Beep! Beep! Beep! Ano ba! usad ka na! Putek naman at male-late nako nito! Please naman huwag mong sirain ang Miss Universe na beauty ko! Ang natatarantang sigaw ni Via sa kanyang sarili. Ganito si Via kapag natataranta. Akala mo parang utot na hindi kayang pigilang lumabas na ura-rada lang. Ngayong araw kasi ang interview and final evaluation niya sa DepEd division office for the Attorney lll position. Ang pinakaayaw niya kasi ang hindi aabot sa tamang oras lalo na at ngayon pa ang interview niya sa naturang propesyon kahit medyo maaga pa naman. Sabagay, second time pa lang niyang pumunta sa naturang opisina (una ay noong nagsubmit siya ng pertinent papers for the position) kaya siguro hindi pa niya matantiya yung time frame papuntang DepEd division office. Kung hindi lamang siya pinuyat ni pareng Empoy (Emperador lights) ay hindi sana siya tinanghali ng gising ngayon sa isip-isip niya. Kunsabagay, stress reliever at best friend niya ang alak...dito niya kasi naibubuhos ang lahat ng kanyang emosyon, mapait man o maganda. Uminom lang naman siya kagabi hindi dahil sa maglasing o trip lang niya, kundi upang mapaghandaan ni Via ang mga posibleng tanong na maipukol sa kanya sa kanyang job interview, kahit sabihin pa nating super ganda, sexy, matalino o in short, beauty queen material si Via ay hindi pa rin niya kasi maiwasang kabahan lalo na nitong huling kasong kanyang hinawakan ay natalo pa kaya para siyang timang sa sarili niya kagabi na habang naglalagok ng alak ay nagdodoble kara siya sa kapapraktis. Pati rin kasi dapat sa facial expressions ay kailangang may charm lalo na raw kung ang isa sa mga mag i-interview ay hot, single and available. Sana nga naman ay mayroon kasi ang pagkakaalam niya sa DepEd ay propesyon ng mga walang ka-love-life love-life, mga tumatandang dalaga at binata, mga patagong silahis, tomboy o bakla, mga pilingerong palaka at mga impakto/a na akala mo ay sobrang galing pero nakukuha lang pala sa simpleng regalo.
Anyway, challenging naman kahit papano kung sakaling mapasok man si Via sa DepEd family. Bukod kasi sa secured na ang future niya, ay yung pag-asa niyang doon siya makakahanap ng prince charming. Kasi naniniwala pa rin siya na marami pa ring mga guwapong titser na wala pang asawa kasi nga, sa sobrang busy at sa rami parin ng kanilang mga ipinapasang requirements at bukod pa sa pag-aaral pa nila ng master's o doctorate program kung gusto nilang maipromote ng mabilis.
Pagkatapos nga ng halos 30 minutes na pagdidrive, heto na siya ngayon at naglalakad na siya papasok sa DepEd division office. Finally, this is it pansit! Yakang-yaka ko ito! Ako pa! Buti na lang at isang minuto lang ang late niya. It's not a big deal anyway... atleast nandito nako. Ang nangingiting saad niya sa kanyang sarili, pagkatapos niyang chineck ang wristwatch lacoste niya.