Chereads / My Husband's Revenge / Chapter 6 - Chapter VI

Chapter 6 - Chapter VI

"Ma'am, bawal po muna kayong umalis" palabas na siya sa building ng A&A nang harangin siya ng isang security guard. Busy siya sa paghihimutok mula sa 25th floor kaya nagulat siya sa paghaharang nito sa kanya.

" Ha? bakit po sir?

" Basta ma'am, wag po kayong aalis"

" Nagmaamadali po ako kuya, wala naman akong matatandaang ginawang mali sa building na ito"

" Akala niyo lang po yun ma'am, pero may linabag po kayong protocol sa building na ito" seryosong saad nito, hindi siya makapaniwala lalo at may dalawa pang security na palapit sa kanila.

" Sama po kayo saamin mam, doon na lang po kayo magpaliwanag" saad ng isa sa mga bagong dating kayat bigla siyang nagpanic.

" Wala po akong ginawang masama kuya maniwala kayo saakin"

" Naniniwala po kami ma'am, kaya lang eh sumusunod lang po kami sa utos, pasensiya na po" ang security guard na hahawakan siya sa braso ngunit itinaas niya iyon.

" Ok, sasama na po ako, huwag niyo po akong kaladkarin baka sabihin ng mga tao dito magnanakaw ako"

" Cge po ma'am, tayo na po" at iginaya siya ng mga ito palayo sa lobby. Nagpaliko liko sila sa ilang mga pasilyo hanggang makalabas sila sa likod at marating ang isang magarang sasakyan. Kinabahan siya, kidnapping ba ito? Budol budol gang or yung mga taong nangunguha para pagtatanggalin ang kanyang mga organ.

" Kuya nagkakamali po kayo, hindi po ako mayaman, wala nga po akong pamilya...wala kayong mapapala saakin" saad niyang takot na takot. Ano ba ito, bakit ba naglipana ang mga masasamang tao at kahit katanghaliang tapat ay gumagana ang mga ito. Binuksan nito ang kanyang bag at kinuha ang kanyang cash sa wallet, mahigit kumulang limang libo din iyon.

" Eto kuya, kunin niyo nalang pasensiya na yan lang ang pera ko. Hayaan niyo na akong umalis, pls" saad niya sa mga ito pero hinDi man lang umimik ang mga ito. Akmang tatakbo na siya at magsisisigaw ng biglang bumukas ang sasakyan at iniluwa si Tyron na bagong bihis . Nagtaka pa siya dahil iniwan lang niya kanina sa taas ngunit nakapalit na ito ng damit, bagong ligo yata dahil preskong presko ang dating. Sa sobrang gwapo nito mukhang napatigil ang kanyang mundo.

" Close your mouth baka pasukan ng langaw iyan" saad nito ng makalapit sa kanya. Hindi niya namalayang napanganga siya dahil sa paghanga dito. Nagulat siya sa sarili at agad siyang tumalima, napahiya pa siya dahil nagsipagngitiian ang mga kasama nilang security.

" Thank you guys, you can go back to your post" ang binata sa mga ito at magalang namang nagsipag paalam ang mga iyon.

" Lets go" ang binata sa dalaga nang mawala sa paningin ang mga iyon.

" Anong dram mo ha?" bagkus ay angil niya dito. Nakarecover na siya muka sa pagkatakot hanggang sa pagkamatanda niya dito. Nagkibikit balikat iyon kaya mas lalong magpuyos ang kanyang galit.

" Ano ba?"

" Not here, halika na" ang binata s a pasigaw niyang angil sabay kuha sa kanyang kamay at iginaya sa sasakyan. Maya maya ay pinaandar ito at palabas na sila sa vicinity ng kompanya.

Nakasimangot pa rin siya, wala siyang makitang dahilan para hindi niya simangutan ito. Imagine mas gusto siyang gawing mistress kesa maging asawa? Ang kapal ng mukha at may gana pa itong takutin siya ng bongga.

