P R O L O G U E
"Ohh ahh."
Napahinto sa pagsasalita ang guro sa harapan nang makarinig ng ungol. Galit na galit siyang bumaling sa iisang babae na alam niyang may kagagawan nito, Serafina.
"MS. MADRIGAL GET OUT!" the old lady in front of them shouted to the top of her lungs as she glared to the girl at the back.
The lass just rolled her eyes then stood up to leave. Everyone fell into silence as she walked towards the door. Hindi nila malaman kung dahil ba sa galit ng guro o sa anumang pwedeng gawin ng babae kung bakit sila tahimik. Nakikiramdam lang sila.
"You slut! Nakuha mo pang makipaglampungan sa klase ko! Hindi ka na nahiya!" sigaw ulit ng matanda bago pa man mapihit ng dalaga ang pintuan ng classroom.
She hates explaining. Hindi niya ikakamatay kahit pagbintangan pa siyang gumagawa ng milagro sa loob ng klase. Pero naiirita siya sa taong dada nang dada. Pinapalabas na nga siya ng classroom dadakdakan pa siya. It's really annoying.
She looked again to where she was sitting earlier and saw her seatmate, also looking at her. A mischievious smirk formed on her lips. She just plotted an evil plan on her head.
"I want more babe. Later on your pad. Ohh," she said effortlessly seductive with a moan.
Mas lalong nag-init ang ulo ng Ginang. Pulang-pula na ang mukha nito na halatang nagtitimpi ng galit. She's a volcano at its errupting point. Ang ibang mga kaklase naman ng babae ay napangisi na lang sa inasta nito. Serafina is really a bitch. This old woman annoyed her and she just returned the favor.
"Talagang ang kapal naman ng mukha mo! GO TO THE GUIDANCE NOW!" nanggagalaiti nitong ani.
Talagang sinagad na ni Sera ang pasensya ng matandang guro. Nakakuyom na ang mga kamay nito na anumang oras ay handa nang humablot ng kung anong pambato.
She just rolled her eyes, opened the door and confidently left the classroom.
ββββββ
"
THAT girl! she just nearly make out on my class," boses ng guro nila ang umalingawngaw sa loob ng opisina ng guidance counselor nila.
Napairap na lang si Sera. Katapat niya ang guro nila habang nakaharang ang long table sa pagitan. Sa dulo naman ang guidance counselor ng school.
She crossed her arms and just stared on the close door, waiting for someone. Someone that her parents sent to be their proxy in this counseling meeting again.
"Is that true Ms. Madrigal?" A woman in her late fifties asked. Her hair was bunned while some white hairs were exposed. She's wearing an eyeglass and that made her look strict.
Sera just glanced at her. Agad niya ring binalik ang tingin niya sa may pinto. Napailing na lang ang Guidance Counselor samantalang mas nanggalaiti pa ang guro.
"You don't need to ask her, Ms. Rivera. Siya lang naman sa klase nila ang may pinakamaraming records dito," giit pa ng guro.
Hindi na lang siya pinansin ni Sera. She hates explaining. It would be just a waste of her time and effort.
"Ms. Madrigal," tawag ulit sa kanya ni Ms. Rivera.
"What?" inis niyang wika.
"See, Ms. Rivera. She's rude."
"Ms. Santiago let her speak," putol sa kanya ni Ms. Rivera.
As if she would speak. She's certainly sure na once dumating ang pinatawag ng daddy niya ay aalis sila ng opisinang iyon na parang walang nangyari.
"You heard what Ms. Santiago said, right? Then just believe it, Ma'am. Don't prolong this counseling." Pinilit ni Sera na huwag magtunog sarkastiko sa pandinig ng Counselor pero hindi pa rin siya nakaligtas sa guro.
Minsan naiisip niyang pinaglilihian siya ng matandang guro. She's always mad at her. Kahit simpleng bagay na involve siya ay talagang kumukulo na ang dugo nito sa kanya.
"Walang ka talagang ga--" Naputol ang pagsasalita ni Ms. Santiago nang marinig ang katok sa pintuan.
Pasimpleng napangisi si Sera. Ito ang kanina pa niya inaantay. Ang taong maglalabas sa kanya sa apat na sulok ng nakakabagot na kwartong ito.
"Paumanhin sa aking huling pagdating," pormal na saad ng taong iniluwa ng pintuan nang mabuksan na ito.
Bahagya pa siyang lumingon kay Sera na inikot lamang ang mga mata. It was her new butler. Dalawang linggo pa lang siya sa kanila at istriktong istrikto ito sa kanya. A kind of server that Sera doesn't want.
Hindi naman bakas sa itsura nito na may edad siya dahil bata pa lang naman talaga ito. Sa katunayan kung nag-aaral siya ngayon ay pag-aagawan siya ng mga babae. Makakapal na kilay at kulay brown na mga mata. Matangos rin ang ilong, matangkad at malinis tingnan dahil sa taglay na kaputian. Kung hindi nga lang ito istrikto at lagi siyang pinagsasabihan ay magkakagusto siya sa kanya. Anim na taon lang naman ang tanda nila sa isa't-isa.
Anak ng isang dating katulong nila ang bago niyang butler sa isang mayamang Kano, na namatay na at napag-alamang may asawa na pala. Matagal-tagal ding nanilbihan ang nanay niya sa mga Madrigal kaya agad na napagkatiwalaan ng mag-asawang Madrigal ang lalaki.
"It's okay. Take a seat," anyaya sa kanya ni Miss. Rivera. Umupo siya sa tabi ni Sera sa kanan. "Mukhang alam mo na ang ginawa ni Ms. Madrigal, tama ba?" the counselor asked.
