Sumikat na ang haring araw at ako'y nakahilata pa. "Gab anak! Gumising ka na! Male-late ka na naman sa pagpasok... Naku talaga 'pag yan hindi naging maganda sa grades mo tingnan mong bata ka ha!..." maingay na sigaw ni Mama ngayong umaga.
"Opo ma! Babangon na po!" sagot ko.
Bumangon na ako't naghanda na ng aking sarili para sa aking pagpasok, ginawa ko na ang lahat maliban sa pagkain ng almusal. "Ma, ano po ba almusal natin?" tanong ko.
"Merong pritong itlog dyan tsaka sinangag, kainin mo na lang tapos dumiretso ka na ng school at mahuhuli ka na." sabi niya sa akin habang nagmamadali para sa pagpunta niya ng palengke. Nagtitinda kase si Mama ng gulay sa talipapa para meron kaming pagkukunan ng panggastos sa araw-araw.
"Tapos anak pagkauwi mo mamaya, dumiretso ka kila Aling Mirna, yung matandang nakatira malapit kayla Yhuni, yung bestfriend mo. Kunin mo yung pera na pambayad sa inutang niya sakin na gulay nung nakaraang linggo ha." bilin niya sakin. "Opo ma." sagot ko.
Umalis na si mama papuntang palengke habang ako naman ay nagmamadali nang tapusin ang pagkain ng almusal. "Hindi mo ba huhugasan 'yang pinagkainan mo?" tanong ni Ate Ella na kagigising lang.
"Male-late na kase ako sa school kaya di ko na mahuhugasan yan", "Ah talaga ba? Tapos ako pa maghuhugas niyan? Ang galing mo din ano?" tugon niya sakin na may kunot sa noo. "Ah sige Ate sabi mo eh... Alis nako! Bye!" sabay karipas ng takbo palabas. "Hoy! Mamaya ka sakin pag-uwi!" sigaw niya.
Ilang oras pagkapasok ko sa school, kakatapos lang ng long quiz namin. Breaktime na kaya naisipan namin ni Yhuni na pumunta sa canteen habang pinag-uusapan kung ano yung mga naging sagot namin sa quiz at kung ilan ang nakuhang naming score.
Yhuni: Wow naman!... Ngayon ka lang tumalino ng ganyan haha congrats prend!
Gab: Baliw to... Di ba pwedeng nakapag review lang ha?
Yhuni: Di kase ganun scores mo kapag review lang ginawa mo eh haha
Gab: Grabe ka sakin... Nakaka-ilan ka na ha! Nung first day ka pa!
Yhuni: Sorry na... Di naman mabiro... Nga pala, napansin ko lang ha... bakit ang init ng dugo mo sa katabi mo?
Gab: Kay Eli? Yung tukmol na 'yun? Ang yabang niya kase akala mo kung sino porket galing siya ng private school eh ganun-ganun na lang siya umasta...
Yhuni: Mabait naman si Eli ah tsaka matalino...
Gab: Matalino... Oo... Mabait? Ekis tayo dyan...
Yhuni: Huh? Bakit?
Gab: Napaka judgemental kaya nun... 'Lam mo kung bakit? Nung first day of class kase nanghingi ako ng papel sa kanya tapos alam mo kung ano sinabi niya? "Kung magiging ganyan ka baka umasa ka na lang sa mga tao dito... nye nye nye…"
Yhuni: Ha! Bakit? Bakit kase wala kang papel eh first day of class yun? Kasalanan mo din kung bakit ka na-judge...
Gab: Alam mo minsan di ko alam kung kaibigan ba talaga kita o hindi... *sabay kagat sa monay na dala-dala*
Habang papasok ng room, nakasabay namin si Eli sa pinto.
Yhuni: Uy Eli! Ilan ka kanina?
Eli: 45... Ikaw?
Yhuni: Naks naman! 32/50 nga lang ako kanina eh...
Eli: Okay lang yan... Bawi ka na lang next time... Ikaw Gab? Ilan score mo kanina?
Gab: *pabulong* Tingnan mo 'tong tukmol na 'to... Katabi ko 'to pero di alam kung ilan naging score ko...
Eli: Ha?
Gab: Ah 43...
Eli: Ah ikaw ba yung naka 43 kanina? Congrats...
Gab: *pabulong* Ewan...
Nagpatuloy ang klase tulad ng inaasahan. May mga oras na masaya ang discussion at may mga oras din na nakakabagot talaga, as in yung feeling na pwede ka nang matulog ng tulo laway sa sobrang dull ng atmosphere sa loob ng room habang nagdidiscussion. Sandali, ba't ba ako nag-eenglish? Tuloy na nga lang natin.
Gab: Uy! Di ka ba nababagot ngayon? Tingnan mo oh lahat kami inaantok na tapos ikaw ni isang hikab wala akong nakita...
Eli: Hindi naman... Natulog kase ako nang maaga kahapon...
Gab: Ang lakas mo din talaga eh noh... Sana all na lang talaga sayo...
