Nasa elevator na ako mag-isa at paakyat na ako sa quarter namin. Naroon naman ang mga kasamahan ko sa cafeteria para sa lunch namin and I will just get my phone. Free time naman namin kaya pwede nang gumamit.
The elevator opened and I was surprised to see who was in front of me. Dumiretso lang siya sa loob matapos akong tingnan. Umatras naman ako ng bahagya kaya nasa unahang parte ko na siya.
I saw him pressed the top floor. Hindi ba siya magla'lunch?
"Was it good?" biglang tanong niya kaya napatayo ako ng ayos.
"Ang alin?"
Lumingon siya sa'kin at tinaasan pa ako ng kilay. "Flight." Matipid niyang sabi saka bumalik ang atensyon niya sa unahan
"Oo naman. Kailangan kong gawin ang best ko."
"Bakit?"
"I need to prove it to someone." Saka ako napayuko. Naisip ko na naman si Mommy.
Habang nakayuko nakita ko ang pagharap ng mga sapatos niya sa'kin kaya nasisiguro kong magkaharap na kami ngayon.
"And that someone isn't me, right?"
Umangat ang tingin ko dahil sa tanong niya. "Bakit mo naman iniisip na para sayo ang ginagawa ko?"
"Sinundan mo ako dito, 'di ba?"
Nag-init ang ulo ko. "Kumakapal yata ang mukha mo? Bakit naman kita susundan dito at bakit ko naman gagawin 'to para sayo? Sino ka ba?" Umisang hakbang ako palapit sa kanya. "Matagal ka ng wala sa buhay ko, tandaan mo 'yan."
"Really? Keisha."
My eyes widened again. "Don't call me with my name. Hindi tayo close at ikaw na rin ang nagsabi, you're my Captain and I am just your trainee."
"Hindi porke minamaliit mo na ako, papatutunayan ko na ang sarili ko sayo. If incase I am doing my best, always remember that it's not for you. Wala na akong kailangan pang patunayan sayo, Xodriga." Dagdag ko pa
"I am your Captain."
"Then address me as your trainee. Huwag na huwag mo na akong tatawagin sa pangalan ko."
His jaw clenched hard. Tinalikuran na niya ako habang nakapamulsa pa rin. Nang tingnan ko ang taas na bahagi ng elevator nakita kong malapit na ako sa palapag ng quarter namin.
Then eventually I remembered something so I went in front of him. Bahagya pa siyang nagulat pero mabilis na bumalik sa dati ang ekspresyon niya.
"Anong ginawa mo kanina sa command center?"
"To monitor you." Mabilis na sagot niya. Hindi pa rin siya nakatingin sa'kin.
"Bakit?"
His eyes met mine. "Sigurado ka bang gusto mo marinig?"
Natigilan ako saglit. "G-go, I don't mind."
Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. "Because I don't trust you."
His words ripped my heart. He doesn't trust me at all. I've broken his trust for unknown reasons and I can feel nothing but hurt. Ewan ko kung bakit nasasaktan akong marinig na wala pa rin siyang tiwala sa'kin hanggang ngayon. Na parang tulad lang dati, kaya kami naghiwalay dahil hindi niya rin ako noon pinaniwalaan. Mas nakinig siya sa iba kaysa sa'kin.
Napamura ako sa aking isipan nang mapagtantong nanunubig ang mga mata ko. Umiwas agad ako ng tingin at saktong bumukas naman ang elevator. Lalabas na sana ako pero nakita ko ang isang lalaki sa harapan nakatayo. Natatandaan ko pa siya kaya sumaludo ako sa kanya. I did all my best to stop my tears.
"Sir." He's our Colonel
Ang tingin niya'y sa'kin at babalik naman sa lalaking nasa likod ko. Nang tumango siya, doon lamang ako umalis ng tuluyan at doon din tumulo ang isang butil ng luha ko. Mabilis ko iyong pinunas.
Pumasok ako sa quarter namin saka dumiretso sa kama. Ang plano ko'y kuhanin lang ang cell phone ko at bumaba na para kumain pero bigla nalang akong nawalan ng gana kaya nahiga nalang ulit ako. Sharp 14:00, we'll be back there again.
