Ikinumpas ni Seraphim ang tungkod niya. Ilang sandali pa isang malakas na boltahe nang kidlat ang tumama kay Achellion ngunit hindi manlamang nito natinag ang binata. Matapos tamaan nang kidlat nakatayo pa rin ito. Ngunit ang mas ikinagulat nila ay ang ginawa nito. Nakataas ang kamay nito at tila sinalo lang ang kidlat.
"Ang Lakas!" Ani Gabriel.
"Ito ba na ba ang lakas nang isang Nemesis?" manghang wika ni Uriel.
"Hindi ko gustong manakit sa kahit sino man sa inyo. Kung inaalala niyo na magiging kalaban niyo ako. Hindi rin mangyayari iyon. Wala akong pakiaalam sa kahit ano mang labanan ninyo." Wika ni Achellion. Dati na Niyang sinabing hindi na siya makikiaalam sa labanan nang mga anghel at ni Lucifer. At magiging totoo siya sa kanyang salita. Sa ngayon ang nais lamang niyang gawing ay balikan si Aya.
Akmang susugod ang mga sundalong anghel kay Achellion, subalit itinaas nii Seraphim ang kanyang kamay bilang tanda nang pagpigil nang mga ito sa pagatake. Agad namang huminto ang mga anghel ngunit pinalibutan parin nila si Achellion.
"Hindi niyo ako mapipigilang umalis sa lugar na ito."
"Achellion. Itigil mo na ang pag-nanais mong balikan ang mortal na iyon. Mas maigi na ang mga nangyayari sa ngayon. Mapipigilan natin ang kampon ni Lucifer." Wika ni Seraphim.
"Anong sinasabi mo? Anong nangyayari? May nangyari ba kay Aya?" nag-aalalang wika ni Achellion. At mahigpit na napahawak sa rehas na bakal nang kulungan niya.
Hindi sumagot si Seraphim bagkus. May binuo intong bola nang enerhiya. Ikinumpas nito ang kamay at lumipad ang bola nang enerhiya patungo kay Achellion. Huminto ito sa harap ni Achellion. Unti-unting nabuo ang imahe ni Aya sa loob nang bola nang enerhiya. Nakita ni Achellion si Aya na walang malay.
"Anong nangyayari? Anong nangyari kay Aya?" Gulat na wika ni Achellion. Bakit wala na naman itong malay?
Dahil ba nasa kanya na ulit ang lutos niyang simbolo? Pero paano nangyari na napunta iyon sa kanya hindi naman niya iyon kinuha kay Aya? At hindi niya magagawang kunin iyon kay Aya dahil alam niyang kailangan iyon ni Aya.
"Dati nang kapalaran na niyang mawala sa mundong ito. Dahil sa pakikialam mo kaya nasira anng balance nang kalikasan. Dapat nating itama ang mga naging pagkakamali sa nakaraan." Wika ni Seraphim.
"Anong ibig mong sabihin."
"Alam nating lahat na dapat hindi na bubuhay ang dalagang iyon sa mundo. Dahil sa kanyang kapalaran, magkaroon nang pagkakataon si Satanas na muling magkabalik at ipagpatuloy ang mga masama niyang balak. Kapalaran na niyang mamatay noon pa. Subalit dahil sa pagliligtas mo sa kanila lalong naging komplikado ang sitwasyon."
"Ano naman ang kinalaman nito sa nangyari ngayon kay Aya?"
"Noong iniligtas mo siya. Kalahati nang iyong buhay ay ibinigay mo sa kanya. Ang kwentas na bead ang patunay noon. Kung mapapansin mo noong naibalik ito sa iyo noon una, nawalan din nang ulirat ang dalaga. Iyon ay dahil hindi pa ganap ang kapangyarihan mong taglay. Ngayong nasaiyo na ulit ang kwentas mo at buo na ang kapangyarihan mo. BInawi na rin nito ang buhay na ibinigay nito sa dalagang mortal." Paliwanag ni Seraphim.
"Kaya naman kung ano man ang nangyayari ngayon sa kanya ay tadhana niya. hayaan mong ---" Putol na wika nito.
