Chereads / Angel's Feathers / Chapter 43 - Chapter Forty One

Chapter 43 - Chapter Forty One

Pumasok ang isang babae sa isang night club. Ang lugar na ito ay hindi lang sikat dahil sa mga malalaking taong nandoon, Ito rin ang lugar na may pinakamalaking prostitusyon. Patuloy ang negosyoo dahil sa mga malalaking tao sa likod nila.

Sa loob nang gusali, pagpasok mo pa lamang makikita mo na ang mga kababaihang halos wala nang saplot ang mga katawan na nakakandong sa mga bisitang lalaki. Punong puno ang luagr na iyon nang mga tao. Sa isang entablado naman may mga babaeng sumasayaw na kamay lang ang itinatakip sa masilang bahagi nang katawan.

Dumiretso sa paglalakad ang babae hanggang sa makapasok siya sa isang pang silid kung saan mga bisitang babae at mga bakla ang naroon sa isang entablano may mga lalaking tanging maninipis na saplot ang sout pang ibaba ang nagkukubli sa sa masilang parte nang katawan nito.

May mga sopistikadang mga ginang ang pinapalapit nang mga tauhan nang club sa mga sumasayaw naglalagay sila nang pera sa garter nang saplot nang mga lalaki kapalit nang paghawak nang mga ito sa katawan nang mga lalaki.

Labis na natutuwa ang bagong dating sa nakikita niya. Umiilaw nang pula ang suot niyang kwentas. Ang kwentas na ito ay ang tanda na ang mga naroon sa loob ay mga taong gumagawa nang kasalanan at nagdadagdag nang enerhiya niya.

"Binibini. Tumuloy Ka." Wika nang isang ginang na siyang may ari nang lugar. Inakay siya nito papasok sa loob nang silid.

"Marami kaming mga bagon----" biglang naputol ang sasabihin nito nang biglang makita ang pagiba nangkulay nang mata nang dalaga. Sa isang iglap tila nasa ilalim na ito nang kapangyarihan nang babae.

"Huwag lang sa lugar na ito mo ipakapalat ang ginawa mo. Lumabas kayo. Maraming tao ang tiyak na mabibighani sa aking ninyong galing." Ngumising wika nang babae.

"Masusunod, panginoon." Wika nang babae. Ginawa nga nang babae ang utos ni Azael. Kasama ang ilang babae at mga lalaki nagtungo sila sa labas nang syudad kung saan marami silang inakit na mga taong nagdaraan. Human as we are madali tayong matukso sa mga pagnanasa at tawag nang laman.

Dahil sa ginawa nang mga alagad ni Azael, maraming magkasintahan ang nag-away. Hindi nila mapigilan ang tawag nang laman. Para pang nang mga sandaling iyo wala silang control sa isip nila. Ang iniisip lamang nila ay ang bagay that would satify their needs.

Ang ginawa ni Azael ay isang lantarang pag-atake sa mga mortal. Naniniwala siyang malakas siya kumpara sa mga ito. Walang magagawa ang mga anghel nang diyos dahil mahihina ang mga ito. Ang makamundong pagnanasa nang mga tao ay mga bagay na nagpapahina sa kanilang mga anghel. Mas madali niyang makukuha ang mga enerhiyang kailangan niya kung ganoon ang gagawin niya.

Sa presinto kung saan na destino sina Julius at Meggan maaraming dumagsang mga nagrereklamo tungkol sa isang Club kung saan pinupuntahan umano nang mga asawa nila. Ilan sa kanila nagrereklamo na ang ilang mga minor de-edad na anak nila ay sumama sa babaeng nagtatrabaho doon at ngayon ay mga babaeng bayaran na rin.

Nang magpunta ang grupo nang mga police para patunayan ang reklamo nang mga residente. Wala naman silang ibang nakitang kakaiba sa lugar isa lang itong restaurant. Ngunit mariin pa ring iginiit nang mga tao na hindi isang restaurant ang lugar na iyon.

Dahil hindi nila ginawa ang nais nang mga tao na I raid ang lugar dahil wala silang ebedensya lalong nangalit ang mga tao sa kanila.

"Mas Mabuti pa kung isa sa atin ang pupunta sa lugar na iyo." Wika ni Nathaniel kay Arielle, Sophia at Leo. "Nanganamba akong isang fallen angel ang kalaban natin. Si Azael, Siya lang ang naiisip kung may ganitong kapangyarihan." Dagdag pa nito.

"Masama ang kutob ko sa mga nangyayari. Hindi kaya epekto ito nang madilim na ulap nang nakaraan. Alam naman nating------" wika ni Sophia.

"Ako na ang pupunta." Deklara ni Leo.

"Ngunit kung isang Fallen angel ang may gawa nito. Wala kang laban sa kanila Leo." Ani Arielle sa binata.

"Dahil ba isa na lamang akong mortal?" Ani Leo. Masakit sa kanya na wala na siyang kapangyarihan at nanliit siya tuwing iniisip niyang wala na siyang magagawa.

