Chereads / Fly High, Love Thy / Chapter 8 - CHAPTER 7

Chapter 8 - CHAPTER 7

"Magandang umaga sa inyong lahat. Katatapos lamang natin sa indibidwal na pagpapalipad ng iba't ibang uri ng eroplano. We asked you to master flying an aircraft because it is what we need here. Paano niyo papaliparin ang isang eroplano kung hindi niyo sasanayin ang mga sarili niyo rito? Marahil nagtataka kayo kung bakit nauna ang pagsasanay sa lecture na gagawin natin dito. And that's because, we will only recall the fundamental details of being in aeronautics. You discussed this while in your flight schools, right?"

Lahat kami'y nakatuon lang ang atensyon sa napakagandang babae na nagsasalita sa harap namin ngayon. Siya rin iyong nakasabay ko kanina sa pagjogging at siya rin ang babaeng humalik sa pisngi ni Captain. Ang mga lalaki'y manghang nakatingin sa kagandahan niya. Ang hinhin niya kasing kumilos at mahinahon din siyang magsalita. Maiksi at tuwid na tuwid din ang buhok niya na abot hanggang balikat. May pagka'chinita rin siya ng kaunti saka maputi. Isang uri ng babae na madalas pangarap ng mga lalaki.

"Yes, Ma'am." They answered.

I remained silent since she came here. I don't know but there's something in her that I cannot tell yet, I still need to prove that my speculation is true.

"By the way, I haven't introduced myself yet. I am Lieutenant Colonel, Ayana Maurice Chavez, and I am responsible for commanding medical or support group, a squadron and sometimes, I direct operation group."

Mas lalo lang kaming namangha sa kanya. She's an ideal woman for everyone. Nagsimulang magbulungan ang mga lalaki sa likod namin. May isa pang bakante sa tabi ko at dulo na siya. Walang tumabi at mabuti naman.

"Supposedly, si Captain Xodriga ang magha'handle sa inyo pero busy siya kaya ako ang pinakiusapan niya." Dumako ang tingin niya sa'kin. "Hindi ko naman siya matanggihan, kaya tinanggap ko."

Umiwas ako ng tingin at saktong narinig ko naman ang mga tao sa likod ko na nag-uusap.

"Girlfriend na yata ni Captain."

"Wala na, pre. Taken na."

"Tarantado. Kahit 'di taken 'yan hindi mo na makukuha 'yan. Nasa talampakan ka lang niyan kaya kung ako sayo maghanap hanap ka nalang diyan ng iba." Saglit siyang tumigil sakan muling nagpatuloy. "Pwede namang 'yung nasa unahan lang natin."

Then I heard them laughed.

"May nakakatawa ba sa likod?"

Natigilan sila nang tanungin nito.

"Wala po, Lieutenant Colonel." Sagot ng lalaking kung sino man dahil hindi ko naman sila nililingon

"Alright. By the way, you can just call me, Ms. Chavez. That's what everybody's calling me." saka siya ngumiti. I think both girls and boys are admiring her and isa na yata ako do'n.

Nagsimula kami sa lecture na sinasabi niya. Unti-unti akong nakaramdam ng antok. I don't wanna be rude pero dahil sa sobrang hinahon niyang magsalita pakiramdam ko inaantok ako ng sobra. Siguro kung naging guro siya palaging tulog ang mga estudyante niya.

"Now, we'll proceed to the Dynamics of Flight. What is air, Ms. Berrenzana?"

Takte. Inaantok talaga ako.

"Hoy." Inalog ako ni Hydie dahil siya iyong katabi ko sa kaliwa. Nakapangalumbaba lang kasi ako sa armchair.

"Tinatawag ka."

Parang nagising ang buong diwa ko sa sinabi niya.

"Ms. Berrenzana. Don't make me call you for fucking thrice."

The people around us gasps. I stood up and all of them stared at me. But I think we are all stunned with her.

Did she just cussed me?

"I'm sorry about that." She said as soon as she realized what she blurted out

"Please continue, Ms. Berrenzana. Pakisagot ng tanong ko at kung nakikinig ka, alam mo dapat kung ano ang isasagot mo."

It took time for me to open my mouth but when I was about to say that I am sorry for not listening, Dennis came and sat beside at the empty chair.

Pasimple siyang may ibinulong sa'kin na ipinagpapasalamat ko.