"Hindi." Agaw ni Achellion. "Hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Aya."
"Anong iniisip mong gawin? Ang ibalik sa kanya ang buhay niya? Muling ibahagi sa kanya ang yong buhay?"
"Kung yun ang tanging paraan upang magkamalay muli si Aya."
"Kapag ginawa mo yan. Ikaw na rin ang magiging daan upang magunaw ang mundong ito. Dati ko nang sinabi ang dalagang iyon ang magiging daan ni Lucifer upang muling maghari."
"Kung ganoon nga mas kailangan kong bumalik upang bantayan si Aya."
"Sa sitwasyon ngayon nang mortal. Hindi na siya magiging kapakipakinabang kay Lucifer. Hayaan mo na lamang siya sa ganoong sitwasyon."
"Iyan ang isang bagay na hindi ko pwedeng gawin. Sumumpa akong magiging tagapagtanggol niya." wika ni Achellion.
"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko. Maaring dumating ang panahon na ikaw mismo ang kailangang tumapos nang buhay niya. kaligtasan nang mundo ang tinutukoy natin ditto." Wika ni seraphim.
"Dati na niyo na akong naging kalaban. Kung darating ang panahong sinasabi mong magiging daan si Aya upang muling bumalik sa lucifer. Sa tingin iyon din ang panahon na muli tayong maghaharap." Wika ni Achellion at tumalikod. "Kung nasaan si Aya doon din ako."
"Anong iniisip mong gawin? Ang ibalik sa kanya ang buhay niya? Muling ibahagi sa kanya ang yong buhay?"
"Kung yun ang tanging paraan upang magkamalay muli si Aya."
"Kapag ginawa mo yan. Ikaw na rin ang magiging daan upang magunaw ang mundong ito. Dati ko nang sinabi ang dalagang iyon ang magiging daan ni Lucifer upang muling maghari."
"Kung ganoon nga mas kailangan kong bumalik upang bantayan si Aya."
"Sa sitwasyon ngayon nang mortal. Hindi na siya magiging kapakipakinabang kay Lucifer. Hayaan mo na lamang siya sa ganoong sitwasyon."
"Iyan ang isang bagay na hindi ko pwedeng gawin. Sumumpa akong magiging tagapagtanggol niya." wika ni Achellion.
"Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko. Maaring dumating ang panahon na ikaw mismo ang kailangang tumapos nang buhay niya. kaligtasan nang mundo ang tinutukoy natin ditto." Wika ni seraphim.
"Dati na niyo na akong naging kalaban. Kung darating ang panahong sinasabi mong magiging daan si Aya upang muling bumalik sa lucifer. Sa tingin iyon din ang panahon na muli tayong maghaharap." Wika ni Achellion at tumalikod. "Kung nasaan si Aya doon din ako."
"Achellion. Huwag kang hanggal!" habol ni Uriel sa kanya. Ang mga anghel naman na nakapalibot kay Achellio ay humanda upang sugurin ang binata. Huminto sa paglalakad si Achellion nang makita ang mga ito.
"Mukhang hindi mapipigilan ang muli nating paghaharap." Wika ni Achellion at lumingon kay sa Seraphim at sa iba pang Arch Angel.
"Umaasa akong gagawin mo ang tama sa pagkakataon ito. Achellion." Wika ni Seraphim.
"Gagawin ko ang sa tingin ko ay tama."wika ni Achellion saka tumalikod. Naglakad si Achellion paalis sa lugar na susugod n asana ang mga anghel sa binata ngunit pinigilan sila ni Seraphim.
"Hahayaan mo na lamang siyang umalis?" tanong ni Uriel.
"Gagawin niya ang tama. Hindi na siya ang dating Achellion na nasilaw sa kapangyarihan." Makahulugang wika ni Seraphim. Hindi naman kumibo ang iba pa. Hindi nila alam kung ano ang plano ni Achellion at kung ano ang alam ni Seraphim sa mga mangyayari. Malayang nakaalis si Achellion sa lugar nang mga anghel ngunit hindi agad siya nagtungo sa bahay nila Aya.
