Chereads / New World: The Survival / Chapter 5 - Chapter 4: Five Classmates

Chapter 5 - Chapter 4: Five Classmates

Selene Caz

"Hala ka! Ang sungit naman neto!" sigaw ko sa kanya.

Naglalakad kami pauwi nang bahay, nasa likod naman kami nila Aldrin at Loreine. Si Jade naman male-late daw ng uwi.

"Tsk"

"Tignan mo to! Grabe ka sakin! Hindi ba tumatalab sayo yung beauty ko? Gosh!" sabay flip ko nang hair ko.

"Maganda nga, madaldal naman" rinig kong bulong nya.

Ako?! Madaldal?!

"Ah ganon?!" agad akong pumunta sa harap nya kaya napahinto sya sa paglalakad.

Tinignan nya naman ako nang seryoso.

"Dahil isinawalang bahala mo lang tong beauty ko, wala akong magagawa kung di gawin to sayo" agad ko namang hinawakan ang dalawa nyang pisngi.

"What the f*ck Selene?!" sigaw nya.

"You are now under my spell Mr. Helton. You have no choice but to love me. Not only this day but every day! Forever and forever! And forever!" agad ko syang kiniss sa pisngi nya na ikinagulat nya "Wala ka nang magagawa, nasa ilalim ka na nang spell ko ih. Kung gusto mong alisin ko yan, sabihin mo muna 'Sobrang ganda ni Selene!" staka ako tumakbo at iniwan syang tulala at namumula.

That day, dun nagsimula ang lahat.

Hindi ko alam kung totoo bang tumalab ang kalokohan kong spell sa kanya.

Iniling ko ang ulo ko staka pinagmasdan ang mukha ni Jazer.

Ang himbing ng tulog nya. Huminga ako nang malalim staka ko pinag masdan ang mga kaklase ko. Pati sila ang himbing na nang tulog.

And then, nahinto ang tingin ko kay Chester.

Napayuko ako, pano ko ba nagawang saktan tong dalawang taong to na walang ibang ginawa kung di mahalin ako?

Kinuha ko ang bag ko staka ko ito ipinalit na unan ni Jazer sa binti ko.

Nang maiayos ko na ang pwesto nya ay agad na kong tumayo.

Naglakad ako sa direksyon ng bintana na nasa kanan kung san kita mo ang baba.

Madilim pa, tas andami pang zombies. Kaya ba talaga naming maligtas? Mabuhay? Kung aalis kami dito na 23, 23 din ba kaming makakabalik sa mga pamilya namin?

Walang kasiguraduhan, pero kaylangang subukan.

Napatingin ako nang biglang makarinig ako nang dumadaing.

Nahinto ang tingin ko kay Chester na nilalamig.

Bat kasi sya don naka pwesto? Ang lamig kaya sa pwesto nya, tas nakaupo pa sya.

Agad akong lumapit sa kanya tsaka ko sya kinalabit.

Pero no response kaya naman ay lumuhod ako para yugyugin sya.

"Uhmm..."

"Chester, dun ka matulog sa tabi ni Jay, hindi malamig don tas maluwag pa. Dali na tumayo ka na dyan. Uy Chester" napahinga ako nang malalim ng wala pa rin akong marinig na response sa kanya.

Pinagmasdan ko muna sya, hmmm... mukha naman syang komportable ih

Agad naman akong tumayo, at maglalakad na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko astaka ako hinatak kaya napa-upo ako.

"B-bakit?" tanong ko kay Chester.

Nakapikit parin sya at nakasandal ang ulo sa ding-ding.

"Pinahiram na kita sa kanya kanina, baka pwedeng ako naman ang bigyan mo nang atensyon ngayon?" seryosong sabi nya habang nakapikit.

"H-ha?" tanong ko pero hindi na sya nagsalita pa.

Tinignan ko ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sakin.

Wala akong choice kaya umupo nalang ako sa tabi nya tsaka sumandal sa balikat nya.