Nagdadalawang isip ako kung matutulog ba ako o hindi baka kasi hindi ko mamalayan ang oras. I scrolled on my phone and decided to call my mother but she's not answering so I decided to call my grandmother instead. Ilang ring ang lumipas nang sagutin na niya.
["Apo! I miss you so much!"]
Wala sa oras na napangiti ako. "I miss you too, lola." Mahinang sabi ko
["Oh, bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?"]
"Wala po, kakatapos lang ng training namin at lunch palang ngayon. I'm just kind of tired."
["Kumain ka na ba?"]
Hindi agad ako nakasagot. Ayaw ko namang sabihin na wala akong gana dahil siguradong mag-aalala lang sila. "Opo, lola. Nasaan po pala si Mommy? Hindi niya sinasagot ang tawag ko."
["Ha? Bakit naman? Nasa kwarto niya lang siguro. Hayaan mo, pupuntahan ko at sasabihang tumatawag ka."]
"Huwag na po, baka natutulog. Tatawag nalang siguro ako kapag may oras na ulit ako. Tell her and lolo that I'm doing fine. I just finished flying an aircraft and it's wonderful, la. I feel so happy."
I guess ayaw lang sagutin ni mommy ang mga tawag ko dahil galit pa rin siya sa'kin.
["Talaga?! Congratulations, apo! Ang galing galing mo talaga."] parang bata talaga si lola minsan kaya malapit na malapit ako sa kaniya
"Syempre po."
Inubos ko lang ang bakanteng oras namin sa pagkausap sa kaniya. She even video-called me dahil gusto niya raw na makita ang mukha ko.
I fixed myself again and went outside leaving my phone behind. Exactly 14:00, naroon na silang lahat pero hindi pa nakahanay. Nagkukumpulan pa sila't nag-uusap pero nang tumingin sila sa parte ko, nagsiayusan na rin sila ng hanay. Then I felt a presence behind me that's why I walked faster going to the girls.
"Kumain ka? Hindi ka naman pumunta sa cafeteria, e."
Nginitian ko lang siya ng tipid. "Sorry, pinaghintay ko kayo."
"Okay lang." I felt touched with her kindness
Nang tumingin ulit ako sa harap, nakita ko ang pares ng mga mata niyang matamang nakatingin sa'kin. Ano na naman kaya ang problema niya?
"We'll continue now."
May tinawag na naman siyang pangalan at nagsimula na naman ang training. Hanggang sa sumapit ang hapon, pagod na pagod kaming lahat. Nagawa ng mabuti ng iilan at may ilan namang tumanggap ng warning.
Mula sa aming kinatatayuan, tanaw na tanaw ko ang papalubog na kulay kahel na araw at kalangitan. Ang ganda sanang magpicture kaso wala pala kaming cell phone. Nagsilakad at alisan na ang ibang trainees para pumasok sa headquarter. Ako naman, tinanggal ko ang pagkakatali ng aking buhok ko at nilugay nalang iyon. Gabi na rin naman at tapos na kami. Basa pa itong buhok ko kanina kaya papahanginan ko lang. Tinanggal ko rin ang isang butones ng uniform ko dahil pakiramdam ko nasasakal na ako sa buong maghapon.
Bitbit ang aking helmet, naglakad na ako kasabay ng iilan. Sa unahan ko'y mga kasama ko sa quarter at sa likod nama'y mga kalalakihan na.
"Hi, Keisha."
Napalingon ako sa dalawang lalaki na tumabi sa'kin. Nakaakbay ang kasama niya sa kanya habang pangiti-ngiti.
"Hi." Maikling sagot ko
"Naaalala mo pa ba ako?"
"Hindi." I heard them laughed and teased each other. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan ko na pero mukhang humahabol silang nasa likod.
Boys and their ninja moves.
"I'm Ian Escolte, from Eagle Air Academy. I am friends with your ex."
Natigil ako sa paglalakad saka hinarap siya. The girls in front of me also stopped when they heard the word.
"Naaalala na yata niya." Bulong niya sa kasama at nakipaghigh-five pa.
"What's his name?"
Their mouth formed an 'o'. They looked surprised after hearing me. I'm just asking the name of my ex his referring to.
