Chereads / NOBELA / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

*Juliette's Pov

Bwesit yung diablo na yun ah. Sa totoo lang nakakainis man pero after nung gabing nag kiss kame namiss ko na sya at oo aaminin ko hinahanap hanap ko.

Pero pinipigilan ko. Hindi pwedeng maulit ang mga nakaraan. Baket pa kase bumalik balik pa ang letche eh.

Ang ending umuwe na lang ako sa unit para iwas sa stress. Baka sumunod sunod pa ang loko mahirap na.

Mag kapag netflix and chill na nga lang. Mukhang mamaya pa naman uuwe ang gagita eh.

Ano kaya ang magandang panoudin ngayon. Dito na lang ako sa sala manonoud. Dito ko na lang uubusin tong binili ko sa Lemon House at sa Gusto Ko Nang ShowMai Teh.

Eto na nga lang The Hows of Us nang Kathniel. Para naman kahit papaano eh magkaroon ako nang inspiration sa susunod kong libro na ilalabas.

Ewan ko na ka ilang ulit nako pero di ako nag sasawa sa palabas na ito. Infairness ang ganda kase talaga reality relatable pa.

Nag Ig story ako para walang i-istorbo saken. Kaya lang wala pang 30 minutes may diablo nag comment sa Ig Story ko.

'bumalik kana baby 🥺'

Bwesit talaga. Imbis na nakakapag pahinga ako etong anak ni santanas nag paparamdam.

'pwede ba! tigilan mo na ako . b-block na kita bwesit ka'

Reply ko rito.

At ang ending nag usap kame hindi na ako naka noud nang maayus dahil sa letcheng to.

'Oh akala ko ba iba-block mo ko? Baket reply ka pa din nang reply? . Ayaw pa kase aminin na miss mo na ako at mahal mo pa ako'

Aba't kita mo to ang lakas nang loob napaka lawak nang imahinasyon ni tanga.

'Fyi hindi kita na miss at hindi kita mahal wag kang nag a-assume jan. Kung dahil sa halik ang basihan mo pero sorry lodi alak lang yun. Bye'

Reply ko rito. Bwesit nakapa assuming. Hello ? Ako? Miss sya nagpapatawa ba sya. Tsaka mahal? Ulol uso mag move on.

"Ngiti pa tanga delikado kana" Sita ni Mailie

"Mag kasing rupok kayo ni Na-bi no?" Dagdag pa ni Siren.

"Tigas nang ulo eh" Saad ni Arha

Bigla kong ni lock ang phone ko sabay tingin sa kanila. Shotang ina ako naka ngiti? Hindi yun mangyayare.

"Pinagsasabe nyu. May nabasa lang akong memes" Pag sisinungaling ko sa kanila.

"Memes ba o reply nang isang Romeo Andrei?" Makahulogang tanong nilang tatlo.

"Pwede ba para kayong mga tanga mag move on na nga kayo" Saad ko sa kanila saka uminom nang Milo.

"Sa sarili mo dapat sinasabe yan." Saad ni Mailie

"Utak gamitin wag puro susu mare nakaka loka ka" Saad ni Siren

"Owwshiii! Ipa tulfo mo na nga yang kaibigan nyu malala nayan" Saad ni Arha.

"Ewan ko sa inyu." Sagot .

Pero ang ending hindi ko na block si Romeo.

Self tangang tanga kana talaga. Wag kang iiyak shotang ina mo.

Maaga akong pumasok ngayong araw para makapag simula na sa bago kong story. Pero naka tatlong kape nako wala pa din akong naiisip na maayus.

Potang ina baket yung gabi na nag kita ulit kame ni Romeo ang laman nang isip ko. Yung halik nya yung haplos nya yung titig nya yung boses nya. Shettttttttt bakla maliiiiiiiii.

"Mare!" Sita saken ni Faith

"Ay kipay!" Gulat na saad ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong nito nang ilapag nya ang dala nyang kape at paper bag nang jollibee.

"O-oo naman baket?" Sagot rito.

"Laki nang eyebags mo mare pwede kana sa manila zoo need nila nang panda ngayon dun" Saad nito.

"Gago!" Sagot ko rito saka ito tumawa.

"Anyway kelangan ka mag lalabas nang bagong libro?" Tanong nito.

"Hindi ko pa alam. Walang pumapasok sa isip ko lately eh" Saad ko rito habang naka titig sa facebook account ng demonyo.

"Kaya naman pala. Mare cutie nya ah" Saad nito . Napa tingin ako kay Faith nasa likod ko na pala sya.

"Romeo A-" Hindi nya na basa dahil binack ko agad sa facebook account ko.

