Chereads / Angel's Feathers / Chapter 46 - Chapter Forty Four

Chapter 46 - Chapter Forty Four

Nang makaalis lahat nang tao sa bahay nina Eugene. Lihim na umakyat si Eugene sa silis nang kapatid niya. Dahil may trabaho ang lahat nang naroon si Eugene ang nakatukang mag bantay kay Aya. Si Julianne at Arielle naman ay umalis upang hanapin si Achellion. Aalamin din nila kung anong kababalagahan ang nangyayari sa isang bayan kung saan may napapabalitang may kumakalat na epidemya. May hinala kasi si Arielle na hindi isang ordinaryong epidemya ang kumakalat sa lugar na iyon. Ang mga taong may sakit ay tila naagnas ang katawan nagiging mainitin ang ulo at nag-aamok.

Si Butler Lee naman ay umalis upang asikasohin ang negosyo nila. Inaayos din nito ang paglipat kay Eugene at Aya nang mga ari-arian nang pamilya nila. Kinakausap din nito ang mga director nang kingdom para ipakilala si Eugene bilang bagong CEO.

Binuksan ni Eugene ang pinto nang silid ni Aya. Nang pumasok siya doon. Mahimbig pa rin ang tulog nang dalaga. Ngumisi si Eugene kasabay ang biglang pagbabago nang kulay nang mata nito. Ang dating itim nitong mata mata ay biglang naging pula at bigla naging mabangis ang mukha. Ang ngiti nito ay tila ngiti nang isang nakakatakot na nilalang.

Aya! Wika ni Achellion at tumayo mula sa kinauupuan. Hindi niya magawang bumalik kay Aya dahil natatakot siya sa sinabi ni Serphim na siya pa ang maging dahilan nang kapahamakan ni Aya. Habang naroon siya sa rooftop nang isang building, bigla niyang naramdaman ang panganib sa paligid ni Aya. Alam niyang walang kalaban laban ngayon si Aya. Gaya nang dati, dahil wala ditto ang kanyang kwentas na bead tiyak na wala na naman itong malay.

Naglakad si Achellion patungo sa gilid nang rooftop. Kung gugustuhin niya kaya niyang sundan ang tibok nang puso ni Aya. Kaya lang gaya nang dati, naduduwag na naman siya. Kung siya ang tatapos sa buhay ni Aya. Dapat siguro hindi na siya magpakita sa dalaga. Kaya lang ngayong nakakaramdam siya nang panganib sa paligid ni Aya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. May malakas na pwersang humahatak sa kanya palapit sa dalaga.

"Achellion." Wika nang isang boses sa likod ni Achellion. Taka namang napatingin si Achellion sa pinanggagalingan nang boses.

"Shin." Mahinang wika ni Achellion nang makilala ang batang lalaki. Ito ang fallen angel na nanatili sa katawan nang isang bata ngunit mabagsik din kapag ginagamit ang kanyang kapangyarihan.

"Anong ginagawa mo ditto?" Tanong ni Achellion sa bata.

"Talagang hinahanap kita." Wika nito at naglakad papalapit sa binate.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Tanong ni Achellion.

"Galing ako sa kuta nina Jezebeth. Alam mo bang may bihag silang isang mortal. At sa palagay ko hindi maganda ang niluluto nilang gulo ngayon." Wika ni Shin.

"Mortal? Si Aya?" Gulat na tanong ni Achellion na bigla ding kinabahan. Ito ba yung dahilan nang bigla niyang pangamba kanina?

"Hindi. Lalaki. Hindi ko Nakita ang Aya na tinutukoy mo sa kuta nila." Wika ni Shin.

"Pwede mo ba akong samahan sa kuta nila?" tanong ni Achellion kay Shin.

"Hindi mo sila kakayanin kung susugud ka ngayon malakas ang pwersa nila. Lalo pa at malapit nang bumalik si Lucifer." Wika ni Shin.

"Pupunta lang ako sa kuta nila hindi sinabing susugod ako doon. Gusto ko lang malaman kung sino ang bihag nila." Wika ni Achellion.

"Mabuti kung ganoon. Dahil ayokong mamatay kapag sumugod tayo doon nang walang plano." Wika ni Shin. Lumapit ito kay Achellion at hinawakan ang kamay nito saka biglang naglaho. Nag teleport ito patungo sa kuta nina Jezebeth. Dinala siya ni Shin sa isang kweba kung saan ginagawang kuta nina Jezebeth at nang iba pang mga fallen angel. Pumasok sila sa loob nang kweba. Sinigurado nilang hindi sila mahahalata nang mga nagbabantay sa paligid. Sinamahan siya ni Shin sa bahagi nang kweba kung saan itinatago nina Jezebeth ang kanilang bihag.

