C H A P T E R 1
MALAYO pa lang sa hapag kainan ng mansyon ng mga Madrigal ay rinig na ang boses ng nag-iinarteng si Sera. Napahilot na lang sa sintido niya si Seikon habang nilalakad ang daan patungo roon.
Linggo ngayon at dapat ay day off niya pero mukhang aabalahin pa siya ng dalaga. Ngunit kung hindi siya pupunta roon ay kawawa ang mga katulong na mapagdidiskitahan ni Sera.
Nadatnan niyang natatakot na inilalapag ng isa sa mga katulong ang isang putahe sa harap ni Sera. Ayon sa nakikita niya ay mukhang nag-iinarte sa pagkain ang alaga niya.
"Ingungudngod ko sa mukha ni'yo 'to kapag hindi ko ito nagustuhan," banta niya sa tatlong katulong na nakahilera sa kanyang gilid.
"Isang propesyonal na chef ang nagluluto ng pagkain mo kaya imposibleng hindi masarap ang pagkaing nakahanda sa lamesa."
Napa-angat ang kilay ni Sera nang marinig ang pamilyar na boses. Kaagad niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Pinasadahan niya ng tingin ang binata. Nakamaong at kulay asul na long sleeve ito. Bihis na bihis at mukhang may lakad. Pagkakamalan pa itong may ari ng mansyon kung sakali mang may biglaang bisita sila.
She just rolled her eyes and picked up the spoon. Kumuha siya ng pagkain at akmang susubo nang may biglang umagaw ng kutsara niya. Nagulat pa siya ng makitang nakatayo na sa gilid niya si Seikon na kanina lang ay nasa kabilang dulo ng long table.
"What are you doing?" asik ni Sera nang biglang isubo ni Seikon ang pagkain.
He signaled to the maids for them to leave. Aalis na sana ang mga ito pero muli silang tinignan ng masama ni Sera kaya wala silang nagawa kung 'di ang manatili.
"Are you out of your mind, Seikon?"
"This one tastes good," pagbabalewala niya sa tanong ni Sera. "Hindi mo na kailangan ang mga katulong mo," dagdag nito habang nakatingin sa relo nito sa pulso.
Muli na namang umikot ang mga mata ni Sera at akmang aagawin na ulit ang kutsara sa kamay ni Seikon ngunit iniwas iyon ng huli.
"Seikon!"
"Open your mouth," utos ng binata habang nakatapat sa bibig nito ang kutsarang may lamang pagkain.
"I don--" napatigil siya ng bigla na lang isubo sa kanya ni Seikon ang kutsara.
"You're being a brat again," komento nito. "It's sunday. My day off"
"So nakakaistorbo ako sa'yo at late ka na sa date mo?" she said trying not to sound too obvious.
Wala naman talaga siya sa mood para kumain. Gusto niya lang na huwag umalis ang binata dahil alam nitong sa nobya lamang niya ito pupunta. Kaya nga heto siya at pilit na dinadamay ang lahat para sa kanyang plano.
"That's not what I mean. I am not your butler at this day so I can do this," he explained. His right hand is on her chin while his left arm is holding the spoon.
Hindi na makakilos si Sera ng mga oras na iyon kaya wala na siyang nagawa nang itinutok muli ni Seikon ang kutsara sa kanya. Binuka na lamang niya ang bibig para maipasok iyon ng lalaki.
Nakatitig lang siya sa mga mata ng binata habang ngumunguya. She can't help but to stare at his brown eyes. It looked like a transparent one kaya kapag tinitigan ay hindi mo na makayang alisin ang titig.
"Now, kailangan mo pa ba ng ibang putahe?" tanong ng binata habang patuloy sa pagsubo sa kanya.
Umiling si Sera kaya binitiwan na siya nito. Agad namang humaba ang nguso niya pero agad ring bumalik ang masungit niyang ekspresyon nang muling mabaling ang tingin ni Seikon sa kanya. Nag-umpisa siya sa pagkukunwari niyang kumakain.
"I have to go. Bye Sera!" paalam nito at saka nagmamadaling umalis.
How she wanted to get rid of Sunday on the days of the week. Sana hindi na niya problemahin kung sino man ang makakasama ng binata sa araw na iyon. But on the other hand, kung ito lang ang araw kung kailan makikita niya ang mga ngiti ni Seikon ay hihilingin niyang, sana Linggo araw- araw.
Pero hindi iyon ang dapat niyang pag-isipan ngayon. She needs to follow him.
