Mommy, I want to eat ice cream." pakiusap ni Chescka sa akin.
"Later baby, maligo ka muna. Tita Ninang will be here soon." wika ko sa limang taon kong anak habang ginulo-gulo ang makulot nitong buhok.
"Yey! I miss tita Ninang." sabi nito na may ngiti sa labi tapos dali-dali na itong tumakbo papunta sa banyo.
Natawa na lang ako sa anak ko. Ano kayang pinakain ng kaibigan ko sa kanya at sobrang excited kapag pupunta dito ang tita ninang niya. Kahit kailan talaga, sobrang close ng babaeng yon sa mga bata. Ewan ko ba kung bakit wala pa rin silang anak ni Kev hanggang ngayon. Magaling naman itong mag-alaga. Napatigil sa pag-iisip si Zacqui ng marinig niyang may nag doorbell. Siya na siguro ito. Agad siyang nagtungo palabas upang buksan ang panauhin.
"Hey! What's wrong?" tanong ko sa kanya.
"I'm not fine." sagot niya sabay yakap sakin.
"Oo nga, you don't look very fine. Saan ka ba galing? Ano bang problema? pag-alalang tanong ko sa kanya ng makita ko ang itsura niya. She nodded.
"Sabi ko na nga ba, halika let's talk about it inside. Baka makita ka pa ng mga kapit bahay namin at mapagkamalan ka pang bagong takas sa hitsura mo. Amoy beer pa tayo ah." sabi ko sa kanya at 'yun nga pinatuloy ko na siya.
Pagkapasok namin sa loob. Nagsalita siya.
"Let me take a shower first." she said.
"Sure, but Chesc is still in there. (turo ko sa banyo malapit sa kusina) I suggest, prefer use your old room, doon ka na lang mag shower. I'm sure may damit ka pang naiwan do'n." sambit ko while giving her the key of the room.
Tumango lang siya at umalis na.
After ng ilang minuto, lumabas na siya ng kwarto niya, nakabihis at basa pa rin buhok niya na hinayaan niyang nakalugay lang habang nakaupo ako sa sala.
"So, what's up Jed? Nag breakfast ka na ba? You want to eat first before confessing?" tanong ko sa kanya.
"Just a cup of coffee please." sagot niya.
"Alright, Aling Nida, pwede po bang bigyan mo po si Jed ng mainit na kape without sugar po?" pakiusap ko sa katulong namin.
"Opo, Maam." tugon nito.
"Ano bang problema Jed? Last night, your husband called me many times. He was asking me if where were you with a very concerned voice. Nagtaka na ako ha? May problema na naman ba kayong mag-asawa? direktang tanong ko sa kanya.
Tumulo na luha niya bago paman siya nakapagsalita at tuluyan ng humagulhol sa harapan ko. "He did it Zac." she answered while crying.
"What you mean he did it? Ang alin Jed?" naguguluhang tanong ko.
"He cheated on me." she replied.
"Oh my Guh-!" napatigil ako sa pagsasalita ng sumabat ang katulong namin. Pareho kaming natigilan at lumingon sa may pinto. Napalingon ako kay Jed upang ipakilala ko sana si Matt ngunitngunit nakita ko sa mukha ni Jed ang pagkagulat at nang bumaling naman ako kay Matt gano'n din ang reaksyon niya.
"Ikaw?!" sabi nilang dalawa at sabay pa talaga silang magsalita ha.
"Wait, Oh my God what's going on here? Wait, wait wait wait, naguguluhan ako." tanong ko.
"Eh kasi! Siya 'yung nakasama ko sa- " sabi ni Jed habang napatayo at tinuro si Mat.
"Ikaw nga 'yung babaeng bigla na lang umalis." sabat ni Matty habang tumawa ng pagak hawak ang panga niya.
"Teka nga ha, wag muna kayong magsalita. Ako muna. Do you know each other? How? You owe me an explanation about this Jed? Paano mo siya nakilala? I don't think I told you about him." tanong ko kay Jed habang pabaling baling ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Siya 'yung kasama ko sa isang Condo." mabilis na sagot ni Jed sabay yuko.
"Siya 'yung nakainuman ko sa Mini Bar." sagot naman ni Mat.
"Wait, Condo? Mini Bar? Ang labo ha? Huwag nyong sabihing magkasama kayo buong gabi sa Condo? Naku Jeddee, ayokong isipin itong mga iniisip ko ha, nakakapangilabot. Alam ko hindi ka ganyang babae. May asawa ka na at saka kailan ka pa natutong uminom mag-isa ng hindi mo pinapaalam sa akin?" nagtataka at naguguluhang tanong ko.
"Oo tama ka magkasama kami sa Condo buong magdamag pero-" naputol ang paliwanag ni Jed ng biglang sumabat si Matty.
"It was my fault. She was totally drunk and I didn't know where I'm gonna take her. Nakiusap siyang huwag ihatid sa bahay niya and she fell asleep kaya I have no choice, dinala ko siya sa Condo ko kasi di maatim ng kunsensya ko ang iwan siyang mag-isa do'n baka ano pa ang mangyari sa kanya but I can assure you, nothing happened between us. Ni hindi ko siya ginalaw o hinalika-" paliwanag ni Matt at bigla namang sumabat si Jed.