"What is Air?—

"Do not ask me the same question." pakiramdam ko ang sungit-sungit niya sa'kin

I smiled to lighten the mood. My colleagues are all tensed up. "It wasn't a question, Ms. Chavez. The next sentence was supposed to be my answer, I just wanted to repeat your question." I heard someone lowly laughed

Tumikhim ako ng mahina. "Air is a physical substance which has weight. It has molecules which are constantly moving. Air pressure is created by the molecules moving around. Moving air has a force that will lift kites and balloons up and down. Air is a mixture of different gases; oxygen, carbon dioxide and nitrogen. All things that fly need air. Air has power to push and pull on the birds, balloons, kites and planes. Hot air expands and spreads out and it becomes lighter than cool air. When a balloon is full of hot air it rises up because the hot air expands inside the balloon. When the hot air cools and is let out of the balloon the balloon comes back down. Just like the planes, when they're fuelled up, they will go, rise, and fly but if it runs out of fuel and cooled down, the plane as well will back down."

I can still feel the silence so I sat down. Dennis started to clap and our other colleagues followed. Bahagya siyang lumapit sa'kin. "Ang galing! Naalala mo pa lahat 'yon? Pwede mo namang sabihin na ang air ay hangin." Saka siya tumawa

Tiningnan ko naman siya ng masama. Wala talaga siyang masabing matino.

"Okay." She shortly responded to my answer

"So tulad ng sinabi niya, kailangan ng hangin para lumipad ang isang bagay. Pero hindi lahat ng bagay ay lumilipad especially weighted things at wala pang ibang factors na tumutulong para mapalipad ito. As of the case, in airplanes or aircrafts, they can be flied and it has something to do with their wings." Nagsimula siyang maglakad lakad

"Ano sa tingin ninyo ang kinalaman niyon? Can somebody answer me?"

I remembered our lesson pero hindi na naman siguro niya ako tatawagin.

"Okay, Ms. Zacarias. You're rasing your hand."

Tumayo naman si Vanessa. "Airplane wings are shaped to make air move faster over the top of the wing. When air moves faster, the pressure of the air decreases. So the pressure on the top of the wing is less than the pressure on the bottom of the wing. The difference in pressure creates a force on the wing that lift the wing up into the air."

"Alright, very well said, Ms. Zacarias."

"May galit ba sayo 'yan?" Dennis leaned to ask me

"Bakit naman?"

"Eh maiksi lang 'yung sagot ni Zacarias, pinuri niya na tapos ikaw na mahaba, okay lang 'yung sinagot sayo."

"Wala kang pakialam."

Bumalik siya sa normal na pagkakaupo niya saka muli kaming nakinig sa maiiksi niyang paliwanag.

"Nakuha niyo ba? I hope yes, because I won't repeat a single thing."

"Siguro naman pamilyar na kayo sa Laws of Motion, hindi ba?" pagpapatuloy niya. Tumango naman kami bilang kasagutan

"In 1665, Sir Isaac Newton proposed the three laws of motion. The first one is that, if an object is not moving, it will not start moving by itself. If an object is moving, it will not stop or change direction unless something pushes it. Or simply being said, the objects at rest will remain at rest unless it's moved. In case of planes, hindi naman 'yan aalis o lilipad otherwise, there's someone driving it. Kung diyan lang 'yan sa isang lugar at walang gumagalaw, hindi 'yan lilipad mag-isa. But, if someone operated the plane, it will now move and will also be able to change it's direction if the pilot pushes the elevator." She explained

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya. May iba pa akong nakikita na pasimpleng humihikab.

"Pangalawa, objects will move farther and faster when they are pushed harder. Simple—

"Yes, Ma'am. Alam na alam ko 'yan!" isang lalaki sa likod namin ang sumigaw. Lumingon kami sa kanya, nakataas pa rin ang kanyang kamay at tinatawanan naman siya ng mga kaibigan niya.

Bumalik ang tingin ko sa unahan at nakita ko kung paanong nagtaas ng kilay si Ms. Chavez.

"And that is?" tanong niya

Tumayo ang lalaki. "Na malayo talaga ang nararating ng isang bagay kapag malakas o sagad ang pagkakatulak."

Mahina akong natawa pati na rin ang mga kasamahan namin at ang ilang sundalong nagbabantay pa sa'min. Sa gitna kasi nakatayo si Ms. Chavez at sa baba naman ng platform sa magkabilang gilid niya'y may dalawang sundalong nakatayo pati na rin sa pinakalikod namin. Lahat yata kami natawa, siya lang ang hindi.

"What exactly are you referring at?"