●●●●●
SA tapat ng isang simbahan sa Baclaran huminto ang taxi na pinara ni Sera. Hindi siya gumamit ng kahit alin sa mga sasakyan nila dahil baka mahalata ito ng lalaki at magalit pa sa kanya.
"Mam baka gusto mo na pong bumaba kanina pa tayo binubusinahan ng mga sasakyan sa likod." Ramdam niya ang pagkasarkastiko sa boses ng driver kaya muli na namang pinaikot ang kanyang mga mata.
Kumuha siya ng isang libo mula sa wallet at saka pahagis na ibinigay ito sa driver. Bumaba siya ng taxi at padabog na isinara ang pinto nito. Umaandar na naman ang pagiging maldita niya.
Taas noo siyang naglakad papasok sa gate ng simbahan. She didn't mind the stares that they were giving to her. Ang mahalaga ay mahanap niya si Seikon at ang kasama nito.
Wala talaga siyang ideya sa kung sino man ang babae ng lalaki. Sa halos tatlong buwan na niyang pagpapansin at pag-stalk dito ay wala pa siyang napapala. Yes, it's been 3 months since that incident happened. Ever since that day, she made a goal and that is to get that man. The man who believes in her.
"Ineng sampaguita 10 piso lang." Napahinto sa paglalakad si Sera nang makarinig ng boses ng isang matanda. Akala niya ay siya ang tinatawag nito ngunit ang isang babae pa lang mas malapit sa tindera.
Hindi niya alam kung bakit nakuha ng babae ang kanyang atensyon. She was only wearing a simple white dress, an inch above the knee, a flat shoes and a simple make up on her already angelic face.
"Ang ganda mo Ine. Ang swerte ng boyfriend mo," nakangiting pahayag ng matandang tindera.
Napairap na lang si Sera. Masyadong bolera ang matanda.
'Akala niya mas dadami ang kanyang kita kung uutuin niya ang mga customers'
"Naku! hindi naman po pero salamat," nahihiyang tugon ng babae.
Sera rolled her eyes again. Kapag siya ang lumapit sa matanda ay paniguradong maiitsapwera ang babae.
Dahil nga may sa makulit si Sera, naglakad siya patungo sa kanila.
"Can I buy?" tanong ni Sera nang makalapit sa tindera.
Tiningnan siya ng tindera mula ulo hanggang paa. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na irapan ang matanda.
"Saang party ka ba pupunta ija? Simbahan ito tandaan mo," pagsusungit ng matanda.
Sinipat niya ang sarili. She was wearing four inches heels and a black dress below the knee. Hapit ang sa taas nito kaya kita ang kurba ng katawan at ng hinaharap niya. Ang likod rin nitong pa V ay walang tela hanggang sa bewang. Anong mali doon?
"What's wrong with these clothes?" mataray na tanong ni Sera.
Bumaling ang tingin ni Sera sa babae. Sakto namang nakatingin din ang dalaga sa kanya. Binigyan siya nito ng isang tipid na ngiti. Ang inosente ng mukha niya ngunit nang ngumiti na siya ay mas nagmukha itong anghel. Hindi man siya kasing kinis ng babae ngunit masasabing alaga ito.
"Ija nasa simbahan ka. Magpakadisente ka naman," ani matanda.
Sa panahon ngayon ang suot niya ay matatawag ng disente at ang suot ng babae ay baduy.
"This is decent."
"Naku mga kabataan! Nasa Pilipinas pero wagas maka-ingles," saad ng matanda.
Sasagot pa sana si Sera nang makarinig ng tunog ng tawag. Mula iyon sa babae. Nagmamadaling niyang sinagot ang tawag.
"Hello?... Oo, nandito na ako. Sorry talaga, Sei, na-traffic ako eh. Oo, papunta na ako riyan bibili lang ako ng sampaguita. Oo. Sige. Bye Seikon."
Seikon...
Seikon...
Seikon...
Paulit-ulit na nag-play sa utak ni Sera ang pangalang binanggit. Hindi naman siya mali ng dinig, 'di ba? Did she mean Seikon? Seikon Daryl Reyes? her Seikon?
Bumaling sa tindera ang babae at nagbayad. Ngumiti naman ang ginang at biniro pa ito. Napa-irap na lang si Sera at saka sinundan ng tingin ang papaalis na babae.
"Bibili ka ba ija?" mataray rin na tanong ng tindera.
"No. It's too cheap," makahulugang aniya. Hindi siya nakatingin sa sampaguita kung hindi sa papalayong babae.