"Eugene?" Gulat na wika ni Achellion nang makilala kung sino ang bihag nang mga Fallen Angel.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Shin.

"Siya ang nakakatandang kapatid ni Aya." Wika ni Achellion. "Ano naman ang Kailangan nila kay Eugene?" Tanong ni Achellion.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Shin nang akmang lalapit si Achellion sa pinagkukulungan ni Eugene.

"Kailangan ko siyang iligtas." Wika ni Achellion.

"Nahihibang ka ba. Kapag natunugan nina Jezebeth na narito tayo hindi na tayo makakalabas nang buhay. ALam kung malakas ka dahil isa kang Nemesis. Kaya lang kaya mo bang kontrolin ang kapagyarihan mo?" Tanong ni Shin. BIgla naman natahikik si Achellion. Gusto rin naman niyang harapin sina Jezebeth. Sa dami nang mga kasalanan nang mga ito sa kanya, ang makapaghigante ang tangi niyang hinihiling. Ngunit tama rin naman si Shin. Hindi sila makakalabas nang buhay kapag padalos-dalos sila.

"Paparating na sila." Wika ni Shin na natunugan na pabalik sina Jezebeth sa kweba. Agad naman silang naglaho bago pa pumasok sina Jezebeth sa kweba.

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ni Shin nang bigla silang lumitaw sa harap nang isang bahay.

"Narito si Aya. Kanina pa ako nakakaramdam nang hindi maganda." Wika Achellion.

"May Fallen Angel sa paligid." Wika ni Shin.

"Sinasabi ko na ngaba. Kaya hindi maganda ang pakiramdam ko." Wika ni Achellion at nagkuyom nang kamao.

"Achellion!" tawag ni Shin sa binata nang bigla itong Naglaho at bigla lumitaw sa terasa nang pangalawang palapag nang bahay.

SI Eugene na nasa loob nang silid ni Aya. Hindi itinuloy ang paglapit sa dalaga dahil sa naramdamang pwersa. Naramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa bahay na iyon. Naisipan niyang lumabas nang silid dahil sa naramdaman. Nang lumabas si Eugene nang kwarto ni Aya sakto namang Nakita ni Achellion ang binate. Ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita ang binata. Ang alam niya bihag nina Jezebeth si Eugene. Paanong nagkaroon nang dalawang Eugene? Ano naman kaya ang binabalak nang mga ito.

"Totoo ba ang sinabi mo?" Tanong ni Shin.

"Sapalagay ko may binabalak ang mga iyon. Sa ngayon kailangan nating obserbahan ang mga kilos nila. Bumalik ka sa kweba at bantayan mo ang mga kilos nila." Wika ni Achellion.

"Ano naman ang gagawin mo?" Tanong ni Shin.

"Babalik ako sa bahay nila Aya. Kailangan kong malaman kung sino ang nilalang na ito na napapanggap na si Eugene. At kung ano ang balak nila. ANo ang binabalak nilang masama kay Aya." Wika ni Achellion.

Anong nangyari sa kanila?" tanong ni Arielle sa isang nurse sa isang clinic. Ito ang lugar na napapabalitang may epidemyang kumakalat. Sa loob nang clinic maraming mga pasyente na tila naagnas ang katawan at panay ang pag-aamok kinailangan pang itali ang mga ito para lang hindi makapanakit.

"Wala ngang may nakakaalam kung anong nangyari sa kanila. Hindi rin maunawaan nang mga doctor kung ano ang sakit na dumapo sa kanila." Sagot naman nang Nurse.

"Eh, bakit wala yata akong nakikitang mga doctor ditto?"Ani Julianne.

"Nagsisialisan na ang mga doctor dahil sa takot na mahawaan sila." Wika nang nurse. "Dalawa nalang kaming nurse na naiiwan ditto. Kung hindi pa kami mula sa lugar na ito baka umalis na rin kami, kaya lang hindi naming pwedeng pabayaan ang mga kababayan namin." Wika pa nito.

"Hindi ba kayo natatakot na mahawaan kayo?" Tanong ni Arielle.

"Natatakot din kaya wala naman kaming ibang mapagpipilian."wika pa nito. Habang nakikita nila ang mga taong may sakit na nahihirapan sa kanilang karamdaman hindi nila mapigilang hindi malungkot at maawa sa mga ito. Wala silang alam sa pinagmulan nang sakit wala ding nakakaalam kung paano gagamutin ang mga tao doon.

