Chereads / Fly High, Love Thy / Chapter 6 - CHAPTER 5

Chapter 6 - CHAPTER 5

Kinabukasan nakarinig ako ng malalakas na palo sa aming kama. Sabay-sabay kaming napabalikwas saka maayos na tumayo sa harap ng isang lalaki. Pansin ko ang pagdaing ng mga kasama ko kasabay ng paghawak nila sa kanilang mga ulo.

"That liquor is strong and it can make you drunk with just one shot. And tomorrow you have an early assessment plus training so you can't have hangover. If you still want to insist, then go. Bet it with me."

I remember what he said yesterday and I think he's right upon looking at my teammates.

"Prepare yourselves. In less than 30 minutes, you must be in the lobby." Bilog na bilog ang boses niya kaya parang puno ng awtoridad ang pagkakasabi niya sa'min.

"Yes, Sir!" we answered in unison

Umalis ang lalaki at pagkasara na pagkasara ng pinto'y nagmamadali kaming kumilos.

"Shit! Ang sakit ng ulo ko."

"Ako rin!"

Hindi ko na sila pinansin pa. I went to the bathroom and did my routines. I made it sure that I'm not going beyond fifteen minutes and after, I went out. I wore my whole black uniform with black boots and other equipments tied with our uniforms. Then I looked at myself at the mirror, simply fixed my face and I put lipstick on so I won't be pale to look at. I also guess that I'll have short time if I will have to blow my hair dry so I just comb it and put it into a high bun. The last, I took my helmet and once glance at the mirror.

"I'll go, girls." Paalam ko sa kanila

Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila. Marahil hindi sila makapaniwalang natapos ako agad dahil wala akong hangover hindi tulad sa kanila.

Dumiretso kami sa lobby at nakita ko na ang mga kalalakihang maayos ng nakahanay kasabay din ng ibang babae. Napatingin ako sa relo ko saka nanlaki ang mga matang mag-aalasais palang pala.

What the heck.

Bumilang ako sa hanay nila. Hindi ko pa makita si Dennis dahil hindi naman pwedeng lingon ako rito ng lingon.

"Time's up." the man declared as he gazed at his watch

Umangat naman ang tingin niya sa'min. Ang dalawa niyang kamay ay nasa kanyang likod. Napansin ko rin na mukhang wala kami sa lobby kundi narito na naman kami sa malawak na bahaging likod ng headquarter nila at kaharap lang namin ang may kalayuang distansya ng runway sa'min.

"Maswerte kayo dahil umabot kayo sa oras. At kayo..." dumako ang tingin niya sa mga nahuli kabilang na ang ilang kasamahan ko

"One hundred and fifty push up in your place, now."

Darn. Hindi ko yata kakayanin ang gano'n karami lalo't babae ako. Nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanila.

"What are you looking at, Berrenzana? Gusto mong sumali sa kanila?"

Shit.

"No, Sir." dumiretso na ang tingin ko. Muntik pa akong maisahan.

"Kahapon, may mga maayos na sa inyong nakapagpalipad. Their performance were good but they still need more training. Ngayon naman, kayong mga kababaihan ang sasabak. Ayaw kong makarinig ng anumang kaartehan. Naiintindihin niyo ba ako?"

"Sir, Yes Sir!" we shouted

Natuon ang atensyon namin sa papa'landing na eroplano. Nagtama na ang mga gulong niyon sa runway saka dumiretso hanggang sa bumagal na ito at tumigil. Mukhang bumukas na ang glass shield niyon dahil tumayo na iyong lalaki saka tinanggal ang kanyang helmet. Dahil papasinag na ang araw, tumatama iyon sa kanya. He's against the sun that's why I can see his features.

"Sigurado akong nakilala niyo na si Captain Xodriga and he's our best fighter in this generation. Isa siya sa mga boluntaryong magiging instructor ninyo kaya maswerte kayo. He's a very busy person but he allotted time for trainees like you kaya pagbutihin ninyo."

Hindi ko na yata napapansin pa ang mga sinasabi ng lalaki nang makitang naglalakad na siya papunta rito. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya pero nang tuluyan na siyang makalapit sa'min doon lang ako bumitiw.

