Alarm Clock Ringing)
Nagising ako sa tunog ng orasan.
Anong oras na ba? Ang ingay naman. sambit ko habang ramdam ko pa rin ang mga mata ko na ayaw pang dumilat pero I have no choice but to turn it off kaya nakita ko kung anong oras na.
It's already 7:30 in the morning and here I am, antok na antok pa at walang ganang bumangon. I was sleeping late last night, akala ko kasi uuwi ang asawa ko pero hindi pala. He was out of town for business stuffs. I didn't get a text from him kahapon pa. Hindi rin naman siya tumawag sakin. I miss him and I am thinking maybe nakauwi na siya. Sabi kasi niya 3 days lang at uuwi na siya.
He might be tired sa biyahe at doon na lang dumiretso sa Condo namin para makapagpahinga. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang niya pinaalam sakin. Baka naman...kinabahan ako sa iniisip ko.
Ano ba itong iniisip ko? I shouldn't be thinking like this, hindi dapat ako nagdududa sa asawa ko dahil alam kong wala siyang gagawin na ikakasira ng pagsasama namin. Baka epekto lang ito ng mga teleseryeng pinanonood ko sa telebisyon.
So I decided to take a shower para malamigan ang utak ko.
Pagkatapos kong magbihis ay naghanda muna ako ng almusal. While eating for my breakfast naisip ko na pumunta sa Condo namin para doon na lang muna mag stay habang wala pa si Kev. Nakakabagot kasing maghintay dito sa bahay.
I am wearing a blue faded pants and a white shirt with a light make up on my face. Siyempre dapat din nating mag ayos bago lumabas ng bahay. We should look presentable at all times kahit simple lang. Pagkatapos kong kunin ang susi ng kotse ay agad na akong lumabas ng bahay at umalis.
Nang makarating na ako ay agad kung pinarada ang kotse sa parking lot at pumanhik na sa itaas ng building. Nasa third floor kasi kaya medyo natagalan ako bago makarating sa tapat ng pinto. I open my bag and took a key. Nang mabuksan ko ang pinto ay agad na tumambad sa paningin ko ang dalawang tao na nakahiga sa kama. I thought nagkamali lang ako sa pasok ng biglang may umunat sa kama at tumingin sa kinaroroonan ko. Nabigla ako ng makita ko si Kev, parang tumigil ang mundo ko. Gusto kong sampalin siya pero di ko magawa. Tumulo lang ang luha ko at sinabing.
Saan ba ako nagkamali Kev para gawin mo sa akin ito? Hindi pa ba ako sapat para magloko ka? Binuhos ko sayo ang lahat ng pagmamahal ko, ang tiwala't buong pagkatao ko. Saan pa ba ako nagkulang?, mangiyakngiyak na tanong ko habang panay naman siya hingi ng tawad sakin. "I'm sorry Jed, it was just a mistake, a one night stand. Lasing ako no'n. Please forgive me." natatarantang paliwanag ni Kev. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o isipin sa mga panahon 'yun, para akong pinatay, nabibingi at sinaksak nang malaman at makita kong niloko ako ng asawa ko. Gusto ko syang sampalin at sigawan pero hindi ko magawa. Gusto kong sugurin ang babaeng nakahilata sa kama at sabunutan hanggang mawala lahat ang sakit na nararamdaman ko pero iwan ko ba, parang nawawalan ako ng lakas, nanghihina ako, hindi ko kaya. Dinala ako ng mga paa ko palabas ng pinto ng aming Condo. Wala akong pakialam kong walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko ang hiling ko lang, sana panaginip lang ang lahat. Sana gisingin ako ng kahit sinuman sa bangungot na ito. Nagmadali akong lumabas habang nakasunod si Kev sa akin. "Please Jed, let me explain! Wait Jed, pag-usapan natin to." sambit ng asawa ko habang ako'y iyak ng iyak, lakad takbo papalayo sa kanya. Sumakay ako sa kotse at pinatakbo ito. I don't have the specific place to go. I don't wanna go home. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Hindi ko pa kaya. