C H A P T E R 2
MAAGA palang ay gising na si Sera para ihanda ang sarili. Inalala niya ang mga sinabi ni Kestrel sa kanya kahapon. If she wanted to be the simple girl that Seikon wants, kailangan niya munang umpisahan ang pagbabago sa mga nakasanayan niya.
Kahapon rin ay nagpasadya sila ni Kestrel ng uniform. Ang dati niyang checkered brown skirt na kalahati ng legs niya ngayon ay isang dangkal na pababa ng tuhod niya. Ang blouse niya na may brown lining sa collar na hapit sa kanya ay bahagya niyang linuwagan. Tinanggal na rin niya ang ilang mga make up sa mukha. Tanging lipbalm na lang ang nilagay niya sa labi niyang natural ng mapupula. Her heels which was 5 inches before, now it's only 2 inches. Hindi naman siya pandak at katangkaran.
Hindi na branded hand bag ang gamit niya ngayon kundi branded backpack.
Muli niyang sinipat ang sarili sa malaking salamin sa walk in closet niya. Bagay pa rin talaga sa kanya kahit anong klase ng damit. Hindi nga lang siya sanay sa ganoong istilo. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok niya na hanggang bewang. Ewan nalang niya kung hindi siya mapansin ng binata.
"Ms. Sera!" mula sa labas ng nakabukas na walk in closet ay rinig niya ang pagtawag sa kanya ni Seikon.
Dali dali siyang naglakad palabas para salubungin siya. She wanted to see how priceless Seikon's face would be once he saw her.
"I'm done" masiglang ani Sera.
Abot tainga na ang ngiti ni Sera ng itambad niya ang sarili sa lalaki. But to her dismay, he only gave her his blank expression.
"Akala ko gigisingin pa kita." pahayag niya. "Sumunod ka na sa baba. Breakfast is ready" he added as he turned his back and left her room.
She rolled her eyes. Gustong gusto na niyang magsisigaw at guluhin ang buhok dahil sa natanggap niyang ekspresyon sa butler niya. Hindi man lang napansin ang suot niya. But give up was never been in her dictionary. She won't stop until this brown eyed man notice her.
MABIBIGAT ang mga hakbang ni Sera papunta sa parking lot ng mansyon. Kanina kasi habang kumakain siya ng almusal ay umaasa siyang mapapansin ni Seikon ang ayos niya. Ngunit ang loko ay ang mga katulong ang kausap. Gustong gusto na ngang ipaghahagis ni Sera ang mga plato sa mga katulong ngunit alam niyang kailangan niyang pigilan ang sarili.
Seikon wants a simple girl. She should change herself now.
"Wala ka ng nakalimutan Ms. Sera?" tanong ni Seikon na habang nakatayo sa gilid ng kotse at nagaantay kay Sera.
"Wala na" sagot ni Sera ng may himig ng pagtatampo.
"Good" ani Seikon at akmang pagbubuksan na ang pinto ng kotse si Sera pero inunahan siya nito.
Padabog na isinara nito ang pinto at nakabusangot ang mukha na umupo sa passenger seat. Nageffort siya para lang maimpress ang lalaki ngunit ni isang ngiti o ano ay wala siyang natanggap.
ISANG ngiti ang sumilay sa mga labi ni Seikon habang pinagmamasdan ang kotseng papalayo. Napailing nalang siya habang naglalakad papasok ulit ng mansyon.
Kanina pa niya nais pakawalan ang mga ngiting iyon. Simula ng makita niya sa silid nito ang nakangiting itsura ng dalaga habang suot ang uniporme nito at walang kahit anong kolorete sa mukha. Nang mga oras na iyon ay nais na niyang matawa. Who would have thought that Serafina Madrigal would dress up like that. Alam niyang para sa babae kabaduyan ang pagsusuot nun.
Pero hindi rin naman niya maitatanggi na maganda ang dalaga kahit nabawasan ang make up nito. She's undeniably pretty even without the shits.
Nang makalabas naman siya ng kwarto nito ay mukhang tangang nakangiti lamang siya habang bumababa ng hagdan. Napansin naman ito ng ibang kasambahay kaya tinanong siya ng mga ito. Hindi kasi siya madalas ngumiti kapag nasa trabaho siya. He always maintain his seriousness while being Sera's butler. Para kasi sa kanya ay trabaho ito. Ayaw niyang maging mabait sa alaga dahil paniguradong aabuso ito.
Pilit niyang iniiwas ang tingin sa dalaga habang kumakain ito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili sa pagngiti o pagtawa. Kung kaya't ang mga katulong na nakahilera ang kinakausap niya at nagtatanong ng kung ano mang bagay na hindi na sakop ng trabaho niya. He is Sera's butler. Si Sera lang dapat ang iintindihin nito.
Nang makita na niyang patapos ng kumain ang dalaga ay nauna na siyang umalis papunta sa parking. Alam niyang wala na naman sa mood ang alaga niya. Habang kumakain kasi ito ay malalakas ang bagsak ng kutsara at tinidor niya. Akala niya pati ugali nito ay babaguhin niya ngayon pero mukhang hindi. Hindi siya si Sera kung hindi siya magiinarte. Hindi nga niya alam kung bakit ba nito naisipang magsuot ng ganoong damit at tanggalin ang mga abubot sa mukha nito.
"Seikon nandyan yung kaibigan ni senyorita." untag sa kanya ng isa sa mga pinagkakatiwalaang katulong ng mga Madrigal, si Manang Isme.
"Pakisabihan nalang po na pumasok na si Ms. Sera. Napaaga." magalang na tugon ni Seikon.
"Ikaw ang hinahanap ijo."