From the corner of my eyes I can see that he saluted to the man in front of us.

"Magandang araw, Colonel."

The Colonel also saluted. "Magandang araw din sayo, Captain. Sayo ko na ulit ipagkakatiwala ang mga trainees na ito."

"Of course, Colonel."

The man tapped his shoulder and took a glance on us but my heart pounded suddenly when he stared at me, the Colonel just stared at me for no reason. Then he left without further words.

"Bibigyan ko kayo ng labinlimang minuto para ihanda ang mga sarili ninyo." At pagkatapos umalis na siya.

Agad na nagwarm up ang mga kasama namin at nakisama naman ako. Hindi nagtagal naramdaman ko ang isang presensya sa aking tabi.

"Tangina, ang sakit ng ulo ko." Dennis groaned as he stretched his leg

"Share mo lang?"

Napatigil siya sa ginagawa. "Umagang-umaga sinusungitan mo na naman ako. Bakit? Wala ka bang hangover? Yabang-

"Wala." I cut him off

Tumaas ang kilay niya. "Anong wala? 'Di ba uminom ka kagabi?"

Ako naman ang natigilan sa bending na gagawin ko dapat. Hindi niya nakita kagabi?

"Hoy. Uminom ka 'di ba? Huwag kang madaya. Nawala lang ako saglit-

Hinarang ko ang kamay ko sa bibig niya.

"Oo, uminom ako." I answered bravely as I remembered him going to the comfort that time so he was not able to see who drank my wine

"Eh bakit wala kang hangover?"

Inirapan ko siya saka nagpatuloy sa stretching na ginagawa. "Duh! Hindi uso sayo ang gamot?"

"Takte! Hindi ko na naisip 'yon kaninang ginising kami na para bang nasusunog ang buong headquarters."

Natawa ako sa sinabi niya. I imagined his face already.

"Did you just laughed?" hindi makapaniwalang tanong niya. Noon kasi kahit anong joke niya hindi ko siya tinatawanan o ano pa man kasi nga galit ako sa kanya pero nitong mga nakalipas na taon unti-unti ring bumuti ang loob ko sa kanya.

I just realized that it was not really his fault. He was not the reason why we broke up and why I'm left unhappy. I thought I was immature that time to blame him. After everything, he did not leave my side kaya nga minsan napagkakamalan kami noon sa school na magjowa pero hindi naman kasi nga madalas ko pa rin siyang iwasan noon.

"Did I?"

He pouted. Sasagot pa sana siya nang makita ang mga kasamahan naming mabilis na ang kilos patungo sa isang lugar kung saan nakatayo ang Captain.

Maayos ang tindig nito at ang dalawang kamay ay nasa likod din. Hindi rin ito ngumingiti at sa ganoong hitsura parang nakakatakot salubungin ang mga mata niya.

Hindi ko na nakasama si Dennis dahil tumungo na siya sa sarili nilang instructor.

"We'll do the solo flight now. Are you, girls ready?"

"Yes, Sir!"

Nagsimula na namang dumagundong ang dibdib ko. Hindi ko nga nagawang sumagot.

"Ms. Berrenzana, bakit hindi ka sumasagot?"

I was taken aback by his question.

"Yes, Sir." kalmadong sagot ko ng diretso lang ang tingin

"Louder."

Tinaasan ko naman ng kaunti ang boses ko. "Yes, Sir."

"It's just a basic thing but you can't do it well. Are you playing with me, Ms. Berrenzana?"

I feel so embarrassed. I heard some of them gasps and they were too quiet that I feel like I am on the hotseat.

"No, Sir!"

Ramdam na ramdam ko ang titig niya at feeling ko tumatagos 'yon hanggang kaluluwa ko. Bwisit talagang lalaki 'to. Mas lumalaki lang ang galit ko sa kanya.

"Then are you ready as first to go?"

This time, our eyes met. Hindi ko alam kung anong emosyon ang dumaan sa mga mata niya pero sigurado akong hindi masama iyon o masamang balak.