" Drop that face!" si Tyron nang pansinin ang kanyang busangot na mukha. Inirapan niya ito.

" Ikaw kaya ang takutin ko ng ganon, tignan ko lang kung matutuwa ka"

"Parang hindi naman, nagsusungit ka pa rin naman" ang binata nakangiti at lalo siyang nainis dito. Naikuyum niya ang palad, subalit nagulat siya nang hawakan ng binata ang mga ito. Tinignan niya ito pero wala namang reaction ang mukha na patuloy sa pagmamaneho, bagkus ilinock niya ang kamay sa palad ng dalaga.

" Let go of my hands" angil ng dalaga ngunit nagkibit balikat iyon.

" Ano ba!"

"Could you just remain silent? i just want to hold my wife's hand!" angil ng binata.

" Woow! kanikanina lang gusto mo akong maging mistress, ngayon naman your acting like a perfect husband...ano na naman kaya bukas noh?" sarkastikong saad ng nagdalaga at biglang inapakan ng binata ang preno ng sasakyan saka itinigil sa tabi.

" Can't you just be thankful that i consider you as my wife just for once"

" Oh, of course! Thank you" wala sa sariling saad niya. Naalala niya, wala pala siyang karapatang magreklamo, wala pala siyang karapatang makaramdam nang kahit ano. Lalong nalukot ang mukha ng binata, mayamaya ay bigla niyang pinaharurot ng mabilis ang sasakyan na animo'y nakikipagkarera.

" Can't you slow down? ang dalagang halos mawalan ng hininga dahil sa takot. Kahit paano, ayaw pa rin naman niyang mamatay. Inbes na magslow down ang binata ay mas lalo pa nitong inapakan ang silinyador.

a

" Ok! ok! I'm sorry, pls slow down!" halos maluhaluhang pagsuko niya dito. Tutal wala namang saysay kung mag-ooposed siya sa mga gusto nito. Kesa naman atakehin siya sa puso. Pano ba siya mananalo dito eh parang hari kung umasta.

Maya maya ay nagslow down ang kanilang sasakyan, ngunit wala itong imik na nakatukok na sa pagmamaneho. Inignore din niya ito sa halip sa itinuon ang mata sa labas, wala na rin siyang pakialam kung saan man sila makarating.

Mayamaya ay nasa harap na sila ng Shangrila Hotel. Nauna pa itong lumabas na hindi man lang nagsabi kung baba na din siya. Nagulantang na lang siya sa katok ng isang emplyado ng hotel para ito na ang magpapark sa sasakyan. Agad naman siyang tumalima, nginitian niya ito at saka lumabas sa sasakyan. Hinanap niya ang lalaki, nakalayo na pala ito at papasok na saloob. Ayaw niya sanang sundan ito ngunit parang tanga na siyang palinga linga sa paligid kaya wala siyang nagawa kundi sumunod sa loob. Nginitian pa siya ng security guard nang madaanan niya ito. Plano na niyang huwag sundan ito, direcho nalang sana siya sa resto para kumain, tutal tanghali naman na kaya kumakalam na rin ang kanyang tiyan. Mayamaya ay may sumalubong sa kanyang crew.

"This way ma'am" saad nito na iginaya pa siya sa isang table na pandalawahan, meron pa itong nakapaskil na reserved.

" Mr. Alegre reserved it for you" anito at napalinga pa siya kung saang sulok naroon ang binata, ngunit hindi niya ito mahagilap.

Ano na naman kayang kadramahan ang naiisip nito at may nalalaman pang reserved reserved pero wala naman ni anino nito.

" Your food will be served ma'am, enjoy eating" saad nito at nginitian nalang niya ito ng magpaalam. Maya maya ay dumating na ang kanyang pagkain, natakam siya bigla dahil favorite niya lahat ang naroon. Maeenjoy niya talaga ang kumain. Siguro nag aalburuto pa ang binata sa kanya kaya minabuti nitong sa ibang parte ng resto kakain. Well, magalit lang siya ng husto sa kanya, sa pagkakataong ito mas gusto niyang pagbigyan ang kanyang nagugutom na tiyan. Siya lang yata ang kumakain doon na walang kasama, madalas pa ngang sumusulyap ang mga nasa kabilang table dahil walang siyang kasama.

