Hindi rin makapaniwala si Via sa kanyang naging performance sa katatapos lang na interview niya ngayong araw. Ewan din niya kung bakit bumalik lahat sa kanyang memorya ang lahat ng kanyang napag-aralan sa law school at nai-apply niya kanina. Hindi niya talaga lubos akalain na hindi rin siya pumiyok at dire-diretso lang siya sa kanyang pagsasalita. Hmmm...kung alam lang nila na kailangan kong magpa impress, sakaling mapansin ako ni Mr Supergwapo to da max na isa sa mga panel niya ngayong araw. Unang pasok pa lang niya kanina ay agad na niyang napansin si Lander kanina na bukod sa angking kaguwapuhan at tindig nito ay alam niyang isa rin siyang matalino kasi nang pagkakaalam niya na kapag myembro sa ranking committee ay hindi basta-basta guro lang ito. At sa pag-uusap ng mga panel kanina ay narinig niyang tinawag siyang Sir Doc kanina kaya ibig sabihin nito, sa kabila ng murang edad ng binata ay isa na itong doctor. Sana lahat ng interview na papasukin ko ay may isang artistahin sa panel para hindi boring at mas lalong ganahan ako... CONGRATS self for a very job well done! ang galing ko! at base na rin sa obserbasyon niya sa mga panel kanina ay parang nahiwatigan niya ang mga ganoong klaseng facial expressions na noon din niya nasaksihan noong deliberation of honor graduates niya noong nasa college of Law na ang ganda ng ambience noon ng kanilang propesor sa pag announce sa kanyang pangalan... claim it Via, claim it! ang nasambit ni Atty Via sa kanyang sarili habang binabaybay na niya ang daan papuntang sea food house. Balak niyang magmukbang dahil bukod sa sobrang gutom na siya ngayon ay naisip din niyang advance celebration na rin sa kanyang sarili kasi tagumpay siya na may natipuhan siyang guwapo, este tagumpay siya sa kanyang final interview and evaluation at sa tingin niya mukhang sa kanya yuyuko ang mga tala.
Haist! Sana tumawag ka na my man of my dreams..char! ang natatawang sabi ni Via sa kanyang sarili kasi naalala niyang may kuryente kanina habang nagkahawakan sila ng kamay ni Lander kaninang inabot niya ang ibinigay niyang call card at heto nga si Atty. Via at parang timang siya na nag a antay ng tawag mula sa super gwapong naging panel niya kanina.
Table for one please ang masuyong pakiusap ni Via sa guwapong waiter, pagka- dating niya sa sea food house.
This way Atty. Ma'am, ang tugon naman sa kanya ng guwapong waiter.
At heto nga si Via at nag oorder na siya ng kanyang mga paborito: nilasing nahipon, paksiw na dalagang bukid, isang buong alimango with a twist of chili oil, crab soup at tatlong sukat ng fried rice.
Cucumber juice nang kanyang inorder na inumin at naisipan niyang buksan ang kanyang social media account at may notification siyang nakita na new friend request. OMG! si Daniel Matsunaga ba ito? Oh wait! oh my gosh! si man of my dreams pala ito! at syempre, agad niya itong tinanggap ang friend request ni Lander sa kanya at sinimulan na niya itong inistalk...