"Yes, Sir."

I thought he's going to agree with the silence we brought on. But then, he shook his head like he's disappointed or something.

Minamaliit na naman ba niya ako?

"Vanessa Zacarias, maghanda ka na." walang ano-ano'y sabi niya saka umalis.

Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. I saw Vanessa followed him. She took every equipment that is given to her. He even assisted her going up to the plane.

Nakangiti namang sinuot ni Vanessa ang helmet niya at para bang may chini'check pa sila sa earpiece nito.

Okay, siya ng excited.

Naglakad pabalik sa'min si Captain at hawak niya ang kanyang radyo na hindi nagtagal inilapit niya sa kanyang bibig. Ang atensyon niya'y doon sa eroplanong naghahanda na para lumipad.

"I will check how you take-off, fly, and land the aircraft safetly. Good luck, Ms. Zacarias. Umaasa akong hindi ka papalya." Sa huling linya na sinabi niya'y nakatingin na siya sa'kin at hindi ko alam ang gusto niyang sabihin doon. Baka ayaw niya lang na maging katulad ko si Vanessa na tatanga tanga.

"Yes, Captain." that's what we heard from the radio

Nakita namin ang paunti-unting pagusad ng eroplano ni Vanessa at may mga naririnig pa kaming sinasabi niya ngunit hindi na naging malinaw dahil lumalayo-layo sa amin si Captain.

Umangat ang eroplano niya hanggang sa pumaere na nga siya at namangha ako nang makitang mapalipad niya iyon ng maayos. Nakita ko na naman ang paglapit sa amin ni Captain.

"Contain the aircraft within the normal flight envelope. If you're feeling nervous, it won't help you, Ms. Zacarias."

Ano na kayang nangyayari?

"Alright. When you control the aircraft safely make sure that you are using only the relationship between aircraft attitude, speed and thrust."

Nakinig lang kami at pinagmasdan siya hanggang sa ilang oras ang lumipas, bumalik ang eroplano ni Vanessa. Lihim akong natuwa nang ligtas na naman siyang lumanding. Sumigaw pa siya nang makalabas ng eroplano. I can feel his happiness. Siguro nawala na rin ang kaba niya kanina. She knows how to do it now.

Tumatalon-talon siyang lumapit sa mga kaibigan saka niyakap ang mga ito.

"Good job, Ms. Zacarias." Ani Captain

Lumingon sa kanya si Vanessa saka sumaludo ito. "Thank you, Captain. Akala ko po talaga hindi ko magagawa ng maayos mabuti nalang magaling ang instructor namin." Saad niya habang malawak ang kanyang ngiti.

Tumango lang ito sa kanya saka tumungo naman doon sa lamesa. Nakatayo siya habang may tinitingnan sa maliit na laptop. Nang matapos, tumingala siya na para bang may tinitingnan sa malawak na kalangitan. Tirik na ang araw kaya mainit na rin.

"Berrenzana, Keisha, you're next."

Nagulat ako nang tawagin niya ako. Nagtama ang mga mata namin pero mabilis din akong umiwas. I stepped forward and we're facing each other again. Ramdam ko rin ang tahimik ng mga kasamahan naming nakahanay lang ng maayos sa likod.

Akala ko hindi na siya magsasalita pero inabutan na niya ako ng mga equipments.

"Are you sure with this?"

Kinakabit ko na ang mga dapat na kasama sa uniform ko. "Yes, Sir."

"Helmet mo."

Umangat ako ng tingin at hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko sa mga mata niya na parang may pag-aalinlangan. Pag-aalinlangan sa ano?

Kinuha ko iyon sa kanya pero nang isuot ko na medyo angat pa siya sa ulo ko dahil sa naka'bun nga ang buhok ko. nilapag ko muna ulit siya sa mesa saka tinanggal ang pagkakatali sa aking buhok.

"Basa pa ang buhok mo, bakit mo tinali?"

Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Nagmamadali akong binalik iyon pero ngayon nakalower bun na siya. "Wala akong choice, Sir."