" If you finished eating lets go" maya maya ay nakatayo si Tyron sa kanyang harapan na di niya namamalayan. Seryoso pa rin ang pagmumukha nito at halatang wala sa mood.

" Kumain kana?" out of the blue a biglang tanong niya. Baka kasi hindi pa ito kumakain kaya masama pa rin ang timpla.

" I just have a bite during our meeting, lets go" saad nito na agad nagpatiuna. Agad agad naman siyang tumayo at hinagilap ang bag na dala. Gusto pa sana niyang tikman ang desert pero nakakalayo na naman ito.

Sa harap nang hotel na niya ito nahabol habang hinihintay ang kanyang sasakyan na kinuha ng crew. Hinihingal pa siya ng makalapit siya dito, dumistansiya siya konti para pero kahit alam nitong andun na siya ay wala man lang reaction ito, ni lumingon sa kanya ay hindi nito ginawa.

" Magtaxi nalang ako pauwi" saad niya na wala ring lingong likod pero sigurado siyang narinig siya nito.

mm

" Don't dare make a scene, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" mahinang saad nito subalit sagad hanggang kaibuturan ang pagbabanta nito. Mayamaya ay tumalima ang binata at tinungo na ang nooy kapaparada lang na sasakyan sa kanilang harapan. Kung hindi pa ito bumusina ay hindi pa siya kumaripas ng galaw na lumapit sa sasakyan at binuksan iyon para sumakay. Hindi pa nakakaupo ng maayos ay pinatakbo na niya ito. Muntik pang siyang mapasubsob sa dash board. Sa inis pinukulan niya ito ng matalim.

" Hindi ka naman nagmamadali ano?" inis niyang saad ngunit wapakels ang binata sa tinuran nito. Ibinaling na lang ang inis sa pagbaling ng atensiyon sa kalsada. Maya maya lamang ay tumunog ang kanyang cellphone, nang tignan niya ito ay si Joy ang tumatawag.

" Police department, hello" nakangiting bati niya dito. As usual humagalpak agad ng tawa ang nasa kabilang linya.

" Where are you?" saad nito pagkatapos

" My appointment ako outside the office, why?"

" Hmmmm, guess what?"

" May nakita kana namang gwapo?"

" Hahaha, you're so witty girl! Open your messenger, dali!"

" Haist! Halos kilala ko na lahat ng mga circle of man mo day"

" Eto naman, iba to noh? He is handsome..."

" Gentleman, mayaman" sinabayan pa niya ang kaibigan dahil kabisadong kabisado niya ang likaw ng bituka ni Joy kung lalaki ang pinag-uusapan.

" Hoy! grave ka ah, alam na alam mo na"

" Uwi kana oy, bukas makalawa meron kana naman ibang kinababaliwan"

" Hoy ah, iba to and i'm surely deeply madly in love with him" ang si Joy at natampal niya ang sariling noo sa sinasabi nito.

" Teka pala, may sasabihin ako saiyo...meron akong nakasama sa seminar, ang bango bango and he is asking for you"

" Me? wala akong nakikilalang ganyan noh, mabango?"

" Loka, hindi yun...Mark pangalan niya, tinatanong niya kung kilala kita. Sabi ko oo, friend ko yun at walang jowa"

" Gagi ka, binenta mo na naman ako"

" Hoy ale, bagay kayo ang gwapo gwapo niya at ang bait bait pa tsaka wala ka naman talagang jowa"

" Mariejoy ah, sinasabi ko saiyo"

" Sinasabi ko rin saiyo na masarap magkajowa, aanhin mo yang ganda mo, yang talino mo kung yang kepyas mo el niño?" napahagalpak ng tawa ang dalaga sa sinabi nito. Kahit kailan talaga loka loka ang kaibigan niyang ito.