Pinilit ko ring ipikit ang mata ko para makatulog.

Kaylangan ko to, kaylangan kong magpahinga para bukas.

***•••***

Nagising ako dahil sa ingay na mga naririnig ko sa paligid.

Minulat-mulat ko ang mata ko, nakatulog pala ako. Nagtaka ako nang makita kong nakaunan na ko sa bag ni Chester tas nakatakip pa sa binti ko yung polo nang uniform nila Jazer.

Natigil ang pagiisip ko nang makarinig ako nang umiiyak.

Agad akong napatingin sa gitna nang room namin kung san nagkukumpulan yung mga kaklase ko.

Agad akong tumayo.

"Anong... ayos lang kayo?" naagaw ko ang atensyon nila kaya napatingin agad sila sakin.

"Selene..." mahinang sambit ni Chester

Napatingin ako sa kamay nyang naka kuyom nang sobrang higpit.

Lalong nakunot ang noo ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinukumpulan nila. Nag sipag tabi sila para bigyan ako nang daan.

At napahinto ako sa nakita ko.

Mga nakahiga, naliligo sa sariling dugo...

Nicka, Dalia, Lory, Janice at...

At...

Si...

Si...

Si...

Chara...

Naninikip ang dibdib ko, lalo na nang makita kong may saksak sila sa ulo.

Nawalan ako nang balanse pero agad din akong inalalayan ni Jazer.

Napatakip ako sa bibig ko.

At nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko.

"A-anong..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil napahagulgol na ko.

Chara...

A-ang sabi ko sa kanya, maliligtas kami, mabubuhay kami, i-uuwi ko sya.

"May kagat na sya nang zombie bago pa sya pumasok dito" napatingin ako kay Chester.

Tumayo ako nang maayos pero napakapit din ako kay Loreine nang maramdaman kong matutumba ako.

"A-ano? I-imposible, kung nakagat nga sya, bakit di agad sya naging zombie?!"

"K-kasi... kasi Selene" napatingin ako kay Lyka.

"Ano?!" sigaw ko sa kanya kaya lahat sila ay nagulat.

Bigla namang nagsipatakan ang mga luha ni Lyka.

"Selene ano ba? Tinatakot mo si Lyka" saway ni Sophie.

"Hindi Sophie... kasalanan ko naman talaga" patuloy parin ang pag-iyak nya.

"Anong kasalanan? Walang may kasalanan hindi mo ginusto, walang may gusto nang nangyare" sabi naman ni James.

"Shut up!" sigaw ko, nagsipag hinto naman sila sa pag-iyak at pagsasalita. Para bang nagulat sila sa nakikita nilang pag uugali ko ngayon. Ibinalik ko ang tingin ko kay Lyka "Ikaw, anong alam mo sa nangyare kay Chara" pinipilit kong ikalma ang sarili ko.

Pero para na kong sasabog!

"Selene..." pagpapakalma sakin ni Loreine

"K-kasi, sinabi... sinabi nya sakin na may kagat daw sya sa bandang tyan nya. Pero natatakot syang sabihin sayo at malaman ng iba dahil baka palabasin daw sya. Tas... tas sabi pa nya, narinig nya daw sa faculty na kapag pinunasan mo nang tubig ang katawan mo nang paulit-ulit o kaya naman ibinabad mo ang katawan mo sa tubig, maaaring bumagal ang pagdaloy ng rabies ng zombie sa katawan mo at maaari ka pang manatiling tao pag nagtagal kaya pinunasan nya yung katawan nya nang basang bimpo nang paulit-ulit"

Napahinga ako nang malalim.

Ang kaibigan ko... wala akong kaalam-alam na nahihirapan na pala sya.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumaob ang teacher's desk.

Gawa nang pagtaob ni Chester. Galit sya at namumula-mula pa.