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang tulay, nakatayo, umiiyak, nagsisigaw. "Bakit ba ang unfair ng mundo? Minahal kita ng sobra, higit pa sa buhay ko, binigay ko lahat, sinakripisyo ko ang kaligayan ko para sayo dahil mahal kita. Bakit nagawa mo akong saktan? Bakit Kev, bakit?! Sigaw lang ako ng sigaw at wala akong pakialam kong may mga mata bang nakatingin sa akin. Dinala ako ng mga paa ko sa isang Mini Bar. Gusto ko munang makalimot, magpakalasing, magwala. Ilang bottle na rin ng beer ang naubos ko, and here I am still sipping another one. I'm totally drunk when there's this guy approached me. "Hey, need someone to talk with?" he said. Hindi ko siya pinansin, ni hindi ako lumingon sa kanya but he keep on talking. "Alam mo ba na hindi bagay sayo ang maglasing? Alam mo, actually kanina pa kita tinitigan doon sa table na 'yun. (pointing his finger to the corner) Para bang gusto mo lang magpakalasing, at lunukin ang lahat ng alak na ibibigay sayo kaya nilapitan na kita, para naman hindi ka masyadong malasing at makakauwi ka pa sa inyo. May problema ka ba? tanong niya. Nilingon ko siya at sinabing, "Look, I don't know you. I don't need you and I don't need all the men who are just good at being so nice, end up cheating the one they love and just sorry as if nothing happened!" wika ko. He remained quiet for a moment at lumunok ng alak. (Clearing his throat) "Not all men are the same." he said. "Oh really?, I hate to hear that, Mr. I haven't met a guy who never cheated on me in my entire life! I just thought he's different but I was wrong. I made a wrong choice dahil sa ideyang iyan. You are all the same! sambit ko sa kanya. Tatayo na sana ako ng parang umiikot na ang paningin ko kaya napahawak ako sa braso niya. "Opps! You had enough, I don't think you can go home." sabi niya habang inaalalayan ako palakad. "Right, please don't take me home? I hate to be there." humihikbing pakiusap ko. "Then to where am I going to take you?" tanong niya.
"Anywhere just away from home." yun lang ang sabi ko dahil nawalan na ako nang malay sa sobrang lasing.
Kinaumagahan, pagdilat ng aking mga mata, puting liwanag agad ang naaninag ko. Tanong ko sa sarili, patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Sasalubungin na ba ako ni San Pedro? Paano kaya ako namatay? Napatigil ako ng nakaramdam ako ng kirot, kumakalam ang sikmura at para bang kay bigat ng katawan ko. Muli akong pumikit ng ilang sandali para alamin kong totoo ba ang mga iniisip ko nang biglang may sumagi sa isipan ko na kakaiba, ang hilik ng isang tao. Do'n ko napagtanto na hindi pa pala ako patay. I opened my eyes at napabalikwas ako sa higaan, Argh! Ang sakit, sabay hawak sa ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko ng lumuntad sa harapan ko ang isang lalaking nakahiga sa sofa at humihilik. "Where am I? Bakit nandito ako kasama ang lalaking ito? Oh God! Kinabahan na ako. Wait. Huwag mong sabihing, nakipagsiping ako sa lalaking ito?! wika ko. I'm checking my clothes, at tiningnan ko rin ang nasa ilalim ng kumot. Oh God! Buti na lang wala talagang nangyari. What have I done?! Bakit ba kasi ako nandito? sinubukan kong maalala ang nangyari pero wala akong masyadong matandaan, ang natatandaan ko lang ay nasa Mini Bar ako, I was about to go when I collapsed. Nagtaka ako kung bakit may kasama akong lalaki sa loob ng kwarto, dahan dahan akong lumapit sa kanya at tiningnan ko ang kanyang mukha. Hindi ko sya maalala, o mamukhaan man lang kaya dali-dali kong sinuot ang sapatos ko at dahan dahang naglakad papunta sa pinto mahirap na baka magising siya.