"Ano? May naramdaman ka bang fallen angel sa paligid?" tanong ni Julianne kay Arielle habang paalis sila sa lugar na iyon.

"Masyadong malakas ang kapangyarihan niya. Siguro dahil na rin sa takot na namamayani sa puso nang mga tao doon." Wika ni Arielle.

"So isa ngang Fallen angel ang dahilan nang sakit na iyon. Sino naman?" Tanong ni Julianne.

"Iisang fallen angel lang naman ang kayang magkalat nang ganitong sakit." Wika ni Arielle.

"Wormwood. Nakikisali na rin pala siya sa gulo." Wika ni Julianne at napahawak nang mahigpit sa manibela nang sasakyan. Ngayong nawawala si Eugene at Achellion. At wala din siyang kapangyarihan tiyak na wala silang laban. Kung hahayaan naman nila ang Fallen angel na iyon na maghasik nang lagim sa bayan na iyon mapupuno nang takot ang puso nang mga tao at baka maging lakas pa ni Lucifer ang takot sa puso nang mga tao sa lugar na iyon lalo silang lalakas kung ganoon nga ang nangyari.

Anong nangyari sa lakad niyo." Tanong ni Julius kay Julianne at Arielle nang dumating ang dalawa sa rest house na tinitirahan sila. Nasa harden lahat nang miyembro at nag aabang sa kanilang pagdating. Si Eugene lang ang wala sa kumpulan nila. Bagay na ipinagtaka naman Julianne.

"Asan si Eugene?" tanong ni Julianne.

"Oo nga. Hindi ko siya Nakita nang dumating ako." Wika ni Julius na noon lang ding napansin na hindi nila kasama si Eugene.

"Alam niyo bang parang kakaiba si Lt? SIya si Lt pero parang hindi." Wika ni Rick.

"Ano ba yang kalukuhang sinasabi mo?" Ani Meggan.

"Ganoon din ang pakiramdam ko. Kanina lang niyaya ko siyang mag-almusal pero hindi man lang niya ako pinansin. Tila bang may sarili siyang mundo." Wika Naman ni Ben. "Hindi ko siya masakyan. Ano kaya ang ginawa nang mga fallen angels sa kanya at tila bigla siyang nagbago."

"Pwede ba. Tumigil na nga kayo. Huwag natin itong pag-usapan sa harap ni Dr. Jenny baka mag-alala iyon." Wika naman ni Julius. "Siguro moody lang ngayon si Eugene dahil sa wala na namang malay si Aya. Hindi rin maubos-ubos ang problema natin Kahit naman sino tiyak magiging aborido." Wika ni Julius.

"CAPTAIN!" masiglang wika ni Meggan nang Makita sa labas nang gate si Achellion. Nakatayo ito sa labas habang nakatingin sa kanila.

"Ano ka ba Meggan. Alam mo namang wala ditto si Cap---" putol na wika ni Julius nang Makita din sa labas nang Gate ang binata. Napatingin naman ang iba sa direksyon kung saan sila nakatingin.

"Achellion!" Sabay na wika ni Julianne at Arielle. Nagmamadaling lumapit si Ben at Rick sa Gate upang pagbuksan ang binata.

"Kaibigan ka ba o Kaaway?" Tanong ni Rick nang buksan niya ang pinto.

"Huwag kayong mag-alala, Hindi ako kaaway. Narito ako upang bantayan si Aya." Wika ni Achellion.

"Bantayan si Aya? Mukhang hindi mo pa ata alam kung anong nangyari sa kanya?" Sakristong wika ni Ben. "Darating ka kung kailan mo gusto. Mawawala kung kailan kailangan. Hindi kailangan ni Aya nang isang walang isang salitang guardian." Wika ni Ben.

"Alam kung hindi ako pwedeng magbigay nang kahit na anong dahilan kung bakit ako nawala sa sandaling kailangan ako ni Aya." Wika ni Achellion.

"Mabuti naman alam mo." Wika ni Rick.

"Ano ba kayong dalawa. Daig niyo pa ang mga interrogator sa ginagawa niyo." Wika ni Meggan at Lumapit sa kanila. "Captain. Pasensya na sa dalawang ito. Ang dami lang talagang nangyari ditto. Halika pumasok kana." Wika ni Meggan at nilawakan ang pagkakabukas nang gate para makapasok si Achellion.

"Sana naman ngayon hindi kana biglang mawawala. Hindi ko gusting umasa sa iyo kya lang mukhang wala akong choice." Wika ni Rick.

"Mabuti naman nakabalik ka." Wika ni Julianne nang makalapit si Achellion sa kanila.

