Chereads / Aloha[Filipino/Tagalog/Taglish] / Chapter 3 - The New Beginning

Chapter 3 - The New Beginning

Tumingin ako sa aking likuran kung saan nagmumula ang pagsigaw.

"You left your bag behind anak"

It was my teacher shouting at me.

"Ohhh" This time I came back to my senses. I was very embarrassed. Nababalot ang buong katawan ko ng kahihiyan habang nakatingin sa aking guro.

Pakiramdam ko ay matutunaw na ako.

I used to be an outcast. I want to be an outcast but why does it seems like everyone is putting their attention to me.

"Ahhmm Yeah my bag" Nakayuko ako habang kinukuha ang bag ko.

"Thank you po"

Dali-dali na akong lumabas ng silid at hindi na ako naglakas ng loob na itaas ang aking ulo.

"Oh my gosh, maiiwan ko pa yung bag ko! Bumalik ka sa katinuan mo please!" I was definitely screaming inside.

"Nakakahiya" hindi ako mapakali. Unang araw pa lang pero parang wala na kong mukhang maiihaharap.

"Tug"

Habang papalayo sa aking classroom ay nakabungo naman ako ng likuran ng isang tao.

"Okay ka lang?" Pagtatanong sa akin ng nabunngo ko. Ngunit ang boses nya ay tila ba isang kahoy na napakatatag. Medyo malagong ngunit hindi pangkaraniwan. Ang isang himig na kay sarap pakingan.

"Im okay, sorry po talaga" Humingi ako ng paumanhin ngunit hindi ako nagdalawang isip na hindi i-anggat ang aking ulo.

Kaagad din akong umalis at dali-daling bumaba ng hagdan.

---

Guy's POV

"Ayos lang kaya yun?" Tanong niya habang nakatingin sa babaeng nauntog sa likuran niya habang bumababa ito.

"Okay lang ba likuran mo Tol?" Kuwestiyun ng mga kaibigan habang hinahawakan ang likuran ko.

I looked at them with a smirk. "Sakto lang, di naman basag spine ko haha" I replied to them while moderately laughing.

---

Kumaripas ako sa pagpasok ng palikuran at dali-daling isinira at ni-lock ang pinto.

"Did they see my face?" Asking myself while i was looking at the mirror, while my hair is down.

Hindi naman nila siguro nakita ang mukha ko. "Natakpan kaya ng maayos ng mga buhok ko ang mukha ko?"

"Yeah I hope so"

"Ano ng gagawin ko? after all the clumsiness that I've done."

Buong akala ko sa section ko lang ako walang mukhang maihaharap. Bakit kailangan madagdagan pa. Well, good thing is we didn't see each others visual. But still, nakakahiya pa rin. There is a lot of trouble going on this day.

"Haysst" Nagpakawala ako ng buntong hininga.

Aking hinawi sa dalawang parte ang aking buhok at sinuklay ito. Hindi ko na pwedeng iharang sa mukha ko ang mga hibla ng buhok ko. "Hindi ako makakita dahil nakharang ang mga ito kanina" sambit ko habang patuloy kong sinusuklay ng maayos ang aking buhok.

Lumabas na ako ng CR, wala naman kasing mangyayari. Magugutom lang ako pag pumirmi pa ako don. Lumabas ako nang maayos tingnan o maari kong tawaging ito ang itsura ko kanina bago pa magkandaletsye letsye.

Naglalakad ako sa school na para bang walang katangahan na nangyari.

"Act Normal, Don't panic, Act like nothing happens" wika ko sa aking isipan.

"Wohhhh" habang may lumalabas na hangin sa aking bibig.

Ang gaan sa pakiramdam, nakalabas naman ako ng buhay. "My classmates may really think that i am a psychopath"

"Ohh yeah here they are staring at me na para bang merong mali sa akin. Pero meron naman talagang mali sakin" the arguments in my mind. Nakikita kong tinititigan talaga ko ng mga kaklase ko habang inaalis ko ang bisikleta ko sa pagkakakandado nito.

Bumukas ang bintana ng sasakyan ng sasakyang nakaparada sa aking harapan.

"Hindi ka ba sasabay?" Wika ng nagmamaneho ng sasakyan habang nakadungaw sakin.

Then I noticed that the vehicle was a school service. Naisip ko na kasama nga pala ako sa school service.

"Naiwan nga pala ako kanina kasi late na ko" sabi ko sa aking isipan habang naalala kung bakit hindi ako nakasabay kanina.

"Bukas nalang po, wala pong maguuwi ng bike eh. Salamat po" saad ko na malakas at nagpakita ng ngiti pagkatapos na magpasalamat.

Natapos na ako sa pagaalis ng kandado. Umupo na ako sa silya ng bisikleta. Ramdam ko ang init mula sa aking kinauupuan. Ang init ng simoy ng hangin sa pagkatapos ng katanghalian ay naiwan sa aking bisekleta.

Umatras ako papunta sa kalsada at nagpatuloy na ako sa pagpadyak. Sa bawat pag pedal ko ay unti unting naiibsan ang init na nararamdaman ko mula kanina. Habang patuloy akong bumibilis sa pagtakbo ay mas lumalakas ang hanging sumasalubong sa akin.

Di kinatagalan ay nakauwi rin ako. Kaagad akong pumunta sa aking kwarto at hinubad ang damit na basang basa ng pawis. Nagpalit na ako ng damit.

