Chereads / Convicted / Chapter 4 - Act 0004

Chapter 4 - Act 0004

THIRD POV

"NAMUMURO na sakin ang grupong Tau Gamma na yon!, lagi na lang sila ang nakakagawa ng dapat na ako ang gumagawa dahil ako ang kapitan dito!... Ako dapat ang tinitingala at hinahangaan ng mga tao rito! Hindi ang walang kwentang grupo na yon!" Nagagalit ang Kapitan sa kadahilanang naiinggit ito sa mga papuri ng mga tao sa Grupo nila Andy.. Na dapat sa kanya ginagawa ng mga tao dahil siya ang Kapitan.

"Kapitan hindi po ba pabor sa inyo ang ginagawa ng grupong Tau Gamma? Dahil sa grupo na yon nababawasan ang gulo at krimen sa barangay natin." Sinamaan ng tingin ng Kapitan si Enteng.

"Bobo kaba!? Halalan na sa Mayo! Dapat pangalan ko ang nasa isip ng mga tao rito hindi ang pangalan ng grupo na yon!" Galit nga Kapitan.

"Kailangan nang mawala na sa landas ko ang grupo na yon! Tawagin niyo si Romel!" Utos nang kapitan na tawagin ang anak nito.

"Yes Pa?" Sakto ang pagpasok ni Romel sa loob ng barangay.

"May iuutos ako sayo." Imporma nang Kapitan sa anak at inumpisahan nang isalaysay ang plano para sa grupong Tau Gamma.

Andreo / Andy POV

"Nga pala Andy, sama ko sayo ngayon sa karinderya niyo para tumulong, wala naman akong gagawin ngayon." Imporma nang kaibigan na si Olan.

Karindeya ng kanyang Nanay Ine ang pangunahing hanapbuhay nila. Pagdating nang tanghali ay babalik ako sa karindeya para tulungan si Nanay. Minsan ay tumutulong rin ang mga kaibigan, kung wala itong gagawin.

"Sigurado kaba Olan, wala kang gagawin?" Paninigurado ko, Tumango naman ang kaibigan.

"Ako rin Andy, wala naman akong gagawin at may gusto rin akong makita." Mukang tanga ang ngiti na naka lagay sa muka ni Bandong. Sigurado ko na magpapakyut lang ito kay Maymay, ang tigapag urong nila sa karinderya.

"Sus Bandong, tigilan mo nga kami, nagpapalusot ka lang para makita mo si Maymay." Sumeryoso ang muka ni Bandong at humarap sa kaibigan.

"Pakielam mo ba Olan, palibhasa kasi walang nagkakagusto sayo." Pang-aasar nito.

"Bakit may gusto ba sayo si Maymay?" Bakik na kutya nang kaibigan.

"Aba't-"

"Tama na yan, halina kayo, baka hinahanap nako ni Nanay." Tumango naman ang dalawa pero bago ako tumalikod ay nag ambahan pa ang dalawa nang suntok.

Napailing na lang ako sa mga inaasta ng mga kaibigan , parang mga bata.

Konting lakad lang ang nilandas naming tatlo bago nakarating sa karinderya namin sa tabing kalsada.

"O Apo! Bandong, Olan!" Tawag nang Nanay samin.

"Mano po Nay." Nagmano ko at ganon rin ang dalawang kaibigan.

"Kumain na ba kayo? Maupo muna kayo at mananghalian." Alok ni Nanay.

"Tapos na ho kami Nay Ine, salamat po." -Olan

Nakita kong nilibot ni Bandong ang tingin sa buong karinderya. Marami rami rin ang kumakain sa karinderya dahil kilala ito na tambayan ng grupo.

"Nay Ine, Mukang marami pong kumakain ngayon, siguro po marami kayong urungin, tutulong na lang po akong mag urong." Nagtinginan kami ni Olan. Pareho kami nang iniisip na palusot lamang ni Bandong ang urungin para makita si Maymay.

"Ganon nga Bandong, Maraming urungin sa likod, nandon din si-" Hindi pa nataapos si Nanay na magsalita.

"Sige po Nay Ina, pupunta na po akong likod at mag uurong. Mga tol kayo na ang mag serve ha." Paalam ni Bandong at derederetyomg pumasok sa loob.

"Ano't mukang sabik na sabik mag urong si Bandong?" Naguguluhang tanong ng Nanay.

"Nangangati po ata ang kamay." sagot na lamang ni Olan.

"Ganon, mabuti na yon para mabilis ang paglilinis ng ng kobyertos, wala pa naman si Maymay, si Zeni lang ang naroroon." Gulat na nagkatinginan kami ni Olan. Pilit na pinipigilan ang pagtawa.

Isa... Pagbibilang ko sa isip.

Dalawa...

Tat-

"Wahhhhhh~!" Rinig naming sigaw mula sa loob.

Hindi na namin napigilan mataws ni Olan, nang makitang patakbong lumabas nang kusina si Bandong.

