I want to die.
Pero bwisit, ayokong mamatay sa kamay ng gagong Emperor na ito! I'd rather drink poison or drown somewhere! Anything but not to him!
"Now, how do you want to die?" he said that with no emotion at all while still aiming for my forehead.
Seriously?
Now I'm still wondering how can he kill someone without feeling any remorse?
Pero sabagay, kung mamamatay ako ngayon ay baka makabalik na ako sa mundo ko at iiwan na ang kabaliwan ng Emperor na ito.
Kaya mabilis akong nagtaas ng mukha at buong tapang na nagsalita.
"Shoot." I said.
Nakita ko naman ang bahagyang pagkabigla na gumuhit sa mukha niya. Pero alam kong pinipigil niya iyon.
"I said, shoot me!"
God, I must be crazy. At alam kong ganun din ang iniisip niya.
Pero hindi siya natinag. Nanatili lang na nakatutok parin sa akin ang arrow habang nakatitig siya sa mukha ko.
At dahil hindi niya binitiwan iyon ay mabilis akong naglakad papunta sa kanya. Humarap ako sa kanya at hinila ang arrow na nakatutok parin sa akin at inidikit iyon sa ulo ko.
"Shoot." I ordered him while I continue to stare back at his wondering eyes.
Nakita ko ang tuluyang pagkabigla na hindi na niya naitago pa sa mukha niya.
At ilang minuto din kami sa ganoong posisyon bago niya naibaba ang arrow.
"Oh? Bakit mo ibinaba?" challenge ko pa sa kanya. "Sige na, patayin mo na ako. Ready na ako oh!"
At pinalo ko pa ang dibdib ko.
"Sige na, patayin mo na ako, your royal highness." Sabi ko pa sa kanya. "Diba diyan ka magaling? Oh ito na oh, ito oh."
Inagaw ko pa sa kanya ang arrow na nasa kamay niya at itinutok ulit sa dibdib ko.
"Promise, hindi ako magagalit kapag pinatay mo ako ngayon. Promise talaga." Ang pilit kong pangungumbinsi parin sa kanya. "Kaya sige na, patayin mo na ako please? Diba pinaghihinalaan mo ako na isa akong spy ng Xiao Kingdom? Well, tama ka! Spy nga ako kaya patayin mo na ako! Ready na ako, mahal kong Emperor! Sige ka, isumbong ko sa Xiao na may ganito kang training ground. Diba ayaw mo nun? Kaya ano pa ang hinihintay mo, kamahalan? Kill me! Kill me, please!"
Atsaka ako mabilis na humiwalay sa kanya at tumayo sa harapan niya. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko na parang nag-a-act na sasalubungin ko ang kahit anong gagawin niya saka ko ipinikit ang mga mata ko.
"Oh, I'm ready my beloved Emperor!" I even sang. "Kill me gently~~~"
Pero matapos kong sabihin iyon ay bigla nalang siya sumambulat ng tawa.
Sa sobrang lakas nun ay napabukas ako ng mga mata at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.
Wow.
This is the first time that I saw the tyrant and ruthless Emperor Zhang Wei laugh so hard. The man who killed thousands, even his own blood to keep his power is now laughing so hard right in front of me.
Teka, hindi naman nasabi sa manhwa na marunong din pala siyang tumawa ng ganito.
"Emperor?" ang tawag ko sa kanya at bahagya ko pang kinuwit ang braso niya dahil hindi na siya matigil sa kakatawa. "Yuhoo? Emperor?"
Natigil naman siya at naluluha pa sa sobrang tawa na nilingon ako. Mabilis naman akong lumapit sa kanya then I smiled so sweetly.
"So...papatayin mo na ba ako ha?" saka ako nagpa-beautiful eyes sa kanya. "Ha?"
Tinitigan naman niya ako gamit ang magagandang mga silver eyes na iyon.
Then he smirk.
"And who gave you the idea that I will do anything that will delight you or anyone else?" he said then leaned close to my face.
Napaatras naman ako lalo na't sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko na halos rinig ko na ang hininga niya.
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na sasabihin niya.
"I know that old fart is only waiting for you to die in my palace for him to have a reason to send his troops..."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.
Ha? Ano daw?
At sinong old fart?
Ang Emperor ba ng Xiao ang tinutukoy niya?
Doon na bumalik ang lamig ng mga mata niya habang nakatitig parin sa akin. At nang makita ko iyon ay bumalik na naman ang matinding takot na nasa dibdib ko.
Nakakatakot talaga ang Emperor na ito kapag ganung emosyon na ang nasa mukha niya!
"I didn't expected that you will be so brave to die for your kingdom."
"But Iā-"
"Shut...your...mouth."
I trembled.
Galit na siya!
Kitang-kita ko iyon sa sobrang lamig na bumalot sa mga mata niya habang nakatitig parin sa akin.
"I will make sure that you will keep breathing in my palace while your father rots in waiting..." he whispered every word into my face with total disgust. "Dare to die and I will crush your beloved Kingdom into ashes."
Iyon lang ang huling sinabi niya bago siya tumalikod at naglakad paalis. Habang naiwan akong nakatulala sa lugar na iyon.
to be continued...