Umiiling na tumatawa ang lalaki na sigurado ako, kasamahan nina Ian.

"'Yun lang po, Ms. Chavez." Saka siya naupo

Natuon muli ang atensyon namin sa unahan. Nawala tuloy ang antok ko.

"Katulad ng sa eroplano, mas mabilis at mas malayo ang mararating nito kung may pwersa ang pagmamaneho natin sa elevator nito. And for the third law, when an object is pushed in one direction, there is always a resistance of the same size in the opposite direction."

Umayos ako ng upo para makinig na rin sa kanya ng maayos pero nasira ang plano ko nang may kumalabit sa'kin mula sa likod. Una, hindi ko pinapansin dahil paisa-isa lang ang kalabit niya pero hindi nagtagal sunod-sunod ang ginawa niyang pagkalabit sa'kin kaya inis akong humarap sa likod.

I saw Ian and his friends smiling. Patago niyang pinakita sa'kin ang cell phone niya at may nakatype na roong mga salita and the fucc with his guts, he's asking me for lunch!

"No." I simply answered

Mababa lang ang boses ko dahil nagdi'discuss pa rin si Ms. Chavez. Umayos ulit ako ng upo.

"Ano 'yun?" tanong naman sa'kin ni Dennis. Umiling lang ako bilang kasagutan dahil ayaw ko ng humaba pa ang usapan namin. Mamaya baka mapagalitan pa kami.

Akala ko buong oras na akong mananahimik dahil hindi na inulit ni Ian pero maya't maya lang naramdaman ko ang pagsundot niya sa baywang ko.

"Ano ba?!" mahina ngunit marahas kong sabi sa kanya

"Just lunch, ibigay mo na sa'kin."

Tangina. Nakakairita ang lalaking 'to. Ni hindi ko nga rin natatandaan ang sinasabi niyang kaibigan niya at ex ko raw. Hindi ko siya kaklase at mas lalong hindi ko rin siya ka'schoolmate. Dito ko lang nakilala ang Ian Escolte na 'to.

"Ayoko nga." I snobbed him again

"Ano? Patulan ko na?" lumapit na naman sa'kin si Dennis. Tiningnan ko rin siya ng masama.

"Isa ka pa."

"Bakit?"

Sasagot na sana ako nang bigla akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa humawak sa baywang ko.

"Ahhh!!"

Napatayo kaming iilan na malapit na nakaupo sa pwesto nina Ian. Nakarehistro sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Pilipit ang kamay niya dahil sa pagkakahawak sa kanya ni Captain. Mas dumaing pa si Ian nang higpitan ang hawak sa kanya. Nakita ko ang paglapit sa'min ni Ms. Chavez.

"Huwag mo akong pakitaan ng ikakagalit ko, Mr. Escolte. Hindi mo gugustuhin ang pwede kong gawin sayo." His voice is so furious and he's looking at him darkly.

"What's happening here?" tanong ni Ms. Chavez. Hinawakan niya sa balikat si Captain para pakalmahin ito.

Umiwas ako ng tingin nang bitawan niya ang pagkakahawak kay Ian.

"I request you to dismiss this class right away and Mr. Escolte, I want to see you in the field, now." He glanced at me and then left

Unti-unting nawala ang tensyon sa amin at dinismiss na rin kami ni Ms. Chavez. Tahimik lang ako hanggang sa sumapit ang hapon. Napapaisip pa rin ako kung nakita ba niya ang ginawa sa'kin ni Ian, pero bakit naman siya aakto ng gano'n kung wala naman siyang nakita? Or baka may nagawa lang na kalokohan si Ian kaya pinatawag niya ito sa field.

Argh! Hindi ko na alam.

Papalubog na ang araw at papasok na sana kaming mga trainees sa headquarter pero hindi masyadong kalayuan, may nakita kaming isang tao na tumatakbo at para bang pagod na pagod na. Pasuray-suray na ang takbo nito habang walang damit pang-itaas. May isa ring bulto na nakatayo at parang binabantayan siya.

"Si Ian 'yon?"

"Ha?" dumungaw sila na parang nasa bintana lang.

"Oo nga! Si Ian nga! Pinaparusahan ba siya?"

"Si Captain 'yon?"

Sunod-sunod pa ang naging tanong nila at kung ano anong sinabi. Hindi ko na sila hinintay pa, pumasok na ako ng tuluyan saka pumunta sa quarter namin. Iniwasan ko na rin ang mag-isip tungkol sa nangyari. Sigurado naman akong hindi 'yon dahil sa'kin.