" Ibibigay ko sa kanya yung number mo para magkalove life ka naman"

" Uy wag! kaloka ka, ayoko sa mga ganyan" agad niyang saad dito, she never gave her number to anyone. Kokonti lang nakakaalam dito, pati nga si Tyron hindi pa alam ang numero niya. Ai hindi pala, walang balak kuhanin pala. Sinulyapan niya ito ng madawit sa isip niya ang kasama. Seryoso pa rin at nakatuon lang ang tingin sa kalsada.

" At bakit, aber? andami daming interesado saiyo tapos, ayaw ko nang ganyan lang ang sagot mo. Bakla ka ba?"

" Hahaha, of course not!"

" Eh ano nga? Tomboy ka?" pangungulit nito at lalo siyang natuwa dito.

" Engaged na nga ako" saad niya, ang palagi niyang reason kung may mga nagbabalak at binabalak na ipair sa kanya ang kaibaigan.

"Kanino? sa multo? ilang buwan na tayo magkakilala wala pa naman akong naalalang nakipagdate ka sa jowa mo"

" Wala nga dito nasa ibang planeta...este ibang bansa"

" Hay naku! hayaan mo na yun, hindi kayo magkakatuluyan niyan...sa alindog mo yan hindi man lang mag effort umuwi at idate ka. Hay naku, no no no!"

" Nag-iipon"

" Gush! ipon ipon ka diyan, kay Mark kahit hindi na mag iipon sigurado na ang future mo"

" May life insurance naman tayo"

"Haist! nakakaloka ka, ewan ko saiyo. Basta kapag daw may time siya sasadyain ka sa A&B, O siya till here muna day, andiyan na ang prince charming ko, miss you and babye"

" Ok, ingat sila saiyo. Miss you too" pagpapaalam niya s kaibigan. Halos napagod pa siya sa pakikipag usap dito, parang armalite kung magsalita. Tinignan niya ulit ng palihim ang binata subalit same expression pa rin ang mukha nito. Hindi naman siguro nabulabog sa kanilang tsismisan ng kaibigan. Inihilig niya ang ulo sa may salamin ng bintana, medyo malayo pa nang kaunti ang kanilang bahay kaya ipinikit niya saglit ang kanyang mata. Napasarap yata ng idlip niya kaya hindi niya namalayang nakahinto na pala sila. Iniunat niya ang kanyang mga kamay paitaas, parang pinulikat din yata ang kanyang balakang sa pagkakaupo niya habang natutulog. Pagtingin niya sa paligid ay hapon na at parang ibang tanawin ang nakikita niya sa labas. Bigla siyang umayos ng upo at iginala sa may labasan ang paningin, hindi siya magkakamali nasa ibang lugar sila ngayon.

" Help yourself! bumaba ka nalang kapag nagising kana nang husto"

anang binata na nooy nagtatanggal na ng seatbelt at nagreready nang bumaba sa sasakyan.

" Asan tayo?"

" Batangas!"

"What?" ganon ba siya kahimbing at di niya namalayan na malayo na pala ang kanilang linakbay? at anong gagawin nila dito?

" Tutulog tulog ka kasi"

" Anong gagawin natin dito?" maang pa ring tanong niya dito.

"Maghohoneymoon, i gues" sarcastikong sagot nito at agad tumaas ang lahat ng dugo niya sa mukha.

" Bumaba kana diyan, hindi ka mapupuntahan ng boyfriend mong taga ibang planeta para ibaba ka niya dito" ang binatang ewan niya kung nagbibiro o nagiging sarcastiko bago isinara ang pintuan sa driver side. Wala na din siyang nagawa kundi sumunod, binuksan na rin niya ang pintuan sa tabi niya upang mamangha nalang sa scenic view na lumantad sa kanyang harapan. She's been in this place like this during her seminars, pero ngayon lang niya maappriciate ng mabuti ang view, nakatunghay siya ngayon sa napakagandang taal lake. Napapikit pa ang dalaga at sininghot singhot pa ang sariwang hangin, ang presko presko pati ang paligid. Maya maya ay iginala niya ang paningin, at nahihinuha niyang isa itong private resort. Napaisip siya kung pagmamay-ari ng mga Alegre ito at kung anong importanteng sadya ng binata dito. Hinanap niya ang binata ngunit papasok na ito sa up and down bahay. Maya maya lamang ay merong sumalubong na maid dito, pareho pang tumingin sa kinaroroonan niya ang dalawa.