Hindi niya maipaliwanag ngunit nagdadalawang isip siyang ibalik ang malay ni Aya. Hindi niya maiwasang maiisip ang mga kasamaang nagawa niya. At ngayong may pagkakataon siyang itama ang lahat nang iyon papalampasin pa ba niya? Hindi naman siya naghahangad na muling maging isang anghel ngunit ang kapatawaran lang ang nais niya. Ang kanyang magiging pasya ang magtatakda nang kanyang kapalaran.
Dumating ang grupo ni Julianne sa lugar kung saan hinihinalaang puno nang mga prostitute at ang inirereklamong lugar nang ilan sa mga residente. Nang dumating sila tahimik ang buong lugar. Sa labas nang building hindi mo talaga aakalain isa iyong lugar nang mga bayarang babae at mga makasalanang nilalang. Pumasok sila saloob nang silid.
Nang pagbukas nila nang pinto agad silang binungad nang isang babae. Ngunit ang ikinagulat nila ay ang tanawin sa loob nang building. Tama nga ang report nang isang babae. Hindi iyon simpleng kainan. Ang mga taong nasa loob nang building ay tila lango na sa makamundong pagnasasa. Bawat isa sa kanila may kandong na mga babae.
Sa di kalayuan naman may isang entablado kung saan may mga lalaking nagsasayaw na halos wala nang saplot ang katawa. Sa tabi noon ay entablado nang mga babaeng sumasayaw din.
"Anong klaseng lugar ito?" makapaniwalang singhap ni Meggan.
"Lugar na hindi na kilala ang Panginoon. Nababalot nang kasamaan at kasalanan." Wika ni Nathaniel habang nakatingin nang derecho sa isang babae. Sa gitna nang aisle isang babae ang umagaw nang tingin nila. Nakangisi ito at nakatingin sa kanila. Dahan-dahan itong lumapit sa kanila.
"Mga Anghel nang Diyos. Nagustuhan niyo ba ang tahanan ko?" wika nang babae kay Nathaniel at hinaplos ang mukha nang binata. Ngunit umiwas ito.
"Naamah. Sinasabi ko na ngabang may kinalaman ka ditto." Wika ni Sophia.
"Sophia. Kaibigan." Ani sa dalaga.
"Hindi tayo magkaibigan." Matigas na wika ni Sophia. Tumawa lang ang babae sa itinuran ni Sophia.
"Sumuko ka na." Ani Arielle ay hinarap ang babae.
"Arielle." Biglang napalis ang ngiti sa mukha nang babae nang makita ang dalaga. "Hindi niyo ba nagustuhan ang nakikita niyo? Ito ang tunay na mga katauhan nang mga mortal na inyong ipinagtatanggol. Mga makasalanan! Walang ibang inisip kung hindi ang sarili nila. Sumama kayo sa amin at ----" wika nito ngunit biglang naputol ang sasabihin.
"RAID 'TO MGA PULIS KAMI!" sigaw ni Julianne na dahilan nang paghinto ni Naamah sa pagsasalita.
Nang marinig nang mga tao ang sinabi ni Julianne hindi magkaugaga ang mga ito sa pagtakbo. Ngunit agad silang HInarang nila Julius, Meggan, Ben at Rick. Ang mga sumasayaw naman sa entablado ay biglang huminto at hindi alam kung saan magtatago upang itago ang kahubdan. Tinipon nila sa isang lugar ang lahat nang mga babae at lalaking nahuli nila. Ang iba naman ay itinatago ang mukha nila upang hindi makilala. Dahil ilan sa kanila ay mga kilalang tao at personalidad.
"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO!" galit na asik ni Naamah kay Julianne. Biglang nagbago ang kulay nang mata ni Naamah nang tumingin ito kay Julianne.
"Isa kang dating anghel? Pero bakit hindi ko maramdaman ang enerhiya nang anghel sa iyo."
"Ang dami mong satsat. Sumuko ka na." wika ni Juliuanne at hinawakan ang kamay ni Naamah. Ngunit ikinagalit ni Naamah ang ginawang iyon ni Julianne. Isang itim na apoy ang inipon nito sa kamay at ibinato sa sikmura ni Julianne.
