Namulat si Lander na hindi niya alam ang kanyang tunay na pagkatao. Ni hindi niya alam ang kanyang mga magulang o mga kamag-anak. Ang kuwento sa kanya ng kumupkop noon sa kanya ay basta natagpuan na lang daw siya sa isa sa mga public market sa Olongapo at dinala daw siya sa bahay ampunan at doon nga niya nakita at inampon ni Aling Adelaida na isang ulirang guro na isang matandang dalaga noong tatlong taong gulang pa lang siya. Siya ang nag-aruga sa kanya at itinuring niyang isang tunay na anak kaya nga ito kumuha na rin ng kursong edukasyon para sa kagustuhan ng kanyang kinikilalang ina pero sa kasamaang palad ay biglang namatay noon si Aling Adelaida dahil sa atake nito sa puso habang nasa kalagitnaan siya noon ng kanyang pagtuturo. Buti na lang at saktong nakapasok na siya noon sa DepEd kaya kahit papaano ay mayroon na siyang sariling pangtustos sa kanyang araw-araw na pangangailangan at dumiretso na rin siya agad noon sa pag aaral ng kanyang master's degree para maibsan noon ang kanyang pangungulila sa yumaong kumupkop noon sa kanya.
Mommy Adelaida, CESWE passer na po ako. Maraming salamat po sa lahat ng panalangin mo sa akin, nangingiting sambit ni Lander sa kanyang sarili. Nang i-check na nya ang kanyang cellphone ay mag a alas singko na pala ng hapon kaya nag check na siya ng kanyang mga tropa kung sino kaya sa kanila ang puwede niyang gambalahin at magiging karamay sa pagdiriwang ng kanyang bagong titulo ule. Haist sino kaya sa kanilang mga panget na tropa? haha! Nag compose na lang siya ng mensahe at isinend na lang niya sa lahat ng kanyang mga tropa. Guys, l badly need your company right now. Heartbroken kase ako ngayon kaya kailangan ko ng karamay so l hope to see you at the bar house this 8pm in the VIP room. Be there okay? may penalty ang aabsent ngayon! at wala pa ngang isang minuto ng dumating ang mga sunod sunod na reply ng kanyang mga kabarkada:
Atty. Vince: are you sure doc? Nilipat mo na ba ngayon ang Sat night? o sadyang may h.o kpa? kung di lang kita namiss di ako pupunta mmya pre. see you later hehe
Engr. Noah: wow! mapapalaban na naman ako nito! ganito talaga kapag manic Monday, matatapos sa inuman session.hehe sige pre asahan mo ako! kung gusto mo, dadalhin ko si Nerissa, na bunso ko baka kayo talaga ang itinadhana hahaha!
Prof. Ram: hahaha! ok Doc pre... ako pa? punta na lang ako kaysa sa mag penalty noh! at syempre sayo ako tatanggap ng ayuda at may bunos pang grasya ngayon kaya handa kitang damayan mamaya, doctor lover boy.. basta yung kiss ko mmya ha? mwah!
Jecko da CPA: hahaha awit sayo doc... saklap! Lunes na lunes pero naghahanap ka na naman ng makakaramay mo, sige doc handa akong damayan kita hangga't mailipat mo na sa akin lahat niyang kaguwapuhan mo para kahit dumating man na masaktan ako ay super gwapo pa rin ako na tulad mo. hahaha! see you later.
At tuluyan na nga siyang humalakhak sa mga reply ng kanyang mga tropa habang palabas na siya sa kanilang opisina. Dumiretso muna siya sa department store para bumili ng wardrobe at men's accessories para remembrance niya sa ibinigay sa kanya ng kanyang DepEd family. Mahirap na kung iinum namin lahat haha buti na lang at medyo malaki-laki pa ang natitira para sa inuman namin mamaya..ang natutuwang sabi ni Lander sa kanyang sarili. Okay na ito, habang tinitignan niya ang kanyang mga pinabili. Dahil medyo maliwanag pa ay naisipan niya munang dalawin ang kanyang yumaong Mommy Adelaida na kumupkop sa kanya noong nabubuhay pa ito bago tuluyang umuwi sa pad niya para makapag handa na siya sa inuman session nila mamayang gabi.
Makaligo nga rin muna Congrats self ule...ang natutuwang sabi ni Lander sa kanyang sarili.