Hindi ko na hinintay pang magsalita siya o sila. Bumalik na kami sa quarter namin at sabay-sabay yata kaming napahiga sa kama.
"Nakakapagod."
"Yeah." I shortly answered.
"Hey, pwede bang malaman ang mga pangalan niyo? Ilang gabi na tayong magkasama sa kwartong 'to pero hindi pa rin natin nasasabi ang mga pangalan natin sa isa't isa."
Ipinilig ko ang ulo ko sa babaeng nagsalita na ngayon ay nakaupo na sa kama.
"My name is Rachel." Pagpapakilala niya
"Ako si Hydie." Ang katapat naming kama at nasa gitnang bahagi siya. Siya naman ang nagsabi sa'kin kagabi na nawawalang prinsesa raw ako. She's a lesbian I think.
"And I am Vanessa." Siya iyong unang sumubok kanina
Ang sunod namang nagsalita ay ang babaeng nasa pinto malapit. "I'm Lisel. Nice meeting you girls."
The next is the girl beside me. "My name's Arcie."
"Keisha." Maikling pagpapakilala ko. "But you can call me, Kesh if you want." I smiled at them
"Cute." Hydie said
"Mag-ingat ka, Kesh kay Hydie. Marunong dumiskarte 'yan sa babae." sabi naman ni Lisel kaya nagsitawanan kami
"Ewan ko sa inyo." Tumatawang sabi ko saka tumayo para pumunta na sa banyo.
Hinubad ko lang ang uniform ko saka naghalf bath at nagshorts saka T-shirt nalang. Nang lumabas ako ng banyo, nakatingin na naman sila sa'kin. At doon ko napansin ang mga suot nila, they are all in pants.
"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka bababa para kumain?" Vanessa
"Ha? H-hindi na." wala ako sa mood kumain
"Hindi ka ulit kakain?" Lisel
Naglakad ako patungo sa aking kama. "No. I'm not in the mood to eat. Tsaka hindi ako nakakaramdam ng gutom."
"Don't worry, dadalhan nalang kita ng pagkain." Hirit ni Hydie kaya tumawa ulit ako
"Baliw. Hindi naman ako nagugutom."
"Anong hindi? Kanina ka pa kaya hindi kumain tapos ngayon hindi na naman? Ano 'yon? Nagpo'produce ng sariling pagkain ang tiyan mo kaya hindi ka nagugutom?" siya ulit
"Ewan ko sayo. Dalhan mo nalang ako ng pizza mamaya kung gusto mo." nahiga ako sa kama
"Okay, no problem, my Keisha." Nakangiting sabi niya
"Hoy! Kinikilabutan ako sayo ha!" biro ko dahilan upang magsitawanan sila
"Oo na."
Umalis sila at naiwan nga akong mag-isa sa loob. I hummed a song and put my headphone on. I will call my mother now. I want to talk to her. Simula ng umalis ako papunta rito hindi ko siya nakausap dahil nga galit pa siya sa'kin.
"Mom."
Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy lang ako. "Kumusta ka na? Sorry po kung ngayon lang ako nakatawag, ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng oras. We just finished training and I did very well, Mom. Sinabi ko na rin kay lola kanina at tuwang tuwa siya. I also have friends here and we're in one room. They are out for dinner though."
Hindi pa rin siya nagsalita. "I miss you, Mom."
["Napapagod ka ba ng sobra diyan? Pwede kanang umuwi dito kung gusto mo. Just leave it already, anak."]
I covered my body using the sheets. I closed my eyes and started to talk again. "You know I can't do it, Mom. Kahit naman napapagod ako hindi pa rin ako susuko. I can't leave my dream, Mom. This is what I really want."
["Hindi ka na ba talaga makikinig sa akin, Keisha?"]
Binuksan ko ang mga mata ko saka napabuntong hininga. "Mom, makikinig ako sa inyo but if this is about you, stopping my dream, I'm sorry but I won't."
Akala ko pa naman makakapag-usap na kami ng matino ngayon.
["Don't ever talk to me. Nasaan na ang masunurin kong anak noon? Simula ng mawala ng Daddy mo hirap na hirap na ako sayo. Naging matigas na ang ulo mo at palagi mo nalang akong sinusuway."]