Isang tango lang ang sinagot ng kasama ni Sera. Sinipa ni Sera ang paa nito kaya napatingin ito sa kanya. She glared at him saying "make-it-faster". But the butler just gave her a blank look.
"Alam naman namin na ayaw ng palakihin ni Mister Madrigal ito. Hindi rin namin mabigyan ng kaukulang parusa si Ms. Madrigal dahil isa ang pamilya nila sa may pinakamalaking shares sa school na ito. Kaya gaya ng laging ginagawa..." huminto muna si Ms. Rivera sa mahaba nitong litanya habang naglalakad patungo sa shelf niya.
Ganito ang laging nangyayari tuwing nasa guidance sila. Mag-ispeech ang guidance counselor tungkol sa kung sino ang tatay niya sa eskwelahang ito at magtutuluy-tuloy sa pag-recite ng mga morals ng school.
"Ang kasalanang ginawa niya kanina ay labag sa morals ng paaralang ito. We do not tolerate that kind of act. The classroom is for those who wants to learn. Not to for those who just wanted to satisfy their sexual needs," dagdag pa niya habang naglalakad pabalik sa kinauupuan. Bitbit na niya ang folder ng school records ni Sera.
"And me, as the guidance counselor shall put it on her records."
"Disrespecting me is also a violation!" singit ni Miss Santiago.
"Kung 'yan naman ang patakaran sa school na ito wala naman kaming magagawa," seryoso pa ring saad ng lalaki.
"Nagkakaintindihan naman pala tayo. Mister?"
"Reyes. Seikon Reyes," pagpapakilala ni Seikon.
"Mukhang hindi ito ang huli nating pagkikita, Mister Reyes."
"Nagkakamali po kayo, Miss Rivera," nakangiting sambit ni Seikon dahilan para mangunot ang noo ng tatlo niya pang kasama. "If Miss Sera will speak now. This would be our last encounter," he added.
"What are you talking about?" inis na asik ni Sera.
"Katulad ka rin ng batang binabantayan mo masyadong mayabang," komento ni Ms. Santiago.
He let out a slight smile. "I don't believe that Ms. Sera did that immoral thing during your class, Madame. Even though she doesn't know how to respect, I know she wouldn't do anything that is against her dignity," paliwanag nito at bahagyang lumingon kay Sera. "Right, Miss Madrigal?"
Natulala na lang si Sera sa sinabi ng binata. For the first time in her sixteen years of existence, there is someone who choose to belive that she didn't do anything wrong without herself explaining.
Nakatatak na sa isipin ng mga taong nakapaligid sa kanya na siya ang mali. Kaya nga nang may marinig na ungol kanina ang guro nila ay siya agad ang sinisi. She didn't bother to explain at all dahil alam niyang walang patutunguhan iyon. Ipipilit at ipipilit ng guro nila na siya ang may kasalanan.
"Ilan ba sa nakalista sa records mo ang ikaw talaga ang gumawa o nagsimula? You may be a brat but not a wicked evil. Why don't you try to speak, Miss Sera?" tanong pa ni Seikon na hindi pa rin inaalis ang ngiti.
"I believe that she didn't do the first offense. And for the second one, it's possible that she did it. But seeing that she didn't even asked Miss Sera on what really happened, it's also disrespecting her rights," baling naman niya sa guro.
Wala na! She's already speechless. For the first time there's someone who defended her.
Kahit ang mga magulang niya ay hindi maniniwala sa kanya. But this man beside her, walang pagdadalawang isip na kinampihan siya sa kabila ng palagian niyang pagpapasakit ng kanyang ulo.
He made her wanted to shout at everyone to listen to her, to believe her. He made her wanted to scream all the pain inside her. He made her wanted to be the person that she never imagined that she wanted to be. He made her want him all by herself.
"You didn't do it, Miss Sera, right?" he asked again.
Iniangat niya ang kanyang ulo at nagtama ang mga mata nila. Hindi niya alam ang mararamdaman. Gusto niyang magpaliwanag ngayon din ngunit nilulunod siya ng mga mata ng lalaki.
Gusto niyang tumitig na lang doon at kalimutang may mga tao sa paligid. Kung puwede lang...
"Yes. I didn't do anything wrong," she finally said still staring at him.
She wanted to hug him and just cry on his shoulders. She never expected this day would come, where she wanted to act like a lost kid instead as the well known bitch.
"See? she said she didn't do it. Ask her seatmate. Investigate. Investigate before sending an innocent woman in this boring room," aniya habang nakatingin sa dalawang guro.
Hindi na hinintay ni Seikon na sumagot pa ang dalawang ginang. Yumuko ito bilang tanda ng paggalang bago tumayo at hinila si Sera palabas ng lugar na iyon.
Innocent. A new word for her. A word that was never been used to describe Serafina.
Buong lakas na huminto si Sera sa paglalakad. Huminto rin ang lalaki dahilan para mauntog siya sa likod nito.
"Why do you believe that I didn't do anything wrong?" tanong niya nang pareho na silang nakahinto.
Seikon stopped and turned to her. "I believed in you. 'Yan ang mahalaga. Hindi na kailangan ng eksplanasyon," he answered. Sincerity was evident on his face. She wanted to burst out but she prevent it from falling.
"C-can you continue b-believing me?"
Napayuko na lang siya nang maramdamang nakatitig lang sa kanya si Seikon. She's acting like a lost kid right now but she doesn't mind it.
"Never--"
"I will."
Wala na. He made her wanted to fall to him. He made her wanted to be his temptation.
###