Hello ma'am, welcome po sa A&A private resort" magalang na bati nito sa dalaga ng makalapit sa kanya. Nginitian niya ito at nagpasalamat.

" Thank you po"

"Pasok na po kayo ma'am at mejo padilim na, baka mahamugan po kayo." saad nito habang may kinuhang maleta sa sasakyan at iginaya na siya sa loob.

Namangha siya sa laki at ganda ng loob.

" Doon po tayo sa taas ma'am para makapagpahinga kayo ng konti bago tayo kakain" suhestiyon nito kaya natigil ang paglalayag ng kanyang mata sa mga palamuting nakikita.

"Sige po ate, salamat ulit" saad niya dito ng makarating sila sa silid na nakalaan para sa kanya. Ngumiti naman iyon, iniwan ang maleta na dala at saka nagpaalam. Wala siyang masabi sa silid na kinaroroonan niya kundi paghanga, para din siyang naka check in sa isang 5 star hotel. Lumapit siya sa bintana, hinawi ang kurtina at mas lalo siyang namangha. Natatanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang Lake habang mày mga kumikutikutip na ilaw sa gilid at pati sa gitna nito. Napakaperfect naman, gusto pa niyang magtambay sa bintana ngunit nalala niyang nanlalagkit na siya mula sa mahabang biyahe. Umupo siya sa kama, naalala niya wala pala siyang kahit anong gamit. Maya maya ay naalala niya ang bag na dala ni aling Rosa kanina, agad agad niyang binuksan at doon tumbad ang kanyang mga gamit. Napaisip siya, paano kayang nandoon ang mga iyo eh wala naman siyang naalalang kumuha siya.

Mula sa pagkalito ay kumuha pa rin siya ng pamalit at pumunta sa banyo. Hindi na siya nagtaka sa laki nga banyo, silhouette iyon pero since mag isa lang naman siya sa kuarto ay hindi na siya nag atubiling tanggalin ang lahat ng damit niya. May jacuzzi rin sa loob nito ngunit hindi niya iyon priority ngayon. Gusto na niyang makaligo para makapagpahinga.

Ibinabad din niya ng medyo matagal ang katawan sa shower, para sa kanya nakakarelax ang magbabad sa shower lalo at pagod na pagod siya. Feeling niya tinatanggal nito lahat ng dumi pati negative energy na kumapit sa kanya.Sa banyo na rin siya nagsuot ng damit, binuhol niya ang buhok ng towel at saka lumabas. Balak pa niyang magblower ng buhok pero tinamad na, bagkus kinuha ang ipad at sumandal sa kama para makinig ng music habang pinapatuyo ang buhok. Nakailang suklay din siya ngunit ramdam niya ang pagod kaya inihiga niya ng bahagya ang katawan. Kahit paano narerelax siya habang pinapakinggan ang kanta ng favorite niyang boyband, ang westlife. Medyo sinasabayan oa niya ito habang kumukumpas ang mga paa.

Mula sa pagkakapikit ay parang naramdaman ng dalagang may nakamasid sa kanya, medyo naidlip siya ng konti ngunit nagising ang kanyang diwa ng mag iba ng beat ang pinapakinggang kanta. Unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata ngunit bigla siyang napabalikwas ng makitang nakatayo si Tyron sa may paanan ng kama at mariing nakatitig sa kanya.

" Oh, sorry! naidlip ako, may kailangan ka?" agad siyang umayos ng upo habang hinahanap ng paa ang alpombrang sapin sa paa.