My tears fell. Gusto kong sabihin na kahit ikaw Mommy, parang nag-iba na rin lalo na ang pakikitungo mo sa'kin. Pero alam kong wala akong karapatan kaya sa lahat ng oras, mas pinipili ko talagang manahimik nalang.
"I'm sorry—
Binabaan niya ako ng telepono. This day is so nice to me. Insert the sarcasm again.
Nagtalukbong nalang ako saka nivolume ang tugtog sa headphone ko. The music was Ariana Grande's music pero nang matapos na, Tagalog song na ulit. I listened to it hanggang sa chorus. I know this song and this is entitled, Ang Dating Tayo ni TJ Monterde. Inis kong nilipat sa ibang kanta. Pamagat pa lang ayaw ko ng mabasa.
Nakapikit pa rin ang mga mata ko dahil feeling ko antok na antok na ako.
Oh, I hate how much I love you.
And I hate how much I care.
Damn this song. I Hate How Much I Love You by Conor Maynard.
Next…
Cause I'll be right there to hold you when you cry…
Cause even though you left me broke, I still think you're beautiful…
I hate more than you could know…
Shit. Not Over You and still by Conor.
Ano ba 'yan Conor! Bakit parang para sa'kin 'yang mga kanta mo?!
The next song I played while closed eyes will surely not be his song this time. And I smiled devilishly when it's a different song now.
Sometimes I, feel like I'm all alone
Wonderin' what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home
Back to me
There are times, I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I, never let you go slip away
Have enough reasons for you to stay--
Darn it.
Naiinis akong umupo sa kama saka tinanggal ang headphone ko. What's wrong with these songs?!
Tatayo na sana ako sa kama para umalis pero agad akong natulos sa aking kinatatayuan nang makita kung sino ang nakaupo sa tapat ng aking kama habang nakatingin sa akin.
"A-anong g-ginagawa mo dito?"
He's unbelievable. How can he come here without knocking?!
"Skipping your meal again?"
Nagulat ako sa tanong niya. Bakit alam niya?
"Lumabas ka na." I went near him to push him away. He stood up and I felt how he reigned over me because he's tall enough to make me look up.
His eyes trailed down my body and I felt the reddening of my cheeks realizing that I'm just in my shorts.
"Bastos. Hindi ka ba naturuang kumatok muna bago pumasok sa kwarto ng may kwarto?"
"I did but I lost my patience. And you're wearing that thing so definitely you'll not hear me." sabi niya saka tinuro ang headphone
"K-kahit na. Hindi ka dapat pumasok nang nakita mong wala akong kasama."
Ngumisi siya saka humakbang palapit sa'kin. "Bakit anong kinakatakot mo?"
I avoided his gazes. I couldn't take a step backward because the back of my toes were already touching the edge of my bed.
"Magpalit ka ng damit. Maghihintay ako sa labas." Dire-diretso niyang sabi saka umalis
Instead of doing what he said, I lied on my bed again and put my headphone on. I will not let him control me, over my delicious body.
I closed my eyes and covered my whole body with my sheets. I hope he'll not really wait for me.
Nagising ako na medyo madilim na ang paligid. Napabalikwas ako sa kama nang mapagtantong nakatulog pala ako ng tuluyan. Inalis ko ang kumot na tumatabon sa katawan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakapajamas na ako.
What the heck!
Sinong nagbihis sa'kin?! The fucc!
Mabuti nalang nakita kong nakashorts pa rin ako. Damn it. Umalis ako sa kama saka in'on ang switch ng ilaw. Lumiwanag ang buong kwarto namin. Aalis na sana ako nang makita ang tatlong lunch box sa mesa sa gilid ng kama ko. Tiningnan ko naman ang wall clock namin saka nakitang alas tres na ng umaga.
I went to the comfort room and brushed my teeth. I don't think I can sleep again. Tumutunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Naghintay kaya siya sa'kin kagabi?
Bumalik ako sa loob saka nakitang mahimbing pa rin ang tulog nila. Pumunta ako sa mesa ko saka binuksan ang tatlong lunchbox na naroon. Nilingon ko muna si Hydie na tulog na tulog pa rin. Dinalhan niya talaga ako ng pagkain kaso walang pizza.