Wala rin siyang nagawa upang iligtas si Eugene na kaibigan niya. Na magpa sa hanggang ngayon hindi nila alam kung nasaan. Ang pagkawala ni Achellion ay isa ring bagay na nagpapahina sa loob niya. Sinong mag-aakalang aasa siya nang Malaki sa isang fallen angel na dati niyang tinutugis.

"Alam mong wala kang kapangyarihan upang labanan sila. Kahit kaming tatlo ay wala ring laban sa kanila. Ang lugar na nais mong puntahan ay isang lugar na hindi kilala ang kapangyarihan nang diyos." Wika ni Sophia.

"Kung totoo ngang hawak nang isang fallen angel ang lugar na iyon, Wala tayong laban." Wika ni Arielle.

"Ngayon lang ako nakarinig nang usapan nang mga anghel na bahag ang buntot." Wika ni Julius na lumapit sa kanila. Kasama niya sina Rick, Ben at Meggan.

"Kung narito lang sana si Eugene at Captain. Gagawa sila nang paraan upang malutas ang suliraning ito." ani Rick.

"Talaga bang mga anghel Kayo?" Tanong ni Meggan. Alam nilang ang pagdududa nang mga tao sa kanila ay bagay ding nagpapahina sa kanilang kapangyarihan. Ngunit alam din nila sa sarili nila na wala silang laban sa mga oras na ito sa hukbo ni Azael. Malakas na ang kapangyarihan nito.

"Julianne. Kung kailangan mo nang mga kasama. Handa kaming sumama sa iyo." Wika ni Ben.

"Huwag kang magpakabayani Mortal. Hindi niyo alam kung anong panganib ang gusto niyong pasukan." Asik ni Nathaniel.

"Hindi kami mga anghel. At wala kaming mga kapangyarihan. Pero bilang sundalo at alagad nang batas. Tungkulin naming ang iligtas ang mga tao. Kung hindi kami kayang Iligtas nang mga anghel. Maniniwala na lang kami sa mga sarili naming kakayanan." Wika ni Julius.

Hindi naka kibo sina Nathaniel. May punto rin naman si Julius. Dahil tatlo nalang silang sundalong anghel sa mundo nang mga mortal pinaghahariaan na rin sila nang takot. Masyado nang lumalakas ang kapangyarihan ni Lucifer.

"Hayaan niyong samahan ko kayo." Wika ni Arielle.

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo." baling ni Julianne kay Arielle.

"Total na pasok na rin ako sa gulo nang mga mortal Mas Mabuti pang tapusin ko na. Ayokong maging isang anghel na nakalimutan nang mga tao dahil hindi ko sila nagawang tulungan. Isa pa, Miyembro din naman ako nang Phoenix hindi ba?" ngumiting wika ni Arielle.

"Ikaw pa rin ang Arielle na nakilala namin." Wika ni Meggan at hinawakan ang kamay ni Arielle.

"Anong pasya niyo?" tanong ni Leo sa dalawang Anghel. Bumaling din sina Julius sa dalawang anghel. Hinihintay nila ang magiging sagot nang mga ito.

"Hindi lang ito laban nang mga mortal laban din naming ito. Misyon naming na hulihin ang mga fallen angel. Hindi kami magpapatalo sa mga mortal." Ngumiting wika ni Nathaniel. Napangiti naman si Leo sa naging tugon nang kaibigan.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko." wika ni Sophia. Isa siyang anghel tungkulin niyang batanyan ang mga tao. Napangiti si Julianne at tumingin sa mga kaibigan. Natuwa din ang mga miyembro nang Phoenix dahil sa naging pasya nang dalaga.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Jenny nang maabutan sa sala ang mg miyembro nang phoenix at ang tatlong anghel na naghahanda.

"Kailangang may gawin kami. Alam mo naman siguro kung ano ang nangyayari sa labas ngayon?" wika ni Julianne at lumapit sa kaibigan.

"Hayaan niyong samahan ko kayo." Ani Butler Lee at lumapit sa kanila.

"Hindi na. Mas makabubuting narito ka. Para may magbabantay kay Jenny at Aya." wika ni Julianne.

"Mag-iingat kayo." Wika ni Jenny sa mga kaibigan. Hanggang ngayon nagdaramdam pa rin siya dahil sa pagkawala ni Eugene at wala pa rin silang balita kung nasaan ito ngunit hindi ito ang panahon upang malungkot siya. Kailangan niyang magpakatatag. Wala ring malay si Aya. kahit ang bantayan man lamang ito ay pwede niyang gawin hanggang makabalik si Eugene.

"Butler Lee, ikaw nang bahala kay Aya at Jenny." Wika ni Julianne nang lumabas sila nang bahay.

"Mag-iingat kayo." Wika ni Jenny. Tumango si Julianne bilang tugon. Isa isang sumakat sa van ang mga kaibigan nila. Si Julius at Julianne naman ang siyang naupo sa unahan.

Nang makaalis ang sina Julianne biglang nabalot nang katahimikan ang buong paligid. Isang malamig na hangin ang umihip. Ang dalang laming nito at nanuot sa bawat kalamnan nila. kakakilabot. Taka namang nagkatinginan sina Butler Lee at Jenny.

