Chereads / The Wolf King and I / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Sa tagal na panahon na nanunuod lang ako ng mga historical dramas, there is only one thing that you should never, as in ever do, and that is...to caught the attention of the jealous Empress. And I've made a promise to myself to only live behind the shadows of the characters of this story in order to survive.

Pero...

Anong ginagawa ko ngayon sa loob ng palasyo ng Empress at nakaluhod sa harapan niya?!

Hindi pa man umabot ng isang oras mula nang magtagpo kami ng walang hiyang Emperor na iyon ay agad na akong naipatawag ng Empress sa palasyo niya.

"Hindi ka pa tumatagal ng isang araw sa palasyo ngunit gumawa ka na agad ng eksena sa harapan ng Emperor," rinig kong wika niya gamit ang mapagmataas na boses na iyon. "As a stranger to our land, how dare you cause trouble inside the palace! Now, what punishment do you wish to experience after this degrading act?"

Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya.

Wala naman akong ginawa ah! In the first place, ang Emperor ang namugut ng ulo sa harapan ng palasyo na tinitirhan ko. Kaya bakit ako ang nasisisi ngayon?

"Have mercy, your majesty!" biglang sigaw naman ni Mei sa tabi ko. "Our royal Princess is new so—-"

"Shut your mouth!" the Empress roared. "How dare a mere servant talk back to me!"

"But I—-"

"Anyone?! Give this servant 200 beatings!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Pero bago pa man ako maka-react ay mabilis na nilang hinila si Mei palabas ng palasyo.

"Your highness!" Mei screamed for me. "Your highness! Have mercy!"

Samantalang wala akong nagawa na napatingin nalang sa galit na mukha ng Empress.

She is Empress Louyang. Ang bruha at ang lead antagonist ng manhwa. Her marriage with Emperor Zhang Wei is for political reasons only. Sa nabasa ko ay ang Papa niya ang Prime Minister ng kaharian. Ang clan niya din ang pinakamalakas next to the Emperor. But even though their marriage is for convenience only, its undeniable that she is madly inlove with the Emperor. And the reason why she's being like this is because of her jealousy. Hindi niya gusto na may makakuha ng atensyon ng Emperor sa kahit ano pa mang paraan.

Too bad for me and I got the Emperor's wrath the first time I stepped in here. For her, who never got even the slightest attention from the Emperor, that would be a big deal.

Mabilis akong lumuhod at yumuko sa lupa.

I know now what to do.

Sabagay, wala narin akong takas mula sa kanya ay gagawin ko nalang ito habang hindi pa dumarating ang female protagonist.

Nasaan na ba kasi siya para sila na ang maglaban ng bruhang Empress na ito?!

"Your majesty, may napili na po akong punishment!" biglang sigaw ko.

Napalingon naman sa akin ang mapanuri niyang mga mata.

"Tell me," she said.

Nagtaas ako ng mukha at masayang nagsalita.

"I know that your majesty is the most beautiful woman in the whole world and your heart is as wide as the ocean..." ang madrama kong wika. "Your charm will make any men fall down to their knees."

Nakita ko ang bahagyang paghupa ng galit sa mukha niya nang dahil sa sinabi ko.

"Huh, talaga?" saka niya inayos ng mabuti ang buhok. Nakita ko pa ang pagpipigil niyang ngumiti.

Gotcha.

"You have good eyes for someone like you." She said. "So?"

"So I've decided that to pacify your majesty's anger, I will help you make the Emperor fall in love with you." Ang buong tapang na wika ko. "You haven't asked but I'm a love expert from our kingdom and now I'm pleased to serve you, my Queen."

Shit.

Ano ba 'tong pinasok ko?

At love expert? Ni hindi ko pa nararanasang magka boyfriend! NBSB ako besh!

I was only planning to live a silent and peaceful life habang naghahanap ako ng paraan kung paano makakabalik sa mundo ko.

Pero bahala na. Pagdating ng lead female ay mamamatay din naman agad si Princess Chin.

According to the manhwa, Princess Chin will be a good friend to the female protagonist until her death. The Empress will be their greatest enemy and this palace will become bloody with war.

Pero wala akong pake kahit magpatayan pa sila. Ang sa akin lang ay kailangan kong maka survive hanggang sa makahanap ako ng paraan kung paano makakauwi.

Bakit ba kasi wala ang eksenang ito sa manhwa?! Hindi ko tuloy alam kung ano ang susunod na mga mangyayari! The Empress doesn't even know Princess Chin existence until the protagonist made friends with her. Pero nakilala ako ng Empress bago pa man siya dumating.

Is the story plot changing?

"Really?" the Empress voice woke me up. "And how would you able to do that?"

Shit. Paano nga ba maiinlove ang Zhang Wei na iyon sa bruha na ito? Kung sa bagay, pareho din naman silang may masamang ugali.

They are match made in hell.

"Your majesty, I heard that the Emperor loves to train on his training grounds with his soldiers." I spoke confidently. "Visiting him on his trainings will not only boost his majesty's moral but it will also open his heart for you, your majesty."

Tae.

Open his heart?

Bahala kayo magpatayan, huwag niyo akong isali sa gulo ninyo.

Nakita ko naman na napaisip siya ng dahil sa sinabi ko at tuluyan na ngang nawala ang galit sa mukha niya. Napalitan na iyon ng pangamba.

God, this Empress only wants to get the attention of that tyrant Emperor.