"Napaka daya mo naman mare shota ka. Tinitignan ko lang eh. Damot di ko naman a-agawin yang jowa mo" Saad nito at bumalik sa upuan nya.

"Hello sino nag sabeng jowa ko yung demonyong yun. Pwede ba Faith manginig ka sa mga sinasabe mo" Saad ko rito.

"Sus pa kunware ka pa. Alam mo okay lang yan sa generation ngayon tangap na ang same sex couple . #YESTOSOGIEBILL tsaka cutie naman sya ah. Hindi naman sya mukhang demonyo" Saad ni Faith

"Alam mo marecakes hindi purket mukhang mabait mabait talaga. Tsaka wala na sa bukabularyo ko ang pag jo-jowa. Mas gusto ko pang mag apon nang bagets at mga aso" Mahabang paliwanag ko dito.

"Masyadong defensive. Oo na napag ha-halataan ka eh" Pang aasae nito.

"Ewan ko sayo Faith" Sagot ko rito saka tumayo para kumuha nang kape sa pantry.

Habang nag ti-timpla ako nang pang apat ko na kape may dumating na delivery man sa office.

"Mars may nag hahanap sayo" Saad ni Apol

"Sino?" Tanong ko rito.

"Sa grab eh. Lumabas kana lang mars" Saad nito.

Kinabahan ako bigla kase wala naman akong order at wala pang lunch break. Imposible naman na mga readers ko yun eh nag u-update sila saken.

Lumabas agad ako para tignan yung Grab Driver.

"Ms. Juliette Pascua po?" Tanong saken nung driver.

"Huh? Hindi po pascua ang last name ko baka sa iba po yan" Sabe ko dito.

"Tama po yung address maam sir, Kayo po ito diba?" Saad nung driver pinakita nya pa yung picture ko sa phone nya.

"Hala, kay nino po ito galing?" Kinakabahang tanong ko.

"Sa asawa nyu daw po si Mr. Romeo po." Naka ngiting saad nung Grab Driver.

Loko talaga yung gago na yun. Sakit nya talaga sa ulo bwesit.

"Pa receive na lang po Maam Sir" Saad nung Driver.

"Bayad na po ba yan?" Tanong ko rito.

"Kalahati pa lang po. Kayo na lang daw po mag bayad nang kalahati" Sagot nito.

Aba't kita mo tong loko nato pinag bayad pa ako. Humanda talaga to saken mamaya pag ka alis nang Grab Driver.

"Magkano po kulang Sir?" Tanong ko rito.

"250 na lang po maamsir" Sagot nito.

Binayadan ko na si Kuya Grab Driver saka pumasok nako sa Pantry dala ang pina grab nang Demonyo.

"Shala naman may pa grab ang jowabels" Saad ni Ate Matet

"Haba nang buhok ni bading abot hangang Parking lot" Dagdag pa ni Ate Lab.

"Baket naka simangot ka ?" Sita saken ni Faith

"Sino bang masaya na pinag bayad ka nang kalahati wala ka namang ino-order." Sagot ko rito.

"Totoo ba mars? Pinag bayad kapa?" Paninigurado ni Apol.

Tumango ako bilang sagot at ang mga gaga tawa nang tawa.

Bwesit talaga ang anak ni santanas.

Kinuha ko ang phone ko at agad kong tinawagan si Romeo pero naunahan nya akong tumawag.

"Good morning akong binibini na recieve mo na ba ang breakfast nyu jan?" Masiglang tanong nito. Kapal nang mukha bumati .

"Anong good sa morning. Ang aga aga mong sinira yung araw ko. Paano mo ba nalaman na dito ko nag ta-trabaho at ang lakas nang loob mong mag padala tapos pag babayadin mo pa ako nang kalahati kapal nang mukha mong bwesit ka"Mahaba at inis na saad ko sa kanya habang ang mga gaga bumalik na sa upuan nila at kumuha nang mga pagkaen .

Narinig ko ang tawa nang isang demonyo.

"You know what Juls ang laki na talaga nang pinag bago mo. Ano kaba ikaw din naman kakaen nyang inorder ko eh okay na yung half half diba." Saad nito.

"Pwede ba tigilan mo na ko hindi ako natutuwa sa mga pinagagawa mo. Bye" Saad ko rito saka binaba ang tawag nya.

Bumalik na ako sa lamesa ko habang umiinom nang kape ko yung timpla ko.

Alas sais na ko nang gabe nakapag out dahil sa mga letcheng script na hindi ko papala na tapos.

Hindi gumagana ang utak ko ngayong araw bwesit.

At eto pa mga sissy! Ang loko panay text nang kung ano anong ka kornihan. Ayuko naman syang i-block kase for sure mas madami nanamang intriga pag nag kita kita nanaman kame.