"Si Aya!" sabay na wika nang dalawa saka nagmamadaling umaakyat sa silid nang dalaga. ganoon na lamang ang gulat nila nang pagbukas nila nang silid ni Aya Nakita nila ang katawan nang dalaga na nakalutang. Na gimbal sila dahil sa Nakita wala namang ibang tao sa loob nang silid.

Hindi nila alam kung anong klaseng hiwaga ang bumabalot sa dalaga at kung bakit bigla na lamang lumutang ang katawan niya. Maya-maya isang malakas na tawa ang narinig nila tawa na mula sa ilalim nang lupa na lalo nilang iginagimbal. Lumakas ang ihip nang hangin. Halos hindi sila makakilos mula sa kinatatayuan nila dahil sa labis na takot ni hindi nila magawang lumapit sa katawan ni Aya.

Sumuko Ka na Achellion!" wika ni Serphim. Patuloy pa rin ang panlalaban ni Achellion. patuloy pa rin niyang iginiit na babalik siya sa mga mortal na kaibigan. Sa kabila nang parusang natanggap nang katawan nito. Wala itong ibang bukang bibig kundi ang bumalik sa piling ni Aya. Ilang beses siyang tinamaan nang kidlat at ilang beses ding bumagsak ang katawan.

Hirap na ito kahit ang bumangon ngunit paulit-ulit pa rin itong bumabangon na tela ba hindi alintana ang mga parusang tinamo.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagtanggi mong bumalik siya." Ani Uriel kay Seraphim. "Hindi natin kalaban si Achellion alam mo yan. Hindi siya gaya nang mga fallen angel. Pinagsisisihan na niya ang mga nagawa niya."

"Alam ko. Kung hindi niya kayang malampasan ang pagsubok na ito. Hindi siya kapat dapat na tawaging anghel dela guardia. Hindi natin pwedeng isasa sa kamay niya ang kaligtasan nang mundo kung hindi niya kayang lampasan ang pagsubok na ito." wika pa ni Seraphim.

"Kumikilos na ang hukbo ni Lucifer. Hawak Din nila ang kapatid ni Aya. Malapit nang magumpisa ang digmaan. Malapit nang matupad ang propesiyang nakasaad sa oracle. Kung si Achellion ang nakatakda iligtas ang mundo. Anong dapat niyang gawin?" Ani Gabriel.

"Kailangan niyang labanan ang sarili niya. Ang matinding nararamdaman niya para sa mortal na iyon ay bagay na nagpapahina sa kanya. Alam nating lahat na ang relasyon nila ay bagay na hindi pwedeng pahintulutan nang ating batas."

"Aya." mahinang usal ni Achellion. Dahil sa ilang beses na pagtama nang kidlat sa katawan niya pakiramdam tila gutay gutay na ang mga laman niya. Ngunit kailangan niyang bumangon at bumalik kay Aya. Nang mga sandaling iyon, nararamdaman niya ang mahinang tibok nang puso ni Aya. Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Aya. Kaya naman kalangan na niyang bumangon at makaalis sa lugar na iyon. Dahil sa mga sugat na tinamo niya ni hindi niya kayang magpalit anyo bilang nemesis.

"I guess not all Fallen angels are evil. You can be an exemption."

"Parati mo akong inililigtas. Hindi ako naniniwalang masama ka gaya nang iba. You are my guardian Angel. At kahit anong mangyari. Maniniwala akong ikaw ang anghel ko. Magiging maayos din ang lahat."

"Thank you for staying alive all this time. Kahit hindi mo na ako nakikilala hanggang ngayon hindi mo nakakalimutan ang pangako mo."

"The Achellion I know is a person with a warm heart. Siya ang taong laging nandiyan kapag kailangan ko nang tulong." Ito ang mga sinabi sa kanya ni Aya noon bigla na lamang niyang naalala ang mga sinabi nia Aya. Ang tanging taong naniwalang iba siya sa mga fallen angel. Sa kabila nang pagiging dark angel niya. naniwala itong isa siyang anghel dela guaardia. Dahil sa kanya, naniniwala din siyang kaya niyang magbago at mabuhay para sa iba.

Ilang beses na silang sinubok na paghiwalayin noon ni Aya at nagawa nilang malampasan iyon.

"It should not different this time. Wait for me Aya." determinadong wika ni Achellion. Bigla nalang binalot nang pulang liwanag si Achellion dahilan upang magulat ang mga anghel. Ilang sandali ding nanatili ang liwanag. Nang maglaho ito nakatayo na ang binata. Nagbago na din ang anyo nito.

"How can this be possible?" Gimbal na wika ni Uriel. Ang lugar na kinalalagyan ni Achellion ay sagrado hindi gumagana doon ang kapangyarihan nang kadiliman. Ito ang luagr na pinagdalhan kay Achellion dahil ditto hindi ppwedeng gumana ang kapangyarihan niyan bilang Nemesis. Nasa harap nila ngayon ang isang Nemesis. 3 paris ang apoy na pakpak at may greenish blue eyes. Napakalakas nang aura nito at ramdam nila ito. Ang taglay nitong lakas ay sapat na upang talunin sila.