Chereads / A Night with Stranger(Tagalog) / Chapter 12 - A Night with Stranger—Part 12

Chapter 12 - A Night with Stranger—Part 12

Part 12

Kinaumagahan ay nagising ako na wala na sila sa tabi ko. Agad na rin akong bumangon para hagilapin ang dalawa. Una kong nakita sila lola at lolo na nakaupo sa sala habang sumisimsim ng masarap na kape.

Tinanong ko sila kung nasaan ang mag-ama ko at agad naman ako nitong tinuro sa kusina.

"Hmm, mukhang masarap ah" sambit ko. Naamoy ko kasi ang masarap at nakakatakam na amoy ng ulam.

Nakita ko si Jace na nakaupo sa isang upuan malapit sa table habang si Tristan naman ay nagluluto.

"Goodmorning!" bati ko sa kanila kaya agad naman ni Tristan itinigil ang pagluluto at hinarap ako. Humakbang siya papalapit sa akin at saka ako niyakap.

"Goodmorning, Asawa ko. Kamusta tulog ng mahal ko?" tanong nito sabay halik sa akin sa labi.

Nakatingin sa amin si Jace kaya agad itong napapikit ng halikan ako ng Tristan. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ko dahilan para humigpit ng pagkakayakap niya sa akin.

"One more!" saad nito.

Tinignan ko naman siya sa mga mata sabay turo sa anak namin.

"Shut up your mouth! ," sambit ko.

"Yes po," sagot nito.

Kumawala ako sa kaniyang pagkaka-akap at agad naman tumungo sa kaniyang iniluluto.

Muli kong inamoy ang kaniyang niluluto saka naman tinikman.

"Grr!" react ko kaya naman nanlaki ang mga mata niya.

"Sorry, hindi ba masarap? uulitin ko nalang," saad naman nito.

Hindi niya siguro maunawaan ang ekspresyon ko.

Itinuloy ko ng aking sasabihin.

"Grrr! ba't ang sarap? baka masanay ako nito ah," turan ko.

Muli niya akong niyakap habang ako'y nakatalikod at inilapat ang baba niya sa balikat ko.

"Wala namang problema kung masanay ka," sagot nito.

"I love you," saad nito.

Agad ko naman tinuguan ng isang "I love you too."

Hinila naman ng anak ko ang damit ko dahil nagugutom na daw siya.

" sorry, nak. pasaway kasi ang papa mo,e. Iniistorbo ako," saad ko.

"Luh! ikaw kaya ang nangistorbo sa amin," sagot naman niya. Tumawa naman ako sa kaniya dahil ako naman talaga ang nangistorbo.

Umupo na ako sa bangko at naghintay kay Tristan na matapos. Pagkatapos nga niya ay sabay-sabay na kaming kumain.

"Thanks, God. Ang ganda ng plano mo sa akin," sa loob-loob ko.

Pagkatapos namin kumain ay dumating naman ang pinsan ko kasama ang girlfriend niya at ang kaibigan nito.

"Cris, sama kayo sa beach?" tanong nito sa akin.

Tinignan ko naman si Tristan at tumango naman na ito. Upang masiguro ay nagsalita na ako't nagtanong sa kaniya.

"Mahal, sasama ba tayo?" tanong ko.

Bigla naman nagsalita ang anak ko. "Mom, gusto ko pong sumama," sambit nito.

"Okay, sige sama tayo. Gusto ng anak natin at gusto mo naman diba? Kung saan ka masaya—doon ako," saad nito.

"Wow! sweet naman ng asawa ko," sambit ko sabay haplos sa mukha niya.

Hinawakan naman nito ang kamay ko't nilapit sa akin ang kaniyang mukha.

Bumulong naman ito sa akin.

"Mahal, next time gusto ko tayo lang. Malagkit kasi yung tingin sa'yo nung kasama niya," puna nito.

" opo, I love you," sagot ko.

Napansin din pala ni Tristan ang tingin ni Ivan sa akin—yung kaibigan nila Fin, pinsan ko.

Nag seselos ata ang asawa ko kaya naman iiwas ako sa kanila. Ayoko kasi na magselos at mainis si Tristan.

To be continued...