"DALIN na ang mga yan!" Utos ng kapitan sa mga tanod at binitbit ang mga nahuling kawatan na nagnakaw sa isa sa mga bahay rito sa Barangay Makinabang.
Tatalikod na ang grupo dahil tapos na ang misyon namin dito nang tawagin ng kapitan ang aming atensiyon..
"Teka!" Napahinto kaming lahat sa tawag ng Kapitan.
"Nais ko lang magpasalamat sa pag aksiyon ninyo para mahuli ang mga magnanakaw." Hinarap ng pinuno ng grupo ang kapitan.
"Iyon ang adhikain ng grupong Tau Gamma kaya wala iyon sa amin." Wika ng Pinuno na si Gil.
Itinatag ang grupong Tau Gamma na may adhikain na mapanatili ang kapayapaan sa Barangay Makinabang. Ang grupo ang umaaksiyon sa tuwing may taong masasama na nagloloob sa mga bahay rito. At sa mga kabataang naghahanap ng gulo o nagrarambulan.
"Kung gayon, nais ko kayong imbitahan sa Barangay upang parangalan kayo." Nagtinginan ang magkakaibigan dahil sa imbitasyon ng kapitan.
"Karangalan na ho namin ang mapanatili ang kapayapaan sa Barangay." Sagot ni Gil.
"Ibig sabihin ba non ay hindi ninyo tinatanggap ang paanyaya ko?" Kagkaklarong tanong ng kapitan.
"Ganon na ho Kapitan."
"Kung ganon, maraming salamat sa inyong serbisyo." Isa isang kinamayan ng kapitan ang mga kaibigan. Nang makarating ang kapitan sa aking harapan ay nag iba ang mga tingin nito sakin.
Hindi nako nagtaka.. Lagi namang ganon ang kapitan sa kanya.
Kinamayan siya ng kapitan at tumalikod na kasama ang mga tanod.
"Andy!" Narinig ko ang boses ni Cynthia na tinawag ang pangalan ko.
Nakita ko ito sa kabilang tawid ng kalsada na kumakaway sa amin.
"O, nadyan na pala yung numero unong tagahanga ni Andy." Rinig kong tukso ng mga kaibigan.
"Bakit ba hindi na lang si Cynthia ang ligawan mo kaysa kay Lea. Muka namang pinapaasa ka lang ni Lea, Andy."
"Tigilan ninyo ko!" Dahil kaibigan ko lamang si Cynthia at sigurado ko na kaibigan lang rin ang tingin sa kanya ng dalaga.
"Andy!" Naramdaman kong may umangkla saking braso.
"Lea!, ikaw pala."Bigla akong nakaramdam ng saya ng makita ang dalaga.
"Balita ko nakahuli nanaman kayo ng masasamang loob." Kaya pala nandito si Lea dahil nabalitaan nito ang ginawa nila.
"Oo Lea, yang si Andy ang nakahuli sa magnanakaw, may ala spiderman pala yang manliligaw mo, siya lang naman ang umakyat ng bubong para habulin yung magnanakaw." Pagmamalaking kwento ni Bandong sa nangyari.
Agad naman akong nakaramdamn ng hiya. Sa totoo lang, ayokong pinupuri dahil ginawa ko lang naman ang nararapat.
"Talaga! Ang galing mo naman Andy!" Masaya ko dahil masaya ang babaeng gusto niya, sa mga nagagawa niya.
"Ehem!" Napatingin ako kay Olan ng tumikhim ito. Sumenyas ito sa tawid.
Oo nga pala! Si Cynthia!
Nakita ko ang dalaga na naglalakad papasok sa eskinita.
Bakit hindi siya lumapit samin?
"Cynthia!" Tawag ko sa kaibigan.
Anong problema niya? Hindi man lang siya lumingon.
Baka hindi narinig ang pagtawag ko sa kanya.
"Tss!" Nalipat ang atensiyon ko kay Leo. Tumawid ito papunta sa kapatid.
"Anong problema non?" Hindi ko napigilang magtanong sa mga kaibigan.
Nagtinginan ang mga ito bago humarap sakin.
"Nag-aalala lang si Leo sa kapatid." Ha? May nangyari ba?
"Nag-aalala? Bakit may nangyari ba kay Cynthia?" Naguguluhan ako, kanina lang ay kumakaway ito sa gawi nila.
"Ikaw lang ang makakasagot ng mga tanong mo." Wika ni Rome
"Halina kayo." Aya ni Gil sa mga kaibigan.
"Teka!" Pigil ni Lea. "Kain muna tayo, libre ko kayo." Aya nito.
"Pasensya na Lea, pero may gagawin pa kami. Si Andy na lang ang isama mo." -Gil
Anong problema ng mga yon!?
"May nasabi ba kong masama?" Tinignan ko si Lea.
"May gagawin lang siguro sila Gil." Pinapagaan ko ang loob nang dalaga dahil batid kong nasaktan ito sa pagtanggi ng mga kaibigan.
"Ganon? Pero ayos lang kasama naman kita. Ikaw na lang ang ililibre ko."
"CYNTHIA!" Agad kong pinunasan ang mga tumulong luha saking mga mata bago hinarap ang kapatid.
"Kuya?" Pagkaharap ko pa lamang kay Kuya ay agad ako nitong niyakap.
"Ilabas mo lang ang mga luha na yan Cynthia, Kuya moko at alam ko ang nararamdaman mo ngayon." Pumatak muli ang mga luha saking mga mata.
"Kuyaaaaa!... Nasasaktan ako!"
"Alam ko, nandito lang si Kuya."
Nang makita ko ang mga ngiti ni Andy nang kausap nito kanina si Lea, parang tinusok nang tatlong libong karayom ang puso ko.
Alam ko namang si Lea ang gusto ni Andy... Pero mahal ko siya!... Pilit ko na lang sinasarili ang tunay kong nararamdaman para sa kanya dahil alam ko namang hindi masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya.
Nagmamahal ako nang patago.. At ang sakit sakit sa tuwing masasaktan rin ako ng patago.