" Dinner is ready, kanina pa daw kumakatok si Manang Rose pero dika sumasagot"

" Ah, ganon ba? nakatulog ako, pasensiya na. Pero..sige, sige papunta na. Mag-aayos lang ako saglit" patarantang pahayag niya kasabay ng pagtayo at pumunta sa harap ng dresser.

Pinahiran ng konting polbo ang mukha at light na liptint ang labi saka sinuklay ang noo'y mamasamasa pang buhok.

Pagkatapos ay hinagilap ang kanyang fliptop slippers at saka nagmamadaling tinungo ang pinto. Bubuksan na niya ang pinto nang mapansing hindi kumikilos sa kinatatayuan ang binata. Tinignan niya ito, ngunit prenteng nakatayo lang sa may gilid at nakatingin lang sa kanya. Lihim pa niyang ininspect ang sarili kung may mali ba sa kanya.

' Let's go!" saad niya dito pero inihilig lang ang katawan sa dingding at ibinulsa sa magkabilang side ang mga kamay. Minulagatan niya ito, nagmamadali siya't lahat lahat samantalang hindi naman ito kumikilos.

" What's the matter?" kulang na lang ay pamaywangan niya ito, parang bumalik lahat ng inis niya simula pa kaninang umaga dito.

" Come here!" maya maya ay utos nito. Pinangunutan niya ito ng noo subalit sumunod din siya sa sinabi nito.

" Now what?" pinandilatan na niya talaga ang binata ng makalapit siya dito. Lihim pa niyang sinamyo ang napakabangong nanggagaling dito.

" Hug me!" ang binata at kulang nalang mabingi ang dalaga sa sinabi nito.

" What??? Hoy ah, tigil tigilan mo ako, kanina ka pa!" inis niyang pahayang dito. Pinaglalaruan na naman siya ng binata porket makapangyarihan siya at pinagbibigyan niya ito para namang namimihasa ang loko.

"You heard me, right?"

"Narinig kita, hindi ako bingi." pinanlisikan niya ng mata ang binata sa pagbabanta nito.

"Anong klaseng yakap, maluwang, mahigpit, sobrang luwang, sobrang higpit..."

" Just give me a hug, ok!" inis na pahayag ng binata sa kadadakdak niya. Agad naman siyang tumalima at inilapit ang katawan dito para ibigay ang inuutos nito. Paglapat palang ng kanilang katawan ay parang nagliliyab sa init ang katawan nito. Hindi niya mawari kung may sakit ito o ano. Inihilig niya ang ulo sa dibdib ng binata, ito naman ang nagrequest sasamantalahin na niya. Parang nakikinikinita pa niya ang kanyang sarili na kilig na kilig habang nakayapos siya dito. Muntik pa siyang mapapitlag dahil sobra yata ang bilis ng tibok ng puso nito.

" Ok ka lang ba?" maya maya ay worried niyang tanong, baka kasi may sakit ito kaya kung ano ano ang pinagagawa sa kanya.

" Sort of!"

"Ha? bakit? is there something bothering you?" wala sa sariling bulalas ng dalaga. Kahit naman naiinis siya dito ay malambot naman ang kanyang puso. Maya maya ay kinakapa kapa pa niya ang noo at leeg nito, tinatantiya kung may sakit nga ito.

" Kiss me!" mayamaya ay nawindang ang dalaga sa tinuran nito. Agad niya itong itinulak at

nagmartsa palayo dito.

"Tumigil tigil ka ha? hindi porket ikaw ang boss ng mga tao dito kung ano ano ang kadramahan mo, let's go. Gutom lang yan" mahabang linya ng dalaga dito. Kahit naman gusto gusto niya ang pinapagawa ng binata sa kanya pero namang ganon na iuutos pa nitong parang boss niya.

