang hindi parin inaalis ang titig sa akin.
"So, it's you." His voice could freeze and entire nation with fear.
"Iā-"
Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang niya itinaas ang duguang espada niya sa leeg ko. Napaatras naman ako at nanlalaki ang mga mata kong patuloy na napatitig sa kanya.
I feel like crying.
I'm so scared that I think I might collapse any moment from now. The author's way of describing how fearful and horrifying this Emperor is an understatement to what I'm feeling right now.
Shit, hindi ako na-inform na ganito pala talaga nakakatakot ang masamang Emperor na ito.
Napalunok ako ng laway nang maramdaman ko ang duguan at malamig na espada niya sa baba ko. Tumutulo pa doon ang dugo ng lalaking pinugutan niya ng ulo.
His eyes are cold while his smirk is still drawn into his handsome face. And with that voice that was filled with hate and disgust, he spoke.
"He dare to send me this thing as a threat," he said every word with loathe.
Thing?
Thing lang ako sa kanya?!
Atsaka threat?
Paano ako naging threat?!
"But worry no more," he continued with those blazing eyes. "It will not take long before your kingdom will crumble to dust under my feet."
Then he put down his sword and without saying anything, walk away with his hooded soldiers.
to be continued...