Chereads / A Night with Stranger(Tagalog) / Chapter 10 - A Night with Stranger—Part 10

Chapter 10 - A Night with Stranger—Part 10

10.

Nakatulog ako sa piling ni Tristan at pagkagising ko ay malapit na kami. Agad ko namang inihanda ang aming mga bagahe para naman makakababa na agad kami sa oras na tumigil ito. After 10 minutes ay tumigil na ang bus.

"Baby, halika na" saad ko.

Kinarga nalang ni Tristan ang anak namin dahil medyo inaantok pa ito.

Gabi na kami nakarating kaya naman pagod na rin ito sa byahe.

"Kakain pa ba tayo mamaya sa bahay?" tanong ko naman kay Tristan pagkababa namin.

"O sige, kain tayo mamaya," sagot naman nito.

Nakahilig ang ulo ng anak ko sa balikat niya at tulog. Nilagyan ko nalang ng sumbrero para hindi na siya mahamugan.

"Doon, oh" sambit ko sabay turo sa isang tindahan ng ulam.

Maglalakad na ako papalapit ng tawagin ako ni Tristan.

" Cris, hintayin mo ako," saad nito kahit nasa likod ko lang naman siya. Sabagay ay karga niya ang anak ko at wala siyang panghawak sa kamay ko dahil may hawak pa siyang bag sa kaliwa.

Lumapit naman ako sa kaniya. Ang isa kong kamay ay may hawak din naman ng bagahe.

Hinawakan ng isang kamay ko ang braso niya kaya napangiti naman ito.

" Yan, dapat ganyan."

Naglakad kami ng sabay papunta sa tindahan.

Medyo natawa nga ako sa isip ko dahil nauna lang akong maglakad ay nagre-react na siya. Para siyang batang takot na takot maiwan. Pa'no pa kaya kung hindi niya nalaman na umalis na kami.

"Manang, pabili po. Isa pong order nitong minudo at isa naman po nitong sinigang," sambit ko.

"Ah, sige po" sagot naman nito. Agad naman inihanda ni Manang ang in-order ko.

May lumapit naman sa aming babae na sa tingin ko'y ka-edad ko lang.

"Ate Gurl, asawa mo ba 'yan?" tanong nito.

Malagkit ang tingin nito kay Tristan at halatang may pagnanasa sa mata.

"Ah—hindi naman," sagot ko sa kaniya.

Bigla naman akong kinurot ni Tristan dahil sa sinabi ko.

"Anong problema mo?" sa isip-isip ko. Tinaasan ko nalang siya ng kilay.

" Kuya— pwede ba mahingi ang number mo? Text-text tayo. Alam mo na, single ako at reading-ready," sambit nito.

Napalunok naman ng laway si Tristan dahil sa sinabi nito. Hindi ko pagkakaila na gwapo, matangkad at madaling makahalina ang papa ni Tristan kaya minsan siguro'y gan'to ang mga babae sa kaniya.

"Sure, " sagot nito.

Nabigla naman ako sa sinabi niya at nakaramdam ng pagkainis.

"Duh! pakipot lang talaga ang mga lalaki," sa loob-loob ko.

Dumating naman ang babaeng pinag-order-an ko saka ko naman binayaran ang mga ito.

"Manang, padagdag po pala ng kanin," sambit ko pa.

"Oh, sige. Dagdagan ko na rin ng sabaw. Masarap ang sabaw dito sa amin, Ija" saad nito.

Tinanguan ko nalang si Manang.

Nag-uusap pa rin ang dalawa.

Naiirita na ako kaya naman dumistansiya na muna ako.

"Tss! kala ko na seseryosohin niya ako pero ba't gan'to?"

"Grrrrr! ang landi nila"

"Ba't ko pa kasi siya sinama dito?"

Dumating na ulit si Manang at iniabot na sa akin ang in-order ko.

"Salamat, Iha" sambit nito.

Tinignan ko naman sila at patuloy pa rin sila sa pag-uusap. Ayoko naman na maging epal sa kanila kaya gusto ko nang kunin ang anak ko para makauwi na kami.

" jace, gising na anak. Si Mommy na sa'yo magkakarga," saad ko.

Minulat naman ni Jace ang mga mata niya. "Halika na," sambit ko.

Nagtaka naman si Tristan sa ginagawa ko.

Nang tuluyan nang nagising ang anak ko ay nagpakarga na ito sa akin. Tuloy pa rin sa pag-uusap ang dalawa na halos 'di na matapos-tapos.

Pagkakuha ko ng anak ko ay kinuha ko na ulit ang bag ko at maglalakad na sana ng bigla akong hatakin ni Tristan.

" Si Cris— future wife ko," saad nito na ikinagulat ko.

Tinarayan ko nalang sila sa sinabi nito.

"Pwede ba Tristan, h'wag mo akong pinagloloko. Nakikipaglandian kana nga diyan tapos sasabihin mo na future wife mo ako? may pakuha-kuha ka pa ngang number na nalalaman, eh" saad ko.

Hindi ko alam sa sarili ko kung anong nangyari pero nabwisit talaga ako.

"Pinagselos lang kita, Cris. Sa katunayan hindi ko 'yon magagawa. Kahit tanungin mo pa siya. Sinadya ko talaga na kausapin siya para makita ko kung ano magiging reaction mo at ayon nga—nagagalit kana Mrs. Monterion, haha" saad nito saka ngumisi.

