NOBELA
CHAPTER FIVE
*Romeo's POV
Hindi pa din ako maka paniwala na pumayag kanina si Juliette na sumama saken sa Coffee shop at uminom nang kape sa Laguna.
Grabe ang tagal kong hinintay yung pagkaka taon na yun.
Edi sana nag propose nako sa kanya nang will you marry me Juliette Yves Velasquez?
Naramdaman kong may bumato saken nang unan.
"Gago malala kana tanga haha" Sita ni Ejhay.
"Basag trip naman tong gagong to eh" Inis na saad ko rito.
"Baka hindi ka maka tulog nyan tol ah haha" Sabe ni Loki.
"Baka nga mag jabol pa yan mamaya eh hahaha" Dagdag pa ni Ejhay.
"Gago ang bastos talaga nang bibig mo" Saad ko rito.
"Hindi lang talaga ako maka paniwala na after 5 years magkasama ulit kame kanina tang ina gusto ko na siya i-bahay eh" Kinikilig na sabe ko sa kanila.
"Gago talagang i-bahay agad. Baka na konsensya lang sya kase syempre business partner kayo . Ikaw talaga hiwalay ang trabaho sa personal na buhay " Saad ni Loki.
"Alam ko yun pero yung kanina iba eh. Ramdam ko talaga na may something pa eh" Sagot ko.
"Meron sama nang loob. Tigilan mo yan pre baka mamaya kasalanan pa ni Juliette pag hindi ka naka tulog" Saad ni Loki.
"Mga ingit ang lulungkot kase nang lovelife nyu ih" Pang aasar ko sa kanila.
"Hindi tayo sigurado jan lodi" Sagot ni Ejhay saka sila nag tawanan. Mga gago talaga kahit kelan.
Ilang araw na lang at mag bubukas na ang coffee shop habang papalapit nang papalapit lalo akong kinakabahan. Ganito siguro talaga pag first time mo mag business.
Nakapag send na din ako nang invitation sa mga family and friends ko. Tuwang tuwa nga mga kapatid at ang nanay ko dahil makikita daw nila ulit si Juliette.
Sinendan ko din si Julien dahil magkaibigan naman kame. Kung ano man ang nangyare samen noon hangang doon na lang yun.
Sa pag mu-muni muni ko napag isip kong bisitahin ang coffee shop. Naligo na ako at nag bihis.
Dumaan mo na ako sa Starbucks para bumili nang kape . Sa totoo lang andami kong gustong gawin sa Coffee shop na yun na magkasama kame ni Juliette.
Akala ko hindi na mangyayare yun. Alam ko masaya siya dahil parte siya nang pangarap ko. Pangarap namen yun.
Pagd dating ko sa coffee shop dumating na pala ang mga ibang libro. Akala ko ay bukas pa or bago mag opening darating.
"Good afternoon sir" Bati ni Dave.
"Good afternoon din Dave ano ang balita?" Tanong ko rito.
"Kanina pa dumating ang mga libro sir pero half pa lang at Dumating din po si Maam Juliette siya po ang nag a-ayus sa may bookshelf—" Hindi ko na pina tapos si Dave , na excite ako na makita si Juliette. Seryuso ba? Siya ang nag a-ayus nang mga libro sa bookshelf.
Pumasok nako at dumiretso sa may Reading Area.
Nag slowmo ang lahat, Naka maong short , white plain t-shirt at vans oldschool shoes ang ayus ni Juliette.
Isa -isa niyang maayus nilalagay ang mga libro , Para siyabg anghel.
"Ah Sir Ro-" Hindi ko na pinatapos si Dave at agad akong lumapit kay Juliette.
"Napaka sipag naman nang misis ko" Bulong ko rito na . Kinabigla nya at muntik nang ma-out of balance.
Nagka titigan kame kung kelan malapit ko na siyang halikan.
"Hangang dito may Bebe time" Sita ni Daniel .
Agad kameng umayos ni Juliette. Lumayo ako kaunti at tinignan nang masama si Daniel.
"Kung nakakamatay ang Tingin siguro nakalibing nako" Pang aasar ni Daniel .
"A-ayus ka lang ba?" Tanong ko kay Juliette.
Tumingin ito saken saglit saka bumalik sa kanyang ginagawa.
"Napaka sungit mo naman misis k-" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil sa librong tumama saken.
"Daming mong alam. Kung tutulong ka tumulong kana lang" Sabe nito.
"Sungit mo ah" Sabe ko sa kanya.
"Nasa oras ako nang trabaho, mamaya kana bumanat nang ka kornihan mo pwede ba" Anas niya pa.
Quarter five in the afternoon nang matapos ang ibang libro na ginagawa nila. Ako chinecheck ko lahat nang kelangan kong gawin .
Lumapit ako kay Juliette na naka upo sa may tapat nang Painting namen.
Inabutan ko siya nang Iced Matcha Coffee with Soy Milk. Favorite niya kase to.
Na patingin siya saken. "Akala ko tinapon mo na yang painting na yan" Saad niya pa. "Thank you" Sabe nya pa.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa painting.
"Alam mo yan na lang yung alala na naiwan saken nung iniwan kita eh. Naka tago lang yan sa kwarto sa Taguig. Napaka especial nyang painting na yan. Madaming magagandang memories jan eh" Paliwanag ko rito.
Naramdam ko na hinawakan nya ang kamay ko.
"Salamat ah and advanced congratulations kase akala ko puro ka lang kalokohan marunong ka pala mag seryuso sa buhay" Saad nya.
"Grabe ka naman saken, Sayo lang kase ako komportabling maging baby eh" Natatawang saad ko dito.
"Kahit kelan ka talaga Romeo Andrei" Saad niya.
