~VON~
"Pwede ba akong lumabas?" para siyang batang nagpapaalam, iniiwasan niya pang magkatinginan kami ng mata sa mata. Naka tingin lang siya sa sahig habang hinihintay ang sagot ko.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya "mmmmm magpagupit ka na rin para magmuka kang tao".
Napa angat ang ulo niya sa sinabi ko kaya nagka tinginan kami "kumain ka rin ng make up para gumanda naman ang kalooban mo" naka ngiti niyang sumbat.
"Umalis ka nga rito nakaka badtrip yang muka mo shooo shooo" iginalaw-galaw ko pa ang kamay ko na parang may pinapalayas na aso.
"Pano kung ayaw ko? Ang sarap mong asarin eh" suot niya parin yung nakaka badtrip niyang ngiti.
Inilabas ko ang baril sa bag ko at nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata niya, nawala ang nakaka badtrip niyang ngiti sa labi at napalitan ito ng takot.
'Sa totoo lang lighter lang naman ito boi'
Di ko alam kung bakit pero ang sarap sa pakiramdam kapag natatalo ko siya.
"Wala akong pera" pabulong niyang sabi. Naintindihan ko naman pero nagkunwari akong di siya narinig
"Ano kamo? Di ko marinig" kunot noo kong sabi sakanya
"Wala akong pera" mas malakas na kaysa sa una niyang pagkakasabi pero medjo mahina parin
"Ano kamo?" di ko na napigilan ang mapa ngiti nakakatawa kasi ang itsura niya pag napipikon.
"Wala akong pera" biglang sigaw niya na ikinagulat ko. Oh bakit galit ka?. Itatanong ko na sana pero natigilan ako dahil sa itsura niya.
Di ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng tumawa na mas ikinamula ng muka niya.
"Ang pangit mo" medjo galit at nahihiya ang boses niya.
Di ko siya sinagot at tumawa lang ako ng mas malakas para mas lalo siyang mabadtrip.
'Pasensya ka na boi napaka sarap mong asarin eh'.
"Antayin mo nalang ako maliligo lang ako saglit" Tumigil na ako dahil kompleto na ang araw ako
'Haaaaaayyyyyyy namiss ko tong ganitong vibe' magmula kasi nong nawala sina mama ay di na ako nakatawa ng ganito.