"Okay, follow me." saka niya kinuha ang aking helmet at naglakad patungo sa eroplanong papaliparin ko.

Habang palapit ng palapit, pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko at alam kong hindi dapat ito ang maramdaman ko ngayon. Hindi ito makakatulong sa'kin, I know.

Narating namin ang pang-isahang seat lang ng eroplano at gumilid naman siya para makadaan ako. Umakyat ako ng hagdan na inilagay doon saka pumasok at naupo na. Doon ko lamang nakaligtaan na ang helmet ko'y hawak pa pala ni Captain kaya't tinanggal ko muna ang dalawang seatbelt ko.

Akmang tatayo na ako nang makita siya sa aking gilid. Nakatungtong siya sa hagdan para maabot ako.

"Akin-

"Come here." Bagkus ay sabi niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumapit nalang ako sa kanya.

Ang mabilis na tibok ng aking puso'y hindi ko alam kung kaba o dahil sa kanya. Sinuot niya sa'kin ang helmet hanggang sa marinig ko ang paglock niyon. Bahagya niyang nilayo ang kamay niya sa akin at nakita ko ang mahaba niyang paghinga habang nakapamaywang siya.

"I will guide you every second of your flight so you just have to listen to me. Huwag kang kakabahan."

Hindi agad ako makasagot. Naiilang ako sa mga tingin niya sa'kin. "Y-yes, Sir."

He then lifted his hand and signed some soldiers to assist me and the airplane I am flying. Bumaba siya ng hagdan at may kumuha na niyon na isa pang sundalo ng air force.

I sat on my seat again and secured myself. I inhaled and exhaled before closing the glass shield so there would be no air that will destroy the flight.

My whole face is almost covered with the equipments. The big glasses and I also put something on my nose to give me oxygen covering also my mouth.

I fixed my earpiece again.

["Are you ready?"]

I heard from the other line and I know that voice. Lumingon pa ako sa pinanggalingan ko kanina kung nasaan ang ilan pang teammates ko. Nakita ko ang Captain namin na nasa unahan sila, ang isang kamay ay nasa baywang at ang isa nama'y hawak ang radyo niya malapit sa bibig.

"Yes, I am."

Matagal bago siya muling sumagot.

"You're flying Cessna T-37 Tweet, the AirForce newest, most flexible aircraft."

I started the engine while listening to him.

["Cessna T-37 Tweet is ready for take off. I repeat, Cessna T-37 Tweet is ready for take off."]

I bet that's the command center. The airfcraft is already running on the runway and soon as I heard the command center, I did the take off.

I adjusted the elevator on the plane's tail so I can make it climb. I smiled when I successfully did it. Damn.

["Easy. Bumibilis ang galaw mo."] I heard him say

Pansin ko nga rin na parang pabilis ng pabilis ang takbo ng aircraft ko. Hindi ko kasi namamalayang humihigpit ang hawak ko sa elevator nito.

["You just have to fly around the vicinity of our homebase. Do not go farther than that."]

Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagpapalipad nito. I am enjoying actually at nawala na rin ang kaba na nararamdaman ko kanina bagamat hindi ko maipagkakailang may pag-aalinlangan sa'kin dahil baka magkamali ako.

["Bakit hindi ka sumasagot?"] I can feel that he's a bit irritated now. It's not my intention on not answering him because just like what I've said, I'm enjoying here.

"I'm okay, Sir."

I looked at the aircraft cockpit and then took the control wheel so I can make a moderate round trip around the vicinity tulad ng sinabi niya.

Ilang oras lang ang natira at natapos ko rin. Naghahanda naman ako ngayon sa paglanding.

["Take the navigation control so you can perfectly check the direction you're aiming at."]

"Aye, aye, Captain."

Ramdam ko ang pananahimik niya at doon ko lang napagtanto ang naging sagot ko sa kanya. "I'm sorry, Captain. I didn't-

["It's okay. Do it properly."]

Hindi na ako umimik pa. Ginawa ko ng maayos ang mga sinabi sa'kin ni Captain. Hindi ako lumayo dahil maaari akong mapahamak lalo't sinasanay ko palang ang sarili ko rito.

