Chereads / NOBELA / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

NOBELA

CHAPTER FOUR

*Juliette's Pov

Isang linggo na pero ang anak ni lucifer hindi pa din ako tinitigilan. Minute ko na nga siya sa viber, groupchat, telegram, whatsapp, messenger at wechat.

Kung ano-anong memes at ka kornihan ang sinesend. Mula 6 am to 12 midnight nakakaloka.

At isang linggo na din akong hindi makapag trabaho nang maayus. Kahit saan ako mag punta dinadasalan nya ata.

Kaibigan at Mga katrabaho kinakausap nya jusko. And this time andito ako ngayon sa conference room with our bosses and siya.

Nag me-meeting kase kame ngayon para sa i-lu-lunch nameng book na pwedeng i-benta at basahin sa coffee shop netong demonyong to.

Hindi ko alam kung sinasadya nya ba to o tang inang tadhana to. Panay oo lang ang sagot ko kanina pa. Iritang irita kase ako kung maka ngiti kala mo nanalo sa lotto.

"Mr. Velasquez are you with us?" Tanong ni Boss A.

Agad akong umayos nang upo at tumingin rito.

"Y-yes boss. Im sorry medyo lost lang dahil sa workloads" Sagot ko rito.

"I told you Juls don't pressure yourself mahaba pa ang deadline nang second book mo." Saad nito.

"Grabe po kase yung expectation nang readers ko sa second book eh sorry po" Sagot ko rito.

"I know but you should takecare yourself also. Health first okay" Saad nito

"Opo thank you po Boss A" Sagot ko rito.

"Anyway back to you Mr. Pascua, I will send the books on your shop by next week  and everything was good. Congratulations on your Coffee Shop" Nakangiting Saad ni Boss A kay Romeo.

"Thank you Boss A, I really appreciate this opportunity na makipag business partner sa isa sa mga sikat na publishing company dito sa pilipinas ." Saad nito.

Nagkamayan pa sila saka nag paalam. Babalik na sana ako nang lamesa ko nang harangin ako ni Romeo.

"Can I ask you out?" Naka-ngiting tanong nito.

"Im sorry but I need to go back to may table" Masungit na sagot ko rito.

"Dont be so rude. Treat lang kita nang lunch since pumayag ka na makipag business partner ka saken" Saad nito.

"Let me clarify Mr. Pascua , I said yes because of my boss and pwede wag mo bigyan nang malisya yun" Sagot ko rito.

Bumuntong hininga na lang sya saka. "Okay." Malungkot sa sagot nya , Naka ngiti pa din sya pero halata sa mga mata nya ang disappointment.

Lumabas na kame nang conference room at balak ko na sanang mag timpla nang kape pero bigla akong na konsensya.

Nag madali akong habulin sya sa may Elevator and buti na lang hindi pa sya nakakasakay.

"Roms?" Tawag ko rito.

Agad naman syang tumingin sa gawi ko.

"Yes?" Naka ngiting sagot nya.

Ngumiti ako rito saka lumapit. Saktong pag bukas nang elevator .

"Saan mo ko i-da-date?" Nakakalokong tanong ko rito na agad akong pumasok sa elevator.

Na culture shock pa sya at na realize nya bigla ang mga sinabe ko.

Nang makarating kame sa parking lot.

"Buti na lang pumayag ka. Sakto kase ngayon ang Taste test nang mga pagkaen para sa coffee shop" Saad nito.

Ngayon pa lang? Eh diba dapat matagal na yun? Loko talaga tong may ari na to.

"Siguradohin mong mabubusog ako jan ah" Sagot ko rito.

"Oo naman." Naka ngiting sagot nito.

Isang oras din ang byahe nang makarating kame sa Coffee shop nya.

Gulat ako subra, I didn't expect na ganito pala ka-ganda rito. Mukha syang Old house pero damn!

"I guess you like this place" Nakangiting saad nya.

This is my dream, Heaven subra.

Im a fan of old coffee shops. Grabe iba kase yung feeling nang umiinom ka nang kape at nag babasa nang libro tapos yung presence at view ang sarap.

Sa totoo lang kung hindi ako naging writer mag tatayo ako nang ganitong kagandang coffee shop. Near Manila para madaling ma puntahan nang mga tao.

Pag pasok namen sa Coffee shop tapos na ang lahat at masasabe kong subrang ganda at nakakahanga.

"Good afternoon Sir Roms and Maam Juls" Naka ngiting bati nang lalaki.

"Good afternoon Dave nasaan sila?" Tanong ni Romeo dito.

"Nasa may kitchen area po" Sagot nito.

"Sige" Sagot nito. Nginitian ko lang yung Dave .

