Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

YOU CHANGED EVERYTHING

🇵🇭little5enthusiasT
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.1k
Views
Synopsis
One big mistake changed everything. Isang pagkakamaling sumira ng lahat na mayroon sila, ang kanilang pagsasama, pagtitiwala at pagmamahal sa isa't isa. As what the saying goes, cheating is a choice. She was betrayed by someone she thought who would be faithful for her. A man she believed who will be constant about his commitment and promises ngunit nagkamali siya. Buong akala niya ay kilala niyang lubos ang lalaking pinakasalan niya, ang taong minahal at ninais niyang makasama habang buhay. After the betrayal, nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Kev, her husband had proven her one thing that no man would ever be faithful to his wife. Until he met this guy who named Matt Ezekiel del Fuego, who taught her how a woman should be truly loved. A man who have shown her what respect and fidelity means. Paano kung sa muling pagsugal niya sa pag-ibig ay may magbabalik na taong naging malaking parte sa buhay ng lalaking muling nagpapatibok ng puso niya?
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1 THE BETRAYAL

(Disco Music Playing)

"Bro, alam ba ng asawa mo na nandito ka?" tanong ni Andrei.

"Walang alam 'yun bro. Ang alam lang niya nasa business trip pa rin ako at bukas pa ng umaga ako uuwi sa Condo ko. Alam mo naman 'yun bro, Mahal ako no'n eh kaya kampantante sakin 'yon." sagot ko sa kaibigan ko.

"Iba ka talaga bro, ginagamit mo kagwapohan mo para mapaikot mo ang mga babae." natatawang tugon nito.

"Oo naman bro, syempre magpapahuli pa ba ako. Baka nakakalimutan mo na ako si Kev Alexus Montejo?" natatawang tanong ko.

"Oo na bro, alam ko na 'yan High School pa lang tayo. Matinik ka talaga sa mga babae hahahaha." sagot nito.

"More?" offer ko sa kanya while referring the beer.

"Sure. So anong plano mo ngayon? Anong oras ka uuwi?" tanong ni Drei.

"I'll be going late. Alam mo naman diba, magagalit si Kristoff kapag aalis agad tayo dito. Party niya to eh. Aalis na 'yon ng Pinas sa susunod na araw kaya pagbibigyan na natin 'yun bro. Magpakasaya tayo, mali. Magpakalasing tayo! Hahahaha." sagot ko habang tumungga ng beer.

"Oo nga, alam mo naman ang kaibigan nating 'yun!" tugon nito sabay tawa. Napalingon kami ng may lumapit sa aming mga babae.

"Hi boys, can we join? Kanina pa namin kayo napansin dito ah. Ok lang ba?" sabi ng isang babae na nakasuot ng kulay pulang body con dress na kasing ikli ng buhok niya ay esti hanggang hita pala. Hapit na hapit talaga ang hubog ng katawan niya.

"Oo nga, nakakailang shots na rin kami at kanina pa kami don sa dance floor. We need to rest syempre and then we saw you guys. Boring naman kung kami na lang laging dalawa mag-uusap ng kasama ko. Nakakasawa din ano?" paliwanag nito habang sabay silang tumatawa.

Nanlaki mga mata ni Drei ng makita niya ang mga babae, parang ahas na gustong tumuklaw ang kumag. Palibhasa, napatingin kasi sa cleavage ng babae.

"Sure. You can join us." bilis na tugon ni Drei habang panay ngiti.

Tumabi sa akin ang babaeng naka red dress habang ang isa namay nasa tabi ni Drei.

Tumingin siya sakin at sinabing "I'm Ayesha." sabay abot ng kamay niya sakin.

"Kev." sagot ko sa kanya at nag shake hands kaming dalawa.

Mayamaya ay dumating si Kristoff sa table namin kasama ang isang babae at inaakbayan niya ito.

"Bro? Buti nakapunta kayo. Ang saya ko. Aalis na ako sa susunod na araw. I hate to leave you guys but I have no choice. Ganun talaga eh kailangan para sa ikabubuti ng lahat hahahahah! wika nito habang niyakap kaming dalawa ni Drei.

"Walang problema bro, alam mo naman basta ikaw. Mahal ka namin eh. Hahahaha!" wika ko habang tumatawa.

"Alright, let the party started! Wooooooooooh." sabat ni Drei na ikintutuwa naman ng lahat.

Nakailang shots na rin kami. Shots. Kwentohan. Tawa. Paulit ulit hanggang nagkalasingan na. Unang pinauwi si Kristoff ng kanyang kapatid kasi di na makalakad sa sobrang lasing.

"Bro, magpapakuha na ak-o ssa drive-er kuh hihi lashing nna ak-o ehh hihi. Uwe kka na rin hahaha para lagot ka sa sawa mo" wika ni Drei na halatang lasing na lasing na rin sabay tawa.

"Bukas pa ako uuwe hihi." sambit ko.

Panay naman hawak sakin si Ayesha sa braso ko at halatang nilalapit niya ang bibig niya sa tinga ko at sinabing "My place or yours?" wika nito. Napatawa lang ako. Syempre umiiral rin pagkalalaki ko, nangangapoy katawan ko ng dumambi ang labi niya sa gilid ng tenga ko. Boys weakness. At dahil na rin sa kalasingan ko ay napasagot ako ng "Mine. Let's go." wika ko at pasaray saray na kaming dalawang tumayo. Nakarating na kami ng Condo at agad kong hinalikan siya hanggang sa pareho na kaming nakahubad at nirating namin ang rurok ng langit. Napagod kami pareho kaya pagkatapos no'n ay tuluyan na kaming nakatulog.

Napabalikwas ako ng naaninagan ako ng araw mula sa bintana at narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko si Jed na gulat na gulat na makita ako. Paglingon ko sa katabi ko nakita ko  pa si Ayesha na natutulog at walang saplot sa katawan, tanging kumot lang ang nakatakip nito.