Nang tumama ito sa binata agad na tumilapon ang binata at tumama ang katawan sa headboard nang entablado. Nasira pa ang mga nakasabit doon nang tumama ang katawan ni Julianne.
"LEO!" sigaw ni Arielle nang makita ang nangyari sa binata. tatakbo sana siya upang saklolohan ang binata ngunit bigla siyang hinarang ni Naamah. Inatake niya nang espada si Arielle ngunit naging mabilis naman ang reflexes ni Arielle at agad na hinarang nang espada niya ang espada nito. BIgla ding nagbago ang anyo ni Arielle at nang iba pang mga Anghel.
Lalong nangalit si Naamah dahil sa ginawa ni Arielle. Buong lakas nitong inatake ang tatlo. Dahilan upang tumilapon ang mga ito palabas. Nasira pa nga ang pader nang tumama ang tatlo sa pader. Lumabas din si Naamah upang sugurin ang Tatlo.
Si Meggan naman ay agad na umakyat sa entablado upang tulungang tumayo si Julianne.
"Okay lang ba?" tanong nito.
"Okay lang ako. Ilabas na natin ang mga tao ditto." Wika ni Julianne.
"Ngunit paano ang tatlong kaibigan mo?" Tanong ni Julianne.
"Kaya nila ang sarili nila. Wala rin naman tayong magagawa. Malakas si Namaah sila lang ang pwedeng pumantay sa lakas nito." wika ni Julianne.
Hindi na sumagot pa si Meggan. Inalalayan niya si Julianne na tumayo. Naglakad sila patungo sa mga taong nakayuko sa di kalayuan at binabantayan nina Julius.
"Anong gagawin natin sa mga ito. Ilan sa mga nandito ay alagad nang bataas at mga politico." Wika ni Julius.
"Ituturn-over natin sila sa presinto. Sila na ang bahala sa kung ano ang gagawin nila sa mga iyan." Wika ni Julianne.
"Ilan sa mga bayaran na nandito mga minor de edad pa." wika ni Rick.
"Kailangan nating ipagbigay alam sa mga magulang nila kung saan sila upang masundo na sila." Wika ni Julianne. Isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas. Sabay sabay naman silang napalingon sa kinaroroonan nang labanan nang mga anghel at ni Namaah.
"Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakikipagsalamuha tayo sa mga anghel." Wika ni Ben.
"Hindi na ito ang panahon upang isipin natin yan. Mapalad pa rin tayo at may mga tulong na ibinibigay sa atin. Kung tayong mga mortal lang wala tayong laban." Ani Julianne. Sangayon sila sa sinabi ni Julianne. Talagang wala silang laban sa digmaang ito kung wala pa ang mga anghel na ito upang tumulong sa kanila.
Habang nakikipaglaban sina Arielle Kay Naamah sinamantala iyon nang grupo ni Julianne upang lisanin ang lugar na iyon dala ang mga nahuli nila. Nagtungo sila sa pinakamalapit na present upang I turn over ang mga nahuli.
"Kayo na ang bahala ditto. Babalikan ko sina Arielle." Wika ni Julianne sa mga kasama.
"Kami na ang bahala ditto." Wikani MEggan. Tumango naman ang iba. Nagpaalam naman si Julianne at agad na binalikan ang kinaroroonan nang apat. Nang bumalik siya patuloy pa ring naglalaban sina Namaah at ang tatlong anghel. Hindi maikakailang malakas si Naamah iyon ay dahil narin nakaipon ito nang lakas mula sa mga kasalanan nang mga taong biktima nito.
Binaril ni Julianne si Naamah upang agawin ang atensyon nito. Nang dumating siya buwal si Arielle sa lupa at akmang sasaksakin ni Naamah sina Nathaniel naman at Sophia at nasa di kalayuan at hindi pa nakakabawi mula sa pagkakatilapon. Sugatan narin ang tatlo. Nang barilinni Julianne si Naamah tinamaan ito sa Balikat. Huminto ito sa pag-atake kay Arielle aty bumaling sa binata.