"I'm sorry Zac! I know I'm stupid." umiiyak na sagot nito.
"No, it's okay honey. I understand. Thank you Matty for being so nice to her. To tell you the truth, may pinagdadaanan lang siya ngayon kasi nagloko na naman ang asawa niya." di ko na mapigil ang bunganga ko sa kakaputak dahil naiinis ako kay Kev. Mahal na mahal ko ang kaibigan ko at ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makita siyang nasasaktan. Alam ko ang pinagdadaanan ni Jeddee simula noong nasa High School pa kami. Ulila na siya sa ina at iniwan din siya ng ama niya dahil sumama sa kabit niya.
naiinis ako kay Kev. Mahal na mahal ko ang kaibigan ko at ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makita siyang nasasaktan. Alam ko ang pinagdadaanan ni Jeddee simula noong nasa High School pa kami. Ulila na siya sa ina at iniwan din siya ng ama niya dahil sumama sa kabit niya.
"It's okay. I understand. Maybe I'll just hang it here." pagpuputol ko sa usapan while putting the painting on the wall.
Intense na kasi ang nangyayari baka di ko mapigilan. Naaawa kasi ako sa kanya.
"Yeah. Please." wika ni Zac while comforting her friend.
Sabi ko sa sarili ko. Gaano ba ka gwapo at kalakas ang confidence ng mokong na 'yun bakit nagawa niyang saktan ang asawa niya. I know people can make mistakes but I don't think she deserves that. Not just once but twice. Pag 'yan umabot ng tatlo katangahan na yan. Once is acceptable, twice is enough pag umabot yan ng pangatlo. I don't think it's love. It must be lust. I admit, naaawa talaga ako sa babaeng 'yun. Bakit ba kasi may mga lalaking kayang manakit ng babae. Biglang sumagi sa isip ko ang ginawa samin ng ama ko.
(flashback)
"Please don't leave us! I'll do everything just stay. Matteo, honey, huwag mo kaming iwan!" sigaw ni Mommy habang pinigilan si Dad sa pag-alis. She's crying while Dad is packing his things, putting them inside a huge leather bag. Si Mom naman hinalungkat niya palabas ang mga gamit ni Dad sa loob ng bag.
"You can't do this to us Matteo. Masyado pang bata si Ezekiel para magkaroon ng biyak na pamilya. Kaya kong magpaka martir, wag mo lang kaming iwan. I don't want him to grow without a father. Alam kong iba na ang mahal mo at kahit sabihin ko pa sayong mahal na mahal kita, wala ring silbi para ibalik pa ang dati mong nararamdaman sakin. Kaya kong tiisin lahat, ang makita kang kasama siya, kahit isumbat mo sakin na si Ivonne na ang mahal mo at hindi na ako. Huwag mo lang kaming iwan Matteo. Please stay, kahit hindi na para sakin, kahit para kay Ezekiel na lang." sambit ni Mommy kay Dad habang patuloy pa rin si Dad sa pag iimpake. Nasa loob ako ng kwarto ko no'n when I heard people arguing kaya lumabas ako ng room at nakita ko si Mom at Dad na nagtatalo. Hindi nila ako napansin kasi nakisilip lang ako sa hagdanan.
"I can't do this anymore Keilly! Hindi na kita mahal. Oo may anak tayo, huwag kang mag alala nilagyan ko na ang bank account mo ng malaking halaga para sa inyong mag-ina." sagot ni Dad.
"Bakit ka ba nagkakaganyan Matteo? Ano bang nagawang kasalan ko sa'yo para parusahan mo ng ganito? Akala ko ba mahal na mahal mo ako kaya pinakasalan mo ako? Akala ko ba ako lang ang mamahalin mo habang buhay? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo Matteo. I gave you a child. I served you everyday with all the love I have kahit you fell out of love with me. Tinanggap ko ang panloloko mo kahit napakasakit para sakin. Sa kabila ng lahat minahal pa rin kita, di kita iniwan, di ka namin iniwan. Have you forgetten what we've promised infront of God? And now, you're leaving me just because you fell out of love? Sa ilang taon nating magkasama, never akong na fell out of love sayo kahit minsan. Please Matteo, don't leave us. I'm begging you." pakiusap ni Mom while kneeling. Patuloy pa rin sa pag iyak si Mom. Nakikiusap. Nagmamakaawa. Ngunit desidido na talaga si Dad na iwan kami. Tinitigan lang siya ni Dad while holding the knob of the door.
"Dad, are you going to leave us? biglang tanong ko.
Napalingon si Dad sakin at sinabing,
"Yes son, someday you'll understand." tanging sagot niya. I run towards him. Niyakap ko siya ng mahigpit habang niyakap niya rin ako ng ganon kahigpit.
"Please Dad, don't go. We need you." pakiusap ko while crying.
"I have to go, son. Take care of yourself and your Mom for me." yun lang ang sabi niya. Kumawala na siya sa pagkayakap sakin. The last time of seeing him-his back before the door closed. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan why people still choose to leave when they have given everything. Your time. Your care. Your love. Your trust. Your all.