"You gonna kiss me or i'll be the one to kiss you? narinig niyang banta nito. Parang tumayo naman agad ang lahat ng kanyang mga balahibo sa tinuran nito. Nakakaloka talaga ang lalaking ito, gusto niyang bigwasan o di kaya ay sabunutan ng todo.

" Alam mo ikaw..."

"One!"

" Akala mo...'

"Two!"

" Hmmp bahala ka!"

"Three!"

" Shit! ok, ok! oo na ako na! " agad agad niyang pagsuko dito. Hindi talaga ito nagbibiro at gagawin ng binata kung ano ang sinabi nito.

" You freakin' monster" halos maluha luhang saad niya dahil sa inis. Bakit ba napakahilig nitong kontrolin ang mga tao.

" I'm a beast! stop pushing me to my limit" kontrolado ngunit marahas na sambit nito. Bigla tuloy kinabahan ang dalaga, nakikita niya mukha ni Tyron sa tuwing nagagalit ito sa kanya. Nag step back ang dalaga, natatakot siya sa maari na namang gawin nito sa kanya. Baka pilipitin na naman nito ang kanyang kamay, itulak ng malakas at kung ano ano pa.

Muntik mapasigaw ng malakas ang dalaga nang hawakan siya nito sa braso. Napapikit pa siya ng mariin, hinihintay na pilipitin nito ang kanyang hawak na kamay ngunit hinila siya ng binata para magkalapit ang kanilang katawan. Lalo siyang ninerbiyos, baka kasi ibabagsak na naman siya bigla at madadale na naman ang kanyang balakang. Halos ilang araw din niyang ininda ang sakit ng kanyang balakang noong itulak siya nito pasalampak sa sahig.

" Sorry na! pakiusap, wag mo akong ibabagsak" nakapikit pa ang dalaga, any moment kasi nasa sahig na naman siya.

" Open your eyes!" turan mahinahong turan ng binata. Agad namang napacify ang takot niya dahil sa tono nito, ngunit isang mata lang ang unting unting ibinukas. Biglang siyang nawindang sa ayos nila, sobra pala siyang nakayapos sa leeg ng binata at parang nasasakal na. Bigla niyang itinulak yun, pero sa kasawiang palad nawala. siya ng balanse at bumagsak siya sa gilid ng kama. Agad namang kumilos ang binata para saluhin ito pero naout of balance din ito kaya bumagsak din ito sa katawan ng dalaga.

"Thanks, goodness!" narinig niyang saad ng binata bago inihilig ang ulo nito sa kanyang dibdib. Hindi na siya umangal, kahit paano ang masarap din sa pakiramdam na magkadikit ang kanilang katawan, after all she's longing for him naman.

Hindi matantiya ng dalaga kung ilang minuto sila sa ganong ayos, kapwa walang imik at nagpapakiramdaman. Mukha rin yatang walang balak ang binata na umalis mula sa pagkakadagan dito, buti nalang may kumatok sa may pintuan. Nakailang ulit pa iyon bago iritadong sumagot ang binata.

" Whose that?!"

" Sir nandito na po ang mga bisita niyo" si Manang Rose muka sa labas.

Nagbuga ng hangin ang binata bago ulit sumagot.

" Ok, coming!" banas pa ring sagot nito tsaka patamad na tumayo mula sa pagkakadagan sa dalaga.

Agad din namang bumangon ang dalaga saka mabilis na inayos ang sarili, ngunit mabilis siyang sinaklit ng binata sa baywang at walang sabisabing hinalikan siya ng mariin sa labi. Kapwa hinahabol ang kanilang hininga ng pakawalan nito ang kanyang mga labi.

" See you at the comedor", saad nito at wala sa sariling tumango na lamang siya. Pero bago ito lumabas sa pinto ay dinampian pa siya ulit ng halik.

" Wear something formal'

" O..ok!" sambit lang niya dito. Saka lang niya pinakawalan ang kaninay kontroladong paghinga ng iniluwa na sa labas ang bulto ng binata. Agad siyang pumunta sa harap ng salamin at pinatatampal ang kanyang noo at pisngi.

"