Chereads / Secret of a Straight Fudanshi (Pinoy BL) / Chapter 15 - Chapter 15: Mr. Delusional

Chapter 15 - Chapter 15: Mr. Delusional

Ace's POV

Ayoko nga makita o lapitan si Seph, tapos malaman laman ko, nasa tabi ko na siya? Potek naman oh! Can't this day get any worse?

I need to get out of here as soon as possible! Dahil kung hindi, may kalalagyan talaga ako. Isa pa, everybody's giving me this glaring look na para bang ako pa ang may kasalanan na tumabi sa akin si Seph.

"Ay, sorry, may pupuntahan pa pala ako." I said and when I was about to stand up from the bench, hindi ako nakatayo dahil hinihila ni Seph ang polo ng uniform ko!

Ano ba naman 'to! 'Wag mo naman ako pahirapan, Seph!

"'Wag ka muna umalis, Cutie boy! May gagawin tayo." Joker whisper.

Anong gagawin? Hindi pa ba enough 'yung post sa school feed? And now, gusto niyo pa na may gawin? Mygahd!

Tumayo si Seph sa harap ko and tiningnan niya ang mga tao na nakatingin sa amin sa school cafeteria. He was giving them a disappointed and unhappy face.

Bigla akong hinila ni Seph mula sa kinauupuan ko kaya napatayo ako sa tabi niya at inakbayan niya ako and sobrang lapit namin sa isa't isa na para na naman niya akong niyayakap! Ano na naman 'to!

"You're making it worse, Seph! Tigil mo 'to!" I whispered... though he smells good! Ano kaya pabango niya? Wait... what the F! What am I thinking!

"Kung tingin nila na mag boyfriend tayo, we have to act one!" Seph whispered.

"Baliw ka ba? Why would you do that?" I replied.

"Kasi gusto ko." Seph whispered.

"Gusto ko ba?" I answered seriously.

"I know hindi mo gusto, but it's the only way para hindi ka na nila guluhin." Seph said.

"Even if that's the only way, A-YO-KO! Okay?" I answered.

Then bigla akong inakbayan ni Joker and he whispered, "Ace, sumakay ka na lang muna. I have a plan kung paano ka makakatakas sa situation na 'to."

"Then what's that? Why don't you tell me!" I whispered.

"Umarte ka na lang as if you and Seph are boyfriends. Basta, gawin mo na lang." he whispered and then Joker shouted, "Ace, ano na ba talaga? Kayo na ba ni Seph? Mag boyfriend na kayo? Sinagot mo na ba siya?"

At the back of my mind, kahit na arte lang 'to at planado, bakit ako ang sasagot kay Seph? Nanligaw ba siya? I mean babae ba ako para ligawan? And talagang do we really have to act? Anong mangyayari pagkatapos nito? Papanindigan namin?

Joker, Seph and everybody else in the school cafeteria was waiting for my answer. Ano ba 'to! Para akong nasa isang drama! Bakit naman ganito? Ang hirap na nga ng situation ko, papahirapahan pa nila lalo! But then again, if may plano sila and this is the only way to get out of this nonsense, I really don't have any choice, do I?

Huminga ako ng malalim and when I was about to answer, somebody stood in front of us!

This guy is looking at Seph furiously and nanliliit ang mga mata niya, and guess who it is?

"'Wag niyo na nga palalain 'yung situation ni Ace." Lucas whispered.

And ayun na nga, I really don't know what to do. Pinaguusapan na kami lalo ng mga tao sa school cafeteria at pakiramdam ko na kunukuhaan kami ng video! May mga bago na naman silang ipopost sa school news feed! Benta na naman ako! Sikat na naman ako! Arghh!

Wala na, gulo gulo na 'to! Mag drop na kaya ako sa school? Haist! Sasabihin ko kay mom pag tinanong niya ako kung bakit ako magda-drop, sasabihin ko sumobra ang pagkasikat ko sa school!

"'Wag mo na sirain 'yung plano, Lucas." Joker whispered.