"You have a point," she said then turned to her servants. "Prepare my robe! I will visit the Emperor's training ground starting today. And you..."

Napalundag pa ako nang bigla siyang lumingon sa akin.

"...if I've proved that your plans weren't successful, I will put you into the dungeon along with all of your servants." She announced while raising her brows. "Do you understand?"

Mabilis naman akong lumuhod.

"I understand, your majesty."

Tinignan niya lang ako ng masama sa huling pagkakataon bago siya umalis kasama ang mga servants niya.

Phew. Muntikan na ako dun ha.

***

"Mei, bigyan mo ako ng lason." Ang utos ko kay Mei kinagabihan.

Nanghintatakutan naman na napalingon sa akin si Mei habang hindi parin siya makaupo ng maayos. Ikaw ba naman ang paluin sa pwet ng two hundred times?

"P-pero...para saan po, mahal na Prinsesa?" tanong niya.

Napatingin naman ako sa kanya at naiiyak na napasigaw.

"Kailangan ko ng bumalik sa mundo ko dahil kung hindi, mamamatay muna ako bago dumating ang female protagonist!" saka ko nasabunutan ang ulo ko at parang mababaliw ng napayuko.

That's right.

Mauuna pa ata akong patayin ng Empress bago dumating ang female protagonist. Paano nga naman maiinlove ang Emperor sa bruhang iyon?

At kung hindi naman ang Empress ang papatay sa akin, ang Emperor naman. Bakit ba ang swerte-swerte ko sa manhwa na napasukan ko? Bakit hindi nalang ako napasok sa Scarlet Heart: Ryeo as Hae Soo? Eh di sana may Wang So ako.

Naalala ko na ang tanging nagpabalik lang kay Hae Soo sa mundo ng mga tao ay nang mamatay siya sa kabilang mundo. Kung ganun, baka nga ang tanging magpabalik sa akin ay ang kamatayan ko dito. And I won't wait for Princess Chin to die of heart failure.

Tama na ang mga nakita at mga naranasan ko sa manhwa na ito. Kapag hindi pa ako nakauwi ay baka masiraan na ako ng bait.

"Huminahon kayo, mahal na Prinsesa!" sabay na sigaw ng mga servants ko habang pinipigilan nila akong inumin ang bote ng lason na ibinigay ni Mei.

Ang pinagpapasalamat ko lang ay sumusunod sa lahat ng utos ko ang handmaid na ito.

"Bitiwan niyo ako!" sigaw ko.

"Mahal na Prinsesa!" sigaw parin nila habang lahat sila ay nakagapos sa kamay ko na iinumin ko. Umiiyak pa ang iba sa kanila kasama si Mei. "Huminahon po kayo!"

At nang mapagod na nga ako ay binitiwan ko ang bote na hawak nila at mabilis na tumakbo palabas.

"Mahal na Prinsesa!" sigaw nila saka nila ako hinabol palabas.

I have to die for that is my only way to live.

Malamig ang gabi at dahil sa dilim ng paligid ay hindi ko makita ang pathway na dinadaanan ko. I don't even know this place!

Hanggang sa hindi ko sinasadya ay naabot ko ang malawak at bakanteng lupain na iyon. May mga board ng pana sa dulo at mga nakaayos na mga kagamitan ng militar naman sa tabi.

This must be the Emperor's training ground.

Napalingon ako sa likuran ko at dahil siguro sa dilim ng paligid ay nailigaw ko ang mga servants na naghahabol sa akin.

Kaya ngayon ay natagpuan ko ang sarili ko na mag isang nakatayo sa gitna ng training ground na ito. Ang tanging nagbibigay lang ng ilaw sa paligid ay ang mga nagkalat na torch sa bawat sulok.

At dahil sa curiousity ay naglakad ako palapit sa board ng pana na mayroon doon at manghang napatingin sa mga kagamitan.

Wow.

Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito sa tanang buhay ko. So this is the Emperor's training ground. This is where he's training his soldiers to kill and conquer lands.

Hinawakan ko ang board na nandoon at manghang nahaplos ito.

But all of a sudden...

An arrow came flying to my direction and pierced the board that I'm touching. Muntik pang tamaan ang kamay ko kung hindi ko lang ito mabilis na nahila paalis.

Nanghintatakutan akong napalingon sa pinagmulan ng arrow.

"Sino ang—-" pero bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isa pang arrow ang tumama sa akin at tinamaan nito ang laylayan ng damit ko. At dahil doon kaya nai-pin ako sa malaking board na nasa likuran ko.

I was trembling.

Whoever this arrow shooter must be an expert. Dahil konting pagkakamali lang ay maaari akong tamaan o mamatay this instant.

"S-sino ka?!" nanghintatakutan kong sigaw.

Wala akong makita dala narin ng sobrang dilim.

Mula sa madilim na lugar na nasa harapan ko ay unti-unting lumitaw sa liwanag ang lalaking iyon.

At nang tuluyan na ngang nailawan ang gwapong mukha niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

It's Emperor Zhang Wei!

"Spying on us now, Princess?" he said with sarcasm on his voice. "But you're too bad to be one."

Atsaka niya itinaas ang pana na hawak niya at itinutok na naman ulit sa akin iyon. This time, he's aiming for my forehead.

I trembled.

And with that smirk on his face, he spoke.

"Now, how do you want to die?"

to be continued...