Nangunot naman ang noo ni Seikon. Anong kailangan sa kanya ng kaibigan ni Sera?
Dali dali siyang nagtungo sa sala kung nasaan ang kaibigan ni Sera. Nadatnan niya itong nakadekwatrong nakaupo sa sofa. Her bare legs were already showing. Kung gaano kahaba ang suot ni Sera kanina ay siya namang kinaikli nito. Grade 12 palang ang mga ito sa edad na 17 ngunit kung makapanamit ay akala mo nasa tamang edad na.
"Ms. Sera already left for school. Ms. Callejo" panimula ni Seikon. Umupo siya sa katapat na sofa ng inuupuan nito.
"I didn't go here for Sera. I'm here to see Sera's butler" walang pagdadalawang isip na saad nito.
"Seikon"
"Sera's butler do you have any intention on when will you reject Sera?" seryosong tanong nito.
Her green eyes are looking at him directly. Tila ba manlalapa ito kung hindi man masagot nang maayos ang tanong niya. Now he knows why the two become friends. A brat and a bitch. But this one has a matured thinking.
"What?" takang tanong ni Seikon.
"Really Sera's butler? hindi mo alam na gusto ka ng kaibigan ko? hell with that!" bulalas nito.
"Look Ms. Kestrel Callejo. I'm six years older than the two of you. That's so impossible" pagdepensa ni Seikon.
For pete's sake. He's already 23 years old.
"Alam mo bang sinundan ka ni Sera kahapon?" she asked and it made Seikon frowned in disbelief. "She wanted to know who is your girl. That's not the Sera that I know. Siya ang hinahabol. Hindi siya ang naghahabol!" pasigaw pa nitong dagdag.
"If you are concern to your friend. Let her know"
"No! You know she wouldn't listen to me. For the past 3 months I can tolerate her stalking you on your feeds, saying she likes you. Would you believe that in that 3 months she never had a fling?" aniya sa kalmadong boses na meron siya. "Pero yung ginawa niya kahapon I can't take it anymore. Matapos ka niyang sundan alam mo bang 10 boutiques ang nagpadala ng iba't ibang klase ng damit na meron sila. Sera is looking for the dress that your girl was wearing. Nagpasadya pa siya ng uniform that never been her style!"
Kestrel took a deep breathe. Alam niyang magagalit ang kaibigan niya sa ginagawa niya. Pero ito nalang ang naiisip niya. What Sera wants Sera gets. Alam niyang gagawin lahat ng dalaga makuha lang ang gusto. But she doubt that Seikon would commit infidelity or something that would destroy his relationship. At isa pa kanina pa blangko ang ekspresyon nito kaya hindi niya mabasa.
"What do you want me to do?" he asked looking on his wristwatch.
"Don't do anything! Don't smile at her even on Sundays. Don't make her fall. Don't be good to her. At huwag mo na rin siyang pansinin kung sakali mang maginarte siya tuwing linggo. It was her way to make you got late to your date!"
"Makakaasa kang gagawin ko." ani Seikon saka tumayo. "Malalate ka na."
BAKAS sa mukha ni Sera ang pagkainip sa pagaantay kay Kestrel. Ang aga kasi niyang pumasok at alam niyang magpapalate ang kaibigan dahil gawain naman ito ng kaibigan.
Kanina pa siya naaasiwa sa mga tingin na ibinibigay sa kanya. Sanay na siyang pinagtitinginan pero iba ang sa ngayon. She's not comfortable on what she's wearing.
"Naiba ata ang style mo Sera" bati sa kanya ng pinsan niyang si Prime.
She rolled her eyes. Hindi naman ito taga HUMSS ngunit ang lakas ng loob nito na pumasok sa classroom nila. He's from the college of Business Ad.
"What are you doing here?" inis na tanong niya.
"May nakapagsabi kasi sakin na may himala daw na nangyari." nakangisi nitong tugon na mas lalong nagpairap kay Sera.
Siya na naman ang number one talk ng mga tsismoso at tsismosa ng school nila.
"Umalis ka na Prime bago pa magdilim ang paningin ko sayo"
"So what is it now Sera?"
"Ano nanaman ang ginagawa mo dito Cee!" parehong napalingon ang magpinsan na sina Sera at Prime sa sumigaw.
It was Kestrel and her brother Cee. Kaibigan ni Prime si Cee na isinama dito at nagpaiwan sa pinto.
Ayaw mang pagbalingan ng init ng ulo ni Kestrel ang kapatid ngunit wala na. Napaginitan na niya. Dire diretso siyang nagtungo sa upuan na katabi ni Sera.
"Are you ok Kes?" Prime asked.
"No I'm not so get out!" sigaw niya dito.
"Ok she's mad" wala ng magawang ani Prime. Umalis ito at kinaladkad na rin ang kaibigan niyang kapatid ni Kestrel.
Hindi na nagsalita pa si Sera dahil alam niyang magsasabay lang ang init ng ulo nilang dalawa.
NATAPOS ang klase ng hindi man lang nakakapag usap ang dalawa. Dali daling pumunta ng parking lot si Sera. Kadalasang nakatayo sa tapat ng kotse nila ang driver niya ngunit ngayon ay hindi. Hindi na niya ito pinansin. Dirediretso siyang pumasok ngunit agad siyang nagulat ng makita kung sino ang nasa loob.
It was Seikon. He's the driver. This is very unusual dahil ni minsan ay hindi siya sinundo o hinatid ni Seikon sa school. And he never drive. Parating ang driver niya.
"Why are you here?" mataray niyang tanong. Nagtatampo pa rin siya dito.
"I wanted to talk to you"
-XXX-
###