"Pwede ba, pabayaan niyo na lang si Ace. Lalo niyo lang siya binibigyan ng kahihiyan!" Lucas whispered and parang nakikita ko na gusto na niyang sapakin sina Seph and Joker.

"Bakit? May gusto ka ba kay Ace? Nililigawan mo ba siya?" Seph asked Lucas.

Lucas looked at me straight in the eye, but he didn't gave an answer. Pero may nakita akong sagot sa mga mata niya. I don't know what it is but I'm sure of it, that he is indeed, in love with me. Hindi naman ako manhid para hindi ko magets 'yung trato niya sa akin.

Lucas, then, removed Seph and Joker's hands from my shoulders and bigla niya akong hinawakan sa right arm ko.

"Tara na, Ace. Papahirapan ka lang ng mga 'to. Sa akin ka lang." Lucas said.

"Subukan mong kunin si Ace, you'll be dead." Seph said.

"Hindi ko kayo uurungan." Lucas answered.

Ano ba 'to! Para talaga akong nasa drama! What the F! Tapos ano ako? Pinagaagawan ng dalawang Alpha males? What the heck!

Tinanggal ko ang pagkahablot ni Lucas sa kamay ko and dahil hindi ko na napigil, I bursted out of anger.

"Tigilan niyo nga kong dalawa! Kaya ko sarili ko! Wala akong gusto sa inyong dalawa!" then I said to all the people at the cafeteria that's watching us na para silang nanonood ng teleserye, "Tigilan niyo nga ako lahat! Mga wala kayong kwenta!"

Then someone was about to throw a spaghetti at me... and bigla na lang ako nakarinig ng matinis na tunog at napapikit ako. I paused for a moment and bigla akong natauhan. After a while, nawala ang matinis na tunog. Pagkadilat ko, it was all just a freakin dream again!

I'm sitting all alone on the bench while still holding my burger! Wala rin sina Seph, Lucas and Joker sa tabi ko!Am I delusional? Kung ano ano na talaga ang naiisip ko ano? Haist! I think I need a psychiatrist!

After a while, I saw Joker and Seph na papasok pa lang ng school cafeteria. Shoot! Baka ito na nga 'yung panaginip ko, baka magkatotoo na! Baka tumabi sila sa akin and mangyari 'yung teleserye na nasa panaginip ko na ayaw ko!

They were walking so slowly and nakatingin ang lahat kay Seph na para bang isa siyang sobrang kilalang artista. But I'll give that to him, he's good looking though.

Malapit na sila sa harap ko and I was anticipating na papansinin ako ni Seph and Joker and kakamustahin nila ako.

As they walked slowly right in front of me, Seph didn't even looked at me nor glanced at me. As in para kaming hindi magkakilala talaga and parang isa lang akong hangin. Hindi ko alam pero medyo nasaktan ako like I was a nobody para sa kanya. I mean, may mga little encounters kami but then he really turned into this cold and unsociable person. Tama nga sila, he's really mysterious.

Even Joker didn't say anything and even though hindi naman kami magkakilala talaga, I expected na tatanguan niya ako but he didn't. Am I assuming that much?

Nang makalampas na sila sa akin and ginawa niya lang akong parang hangin, pinagusapan ako ng mga tao sa cafeteria. I heard someone said, "Akala ko may something sa kanila nung Ace ba 'yun? Wala naman pala! Baka mema lang 'yung nag post ng fake news? Akala ko naman gay talaga si Seph!"

Well, I think this is for the best. 'Yun naman talaga ang gusto ko hindi ba? Not to be with Seph or cut ties with him para makaiwas sa gulo.

Then, tiningnan ko ang post sa school feed kung saan may picture kami ni Seph and a lot were commenting na fake news ang post and ayun na nga, nagtuloy-tuloy and others were saying sorry sa akin and binabawi na nila ang post.

Afterwards, tiningnan ko ulit 'yung mga tao sa cafeteria and hindi na nila ako tinitingnan. I guess solved na ang problem ko? I should thank Seph dahil sa kanya, ganoon kabilis nawala ang judgement ng mga tao sa amin.

Pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa classroom and nandoon sina Chester and Harry sa chair ko nakapwesto while chatting with Tara. Nilapitan ko sila and agad akong hinila ni Chester para magkwento.

"Hoy, Ace, ano nangyari? Bakit bigla binawi 'yung post?" Chester asked.

"Basta, mabilis 'yung mga pangyayari." I said but I don't know why I felt so lonely.

"Oh, eh bakit ka malungkot? 'Di ba dapat masaya ka kasi wala ka na sa headline?" Harry interrupted.

"Kaya nga, Ace, baliktad ka! Ngayon hindi ka na tampulan ng chismis, para ka namang lugmok na lugmok. What happened ba? And bakit biglang binawi 'yung post and bigla nagsorry mga tao sayo?" Tara asked.

"Kanina kasi, sa school cafeteria, mag-isa lang ako sa bench kumakain ng burger. Tapos, dumaan sina Joker and Seph. Tapos dinaanan lang nila ako na parang hindi nila ako kilala and nakita ng maraming tao." I said but I felt disappointed.

"Oh! Edi okay! Wala ng gugulo sayo. Eh ano naman 'yang iniiyak mo?" Chester asked.

"Hindi ako umiiyak!" I exclaimed.

"Oh eh bakit di ka pa rin mapalagay?" Tara asked.

"Parang masakit pala kapag hindi ka pinansin ng taong kakilala mo. 'Yung dinaan ka lang na para kang hangin." I said and deep down, mas tumitindi 'yung sakit na para akong na reject or na brokenhearted. Nakakainis kasi bakit ko ba 'to nararamdaman!

"Ace... 'wag mo sabihing si Kuya Seph ang tinutukoy mo?" Harry asked.

"Oo." I said.

Pumalakpak si Tara kaya napatingin kami sa kanya.

"What? Bakit ba? Happy ako kaya ako pumapalakpak! Ibig sabihin, may little feelings si Ace para kay Kuya Seph!" Tara said.

"Wala 'no! I barely know the person!" I said.

"Eh bakit may pasakit sakit ka pang nalalaman dyan tas may hangin pa!" Chester said.

"Kumain na nga kayong dalawa! Nanggugulo lang kayo eh! Sumbong ko kayo sa homeroom adviser namin sabihin ko nanggugulo kayo sa classroom namin!" I said to Harry and Chester, but they know na hindi ako galit and it's just how I normally talk to the both of them.

Harry and Chester walked out of our classroom and then Tara whispered, "Basta ako, Seph-Ace pa rin ako! Hindi kami mawawala as your fans and one day magiging kayo ni Kuya Seph. Mark my words, Ace! Gagawa kami ng paraan lahat sa group!"

"Gutom lang 'yan, Tara, kumain ka na din ulit! Nahawa ka na kina Harry and Chester sa kabaliwan!" I said.

"Pero siempre, alam ko mas nababaliw ka na, Ace. Bothered ka na hindi ka pinansin ni Kuya Seph. Don't me! Gusto mo ng attention niya kaya ka disappointed!" Tara said.

I guess she's right? But I don't want to admit it, kahit sa sarili ko. I can't like Seph, since I'm still holding on sa prinsipyo ko na I'm still straight! But hindi ko alam kung bakit nakakaramdam nga ako ng feeling of wanting his attention! What the hell!

Lumabas na lang muna ako ng classroom and I went to the garden para magcooldown and since medyo matagal pa naman ang next class namin, I've decided to read Jeffrey's March 2020/1 novel.

Good thing na walang masyadong tao sa garden since gusto ko lang naman ng katahimikan. Pwede ba 'yun? Ha?

While reading Jeffrey's novel and naka focus ako sa book, may naamoy akong perfume... a guy's perfume and sobrang bango at familiar ng amoy nito.

But then, I just need to focus and I don't want any disruptions sa pagbabasa ko since I'm on the part where the main guy character on the novel is starting to have feelings for his guy friend dahil sa isang inuman.

