Chereads / New World: The Survival / Chapter 3 - Chapter 2: The Plan (Part 1)

Chapter 3 - Chapter 2: The Plan (Part 1)

Selene Caz

"Selene, kaylangan na nating humingi nang tulong" rinig kong sambit nang isang kaklase kong lalake.

"Selene, kontakin mo na kaya yung mga head pati sila Ma'am" sabi naman nung isa.

"Selene, please naman, kaylangan ka na namin" sabi naman nung isa.

Napatingin naman ako sa kanya.

Tinignan ko silang lahat.

Hanggang ngayon ayaw paring i-absorb ng utak ko yung mga nakita at narinig ko.

Lalo na dun sa babae, tinawag nya ko! Humingi sya nang tulong sakin!

P-pero... pero wala akong nagawa!

Tumayo ako at tinitigan sila.

"Bakit ako? Bakit ako na naman?" huminga ako nang malalim at pumikit.

"Bakit kaylangan nyong iasa yung buhay nyo sakin?! Bakit ako?! Tao din ako! Natatakot din ako!" agad ko naman kinuha sa pouch ko yung phone ko staka ko yon nilapag sa mesa nang teacher "Oh ayan! Kayo ang tumawag sa mga teachers na yan!"

Ni hindi ko nga alam kung ano ng mga paganap at nangyayare sa faculty, hindi ko alam kung may mga plano ba ang mga teachers namin o kung handa ba nila kaming tulungan.

Napa-upo ako sa isa sa mga upuan na malapit sakin.

Agad naman akong yinakap ni Chara.

"Selene... shhh" pagtatahan nya sakin.

Napayuko naman ang mga kaklase ko.

Kusa nalang nagsipatakan ang mga luha ko.

"Y-yung babae Cha... yung babae, hindi ko sya natulungan..." nakokonsensya talaga ako at para akong walang ginawa at pinanood lang ang nakakabaliw na pagkamatay ng studyanteng yon. 

Agad naman may lumuhod sa harap ko at pinantayan ako nang tingin. Si Chester

"Selene makinig ka, normal lang na mangyare yon lalo na sa nangyayare satin ngayon. At alam nating lahat na hindi mo yon ginusto. Hindi na natin maibabalik yung buhay nang studyanteng yon" seryosong sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Napasinghot singhot pa ko na parang bata dahil sa ginawa ni Chester.

"Chester..."

"Shh... Selene we need you. We need you to lead us. Mabubuhay pa tayo, ililigtas pa natin tong mga kumag nating kaklase. Kaylangan namin ang President namin ngayon. At syempre, lagi mong nasa tabi ang Vice President mo." sabay kindat nya kaya napatawa naman ako.

Pinunasan nya ang mga luha ko tsaka sya tumayo.

Nag-ayos muna ako ang sarili ko tsaka ako humarap sa mga kaklase ko.

"I'm really sorry ICT. Nung oras na gusto ko na kayong sukuan, alam ko... that time na disappoint ko kayo. Sorry talaga."

Huminga ako nang malalim.

"I promise this time, buong puso kong iaalay ang buhay ko para gampanan ang tungkulin ko sainyo bilang isang President, ofcourse with the help of our Vice President"

***•••***

"Please check your phone, kung may load kayo tawagan nyo na yung mga kamag anak nyo. At kung may mga mahihingan kayo nang tulong tawagan nyo na rin" sabi ko sa kanila.

Kumuha ako nang papel staka nagsulat.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Chester na akala mo talaga interesado sa ikot ng buhay ko.

Napabuntong hininga ako habang hindi iniaalis ang tingin at atensyon sa ginagawa ko.

"Mapa nang school, mas mapapadali ang lahat kung may mapa tayo" sagot ko naman na ikinatango nya.

"Selene" napatingin ako kay Nicole nang magsalita sya.

Tinignan ko naman sya nang nagtatanong.

"Bakit? Wala kang load? Chester may load ka ba?---"

"A-ah hindi, ano kasi... hindi ba pwedeng mag stay nalang tayo dito hanggang sa may tumulong satin?" bakas sa mukha nya ang takot.

Napahinto na rin ang mga kaklase ko sa ginagawa nila at napatingin na sila sa direksyon namin.

Huminga muna ako nang malalim tsaka ako tumayo sa harap.

Ipinatong ko yung mapa na ginagawa ko sa teacher's desk tsaka ko sila hinarap.

"Guys, I know na pare-pareho tayong nakakaramdam nang takot, but please i-set aside muna natin yung mga takot natin dahil maaari tayong makahawa sa ibang gustong maging matapang" panimula ko.