Nagbihis at nag'halfbath lang ako saka nagpahinga sa aking kama. I opened my social media accounts and scrolled on my phone. I saw nothing but messages of my former boyfriends and my lovely friend, Ayen. I replied to her because she's asking me out. Tinatanong niya rin kung pwede akong madalaw.

Hindi ko pa alam kung kailan ako magkakaroon ng sapat na oras para lumabas dito at isa pa, kadarating lang namin kaya siguro matagal-tagal pa bago kami muling payagan lumabas. Sa pagdalaw naman niya rito hindi ko alam kung allowed ba. I think kailangan ko pang magtanong pero wala pa akong mapagtanungan kasi wala pa akong kaibigan o medyo close na higher officials na at alam na ang pasikot-sikot o mga norms dito.

"Bakit kaya ginawa 'yon ni Captain?"

Gumalaw lang ang ulo ko para tingnan ang mga kasamahan kong nag-uusap usap pa rin. Nakapasok na silang lahat at nagulat sila nang makitang narito na ako.

"Kanina ka pa?" tanong ni Hydie

Tumango naman ako.

"Kaya naman pala bigla kang nawala roon. Hindi ka ba nagtataka kung bakit pinaparusahan ngayon ni Captain si Ian?" Arcie

I shrugged my shoulders.

"Hindi mo alam? 'Di ba nasa harap ka lang nila?" Vanessa

Bigla akong nainis sa kakulitan nila. They kept asking questions that I don't really know the answers. Binaba ko ang cell phone ko saka sila tiningnan.

"Wala akong alam."

The atmosphere felt awkward and they nodded.

"Manahimik na nga kayo! Puro kayo tsismis kaya naiiwan kayo ng mga boyfriend niyo, e." Saway ni Hydie na sa palagay ko'y muling nagpagaan sa awra ng lahat.

"Kapal nito." Lisel

"Kaya ka siguro iniwan ng boyfriend mo kasi pinili mong maging katulad niya?" paghirit naman ni Rachel dahilan upang magsitawanan sila.

Pulang-pula si Hydie at may hawak siyang unan na mahigpit ang hawak niya. "Gaga! Wala pa akong naging boyfriend."

Gulat kaming napatingin sa kanya.

"'Di nga?" Arcie

"Sinungaling mo." Rachel

"Totoo naman talaga!" depensa ni Hydie

Tumayo si Lisel sa kama niya saka tinaas ang kamay na parang si Darna. "Bigyan ng boyfriend si Hydie! Woooh!" tumalon-talon siya sa kama kaya nagtawanan kami nang makisabay silang lahat.

"Operation! Gawin ulit babae si Hydie!" sigaw naman ni Rachel

"Bigyan ng boyfriend 'yan!" Vanessa na nilagyan pa ng tono ang sinabi niya

"Mga gaga kayo! Tumigil nga kayo!" binato sila ni Hydie ng unan

Nakitawanan ako sa kanila. Ilang sandali pa'y humupa rin sila. Nagpahinga pa ako ng kaunti dahil nasa banyo pa rin ang ilan sa kanila. Nang tingnan ko ang relo, nakita kong alas syete na ng gabi. Oras na naman para bumaba at kumain.

I made ready of myself to go out for dinner. Hindi na ako lumabas kagabi kaya kakain na rin ako ngayon ng maayos. Pakiramdam ko gutom na gutom ako sa maghapong lecture namin.

"Tara na!" Rachel

"Pagkain is waiting! My tummy is readying!" Lisel

"Ang ingay ninyo!" sigaw ni Hydie sa kanila

Saglit kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at nang harapin ko na ulit sila, nakatingin silang lahat sa'kin.

"Bakit?" hawak ko pa rin ang cell phone ko

"Nag'blush on ka?" tanong ni Vanessa pero umiling ako. Bakit naman ako magba'blush on? Kakain lang naman kami.

"Lipstick?" Arcie

"Hindi rin. Anong mga tanong 'yan?"

"Wala lang, kanina ka pa kasi tingin ng tingin diyan sa salamin tsaka okay ka na ba sa suot mo?"

Nakaitim na sweat pants lang kasi ako saka vintage croptop na white, sa may shoulder part ay may dalawang stripes na black.

"Oo."

Nagkibit-balikat nalang sila saka lumabas na kami. Ano kayang menu ngayon sa cafeteria?

I'm craving for something sour.