Natapos na ang aming klase at mag-uuwian na. Kanya-kanyang paghahanda na kami ng mga gamit namin para makauwi. May ibang nagpupulbos ng mukha, nagpapabango, yung iba nga eh naghaharutan pa. May iba naman sa amin na nag-iisip na kung paano makakatakas sa paglilinis kase cleaners sila.
"Gab! Di ka ba sasabay samin?" tanong ni Yhuni. "Ah sasabay ako sayo sandali lang" sagot ko. "Didiretso pa kase ako kayla Aling Mirna para mangolekta ng utang kaya sabay na tayo" dugtong ko.
Nagsimula na kaming maglakad pauwi ni Yhuni. "Eto na yung bahay ni Aling Mirna... Katukin mo na" sabi ni Yhuni.
"Ah Tao po?! Tao po!" sigaw ko habang kumakatok sa sa gate ng kanilang bakuran.
Maya-maya ay may lumabas na babae at tinanong kung anong kailangan namin. "Si Aling Mirna po?" tanong ko. "Ah wala dito, balik na lang kayo" sagot niya. "Anong oras po kaya siya darating?" tanong kong muli. "Di ko alam eh" sagot niya. "Pakisabi na lang na dumaan kami para singilin yung utang niya sa gulay ng nanay ko sa palengke" sabi ko sa kanya. "Ah sige sasabihin ko na lang..." tugon niya. Nagsimula na muli kaming maglakad ni Yhuni.
Yhuni: Pre, di mo ba napansin na ang ganda nung babae kanina?
Gab: Oo napansin ko ngang maganda siya...
Yhuni: Sayang di natin natanong yun pangalan niya 'no?
Gab: Edi pagbalik na lang natin tapos tanungin mo kung ano pangalan niya..
Yhuni: Ah oo nga noh... Galing mo dyan... Sabihan mo ulit ako kapag babalik tayo dun ha...
Gab: Sige...
Naghiwalay na kami ng daan ni Yhuni papauwi. Pagdating ko sa bahay.
Ate Ella: Hoy! May atraso ka pa sakin ah...
Gab: Ha? Ano yun?
Ate Ella: Ma, hetong si Gab kumain kanina ng almusal tapos 'di hinugasan yung pinagkainan niya...
Mabilis na sinabi ni Ate Ella kay Mama ang reklamo niya.
Gab: Eh kasi nga male-late na ako...
Mama Dory: Dapat hinugasan mo pa rin yun nak... Hindi kase maganda na mag-iiwan ka ng hugasin pagkatapos mo kumain... Nga pala, yung inuutos ko sayo?
Gab: Ah, wala daw po kase kanina si Aling Mirna pagdating ko dun...
Mama Dory: Ah ganun ba? Puntahan mo ulit bukas kase kailangan ko rin 'yun para ipandagdag sa puhunan natin...
Ate Ella: Nay, magpahinga ka na kaya... Hayaan mo na si Gab maghugas mamaya ng plato tutal 'di naman niya hinugasan 'yung pinagkainan niya kanina...
Mama Dory: Oh Gab, ikaw maghuhugas ngayong gabi ah...
Gab: Maaaaa... Gagawa pa ako ng assignment...
Mama Dory: Sabado bukas, bukas mo na gawin yan... Ikaw Ella, tulungan mo ako magtinda bukas ha...
Ella: Huh? bat ako? si Gab na lang... Para ako na magluluto ng pagkain bukas...
Gab: Ako na naman nakita mo...
Mama Dory: Marunong ka ba magluto Gab? Kase tama ang ate mo. Pwedeng siya ang magluto bukas...
Gab: Ano ba yan? Ma…
Mama Dory: Tutulong ka sakin bukas ah...
Pagkatapos namin maghapunan ay naghugas na ako ng plato sa kusina. Habang naghuhugas, naalala ko yung sinabi ni Yhuni kanina.
*…Yhuni: Mabait naman si Eli ah?...*
"Huh? Mabait? Mabait ba yung sabihan ka nang lampa kase nadulas ka? Imbes na tumulong eh nang-asar pa". Bigla ko rin naalala yung mga ginawa sa'kin ni Eli. "Pero hindi sapat 'yun para maging mabait din siya sa paningin ko". Pagkatapos ko maghugas ng plato ay naghugas na ako ng katawan para maging presko aking pakiramdam ngayong gabi. Pag-akyat ko sa kwarto, nakita kong muli ang tala na mas kapansin-pansin ang liwanag.
"Hindi ka parin talaga nawawala..." ani ko sa tala na tila kausap ko sya.
Maya-maya, isang malamig na simoy ng hangin ang dumaan. Naramdaman kong may kakaiba sa hangin na iyon na nagbibigay sa akin ng magaan na pakiramdam. Napapikit ako sa lamig ng hangin at laking gulat ko nang makakita ako ng imahe ng kamay na magkahawak at nang labi na nakangiti sakin. Naramdaman ko na tila parang totoong pangyayari iyon, kaya napapaisip ako kung ano ba ang ibig sabihin nun? Isinarado ko na ang bintana para makatulog na ako. Humiga na ako sa kama at binalot ko ang aking sarili ng kumot. Dahan-dahan kong naramdaman ang antok at unti-unti nang hinihila pababa ang aking mga mata. Isang araw na naman ang magwawakas.