Matagal na kaming mag kakilala ni Chester pero ito ang unang beses. Unang beses na maging ganito sya. Mahalaga saming dalawa si Chara kaya naiintindihan ko ang pinagmulan ng galit nya. Para na silang magkapatid at sobrang sakit neto para sakin at para na rin sa kanya.

"Nakita mo ba ang resulta nang paglilihim mo?! Kung sana... kung sana sinabi nyo nang maaga, naagapan pa natin! Nakatulong pa kami! Ngayon... nakikita mo silang lima?! Nakikita mo?! Wala... wala tayong choice kundi gawin yan sa kanila dahil... dahil--- t*ng*na!" sigaw nya sabay suntok ng kamao nya sa board.

Napapikit ako hindi dahil sa gulat kundi dahil sa katotohanang hindi ko kayang makita ng ganito si Chester. Masakit.

"Hindi... k-kasalanan mo to President! wag nyong isisi kay Lyka to lahat! Sino ba ang nagpapasok kay Chara dito sa loob ng room?! Sino ba ha?! Without knowing na infected na pala sya?!" sigaw ni Sophie habang dinuduro-duro ako.

"What the... ano ba?! Hindi naman nya ginusto yon ha!" sigaw naman ni Loreine.

"Hindi nya ginusto pero sya ang may kasalanan! Hindi si Lyka!" sigaw pa din ni Sophie.

"Ano ba Sophie?! Umayos ka nga! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?! Hindi naman alam ni Selene na infected na pala si Chara nung pinapasok nya. Wala syang kasalanan" sabi naman ni James.

Kaya napatingin naman ako sa kanya.

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ko kay James kaya napakunot noo naman sya.

"Ha?"

"Tingin mo ba... tingin mo ba pag nalaman kong infected si Chara hindi ko sya papapasukin?"

"Selene..." sabay na sabi nang mga kaklase ko

Tinignan ko naman silang lahat hanggang sa nahinto ang tingin ko kay Sophie.

"Tatanungin kita. Kaya mo bang kalimutan at talikuran ang kaibigan mo dahil sa isang bagay na nangyare sa kanya na hindi nya naman ginusto?" napayuko naman sya.

Inikot ko ang tingin ko sa kanilang lahat.

"Oo kaibigan ko si Chara, pero kahit hindi sya. Kahit sino man sainyo ang kumatok jan sa pintong yan! Kahit naghihingalo ka pa! Tingin mo di kita papapasukin?! Nasasaktan ako, hindi lang dahil sa nangyare kay Chara. Dahil rin sa nangyare sa iba nating kaklase. I am the President of this section and I am the Vice President of this school but I can't do anything to help all those students outside of this room. Hindi ko kayang lumabas at tulungan sila! Wala akong magawa! I'm useless. Tas ngayon, kahit kaklase, kahit sarili kong kaklase at kaibigan ko di ko magawang iligtas. Ni hindi ko nga sila matignan. Pero diba, mas okay nang may ginawa ka para lang makatulong kesa talikuran at hayaan ang kaibigan mong mamatay sa labas?! Hindi ko alam kung matatawag ko pang tao ang sarili ko kung nagawa kong hindi pagbuksan ang kaklase ko na gustong pumasok dito sa loob at maligtas." mahabang paliwanag ko.

Lumunok ako tsaka huminga nang malalim. Pinilit kong hindi matignan ang bangkay nang lima kong kaklase.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Lyka

"Karapatan kong malaman ang lahat lalo na kung apektado ang ICT. Responsibilidad ko kayo. Sana naman pagkatiwalaan nyo ko. O kahit hindi na lang ako" napatingin ako sa direksyon ni Chester "Kahit si Chester na lang." Ibinalik ko ang atensyon ko sa kanilang lahat. "Sa ayaw at sa gusto nyo, ako ang presidente nang klase na to. Ako o si Chester lang ang magdedesisyon sa huli." pagkasabi ko non ay agad kong kinuha yung bag ko.

"Ayusin nyo ang mga sarili nyo, aalis na tayo"