Chereads / Dream of You! / Chapter 2 - “Big Bang Theory”

Chapter 2 - “Big Bang Theory”

Lumipas ang isang linggo at tila masaya ang lahat. Senior high na kami ngayon pero 'di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Akala ko kase di na ako makakapasa noong Grade 10 kase puro lang ako tawa sa klase tulad ng iba. Masaya kayang tumawa kapag may kasamang kaibigan na joker tapos makulit pa. Speaking of kaibigan, bakit kaya wala pa si Yhuni? Sabi niya parehas kami ng kukuning strand ngayong pasukan, pero 'di ko pa rin siya nakikita.

Kinabukasan, sa aking paglalakad papasok ng classroom, napansin kong ang ingay sa loob nito.

"Parang kilala ko ang boses na 'yun..." wika ko sa isip ko.

"Si Yhuni ba 'yun?", dali-dali akong tumakbo papunta ng pinto para makita kung si Yhuni nga ba ang gumagawa ng ingay sa room namin.

"Yhuni!!!!!!!!" sigaw ko.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong ko sa kanya habang tuwang-tuwa sa pagdating niya.

"Ah-eh, nung sabado lang kase kami nakauwi ng pamilya ko galing probinsya." sagot niya.

"Weh talaga ba?! Akala ko kase sa ibang school ka na mag-aaral at iniwan mo na ako dito pero buti na lang." sabi ko sa kanya.

Masayang-masaya ako sa pagdating ng bestfriend ko, siya lang naman kase ang kaagapay ko sa lahat. Sabay naming ginagawa ang lahat kase alam kong masaya siya kasama, puro lang kami tawa kase panay siya kalokohan sa utak. 'Di ko nga alam kung matino pa ba utak niya haha. Maya-maya ay dumating na si Eli at kinausap si Yhuni.

Eli: Good morning! First time kitang nakita dito, bago ka lang rin ba dito? Anong pangalan mo?

Yhuni: Ah... Oo... Ako pala si Yhuni Earl Pablez y Katigbak, but people always call me Yhuni.

Eli: Ah okay, I'm Elijah Gatchalian. Nice to meet you.

Yhuni: Ikaw din, nice to meet you.

"Wow! Ang bait ha?!" wika ko sa isip ko. "Parang di siya mukang judgemental sa part na yan..."

Jen: Ah... Excuse me. Makikiraan lang po...

Yhuni: Ah... Sure!

Sa pagdaan ni Jen, parang bumagal ang takbo ng mundo ko at bumilis namna ng tibok ng puso ko. Nakikita kong hinahangin ang kanyang mga buhok at kumikislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Si Jen, ang isa sa mga babaeng sobrang espesyal para sakin. Matagal ko na siyang crush, siguro nung una ko siyang nakita nung Elementary. Ang ganda niya kase eh, lalo na pag nakapusod ang buhok niya. Sobra akong nahuhumaling sa kagandahan niya. Hanggang ngayon naman, crush ko pa din siya. 'Di ko lang maamin kase maraming nanliligaw sa kanya. 'Tsaka alam kong di ako mananalo kung sakaling sumali pa ako sa kanila. Ang gu-gwapo kaya ng mga manliligaw niya, tsaka 'di hamak na mas mayaman pa kaysa sakin. Kaya siguradong 'di ako 'yung matitipuhang lalaki ni Jen. Pero kahit ganun, asadong-asado pa rin ako na magkatuluyan kaming dalawa kahit na alam kong malabo talaga 'yun.

Dumating na ang adviser namin at nagsimula na ang klase.

Adviser: Alam niyo ba class, na ang lahat ng bagay sa buong kalawakan comes from a single, yet big explosion. An explosion of a single atom that change everything and becomes an origin of everything you see and you don't see, na siya ring pinagmulan kung bakit tayo naririto ngayon. Ito ay isang teorya na pinangunahan ng isang Belgian Astronomer at Cosmologist na si Georges Lemaître. Sinasabing ang naturang teorya ang dahilan ng pagkakaroon ng mga bagay-bagay sa mundo. Nagsimula ito sa isang atom na kung tawagin ay "Ylem" o "Singularity". At ito'y sumabog nang malawakan na naging dahilan ng pagkabuo ng kalawakan. Pinaniniwalaan ding ito'y patuloy na lumawak at lumaki sa loob ng 13.8 billion years.

Habang nagpapatuloy sa pagsasalita ang teacher namin, tila lahat ay inaantok hanggang sa may isiningit siya sa discussion.

Adviser: Kung tutuusin ang "Ylem" ay parang pag-ibig, bigla-bigla na lang sasabog at aapaw para sa taong di mo inaasahang bigla ka na lang palang mahuhulog. And when that's happen, magdudulot ito ng malaking pagbabago sa buhay mo. Ngunit habang tumatagal na napapa-ibig ka sa taong iyon, ito'y lumalaki at lumalawak kaya't ang saya na makita mo siya sa araw-araw at ang sakit na maiwan ka niya o kaya'y malaman mong di kayo parehas ng nararamdaman ay mas madarama mo sa kaloob-loob ng iyong puso.