"Atsaka sa suggestion mo Nicole. Thankyou but still, hindi tayo pwedeng manatili nalang dito at mag antay nang tutulong satin. Pano kung nag-aantay tayo sa wala? Hindi nga tayo mamamatay sa mga halimaw na yon pero mamamatay naman tayo sa gutom" inikot ko ang paningin ko.

"Walang mangyayare kung patuloy lang tayong magiging duwag. Magtulungan tayo para mabuhay." nginitian ko silang lahat.

Bigla namang tumayo si Chester

"We are not ICT students for nothing. Bukas ang mga tenga naming officers para sa suggestions nyo. Ah sya nga pala Nicole, please list all our classmates na present ngayon dito, in case of emergency" sabi ni Chester, tumango naman agad si Nicole.

Okay, the original Chester Zapiro is back!

Pinausog ko yung mga upuan sa gilid tsaka kami umupo nang paikot.

"So, ganito ang plano. Ang pinaka goal natin bilang isang ICT ay ma-hack ang security and account ng Red Island" nanlaki naman agad ang mga mata nila sa sinabi ko.

Okay... masyado ko ba silang binigla?

(Red Island: Pinaka ligtas na lugar na pwedeng puntahan. Pinapalibutan ito nang security at napakalabong pasukin nang mga zombies.)

"Red Island? Nababaliw ka na ba Selene? Malabong ma-hack natin yon! Masyadong mataas at mahigpit ang security nila" sabi nang isa kong kaklase. Agad naman akong napahilot sa sentido ko.

"Relax, naiintindihan ko kayo kung nag aalangan kayo. Pero kasi, isipin nyo. Pano kung nakauwi na nga tayo sa mga bahay natin? Pero pano natin masisigurong ligtas na tayo? Wala pa ring kalayaan. Hindi parin tayo makakalabas dahil napapalibutan tayo nang mga zombies. Tapos limited pa yung pagkain natin sa bahay. Once na ma-hack natin ang account at security ng Red Island magkakaroon tayo nang chance na makipag communicate sa kanila at makahingi nang tulong" mahabang paliwanag ko.

This is our best chance para makaligtas.

Natahimik sila nang panandalian pero naputol yon nang magsalita si Chara.

"Naiintindihan kita sa gusto mong mangyare Selene, pero kasi... hindi naman tayo professional para sa mga ganyang bagay. Oo nga ICT tayo pero may limitation padin yung kakayahan natin" paliwanag nya, pumikit ako tsaka huminga nang malalim.

Hindi ko maaasahan yung teacher namin ngayon sa ICT kaya dalawang tao nalang ang naiisip kong makakatulong samin.

My first ex-boyfriend Jazer and my father.

Sobrang professional nila sa mga ganitong bagay lalong lalo na sa hacking, malaki ang matutulong nila.

Naaalala ko pa non, madalas i-hack ni Jazer lahat ng account ko, pati nga wattpad account ko ih. Nakakabilib nga yung hawakan nya lang phone mo, na-hack nya na yun! But at the same time nakakatakot. Parang wala ka ng maililihim mula sa mga hacker na kagaya nila ih.

"My phone?" tanong ko sa kanila.

"Eto oh! Nilapag mo kanina sa desk ih" abot nang isa kong kaklase.

Sinubukan kong kontakin sila Mama pero walang sumasagot, ganon din sa phone nila Jazer. Nakaramdam nako nang kaba nang pati yung phone ni Loreine hindi nya sinasagot.

Si Loreine ang bestfriend ko since junior high, sabay naming nakilala sila Jazer, Jade at si Aldrin na boyfriend nya ngayon. At kahit nag break na kami ni Jazer, hindi parin natitibag ang friendship naming lima.

Nasa school silang apat kung san ako nag aral ng junior high, lumipat ako dito sa school ko kasi gusto ko nang bago. Pero kahit lumipat nako, halos araw-araw parin naman kaming nagkikita at nag b-bonding sa bahay ni Jade.

In fact, pati parents namin close din sa isat-isa. And that's the reason kung bakit sa isang pikit lang namin, magkakatabi na kami nang bahay.

Napailing nalang ako.

Napahinto kami sa pag iisip nang biglang kumalampag na naman nang sobrang lakas yung pinto namin.

Nagkatinginan kami tsaka nahinto ang paningin ko kay Chester na sakin din nakatingin. Sabay kaming tumayo para lumapit sa pintuan.

Nagdadalawang isip pako kung bubuksan ko, kasi masyadong delekado kaso...

"Len! Lenlen!" sigaw nang nasa labas.

Mabilis pa sa alaskwatro kong binuksan yung pinto.