"Do you think I want to be here?" Shouting at him while the tears in my eyes is slowly pouring down to my cheeks.
"Why do you have to make me feel that you don't really want to be here" He showed an anger and a disappointment expression.
"Why do you have to make me feel that being me here, is a big mistake" Patuloy siyang sumisigaw habang ako nakatulala lang at ang mga emosyon na nararamdaman ko ay unti-unting nawawala.
"Kung wala tong kwenta sayo, kung ayaw mo talaga dito. Bakit ka nandito?" Hinihigop ng mga mata ko ang mga luhang kailangang pumatak. Ang mga tubig ay parang naging yelong nanatili sa mata ko.
Gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Bakit kailangan mo pang bumalik, bakit kailangan mo ring pumunta dito?" Patuloy siyang nagsasalita pero wala akong masabi, wala akong maisagot sa mga katanungan niya.
"Bakit mali yung naiintindihan ko?" Hindi ko man naiintindihan pero nasasaktan ako na makitang may mga luha sa kaniyang mga mata at ang matinding pagkadismaya.
Gustong-gusto ko na umimik pero patuloy na naging bato ang aking bibig.
Biglang ang tunog ng pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan ang narinig ko. Tila ba maski ang panahon ay sumasangayon sa aking nararamdaman. Ang lamig ng panahon at ang matinding tensyon sa aming usapan.