Nagtilian at kinikilig na nakokornihan ang naramdaman namin nang sinabi 'yun ng teacher namin. Nagising ang diwa naming lahat nang marinig iyon. Pero conry pa rin haha. Akala ko matatapos na yung klase namin nang bagot na bagot kaming lahat, pero buti na lang. Mas okay na yun kesa naman sa magkuwento siya ng buhay niya kung pano niya nakilala asawa niya haha. Nagpatuloy ang klase namin hanggang mag-uwian.

Yhuni: Gab! Sabay na tayo...

Gab: Ah sige, pero dalhin ko lang muna 'tong papel sa table ng teacher natin. Hindi ko kase naibigay kaninang breaktime.

Yhuni: Ok sige, hintayin na lang kita sa gate...

Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla akong nadulas. Tumilapon ang mga papel na hawak ko at nagkalat sa sahig. Sa aking pagbangon, nakita ko si Eli na nakatingin sa'kin ng masama.

"Ang lampa naman neto" wika niya sa akin.

Laking inis ko nang marinig iyon mula sa kanya, imbis na tulungan pa ako sa pagkakadulas eh hinayaan niya lang ako at naglakad.

"Ang sama talaga ng ugali nito" ani ko sa sarili ko habang isa-isa kong pinupulot ang mga papel na nakakalat.

"Ganyan ba lahat ng galing sa Private School?" "Wag na wag siyang magpapatulong sakin talaga..." wika kong muli.

Pagkapulot ko ng lahat ng papel ay dumiretso na ako sa faculty para ipasa ang mga ito. Inilapag ko na sa lamesa ng teacher namin ang mga papel. "Bwisit talaga 'yun, argggh nakakainis ka!" gigil na sinabi ko sarili ko sa loob ng faculty habang gulat na gulat ang isang teacher na nakaupo sa kabilang table at nakatingin sa'kin. "Ah sorry po..." pagpapaumanhin ko sa guro at naglakad na ako palabas ng hiyang-hiya. "Bakit ba ganito? Uuwi na nga lang ako tapos ganito pa mangyayari sa'kin?" wika ko sa sarili ko habang nakasandal sa pader ng building at saka ako naglakad muli palabas na ng school.

Yhuni: Oh ba't ang tagal mo?

Gab: Ang bobo kase nung sahig, hinayaan akong madulas haha… *pabiro kong sinabi*

Yhuni: Ayt! Kabobohan nga yan haha... *sabay tawa ng malakas*

Gab: Hehe, ewan! Umuwi na nga tayo. First day mo pa nga lang, ganyan ka na sakin.

Palubog na ang araw sa aming paglalakad pauwi. Inaantay naming makitang muli ang buwan at ang bituin na magliwanag sa gabi. At sa aking pagdating sa bahay.

Gab: Ma! Andito na po ako!

Mama Dory: Buti naman at naka-uwi ka na. Magbihis ka na dun tapos kakain na tayo maya-maya.

Gab: Opo ma...

Ella: Kailangan ba talagang ipagsigawan na nandito ka na?! Ang ingay kase eh...

Mama Dory: Hayaan mo na... Mas mabuti na yan nang alam nating naka-uwi na siya...

Ella: Ah basta! *nanggagalaiti*

Nagbihis na ako at nagsimula na rin kaming maghapunan. "Kumusta naman sa school? Okay pa ba?" tanong ni Mama sa akin. "Hmm... opo Ma, okay lang" sagot ko habang ngumunguya. "Itigil mo nga 'yang pagsasalita mo habang kumakain." bilin niya. "Itigil niyo rin po ang pagtatanong sa'kin habang kumakain ako" sagot ko. "Aba sumasagot ka pa! Tumigil ka dyan!". Pagkatapos noong masarap naming kainan ay gumawa na ako ng mga assignments. Habang ginagawa ko iyon ay naalala ko ang sinabi ng adviser namin tungkol sa Big Bang Theory. Well, 'di naman sa pagmamayabang pero habang nababagot at inaantok na sila sa discussion eh nakikinig ako haha. Pero di ko sinasabing naiintindihan ko kaya huwag niyo na akong tanungin tungkol d'yan haha. Dumungaw ako sa bintana at tiningnan ang mga tala. Grabe ang ganda pa rin talaga nila. Tsaka isipin mo, gaano kaya karami ang mga tala sa kalawakaan? Kasing dami rin kaya sila ng mga tao sa mundo? Naiisip ko rin na isa siguro sa mga tala d'yan ang katulad ko kung sila'y isang tao.

"Sana magningning din ako tulad ng isang tala" sabi ko sa sarili ko.

Naalala ko tuloy yung tala nung nakaraang gabi, kaya't hinanap ko ito agad.

"Oh! Nandyan ka pa rin pala. Wag ka munang mawawala ah." sabi ko sa talang maningning. "Oh siya gabi na at matutulog na ako".

Isinara ko na ang bintana at nagsimula na akong matulog para bukas ay may lakas ako para harapin yung bwisit na lalaking 'yun. Arrggghhh ba't ba naalala ko pa 'yun? Paano ako matutulog ngayon? Humanda talaga siya sa'kin.