(Alarm Clock Ringing) Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko, nag-unat at saka bumangon. Nagtaka ako ng paglingon ko sa kama ay wala na ang babaeng nakatulog sa sobrang lasing. "Saan na kaya ang babaeng 'yon? Ah baka nasa loob ng CR." wika ko. 5 minuto na ang nakalipas pero wala paring lumabas mula sa banyo at gusto ko na rin umihi. Dumako ako sa banyo at kinatok ko ng tatlong beses ang pinto pero walang bumukas. Sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya kagabi habang lasing siya, kinilabutan ako kaya natatarantang binuksan ko ang pinto baka kasi mag suicide ang babaeng yon. Pagbukas ko ng pinto, wala akong babaeng nakita sa loob. Saan na kaya 'yon? I checked the bed baka may naiwan siyang mga gamit doon. I just found the key ng kotse niya. Minadali kong lumabas baka sakaling maabutan ko pa siya. Nakarating na ako sa ground floor but she's not there. Oo nga pala, sa parking area baka nandon siya kasi doon ko pinarada ang kotse niya. Nakarating na ako ng parking lot pero nandon parin ang kotse niya, so ang ibig sabihin umalis siya at iniwan ang kotse niya.
"Hay naku! Baka umuwi na 'yon sa asawa niya. Makabalik na nga sa Condo ko."
Nakabalik na ako sa loob, at binuksan ko ang ref to look for something to eat. Di pa rin mawala sa isip ko ang magandang mukha ng babaeng 'yon, ang hugis puso niyang mukha, makulot at mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at natural na mapupulang labi na para bang di man lang nadampian ng kahit na anong kolorete. Umiling ako, ano ba itong iniisip ko may asawa na 'yong tao. Hay naku! Matty, magpakatino ka nga, hindi mo ugaling pumatol sa asawa ng iba. Pero sana makita ko pa siya." sambit ko sa sarili ko. Naligo muna ako bago kumain para ihatid 'yong painting na pinagawa ng kustomer ko. Oo nga pala, nakalimutan ko ang address, di bale na etext ko na lang mamaya. Tapos na akong kumain at nakabihis na rin ako, I'm wearing a babyblue V-neck shirt, faded pants na nakatupi sa dulo at sinuot ko ang puting sapatos na nabili ko sa mall noong nakaraang araw. I'm looking at myself in the mirror, inayos ko muna ang buhok ko at ngumiti. Sinuot ko muna ang watch ko habang nagda dial sa number ng pupuntahan ko.
(Ringing) Naka ikaapat na dial pa ako bago pa niya sinagot.
"Hello? Who is this please?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Oh Hi, It's me Matty. 'yung pinagawa mo ng painting." sagot ko.
" Oh, I'm so sorry Matty kung natagalan ako sa pagsagot. It's just, someone came in. What can I do for you?" tanong niya.
"It's alright. I would like to drop by to give you the painting but I guess you're busy. Maybe, some other time?" sagot ko.
"No, it's alright Mat. You can come over. We've planned kasi to go for a vacation baka kasi di mo kami madatnan sa bahay." tugon niya.
"I forgot your address."sabi ko.
"Ok. Here's my address. Del Pilar St. 'yung may kulay pink na gate. " wika niya.
"Ok thanks! I'll be there." sagot ko.
I placed my phone in my pocket at kinuha ang wallet at painting na dadalhin ko.
Bumaba na ako sa Condo ko at nagtungo sa parking area kasi nandon ang kotse ko. Ilang minuto rin akong bumiyahe hanggang nakarating ako sa tapat ng isang bahay na may kulay pink na gate. Nag doorbell ako at nakita ako ang katulong nila na may dala dalang painting kaya pinatuloy na ako. Nang pagbukas ng pinto ay may nakita akong dalawang babae na nag-uusap, hindi ko masyadong marinig ang pinag uusapan nila at tila ba ang isang babae na kasama niya ay umiiyak. Napatigil sila ng nagsalita ang katulong nila. "Maam, andito na po siya." wika nito. Lumingon silang dalawa at laking gulat ko ng makita ko ang babaeng katabi niya.