The next thing I did was doing my landing carefully.

I cleared my audio again.

"Philippine AF Tower, Cessna T-37 Tweet is 5 miles back on the left visual 27."

[Cessna T-37 Tweet altimeter is 28.05."] the ATC responded

"28.05, Cessna T-37 Tweet."

I looked at the time and its 12:17.

["Cessna T-37 Tweet is cleared to land runway 27, winds 340 at 5 to 10."]

"Cleared to land, Cessna T-37 Tweet." I landed the aircraft.

The time is 12:24.

["Cessna T-37 Tweet contact ground 1 - 2 - 1 decimal 9."]

"Cessna T-37 Tweet." The last words I said before the aircraft safely landed.

I stepped on the brake pedals to slow down the aircraft and to ready for stopping it.

Nang tumigil na, nakahinga ako ng maluwag. I smiled widely when I realized that I triumphed. Nagtagumpay akong magpalipad ng eroplano. I'm excited to tell mom about this.

Bumukas ang top glass shield kaya tinanggal ko na rin ang helmet ko. Tinanggal ko ang aking seatbelt saka tumayo. May umalalay naman sa'kin sa pagbaba. Bahagya pang nanginginig ang mga paa ko at napangiti ako nang salubungin ako ni Dennis.

"Hey!" nakipag'appear siya sa'kin

"See? Kaya ko."

He patted my head. "Oo na. Mabuti't break namin kaya nakita kita."

I just nodded at him and looked at my teammates. Naglakad ako palapit sa kanila na hindi na nakatayo ng maayos pero nakahanay pa rin. May isa akong hinanap na bulto. I was expecting him to congratulate me. He also said that he's going to guide me every second of my flight pero bumaba na ako ng eroplano hindi ko pa rin siya makita.

"Congrats, Keisha!" a girl approached me at namukhaan ko siya. Roommate ko nga pala siya.

"Thanks." I smiled at her and looked around again

"Umalis kanina si Captain."

Napatingin naman ako sa kanya. "Ha?"

"Nasa command center siya habang nasa ere ka ng buong oras."

I'm surprised. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Bakit naman naroon si Captain? Narinig niya kaya ang communication namin ng command center. Pero malamang, 'di ba? Kasi may radyo naman siya pero bakit pumunta pa siya do'n kung pwede naman siyang magsalita sa radyo niya.

Hindi na ako nakapagtanong pa sa kanya nang makita ang isang bultong papalapit na. Nakatingin lang siya sa akin habang papunta sa direksyon namin.

"Mata mo." bulong sa'kin ni Dennis dahilan upang siya naman ang tingnan ko ng masama

"Manahimik ka diyan."

"Elen Joy Rodel, next." Napalingon ako sa aking likod. Dumiretso lang siya sa lamesa at hindi na ako tiningnan.

He won't congratulate me?

"Y-yes, Captain." pumunta naman iyong babae na lumapit sa akin kanina

Lihim akong napairap saka nilagpasan si Dennis. Bumalik ako sa hanay ko at hindi ko inaasahang tatabihan pa rin ako ni Dennis.

"Disappointed?"

"Sa?" balik na tanong ko nang hindi siya tinitingnan

"Kasi hindi ka niya binati ng cong-

Inapakan ko ang paa niya kaya napadaing siya. Tumalon talon siya habang hawak ang isang paa.

"F-fuck!"

"Mr. Aguilar, hindi mo gugustuhin ang paraan ng pagpapalis ko sayo rito."

Parehong nalipat ang atensyon namin sa taong nasa harap. Kahit pilit, tumayo ng maayos si Dennis saka sumaludo rito.

"Pasensya na, Captain." Dennis glanced at me before he went off

Akala ko rin aalis na ang lalaking nasa harap ko ngayong nakaalis na si Dennis pero heto nakatayo pa rin siya at nakatingin sa'kin. Sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko ang mga kasamahan naming nakatingin sa'min ng bahagya bagamat maayos na ang tayo nila ngayon.

"Congratulations, Keisha."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig siya.

He just called me with my name!