Pasikat pa lang ang araw ay ginising na ako ni Mama. "Nak gumising ka na dyan tapos mag-almusal kana... Magtitinda pa tayo sa palengke bilisan mo..." ani ni Mama na parang nagmamadali na naman. Bumangon na ako at naghanda, kumain ng almusal at sumama na kay Mama sa palengke.
Maaga pa lang ay tila marami ng tao sa palengke kaya't sunod-sunod ang mga utos ni Mama habang nag-aasikaso ng mga bumibili. "50 pesos po lahat ito.... Lima tatlong piraso po dyan Ate... Isang bawang po? Limang piso..." sunod-sunod na pag-aasikaso ko.
Kinalaunan ay kaunti na lamang ang mga taong bumibili, nakita ko si Eli na namamalengke at napunta sa aming tindahan. Sinubukan kong magtago para di niya ako makita. "Ah... Magkano po sa talong ninyo?" tanong niya. "10 isa dyan..." tugon ko sa kanya. Tila pamilyar siya sa boses ko kaya tumingin siya sakin. Hindi ako kaagad nakapagtago sa kabila. Aasarin niya kaya ako? Naku naman.
"Oh Gab! Nagtitinda ka pala dito?" tanong niyang muli. "Ah oo" sagot ko.
Habang inaasikaso ko si Eli ay biglang nag-utos sakin si Mama na balikan yung utang ni Aling
Mirna sa kanila.
"Ah pwede ba akong sumama sayo?" tanong ni Eli sakin.
"Naku h'wag na, baka hanapin ka pa sa inyo kase dala-dala mo yung ulam niyo..." tugon ko.
"Ah hindi naman. Ako lang naman kase mag-isa ngayon sa bahay..." sagot niya.
"Bahala ka kung gusto mo..." sabi ko sa kanya.
Pagkatapos ni Eli mamili ng gulay sa amin ay agad na kaming umalis patungo kayla Aling Mirna. Habang naglalakad ay nagkakwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga kaklase namin at sa iba't-iba pang mga bagay.
Eli: Ikaw ba Gab? Naranasan mo na bang manakawan?
Gab: Syempre naman... Lahat naman siguro nakaranas nang manakawan...
Eli: Eh bakit....?
Gab: Bakit ano?
Eli: Bakit mo kinuha yung papel ni Yhuni nung nag quiz tayo?
Gab: Eh kase wala akong papel nun... Tsaka, kaibigan ko naman siya kaya ok lang na magka….
Eli: *pagputol niya sa sinabi ko* Di mo ba alam na parang pagnanakaw na rin 'yun?...
Gab: Huh? Bakit naman? Pa'no mo nasabi aber?
Eli: Para na rin kase siyang pagnanakaw dahil kinuha mo yung gamit niya nang hindi ka nagpapaalam…
Gab: Pero kase, magkaibigan naman kami kaya, 'lam mo na... Gets?
Eli: It's still the same kase nga di na naman siya sayo pero ba't kinuha mo?
Gab: Alam mo... bahala ka sa buhay mo... wala ka sigurong kaibigan kaya 'di mo alam... Tsaka sinusubukan mo ba akong konsensiyahen?
Eli: Hindi naman... *sabay nanahimik*
Maya-maya ay nakarating na kami kayla Aling Mirna. Kinatok ko na ang kanilang gate at tinawag si Aling Mirna. "Aling Mirna?! Tao po!" sigaw ko. Habang ako'y kumakatok ay muling lumabas ang babaeng nakita namin ni Yhuni kahapon. "Ah wala pa dito si Mama eh pero iniwan niya yung pambayad sa loob, wait lang kunin ko lang..." sabi nito sabay pasok sa loob para kunin ang pera. "Ah sige, antayin ka na lang namin dito" tugon ko sa babae. Lumabas siyang muli dala ang pambayad.
Mila: Eto pala yung bayad ni Mama sa utang niya.
Gab: Ah salamat... Nga pala, ano palang pangalan mo?
Mila: Mila... Mila ang pangalan ko. Ikaw? Anong pangalan mo?
Gab: Ah Gab ang pangalan ko. Nakatira lang ko sa kabila pa malapit sa may bukid pero di naman sa bukiran, medyo malapit lang dun.
Mila: Ah ok...
Gab: Siya nga pala si Eli, kaklase ko...
Mila: Hello...