Tumango naman ang babae saka nagsabing hindi naman talaga siya nagtatrabaho doon. Napag-utusan lang siya ni Tristan.

That time I realized kung gaano ka-powerful ang asawa ko. Remember na nasa probinsya kami pero may hawak pa rin siyang kawal niya, haha.

Agad namang bumaba ang anak ko sa akin at nagsabing maglalakad na lang siya patungong paradahan.

Hindi ko naman kinakausap si Tristan dahil sa hinawa niya. Para niya kasi akong pinahiya kanina just to see my reaction.

"Mahal— sorry na" sambit nito. Wala na siyang pake kung marinig man 'yon ng anak ko.

Nag-play naman ako ng music para hindi na 'yon mapansin ni Jace at ilang minuto ay nagreact na nga 'to.

"Mom, pwede pong i-stop nalang natin ang music? Gabi na po kasi at baka sugurin pa tayo ng mga aso," saad nito kaya naman agad kong sinunod. May point naman ang anak ko sa sinabi niya.

"Mahal— sorry na" pag-uulit ni Tristan.

Lumingon naman ang anak ko sa kaniya.

"Do you love my Mom?" solidong tanong ng anak ko.

Tinanguan naman ito Tristan saka naman siya tumigil sa paglalakad.

Lumuhod siya sa harap ng anak ko para magpantay silang dalawa.

"Yes, mahal ko kayong dalawa ng Mama mo," sambit nito.

"Sige, pwede mong ligawan ang Mama ko," turan ng anak ko kaya naman nanlaki ang mata ko.

"Jace? Bata ka pa ba? 6 years old ka palang Iho, ha? H'wag feeling binata kasi, huhu. Ba't mo 'yan alam?" sa loob-loob ko.

"Why so advance, anak?"

"Oo, liligawa ko ang Mama mo pati ikaw," sagot nito.

" No, thanks. Hindi ako babae para ligawan," sambit ng anak ko kaya napatawa siya.

"I mean gusto ko pang makilala ang anak ko,"saad ni Tristan.

Napatikom naman ang anak ko.

"Gago!" sa isip-isip ko.

Agad naman akong tinitigan ni Tristan.

"Cris, I think this is the right time to say the thruth. Jace, I'm your father," sambit nito.

Naiyak naman ang anak ko sa tuwa. Pati si Tristan ay maluwa-luwa na rin.

Agad naman niyakap ni Jace si Tristan.

"Yes! May papa na ako!" sigaw pa ni Jace.

Fast Forward...

After ng pagdadrama nila ay mas naging malapit pa si Jace kay Tristan.

Pati sa pagsakay sa tricy ay kadikit ni Tristan si Jace.

Nakayakap pa si Jace sa Papa niya. Alam kong sobra ang pangungulila niya rito.

Pagkababa namin ng tricy ay nasa harap na kami ng bahay ng Lola ko. Binuksan ko ang gate saka naman kumatok sa pinto.

Agad naman kaming pinagbuksan ni Lolo at saka kami nag-bless.

"Lolo, lola, miss ko na po kayo" sambit ko naman saka sila inakap.

Pinagmasdan nila kami at nakita nila ang anak ko.

" Ang gandang lalaki naman nito," sambit ni Lolo.

Parang naguluhan naman ang anak ko.

"Mom, bakit po magandang lalaki? gwapo po ako Mom," saad nito.

Napangisi nalang ang lolo nito sa kaniya.

Tinignan muli ni Lolo si Tristan.

"Ito ba ang asawa mo, Apo?" tanong nito.

Tumango naman ako kay Lolo kaagad.

Nakita ko naman na ngumiti si Tristan sa ginawa ko.

Pagkapasok namin ay sakto naman na bumaba si Lola. Nagkwentuhan pa kami nila Lola bago kami pumasok ng kwarto para magpahinga.

"Apo, dito kayo sa kwarto na 'to. Inayos na namin yan dahil alam namin na bibisita kayo," saad ni lola bago umalis.

Ang ganda nga ng kwarto.

Inilapag na ni Tristan ang anak namin sa kama dahil inaantok na naman ito. Hindi kasi sulit yung tulog niya kanina.

"Papa—" rinig pa naming sabi ng anak ko.

Tinanggal ko naman na ang sapatos nito para maka bwelo na siya.

Nakalimutan ko na ilagay ang pagkain sa kusin kaya naman tumayo na ako.

Magpapaalam na sana ako kay Tristan na aalis muna ng bigla niya akong akapin.

Nasa likod ko siya at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

"I want to rest. H'wag mo akong iiwan," sambit nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kinikilig ako ngayon sa kaniya. Mahigpit kasi ang pagkakaakap sa akin.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko na humahalik na siya sa batok ko. Nagdala iyon ng kiliti sa buong katawan ko.

"S—stop"

Gusto kong sabihin ang salitang 'yon pero hindi ko mabigkas.

"Aray!" Iyon ang nasabi ko ng bigla kong nabitawan ang ulam. Napunit kasi ang plastic na may lamang mainit na sabaw.

Nagulat naman si Tristan sa nangyari kaya natigil ang kaniyang gingawa.

"Huh! Cris—h'wag kang lambutin" sa isip-isip ko.

Agad ko namang kinuha ang natitira at lumabas. Bago pa man 'yon ay narinig ko na si Tristan na nagsalita.

" I'll wait for you then I'll continue," saad nito.

"What?"

Nanguguluhan na ako sa sinabi niya.

"Gosh! mukhang masusundan na si Jace, haha."

To be continued...