It's his girlfriend. So ganoon pala ang tipo ni Seikon? She needs to prepare herself.
ALIGAGA ang mga katulong sa mansyon ng mga Madrigal. Pagkauwi na pagkauwi kasi ng senyorita nila ay kaagad niyang kinontak ang iba't ibang sikat na boutique para magpadala ng mga damit. Kaya nakahilera ngayon sa living room nila ang iba't-ibang klase ng damit na idiniliver mula sa sampung magkakaibang shop.
"ARGH! WALA NI ISA DITO!" sigaw ni Sera habang iniisa-isa ulit ang mga naka-hanger na damit.
Ilang ulit na niyang inisa-isa ang mga damit doon ngunit wala pa rin.
"What kind of dress exactly are you looking, Sera?" inip na inip na ring tanong ni Kestrel.
Kestrel is her friend. Atleast on Kestrel's perspective. Siya lang din kasi ang babaeng nakakatagal sa kanya. Her bitchy attitude is one of the factors why they cliqued as friends.
Katulad ni Sera ay kanina pa rin naghahanap ang kaibigan. Kaya lang, hindi niya alam kung anong damit talaga ang hinahanap ni Sera.
"The one that the cheap girl was wearing," iritableng sagot nito.
Napairap na lang rin si Kestrel. Ilang beses na bang ganoon ang isinagot sa kanya ng kaibigan? Hindi naman niya alam kung ano ba ang suot ng sinasabi nitong babae. At mas lalong hindi niya alam kung sino ang babae.
Makalipas ang ilan pang hanapan ay napagpasyahan na ni Kestrel na magpahinga. Umupo siya sa sofa habang pinapanood ang aligagang-aligagang si Sera sa paghahanap. May mga ilang damit na rin ang wala na sa ayos mula sa pagkakahanger. Kinuha naman na ng iba ang ilan ngunit nagpapadala ulit ng panibagong set. They wanted to please the young Madrigal. Kaya hanggang ngayon ay tambak pa rin ang sala nila.
"Do you mind telling me what dress you are exactly searching for?" sarkastikong sambit ni Kestrel. "And oh please don't answer me with 'the dress that the cheap girl was wearing." dagdag niya habang pilit ginagaya ang boses ni Sera.
"Kasi hindi ko kilala ang babaeng tinutukoy mo," she added.
Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay muli na naman niyang pinaikot ang mga itim na mata. She needs to find it. Kung mga ganung pormahan ang gusto ni Seikon, kailangan niya talagang makuha iyon. Pero kanina pa sila naghahanap at hanggang ngayon ay wala pa rin.
"Serafina Madrigal!" untag sa kanya ni Kestrel.
"What! what! what!?" malakas na sigaw niya.
"What kind of dress?"
"It was just a simple white dress no designs an inch above the knee. Not revealing." tugon ni Sera na hindi pa rin tumitingin kay Kestrel.
"And the girl?" tanong ulit ni Kestrel.
Biglaang tumunog ang doorbell ng gate nila. Nakakonekta iyon sa speaker sa loob ng mansyon. Binalingan niya ng tingin ang isang katulong. Agad namang nakuha ng katulong ang nais ipahiwatig ni Sera kaya dali-dali itong tumalima.
Hinarap naman ni Sera ang kaibigan na prenteng nakaupo sa sofa.
"Seikon's girlfriend." Halata sa boses ni Sera ang iritasyon.
Hanggang ngayon kasi ay hindi niya mawari kung ano kaya ang nagustuhan ng binata sa kasintahan niya ngayon. She's too simple.
"Hindi na dapat pala ako nagtanong. Sa butler mo lang nga pala ikaw nagkakaganyan," tatangu-tangong turan ni Kestrel.
"That's right! Help me here instead!"
"Alam mo ba kung bakit siya nagustuhan ng butler mo?" Hindi pinansin ni Kestrel ang anyaya ni Sera sa halip ay nagtanong pa ito.
Ayaw sanang sagutin ni Sera ang tanong. Bukod sa nag-iinit ang kanyang ulo ay kailangan niya pang mahanap iyon. Malapit nang dumating si Seikon.
"I don't know! She's too simple!"
"Exactly! She's simple! That's what your butler likes about her not the dress, Sera. Hell!" Kestrel raising her point.
She really has a point. Hindi lang talaga sa pagiging mataray may alam ang kaibigan. She knows how to understand other people too.
"So what should I do?"
Hindi niya talaga lubusang maisip na ganito siya kapatay na patay kay Seikon. She's willing to do her own ways to get him
###