Yung painting na ginawa namen ang nag reremined saken na may kelangan pa akong gawin. Its was so beautiful.
Ang tawag nga namen jan Nobela Painting.
Monday morning maaga akong nagising dahil ngayon na ang opening nang Coffee Shop . Kabado kase hindi ko alam kung may mga pupunta ba or may mga bibili ba.
I'll make sure kase na Instagramble at masarap ang tinda nameng kape at pastries.
After lunch ang opening ceremony namen. Nag ready nako nang sosoutin ko at mga kelangan ko.
Maagang umalis si Daniel dahil isa siya sa mga nag aayus sa Coffee shop. Sumabay na din sa kanya si Loki at Ejhay.
Pupunta kaya si Juliette mamaya? Hayst. Salamat lord sa chances na binigay nyu . I will work it out this things.
Quarter to 11 na ligo nako kelangan fresh ako mamaya. Ang owner nang Alien's Kape ay isang gwapong binata.
Lunch time nang maka dating ako sa Coffee shop , subrang kaba ko at the same time gulat ako dahil ang haba nang mga tao sa labas.
Halos nang naka pila sa labas ay mga binata at dalaga. May mga banner pa ang iba.
Pag park ko nang kotse ko. Agad din akong bumaba.
Nang makadaan ako sa entrance, Kinikilig pa ang iba.
"Sis omg siya yung owner napaka gwapo nya pala sa personal omg" Kinikilig na sabe nung Dalaga sa kasama nya.
"True mas gwapo pala siya sa personal kesa sa instagram" Sabe nang kasama nya.
"Nasa loob na po sila Sir" Nakangiting saad ni Dave.
"Sige dave salamat ah" Nakangiting sagot ko sa kanya.
Pumasok na kame sa loob at kumpleto na nga ang tropa at pamilya ko.
"Speak of the devil" Saad ni Ejhay.
Lahat sila tumingin saken. Ngiti lang ang binigay ko sa kanila.
Lumapit ako kila mama.
"Congrats anak. Malaki kana talaga dati uhugin ka lang eh" Naiiyak na saad nito.
"Ma naman" Sabe ko rito.
Nag tawanan ang lahat.
"Kelan ba ako magkaka apo sayo ah?" Tanong neto na tahimik ang lahat pati ako.
"A-hahaha ma apo agad. Wala ngang asawa eh" Natatawang sagot ko rito.
"Haynako pwede naman kayo mag apon netong si Juliette eh" Na kinagulat nameng lahat.
Kahit si Juliette na gulat sa sinabe ni mama.
"A-ah Sir anjan na po yung pari" Pag singit ni Dave.
"Ah ganun ba sige." Sagot ko.
"Ikaw talaga ma puro ka biro" Sabe ko kay Mama saka ito ni yakap.
Mabilis lang ang naging ceremony at nag take na din kame nang order .
Grabe halos lahat nang pumunta fans ni Juliette at mga followers nang mga loko lokong kaibigan.
Binati nila ako nang congrats at kitang kita ko kay mama na subrang saya niya nang magka usap ulit sila ni Juliette.
"Pre ganda tignan Mama mo kausap ang future misis mo" Pang aasar ni Daniel.
"Siraulo" Sagot ko dito.
Na sold out ang libro ni Juliette parang naging Meet and Greet nya tuloy tong opening nang Coffee Shop.
Nakakapagod ang opening namen pero okay lang atleast naka pag serve kame nang maayus.
Nakakapagod din pala ang picture taking.
Bago umuwe sila mama nag pasalamat ako rito dahil naka punta sila. Again si kinukulit nanaman ako ni Mama kay Juliette.
"Anak sana naman sa susunod kasal nyu na ni Juliette ah" Saad nito.
"Ma naman, Darating din tayo jan pero wag mo na ngayon haha" Sabe ko rito.
Nang maka alis na sila. May dumating na Flowers galing kay Julien.
To : Andrei
Im happy that you have your own coffee shop. Congratulations see you soon.
- Julie.
Na patingin ako sa may tapat nang coffee shop. Hindi pa din ako maka paniwala na nag bukas na ang matagal kong pangarap.
Na kita kong lumabas si Juliette.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko rito.
"Jan lang may garden. Mag papahangin" Sagot nito.
"Samahan na kita" Sabe ko sa kanya.
"Nako wag na. Marami ka pang gagawin sa loob eh" Saad nito.
"Ano ka ba okay lang yun andun naman si Daniel." Sagot ko sa kanya.
Naglakad na kame papuntang garden. May mga tao din dito . Maganda kase dito tumambay pag gabe. Ang sarap nang hangin at ang ganda nang ambience.
"Salamat pala ah kase dumating ka at pansensya na napagod ka sa mga fans mo" Sabe ko sa kanya.
"Ano kaba ayus lang yun tsaka sanay nako sa ganun, pansensya na naging meet and greet pa yung nang yare kanina haha" Natatawang saad nya.
"Grabe andami mo pa lang fans. Daig mo pa mga artista eh haha" Pang aasar ko dito.
"Baliw, nung una kase hindi ako sanay pero kelangan ko sanayin kase yun ang environment nang trabaho ko." Sabe nya pa.
"Congrats kase natupad mo yung isa sa mga pangarap mo" Sabe ko sa kanya.
"Salamat pero mas Congrats sayo kase akalain mo yun painom inom ka lang nang alak noon ngayon may ari kana nang isang magandang coffee shop" Saad nito.
"Salamat" Sagot ko sakanya. Hinawakan ko ang mukha nya at tumitig sa mga mata nya.
"Ang ganda mo palagi" Sincere na sabe ko sa kanya.
Nang hahalikan ko na siya may isang asungot na umepal.
"Juls" Tawag ni Gio rito.