Humiga ako kaagad sa kama, hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang pagod sa aking katawan. Ngunit, baka ang mga kaganapan kanina ay ang patuloy na humihigop sa aking enerhiya. Ang mga mata ko ay parang pagod na din. Unti-unting sumasara ang mga talokap ng mga ito. Ang hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.

"Ellise!"

Hindi pa lumalalim ang tulog ko ng bigla akong nakarinig ng sumisigaw ng pangalan ko.

"Ellise, ang tagal mo naman magbihis!"

Mabilis akong nagising dahil sa pag-sigaw ng nanay ko. Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata at bumangon mula sa aking kinahihigaan.

Ang matamlay kong katawan ay unti-unting bumababa ng hagdan.

"Ma, ano yon?"

"Bantayan mo ang kapatid mong si Kim sa labas!" Pag-uugos ng aking ina.

Kaagad ako lumabas upang hanapin ang aking kapatid at bantayan ito.

Makalipas ang oras nakauwi rin kami. Pansin kong lubha akong napagod sa kakahabol at kakasunod sa nakababata kong kabatid.

Panibagong gawain naman ang gagawin ang pagluluto at pagsasaing. Napagdesisyonan ko na magluto ng tinola para sa aming hapunan.

Natapos ko na ang pagliligpit at pagmamamop ng sahig. Patapos na ang araw at pakiramdam ko paubos na rin ako. Para ba wala na akong lakas, emosyon, at gana na gumawa pa. Tapos mauulit nanaman ang cycle na puro responsibilidad kinabukasan. Pero ano ang magagawa, wala ako sa posisyon na magreklamo.

Ang trauma na naalala ko hanggang ngayon, na kapag humindi ako sa magulang ko ay sasabihin nila kung bakit wala akong karapatang humindi. Na kapag nakita nilang pagod ka ipapamukha nila sayo na mas pagod sila kaya wala kang karapatang mapagod. Mag-aanak sila na hindi naman nila kayang bigyan ng lahat ng pangangailangan nila. Anak sila ng anak tapos lagi ang mangyayari ipapasa nila lahat ng pag-aalaga sa panganay nilang anak. Kapag hindi mo nagawa lahat ng gusto nila sasabihin nila na hindi mo naranasan lahat ng paghihirap nila. Isang beses triny kong sabihing may deprsyon ako pero ang naging kapalit "pinapagaral kayo, pinapakain tas anong igaganti mo. Na tamad kang mag-aral.". Gusto nilang may mataas kang marka pero wala ka nang oras na makapag-aral. Sa sandaling humawak ka ng cellphone "wala kang ibang ginawa kundi mag cellphone, wala ka ng naitutulong sa bahay". Kapag ipinakita mo ang matamlay mong mukha at katawan sa dami at hindi matapos tapos na responsibilidad na ipinapasa nila sayo ito pa ang sasabihin nila "Napakatamlay mo iyan na nga lang ang gagawin di mo pa magawa ng maayos. Parang pagod na pagod ka ahhh." Sa bahay na ito ipapamukha nila kung gaano ka kahina at bobo ka sa mga bagay na hindi mo pa alam. Sa bahay na toh bawal kang magsalita hanggat hindi ka nila tinatanong. Bawal ka magpahinga, wala kang karapatang matulog kasi hindi naman ikaw yung nagtatrabaho. Not just emotional my brother and sister are being physically abused by the aged of 1 and until now. Bawal kang lumabas ng bahay, bawal ka makipaglaro. Isang beses ka na nga lang sa apat na taon maglalaro, wala pang isang oras pauuwiin ka na dahil kailangan mong gumawa ng gawaing bahay at bantayan ang sanggol at bata mong kapatid.

"Bzzzzz! BEEP! bzzzzz! BEEP! Bzzzzz! BEEP!"

Nagising ako ng marinig kong nag-alarm ang cellphone ko. Tumingin ako sa cellphone "6:00 am" na. Hindi ko namalayang nakatulog ako na inaalala ang mga hinanakit at sama ng loob ko.

"6:30" na nandito ako ngayon nakatayo sa labas ng bahay. Nag-aantay na dumating ang maghahatid sa akin

sa paaralan.

Sa hindi katagalang oras ay nakarating na rin ang school service. Kaagad akong sumukay dito at piniling umupo sa hulihang bahagi ng van at malapit sa bintana.

"Kakagising ko lang pero parang pagod na kaagad ako."

Nakasandal ako ng maayos sa sandalan at nakatingin sa bintana. Ilang mga bahay na rin ang hinuntuan ng sasakyan.

Naramdaman kong may umupo rin sa parehas na upuang kinauupuan ko.

"Ayos ka lang?"-

Nagulat ako nang biglang may kumausap sa akin habang abala akong nakatingin sa labas.

Napatingin ako sa nagtanong sa akin "ahhmm" nagulat ako nung makita ko kung sino ito.

It was James, my classmate.

"Yeah, of course. Okay lang ako... why?"

"Your eyes was swollen, are you sure you are okay?" Muling pagtatanong niya.

"Im fine, don't mind me" sagot ko at kaagad na tumingin sa bintana.

I was staring blankly at the window and I saw his hands with handkerchief in front of my face.

"What is this for?" I asked and look at him.

"There are tears falling down from your eyes." He answered, with a small smile in his face and his hands slowly waving while giving me his handkerchief.

"Thanks"

I was wiping my face and I realized that there was really a tear coming down my eyes . Even me myself doesn't even realize that there are tears in my eyes. I thought that I can't cry anymore because my eyes are already tired from crying yesterday.

"Why am I crying" katanungan ko sa aking isipan.

"Who are you anyway?" I asked. Looking at him seriously.