This place remind me of my college days. When my one of my professor ask me what is may dream goal.

"Buti naman andito kana kanina pa kita hinihinta-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Daniel nang makita nya ako.

"Juliette !!!" This time mas masigla at hindi siya awkward . Agad siyang lumapit sa akin at ni yakap ako.

"H-hello Daniel" Gulat at litong sagot ko rito.

"Oh yakap na yakap miss na miss" Sita ni Romeo dito habang inaalis ang pagkaka yakap saken ni Daniel.

"Oo naman no. Masaya lang ako kase syempre isang himala na pumayag siya na sumama sa demonyong tulad mo" Sagot nito.

"Ah talaga ba Daniel?" Inis na tanong nito.

Nag tawanan na lang kame. Parang bata talaga to minsan si Romeo.

Well hindi naman kase kame nagkakasama ni Daniel dahil parehas kameng busy sa work. Ngayon na lang ulit after how many years.

Habang nasa kalagitnaan kame nang pag taste test. Na pansin ko yung painting sa may malapit sa book shelf.

Yun ata yung ginawa namen ni Romeo na Painting after namen mag inoman sa tagaytay.

"Ang ganda nung painting no? Bagay sa reading area" Saad ni Romeo.

Hindi ako naka sagot . Agad akong umayos nang upo.

Baket ganun? Totoo ba talaga to? Baka na nanginip lang ako.

Pag tapos nang Taste test namen dumeristo kame sa Kape Bistro sa laguna.

"Salamat ah" Biglang sabi nito.

"Huh?" Tanong ko rito.

"Sabe ko salamat" Naka ngiting saad nya.

"Baket ka nag papa salamat eh wal-" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko.

"Kase pumayag kang sumama saken kahit ilang oras lang after what happen akala ko talagang naka limutan mo na ako " Sabe nya nang sincere

"And thank you kase kahit iritang irita kana saken hindi mo ko tinataboy" Dagdag pa nya.

"A-ano ka ba, Kaibigan pa din naman kita kahit nakaka irita ka" Sagot ko sa kanya.

"Kaibigan lang ba talaga?" Singit ni Daniel.

Ay jusko kasama nga pala namen ang loko ngayon.

"Kaibigan nga lang gagi haha" Natatawang sagot ko.

"The eyes won't lie" Sagot nito

Aba't ako pa? Fyi! Hindi no.

"Dami mong sinasabe Danielito" Sagot ko rito.

Hinatid nila ako sa may unit.

"Salamat ulit ah" Saad ni Romeo.

"Okay nga lang." Sagot ko rito. Bumaba na ako nang kotse nya .

Pagdating ko sa Unit namen. Busy ang mga merlat sa gawin nila.

Nag luluto si Mailie.

Nag la-laptop si Siren.

Nag nag che-check nang paper works si Arha.

"Mukhang busy ang mga bilat ah" Natatawang kantyaw ko sa kanila.

"Nako daming pinapagawa nang boss ngayon nakakaloka" Sagot ni Siren.

"Gusto ko na lang mag karoon nang sariling pamilya" Reklamo ni Arha.

"Sayo pa nang galing yan ah eh kada linggo ibat iba ang lalaki mo burikat ka" Saad ni Mailie rito.

"Syempre no ang bo-boring kaya nang mga nakaka meet up ko lately . Mga pang kama o kaya pang display . Walang pang asawa shotang ina" Sagot nito.

"Sus! Sabihin mo takot ka lang talaga sa commitment " Sagot ni Mailie.

"Pwede ba mag luto ka na lang jan. Hindi ko nga pinapakilaman yung lovelife mo eh" Iritang saad ni Arha.

"Taray may lovelife ang kusinera nameng housemate haha" Saad ni Siren.

"Shut up , Bakit hindi mo balikan ang ex mong naniwala sa tropa nya para hiwalayan ka haha" Pang aasar ni Mailie rito.

"Yuck! Pwede ba wag mo na i-open ang topic na yun. Dami-daming lalaki jan eh" Nandidiring sagot nito.

Ilang saglit ay na tahimik sila. Samantalang ako eto.

Romeo : We're home na, thank you ulit for today. <3

Juliette : baliw wala yun and thank you din sa libre hehe.

"Ngiting delikado ang bading" Saad ni Siren.

"Mukhang may comeback ata ngayong 2022 ah" Dagdag pa ni Mailie.

"Open for free trial naman" Sagot ni Arha.

Agad akong na pa tingin sa kanila at inoff ang phone ko.

"Alam nyu kayo ang malilisyusa nyu." Sagot sa kanila saka dumiretso sa C.R.