"May impakta sa loooobb!" Hinihingal pang wika ni Bandong.

"Sinong impakta?!" Napatalon sa gulat ang kaibigan nang nada likod na nito si Zeni.

"A-ah! Wala. Andy oh!" Lalo kaming natawa ni Olan dahil sa itsura ngayon ng kaibigan, para itong naubusan nang dugo sa sobrang putla.

Mukang narinig nang kaibigan ang pagtawa namin, kaya agad kaming nag-iba ng tingin at kunwari'y pumipito.

"O, Bandong, anong nangyari't namumutla ka?" Tanong ni Nanay sa kaibigan.

"A-ah wala po Nay Ine, humihilab po ang aking tiyan, kailangan ko pong magbanyo." Palusot ni Bandong.

"Ganon ba, o sige, magbanyo kana at baka dito ka pa magkalat." Natawa kami ni Olan nang mabilis na tumakbo ang kaibigan.

"Nay, ako na lang po ang tutulong kay Zeni maghugas ng kobyertos." Suhisyon ko.

"H'wag ka nang mag abala Andy, tapos ko nang urungan ang lahat." Imporma ni Zeni.

"Nay Ine, isang order nga po ng Kardereta."

"Isa pong softdrink Nay Ine."

"Iyan na, sandali." Pumunta na si Nanay sa harap para ihanda ang mga order.

Tumungo naman ako sa cooler para kumuha ng sofdrint na order ng isa naming kostumer.

Si Olan naman ang nag serve sa ibang mesa ng mga pagkain.

Mag-aala singko na ng hapon nang magligpit kami ng mga lamesa at upuan. Tumulong na rin si Olan sa paghuhugas ng mga plato. Nagwawalis ngayon si Nanay sa tapat nang tindahan.

Nang maipasok na lahat ng gamit at naisara na ang karinderya, dunating si Gil at ang iba pa naming kaibigan.

"Pasensya na ho Nay Ine hindi na po kami nakaabot sa pagliligpit."

"Ano ba kayo... sobra sobra na ang naitutulong ninyo sa akin." Wika ni Nanay.

"Nga pala Nay, papaalam lang ho sana namin si Andy, kaarawan ho kasi ni Itay, e may konting inuman po na gaganapin sa bahay." Paalam ni Gil.

"Walang problema, basta inom lang ha, walang away at higit sa lahat ang alak dinadala sa tiyan at hindi sa utak." Laging wika ni Nanay sa tuwing mag iinom kaming magkakaibigan.

"Oho Nay, tatandaan po namin iyan."

"O siya sige, mauna nako."

"Hatid na ho namin kayo Nay Ine."

"Hindi na, kaya ko pa naman ang sarili ko. Ano tingin niyo sakin matanda na?" Napangiti kami sa winika ni Nanay. Kahit na animnapu't siyan na si Nanay ay hindi niya parin tinuturing ang sarili bilang matanda.

'Kaya ko pa magtrabaho kaya hindi pako matanda' ang laging linyahan ni Nanay.

Hindi na lamang kami tumutol. Nilingon ko si Gil t ang iba pa.

"Susunod na lang ako, hihintayin ko lang si Nanay na makauwi." Imporma ko sa kanila.

"Dakilang apo ka talaga Andy, sige na sundan mo na si Nay Ine, hintayin ka na lang namin." Tinanguan ko sila at sinunan si Nanay.

Tinatanaw ko ngayon ang babaeng nagpalaki at bumuhay sakin. Kita na ang katandaan nito sa paglakad ng mabagal.

Habang nasa likod niya ako at hindi nagpapahalata na sinusundan ko siya ay napapangiti na lamang ako sa tuwing maaalala na binibigkas nito na hindi pa siya matanda.

Sobra ang pasasalamat ko sa AMA na siya ang nagpalaki sakin, dahil sa kanya ay marami akong natutunan sa buhay. Dahil kay Nanay ay namulatan ko ang mga nangyayari sa paligid. Dahil sa kanya ay nalaman ko lahat ng kailangang malaman sa buhay.

Bahagya kong kinubli ang aking sarili sa poste nang nakita kong humito si Nanay. Lumingo ito sa likod, bago naglakad muli. Konting lakad na lang ay makakarating na siya sa bahay.

Kinuha ni Nanay ang susi sa kanyang pitaka at binuksan ang kandado ng bahay. Malalim na bugtong hininga ang aking pinakawalan ng makapasok si Nanay sa loob ng bahay.

Napatingala ako sa pawalang liwanag, papalubog na ang araw. Isang araw nanaman ang lumipas. Sa tuwing pagmamasdan ko ang araw na papalubog, ay pumapasok ang isang katanungan saking isip. 'Ilang mga araw pa kaya ang lilipas na makakasama ko si Nanay, na gagawin ko ang pasimpleng pagsunod sa kanya sa tuwing uuwi siya?.' Dahil kung ako ang masusunod, sana hindi dumating ang araw iyon, na wala nakong susundan para masigurado na makakauwi siya ng maayos.