"Kailangan kung bumalik dahil nararamdaman kung nasa panganib si Aya." Wika ni Achellion. Hindi niya pwedeng sabihin kung ano ang Nakita niya tungkol kay Eugene. Kailangan muna niyang alamin kung sino ang nilalang na ito na nagpapanggap bilang si Eugene at kung ano ang dahilan nito at nagpunta ito sa lugar nila. Kailangn niyang malaman kung ano ang plano nito laban kay Aya at sa kanila.

"Nasa silid niya si Aya at nagpapahinga." Wika ni Butler Lee at lumapit sa kanila.

"Si Eugene? Narito ba siya?" Tanong ni Achellion.

"Narito lang siya. Baka nasa silid ni Aya. TIyak na hindi niya gusting iwan ang kapatid matapos ang nangyari ditto." Wika ni Butler. Hindi nila alam na nasa likod nang pinto lang si Eugene at nakikinig sa usapan nila. Napapakuyom ang kamao nito nang Makita ang Pagdating ni Achellion.

"Anong ginagawa nang nilalang na iyan ditto? Makakagulo siya sa mga plano ko." Wika ni Eugene. BIglang nag bago ang kulay nang mata nito at naging Pula. "Kailangan ko nang isakatuparan ang plano ko bago pa nila malaman na hindi ako si Eugene." Wika nito saka naglakad patungo sa hakdan. Kailangan niyang balikan si Aya sa silid nito at isa katuparan ang plano niya.

Kailangan na niyang madala ang dalaga kay Lucifer. Nalalapit na ang panahon nang pagbabalik nito. Malapit nang mahulog ang huling butil nang buhangin sa Orasan. Kailangan niyang matapos ang misyon niya bago pa siya mabuking. Ngayong bumalik si Achellion sa poder nang mga mortal mahihirapan siyang Makuha ang dalaga. Nasa harap siya nang silid ni Aya sinubukan niyang buksan ang pinto nang silid ngunit bigo siya.

Ilang beses niyang sinubukang buksan ang pinto ngunit bigo siya tila may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya na makapasok sa silid.

Anong nangyayayri ditto? Galit na wika nang isip ni Eugene dahil sa kabiguan niyang buksan ang pinto. Kahit na anong gawin niya hindi niya magawang buksan ang pinto.

"Master? Bakit kayo nasa labas nang pinto?" Tanong ni Butler Lee nang maabutan nila si Eugene sa labas nang pinto.

"Naka lock ba?" Tanong ni Julianne.

"Hindi ba may Copy ka naman nang Susi sa silid." Wika ni Julius. Hindi naman kumibo si Eugene. Paano naman niya sasabihin sa mga ito na hinidi siya makapasok sa silid dahil sa enerhiyang nakapalibot ditto.

"Oh Bukas naman." Wika ni Meggan nang ipihit ang siradura nang pinto. Nagulat pa si Eugene nang mabuksan ni Meggan ang pinto nang hindi man lamang gumagamit nang lakas ganoong siya kanina kahit anong gawin ay hindi niya magawang buksan ang pinto. Pumasok sa loob nang silid sina Julianne. Papasok na rin sana si Eugene ngunit biglang hinawakan ni Achellion ang braso nang binata.

"Bakit?" tanong ni Eugene kay Achellion.

"Captain. Lt. Bakit hindi pa kayo pumasok." Wika ni Meggan at bumalik sa pinto. Binitawan naman ni Achellion ang braso ni Eugene. Hindi siya dapat magpahatala. Hanggat hindi niya nalalaman kung sino ang nilalang na ito at kung ano ang kailangan nito kay Aya kailangan niyang pigilan ang sarili niya.

Hindi nagsalita si Achellion. Bagkus ay nilampasan lang niya si Eugene at naglakas patungo kay Aya. Dahil sa nilagay niya na proteksyon sa pinto ni Aya. Natuklasan niyang isang fallen angel ang Eugene na kasama nila. Isang fallen angel lamang ang tanging hindi makakapagbukas sa pinto nang silid ni Aya. Sa ngayon, ito lang ang pwede niyang gawin upang protektahan si Aya. Hindi pa niya pwedeng ibigay ang bead ang kwentas dahil sa panganib na nasa paligid. Kung tama ang mga sinabi ni Seraphim. Kapag nagkaroon nang malay si Aya, tiyak na sasamantalahin ni Lucifer ang ang bagay na iyon upang isakatuparan ang balak. Hindi niya gusting nahihirapan si Aya kaya lang hindi niya pwedeng isakripisyo ang mundo dahil lang sa kanyang pansariling kagustuhan. Siguro naman maiintindihan ni Aya kung bakit kailangan niyang gawin ito.