I started to eat. It was rice, meat, and vegetables. Ang sustansya naman nito.
After I ate, pinahinga ko saglit ang aking katawan saka naligo na at nagtootbrush ulit. I wore our black uniform again except our top uniform. Nag'T-shirt muna ako ng kulay itim dahil plano kong magjogging around the area. Hindi rin muna ako nagboots. Babalik din naman ako mamaya rito bago mag-five. Iniwan ko lang din na nakalugay ang buhok ko.
Lumabas ako ng quarter namin at tahimik pa sa labas. Nang makarating naman ako sa labas ng headquarter kung saan nasa open ground na talaga ako, doon ko naman naramdaman ang lamig na simoy ng hangin. Namangha ako nang makitang may iilan na talagang gising at inaayos ang ilang eroplano. May mga maaga ring nageehersisyo at sabay sabay na nagjogging. Tumingala ako para rin makita ang paparating na eroplano.
That time, I appreciated my presence here. I am lucky enough just to be given an opportunity to train in this unit. Lihim akong napangiti. There's no way I'm giving up this dream.
People are so busy in this early time. I started to jog and sweat myself. I made sure that I won't get their attention but it was ruined when a woman jog beside me.
My eyes widened upon realizing who the woman was. Siya iyong sinasabi kong maganda na nakita ko na parang kabilang sa high ranking officials. Sumaludo ako sa kanya. Nilingon niya lang ako saka nagpatuloy siya.
"You're new here."
"Yes, Ma'am."
"It wasn't a question, Ms."
Agad na nawala ang ngiti ko. Umagang-umaga nagsusungit siya. I want to tell her that I just answered her start of conversation. But I don't wanna be rude to our seniors.
"S-sorry."
"It's fine." Sagot niya
Tumatakbo pa rin siya at napapasulyap ako sa kanya paminsan-minsan. She's really beautiful. She has this sharp nose and red thin lips. She's always chin up, making her more respectable.
"What's your name?" tanong niya kaya napalingon na naman ako sa kanya habang tumatakbo pa rin kami
"I'm Keisha—
"Hey!"
Napatingin ako sa binati niya sa unahan. She kissed his cheek but our eyes met.
"Hindi ka yata sumabay sa'kin ngayon?"
Hindi ko alam kung bakit natigil din ako sa pagtakbo kaya nang tumingin sa'kin iyong babae, bahagya akong yumuko bilang pamamaalam na aalis na ako. I continued jogging and then I remembered what she said.
Sabay pala silang nagjo'jogging ni Captain. Ano kayang meron sa kanila?
Well, it doesn't matter to you, Keisha.
Mas binilisan ko nalang ang pagtakbo ko kaya mas namawis na ako. Tumigil akong hinihingal.
"It's not jog anymore, you're already running."
Napatalon ako sa gulat.
"Pake mo?"
I rolled my eyes and continued again.
"Stop."
Hindi ako nakinig sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko nalang na sumubsob na ako sa dibdib niya nang hilahin niya ako pabalik.
Tumingala ako at nagsalubong ang mga mata namin. Damang-dama ko ang mga muscles sa dibdib niya kaya mabilis akong lumayo.
"Ano bang kailangan mo?"
Humakbang siya palapit sa'kin. "Ibibigay mo?" nanghahamon na tanong niya
"Shut up!"
"Baka nakakalimutan mong pinaghintay mo ako?"
"Hindi ko nakakalimutan." Pagtataray ko
"So, sinadya mo?"
"Oh, bakit? Ikakamatay mo ba?"
Nawawalang pasensya na tumingin siya sa malayo.
"You're so fucking nice."
Minumura niya ba ako?
"And you're not so fucking nice."
Tumingin siya sa'kin ng salubong na salubong ang mga kilay. Subalit hindi nagtagal, umarko ang mga labi niya paitaas. He's smiling cunningly.
"Yeah, and it's so nice putting your pajamas on."
Sa isang iglap lang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ko ngayon hindi sa hiya kundi pati na rin sa galit.
I was about to slap him but he got my hands.
"How could you do that?!"
Hindi siya sumagot.
