Chapter 5 - CHAPTER 5

~LUX~

Nasa loob na kami ng kotse naka pag pagupit na rin ako at naka suot ng magarang damit.

'Ang linis ko tignan HAHAHAHA'.

"San ba tayo pupunta gabi na oh?".

"Gusto ka raw makilala ni lola" walang emosyon niyang sabi.

'Sana naman hindi mo kaugali ang lola mo'

"Sa Ruyi's Hotel kuya" mas maamo na ang tono niya kaysa kanina.

Di ko na alam kung ako ba yung asawa o si kuya 'Dapat si kuya nalang ang inasawa mo'.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya.

'Matagal na akong gwapo hmmmp'

"Bakit ba" naiinis kong tanong.

"Alam kong pangit ka na pero mas masagwa ka tignan ngayon"

Humarap ako sakaniya tsaka ko tinignan ng masama.

'Eh kung tadjakan kita kaya palabas ha, baka sakaling mabagok ang ulo mo't tumino ka'

"Bakit papalag ka" naka ngisi at nakaka badtrip ang muka niya, ang sarap hambalusin ng sapatos.

'Nako nako kung hindi lang kita asawa baka pinag lalamayan ka na'.

Sasabihin ko na sana sakaniya yon pero may dinu dukot nanaman sa bag ang sira ulo.

"Ang sama ng ugali mo pag ikaw nang aasar sakin ok lang pero pag ako na nang asar sayo lagi mong inilalabas ang baril mo, napaka dugas mong kasama".

.

"HAHAHAHAHAHAHA AHHHHH HAHAHAHAHAHA" malakas niyang tawa.

'Ang ganda niya' ey ey ey t*ng ina dinedemunyo nanaman tong utak ko.

'Sumakit sana tiyan mo sa kakatawa abnuy'.

~VON~

Hawak - hawak ko ang tiyan ko dahil medjo masakit na, ngayon na lang ako nakatawa ng ganito.

'Masaya naman palang kasama tong sira ulong to'.

"Alam kong maganda ako pero baka matanggal yang mga mata no katititig sakin"

"Napaka yabang akala mo naman siya lang ang magandang babae sa mundo" pabulong niyang sinabi

Aamin ko medjo na kyu cutan ako sakaniya, medjyo lang naman medjo lang

"May sinasabi ka ha" maangas ang tono ko dahil gusto ko siyang pikonin.

Ang sarap pikonin tong sira ulo eh, di kompleto ang araw ko pag di ko siya na ba badtrip.

Di ko alam kung may nararamdaman na ba ako para sakaniya pero mas gusto ko ngayon na nandito na siya, at least di na boring tong buhay ko.

"Wala, ang init naman nang ulo ng misis ko" malambing niyang sabi.

"Ulol misis mo muka mo"

"Aba ang gwapo naman ng misis ko" humawak pa sa baba at tinignan ang muka sa salamin.

'Sira ulo talaga'.

Di na ako sumagot, ipinikit ko nalang ang mga mata ko at ramdam ko ang pagkabuo ng ngiti sa aking labi.