"IKAW!" asik nito.
"Leo? Anong ginagawa mo dito?" Wika ni Arielle nang makita ang binata na nagbalik.
"Pangahas ka. Mortal. Sa tingin mo ba ay kaya mo ako?" galit na asik ni Naamah at bumaling sa binata.
"Bakit hindi mo subukan." Wika ni Julianne.
"Leo umalis ka na!" sigaw ni Arielle at tumayo saka humarang kay Naamah bago pa ito makalapit kay Julianne. "Ako ang kalaban mo." wika nang dalaga sa babae.
"Hindi ka pa rin ba susuko? Wala kang laban sa kapangyarihan ko. Masyadong mahina ang mga anghel nang diyos." Wika ni Naamah.
"Huwag mong minamaliit ang kakayahan namin." Sabay na wika nina Nathaniel at Sophia na nakabawi na mula sa pagbagsak.
"Mga hangal na anghel. Ang katapusan niyo lang ang hinagangad niyo. Wala kayong laban sa kapangyarihan ko." Ani Naamah.
"Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo." wika ni Nathaniel. "Kahit ubusin ko lahat nang lakas ko gagawin upang masigurong hindi ka na makakapinsala pang muli." Wika ni Nathaniel at inipon sa kamay niya ang isang bola nang enerhiya.
"Nathaniel?" Takang wika ni Sophia. Alam na niya kung anong binabalak gawin ni Nathaniel.
"Hangal ka. Hindi mo ako matatalo." Wika ni Naamah. Ngumiti lang si Nathaniel. Bigla itong naglaho mula sa kinatatayuan at nang lumitaw ito nasa harap na ito ni Naamah. Hindi na nakakilos si Naamah nang bigla siyang yakapin ni Nathaniel. Patuloy ding lumalaki ang bola nang enerhiyang ginawa ni Nathaniel hanggang sa mabalot silang dalawa. Nagpumiglas si Naamah ngunit lalong naging mahigpit ang pagyakap ni Nathaniel sa kanya.
"Nathaniel!" Sigaw ni Sophia at Arielle.
"Tapos na ang misyon ko sa mundong ito. Sinisiguro kong hindi ka na muli makakapinsala." Wika ni Nathaniel. Sa isang iglap biglang nagliyab ang loob nang bola nang enerhiya na pinagkakakulungan ni Nathaniel at Naamah. Sabay na natupok nang apoy ang dalawa. Ilang sandali pa, unti-unting naglaho ang bola nang enerhiya ang Nakita nilang nakatayo doon ay ang binatang si Nathaniel.
"Nathaniel." Wika ni Arielle at Sophia saka tumakbo palapit sa binata. Bigla silang napahinto nang magliwanag ang katawan ni Nathaniel. Unti-unti na ring nalalaho ang katawan nito. Wala silang ibang nagawa kundi ang pagmasdan an katawan nang binata habang naglalaho ito. nang tuluyan silang makalapit sa binata tuluyan na rin itong naglaho.
"Anong ginawa niya?" wika ni Julianne nang makalapit sa dalawang dalaga.
"Isinakripisyo niya ang buhay niya para matalo si Naamah." Wika ni Sophia.
Napakuyom nang kamao si Juliane. Ito ba ang kahihinatnan nila? Wala ba silang ibang pagpipilian kundi ang isakripisyo ang buhay nila para lang matalo ang mga kalaban? Alam naman niyang mahina sila kumpara sa lakas nang mga ito.
"Ngayon maging si Nathaniel wala na rin ano nang gagawin natin?" Ani Sophia.
"Huwag kang mag-alala may awa ang Diyos. Hindi niya tayo pababayaan." Wika ni Arielle at hinawakan ang kamay nang kaibigan.
Napatingin naman si Sophia kay Arielle saka tipid na ngumiti.
"Tama ka." Ngumiting wika nito. "Kailangan nating maging matapang. Kaya nating lampasan ang pagsubok na ito. Parati namang nariyan ang Diyos para gabayan tayo. Pasenys na kung pinanghinaan ako nang loob. Lumalabas tuloy na isa akong mahinang anghel."