I'm into it sa novel na binabasa ko, pero palakas din nang palakas ang scent ng perfume. Hindi ko pa rin pinapansin ang familiar na amoy na 'yun and nagpatuloy ako sa pagbabasa.

Suddenly, a deep and husky voice whispered in my right ear, "Kailan 'yung quiz natin sa Chapter 1 ng March 2020/1?"

I know this voice!

Sinara ko ang book and looked at the person na bumubulong sa akin, and walang pasabi, pagkalingon ko, it was Seph! At hindi lang 'yun, sobrang lapit ng mga faces namin sa isa't isa like we're about to kiss! I mean 0.5 inch na lang at maglalapat na ang mga lips namin and I can feel his breathing!

F this sh*t!

Bigla akong nakaramdam ng matinding kabog sa puso ko na parang gustong kumawala sa katawan ko. Di ko alam kung sa bibig ko ba or sa as*hole ko lalabas 'yung puso ko!

Sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa and he was so unbothered and nakangiti pa siya na parang gustong gusto niya ang nangyayari!

I immediately stood up and I glared at Seph. Iba na naman siya ngayon, ang smiling face ang pinapakita niya sa akin and hindi ang usual cold and serious face niya. Bipolar ata 'tong si Seph eh!

He walked slowly towards me at tumayo siya sa harap ko, I'd say we're 1 feet apart and said,

"So, Master, when's our first quiz? I think ready na ako."

I looked at him at medyo nakatingala ako since Seph is way taller than me.

"Anong trip mo, Seph?" I asked, "Kanina hindi ka namamansin tapos ngayon parang wala lang na bigla ka ulit naging friendly sa akin. Baliw ka?"

He laughed but then naamoy ko 'yung mainit na hininga niya since napakalapit namin sa isa't isa, mygahd! I'd say ang bango at akala mo naka mouth wash palagi!

"I'm sorry kung hindi kita pinansin kanina, but it was all just an act. Kung makikita ng mga tao na hindi kita pinapansin, titigil din sila. Kanina pa nga kita hinahanap, but good thing nasa cafeteria ka lang kanina at mag-isa. Joker said that he's also sorry kung hindi ka niya napansin kanina." Seph explained.

"Ahh, okay, so planado 'yun and hindi ka galit sa akin?" I asked.

"Why would I? Ako nga dapat ang magsorry since nilagay kita sa isang situation na alam ko nahirapan ka. " Seph said.

"Tama! Mag sorry ka talaga sa akin dahil hindi mo alam kung anong dinanas ko this day!" I exclaimed.

He gave me a bright smile and tapped my head, "Anong gusto mong gawin ko, Master Ace?" Seph said then bigla siyang lumuhod na para bang sinasamba niya ako.

"Itigil mo nga 'yan! Tumayo ka nga d'yan, Seph! Baliw ka talaga!" I said then bigla siyang tumayo.

"Umupo ka nga." I ordered then umupo naman si Seph.

"Seriously, Seph? Lahat talaga ng sasabihin ko, gagawin mo?" I asked.

"Yes, kahit pa sabihin mo na kumain ako ng poop, or tumalon sa building, I'll do it for you, mapatawad mo lang ako." Seph said.

I don't know why but at that moment, my heart flustered. I got confused and I don't know why I'm liking this. Arggh! Kainis!

I was about to joke about him ordering to kiss me, kasi alam ko na he won't do it. Isa pa, takot niya lang sa akin. Ha!

But then, hindi ko alam kung bakit, itong sarili ko, bigla na lang nagsalita mag-isa like I was out of control for a moment.

"Sige nga, i-kiss mo nga ako." I said involuntary!

"Sure." Seph said with a serious face. He stood up and he held my cheeks with his warm hands. He closed his eyes and dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin! Not only that, I felt the warm breath coming from his mouth!

At walang pasabi... bigla niyang nilapit ang lips niya papunta sa akin and he was about to effin kiss me!

10 centimeters apart!

5 centimeters apart!

1.5 centimeters apart!

For real? Saglit! Hindi ako Ready!

End of Chapter 15