"Will you please stop interfering with my life? Hindi na nakakatuwa. Anong karapatan mong suotan ako ng pajamas? Anong karapatan mong bihisan ako no'n ha? Sino ka ba?!" tinulak-tulak ko siya sa dibdib
"And what? Sinasabi mong haharap ka sa isang sundalo ng gano'n ang hitsura? Tuwing madaling araw may papasok sa kwarto ninyong lalaki at wala 'yang pakialam kung anong bihis niyo kaya umayos ka."
I was taken aback with his words. What is he trying to say?
"Una, wala kang pakialam. Pangalawa, wala ka pa ring pakialam. At pangatlo, wala ka talagang pakialam!"
His eyebrows furrowed even more. Hindi ako makapaniwalang hindi pa nga sumisikat ang araw e may nakakaaway na ako.
"Captain."
Parehong kaming napalingon sa tumawag sa kanya.
"Pinapatawag ka ni Colonel. Isama mo na rin daw si Ms. Chavez."
Tinanguan niya lang ito saka muling tumingin sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bye, Captain." nginitian ko siya pati ang lalaking kaharap namin saka na ako tumalikod at nagtuloy tuloy sa pagtakbo. Sa aking pagtalikod ay agad akong napairap.
I'm so fake.
Dumating ako sa quarter namin at naabutang tulog na tulog pa rin ang mga kasama ko. Then an idea came into my mind.
Kinuha ko ang aluminium na dustpan namin saka walis tambo. Pinukpok ko iyon ng malakas at napatawa ako nang makita kung paano sila magsibabaan ng kama at magpatiunahang tumayo ng maayos.
"Great. Great." I said
Sabay-sabay silang napatingin sa'kin saka nanlaki ang kanilang mga mata. Hindi yata sila makapaniwalang ako ang gumising sa kanila.
"What the fuck?!" Lisel
"Anong ginawa mo?!" Hydie
"Argh! Nakakainis ka!" Vanessa
Tawa ako ng tawa habang sila naman ay busangot ang mga mukha.
"Sorry na. Gusto ko lang naman na gisingin na kayo ng maaga para mamaya bago pa man pumasok ang kung sinong officer dito'y ready na tayo. Ayaw niyo ba no'n?"
"Sabagay, may point ka." Pagsang-ayon sa'kin ni Arcie kaya kinindatan ko siya
"Saan ka galing?" tanong ni Hydie
Bumaba naman ang tingin ko sa aking suot. "Ah! I went out to jog. Morning exercise, kung maaga lang kayong nagising sana sinamahan niyo ako."
"Hindi ka naman nanggising. Dumating nga kami rito kagabi balot na balot ka na ng kumot tsaka tulog ko na rin. Ako na rin 'yung kumain ng dala kong pizza! Paano mo nagawang paasahin ako?!" Hydie
My forehead wrinkled. "Anong pizza? Nagising ako kanina para kumain wala namang pizza dito. Ang nasa mesa ko lang tatlong lunchbox."
"Pagdating namin dito nandiyan na 'yan kaya 'wag kang ano. Hindi sa'kin galing 'yan. Ang dala lang namin kagabi para sayo pizza pero since tulog ka na, kami nalang ulit ang kumain." Sagot pa niya
Kung hindi siya ang nagbigay sa'kin nito, sino naman? Siya lang naman binilinan ko ng pagkain ko ah.
"Ay ewan, ang gulo niyo." Rachel muttered as she went to the bathroom
"Maligo na kayo't magbihis kung ayaw niyo ulit mag'push up mamaya." Biro ko. Kahapon kasi sa pagkakaalala ko, sina Rachel, Arcie, at Vanessa ang na'late kaya kasama sila do'n sa mga pinag'push up ng Colonel.
Tiningnan lang nila ako ng masama bago umalis ng tuluyan. Nagbihis na rin ako ng uniform talaga namin. Nagpalit din ako ng T-shirt kasi basa na ng pawis iyong una. Tinali ko ulit ang buhok ko sa mataas na bun. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ngayon pero sigurado akong hindi pa ako sasabak sa pagpapalipad ng eroplano dahil kakatapos ko lang din kahapon.
I hope I'll have a productive day.