Gab: Ah alis na kami kase baka hinahanap na'tong kasama ko, dala niya kase yung ulam nila, di pa naluluto haha... *biro ko*
Eli: Mag-isa nga lang ako sa bahay... *naiinis na*
Mila: Ah sige. Ingat kayo...
Pagkatapos ay umalis na kami pauwi ni Eli.
Gab: Oh ba't parang nanahimik ka ata? May gusto ka kay Mila noh?
Eli: Hindi... Ano... Wala...
Gab: Oh? ba't ka nauutal ngayon?... Naku... Alam mo para kang si Yhuni kaso mas nauna ka nga lang malaman yung pangalan niya kesa kay Yhuni... Type din ata ni Yhuni si Mila...
Eli: Ah ganun ba?
Gab: Ingat ka lang... Mahirap kalaban si Yhuni kaya... *nagbabanta*
Humiwalay na kami ng landas ni Eli at pumunta na akong palengke para dalhin ang pera kay Mama. Pagdating ko ng palengke ay nagligpit na kami ng paninda. "Oh nak tapos ka na ba dyan? Para makauwi na tayo ng maaga at makapagpahinga tapos mamaya ulit hapon magtitinda ulit tayo..." sabi ni Mama. "Opo ma, patapos na ako" tugon ko. Pagkatapos kong magligpit ay umuwi na kami sa bahay. Pagdating namin ng bahay ay agad na kaming kumain ng tanghalian. Matapos kumain ay naligo na ako at umakyat sa kwarto para magpahinga. Kinahapunan noon ay diretso palengke kami ni Mama para magtinda ulit nang biglang dumating si Yhuni.
Yhuni: Gab, tara na.
Gab: Saan naman?
Yhuni: Kila Aling Mirna... Maniningil...
Gab: Ahhh... tapos na, nakasingil na ako...
Yhuni: Ha? Diba sabi ko sayo isama mo ko kapag pupunta ka ulit dun?
Gab: Oo kaso may kasama na ako kanina kaya 'di na kita sinabihan...
Yhuni: Sana man lang dinaanan mo ako sa bahay... Sino ba kase kasama mo kanina?
Gab: Si Eli...
Yhuni: Si Eli!? Edi ba galit ka dun?
Gab: Di ako galit dun... Di ko lang siya gusto kasama...
Yhuni: Di mo gusto pero kasama mo kanina?
Gab: Bahala ka nga dyan...
Yhuni: Sandali lang... Natanong mo ba pangalan nung babae?
Gab: Oo... Mila daw pangalan niya...
Yhuni: Oh talaga... Mila... Gandang pangalan ah...
Gab: Oo nga eh ang ganda... Parang gusto rin ni Eli...
Yhuni: Ha? Ano? ulitin mo kamo...
Gab: Kanina kase habang nandun kami, ang tahimik niya tapos nung tinanong ko siya kung gusto niya din si Mila eh nauutal-utal siya...
Yhuni: Ah ganun ba? Sige magkakasubukan kaming dalawa...
Gab: Sinabihan ko nga siya na gusto mo rin si Mila kaya tigil-tigilan niya sarili niya...
Yhuni: Tigilan niya talaga kase baka kung anong magawa ko sa kanya...
Pagkatapos namin mag-usap ni Yhuni ay maaga kaming nagsara ni Mama. Pag-uwi namin ay naghapunan na kami. Pagkatapos kong kumain at magligpit ng pinagkainan namin ay dumiresto na ako sa kwarto sa taas. Ginawa ko na ang mga assignments ko para bukas wala na akong gagawin. Lumalalim na ang gabi pero di pa rin ako tapos.
"Hay nako, konti na lang pala 'to... Malapit na Gab at matatapos ka na" tugon ko sa sarili ko na pagod na pagod na.
Habang nagsusulat ay biglang may hangin na pumasok sa bintana namin kaya napalingon ako sa labas. Sa paglingon ko ay napansin ko agad ang tala na maliwanag.
"Ang liwanag mo pa rin ah." sabi ko sa tala. "Tatapusin ko na yung ginagawa ko ha tapos matutulog na ako kase alam ko naman na gusto mo na akong patulugin mula sa nakakapagod na araw na 'to".
Tinapos ko na nga ang mga assignments ko at natulog. Alam ko na ang mga tala sa labas ang nagbabantay sakin pag gabi. Sinasabihan nila akong magpahinga at matulog mula sa isang buong araw na pagtatrabaho.