May kamag-anak o kakilala ka ba na nakulong?
O naranasan ang buhay sa loob ng piitan o mas kilaka bilang bilangguan/kulungan.
May kakilala ka ba na nakulong nang may nagawang masama o sala?.
O Kakilala na nadamay lamang, napagbintangan at nakulong nang walang sala?.
Kung meron...
Naitanong mo ba sa kanya/kanila na, 'okay ka lang ba?'... Dahil sa malamang, ang isasagot nila ay HINDI.
Naniniwala ka ba na lahat nang tao sa kulungan ay makasalanan? O tulad ko, na naniniwalang may mga taong nabilanggo nang walang sala.
Sa tingin mo, ano ang may roon sa likod nang mga matataas na pader na may mga patalim sa taas, kung sino man ang magbalak tumakas ay masasaktan.
Sa tingin mo, ano ang may roon sa bawat rehas? Sa bawat sulok nang bilangguan?.
ano ang kulungan para sayo?.
Lugar ba ito ng mga taong masasama at gumawa ng krimen?.
Lugar ba ito ng mga sanggano na halang ang mga bituka?.
O Lugar ng mga taong, nagsisisi sa mga kasalanan na kanilang nagawa?
Lugar ng mga taong nagsisisi sa kasalanan na hindi naman nila ginawa?.
ISANG lugar, pero napaka daming uri nang tao na may iba't ibang kaso. May iba't ibang kwento, may iba't ibang daing, mag iba't ibang saloobin. Puro IBA IBA pero... kung makikita mo. ISA lamang ang kanilang pag asa. ISA lamang ang kanilang pinagsasabihan nang mga hinahing at saloobin nila. ISA lamang ang nagbibigay nang pag asa sa kanila. Walang iba kundi ang DIYOS AMA.
Wala kang makakausap nang matagal dahil lahat nang gawain sa kulungan ay may limitasyon at may nakatakdang oras.
Subukan mo... Subukan mong magtanong nang mga nakaranas ng pagkabilanggo.
Tanungin mo siya/sila kung ano ang buhay sa loob.
Iisa lamang ang kanilang sagot... MAHIRAP.. Mahirap ang nasaloob nang kulungan.
Lahat kaya ng bilanggo ay may pag-asang makalaya at makita muli kung ano ang mga nahaharangan ng matataas na pader? Makakalanghap pa kaya sila nang sariwang hangin? Mararanasan pa kaya nila na makasama ang mga mahal nila sa buhay nang walang oras na binibigay?
Magkakaroon pa ba sila ng pag asa na mag bago at patunayan na kaya nilang maging mabuti?
O
Makakalabas nga sila, ngunit pantay ang kanilang mga paa?
Lahat nang iyan ay malalaman mo.. Kung matatapo mo ang kwentong CONVICTED!.