~LUX~
Nagising ako sa isang kama oo sa isang napakalaking kama. Tinignan ko ang buong kwarto at namangha ako dahil sa laki nito.
'Mas malaki pa tong kwarto kesa sa bahay ko'
Makalipas ng sampung minuto ay may kumatok sa pinto "bumaba ka na daw ser kung gusto mo pang mabuhay"
'T*ng inang yan kagigising ko lang tapos papatulogin na ako habang buhay'.
At dahil kinompleto ni kuya ang araw ko, bumangon na ako dahil kahit papano ay gusto ko pang mabuhay.
'Teka teka tinawag ba ako ni kuya ng ser? Guni-guni ko lang siguro'.
Nasa hagdan na ako at habang bumababa ako ay inilibot ko ang aking mga mata sa mala palasyong bahay.
Pagkadating ko sa baba ay may nakita akong magandang babae na naka upo sa sofa 'wag ka ma fall lux tandaan mo laging problema ang dala ng mga magagandang babae'.
Nanatili lang ako sa baba ng hagdan at nakatitig lang sa kanya. Di ko alam kung dahil ba sa kaba o ano, basta biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
'Kalma ka lang boi mapapahamak tayo niyan eh'.
Isinara niya ang folder na binabasa niya at sinabing "upo, pirmahan mo to" sabay tapon niya sa folder na binabasa niya
'Ang sama ng ugali neto'.
Di ako kumilos dahil nainis ako sakaniya.
"Di ka ba nakaka intindi" matapang at puno ng inis ang boses niya pero di parin ako kumilos.
Ipinitik niya ang daliri niya at lumapit si kuya at itinulak niya ako papunta kay miss sungit.
Umupo ako at binasa ang folder na sinabing permahan ko. Nagulat ako dahil marriage certificate yun.
"Miss di pa nga tayo magka kilala tapos magpapakasal na tayo?"
"Vanna Gonzalez, perma na"
'Sira ulo amp*ta sayang ang ganda sana'
"Eh pano kung ayaw ko?" Sabay titig sa kanya ng masama.
Imbes na sumagot siya ay ipinatong niya ang baril sa lamesa.
"May ballpen ka?" Agad namang napalitan ng ngiti ang masamang titig ko"
'Ang cute naman ng misis ko, buhay pa kaya ako sa birthday ko?'
Pagkatpos kung pirmahan ang marriage certificate ay inabot ko na sakanya "Eto na misis ko"
Tinignan niya ako ng masama at pinulot ang baril na nasa lamesa "sawa ka na bang mabuhay?" Maastig niyang sinabi.
Agad agad naman akong ngumiwi ng paulit-ulit.
'Ganda ng misis ko sira ulo nga lang di ko alam kung ano gagawin sakin pag tinopak to'
"Yun lang makaka alis ka na". Walang emosyon niyang sabi
"Saan ako pupunta?" Maamong tanong ko
"Aba malay ko matulog ka nalang ulit" Walang gana pero parang nang aasar ang tono niya
'HAHAHAHAHA kala ko sira ulo lang to king ina, sirang sirang pala ulo neto'.