Haist! ganito ba talaga mga aplikante kapag mga abogado nang nagtatagisan ng galing? Ganito bang may twist of bad ambience o sadyang sobrang confident lang sila sa kanilang mga sarili? Kayo na nang magagaling at walang paligoy-ligoy sa inyong mga pinagsasabi. Dalawang parehong timang. Sana all nalang mukhang pera! Sana all over confident, Sana all may karapatang magmayabang! pare-parehas lang pala sila na money matters talaga! naibulong ni Lander sa kanyang sarili...sa naunang dalawang aplikante for attorney lll position kasi ay doon siya talaga lalong na-turn off sobrang yabang at confidence nila at lalo siyang nanlumo sa tanong about salary/benefit expectations. Bukod kasi sa sobrang napakahangin na nga nila, na akala mo silang mga abogado ang mga pinakamatalino at pinakamagagaling na tao sa buong mundo, ay nag-e expect pa sila ng atleast 80 thousand na salary daw because of their overqualified and overflowing na achievements for the Attorney lll position. Kung ganun kalaki ang expectations at tingin nila sa kanilang mga sarili, bakit dito pa sila sa DepEd nag-apply? Biglang nasapo ni Lander ang kanyang noo. Tsk! Ang buong akala niya kanina ay sisiw lang sa kanya ang pagbigay ng rate sa mga aplikante pero mukhang nagkamali siya ata at eto nga't nagsasalubong na naman ang kanyang mga kilay sa inis at bagot sa naunang dalawang aplikante. Humingi muna siya ng atleast 10 minutes break sa kanilang ASDS na chairman for the ranking committee para sa kanya at sa kasamahan na rin for their personal necessities at sinabi niyang pakibilisan lang kasi may isa pang aplikante na nag aantay sa labas. Pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ang ilalagay niyang grado sa mga naunang aplikante. Haist, sana naman itong panghuli na aplikante ay matino na rin at sana hindi siya yung mukhang pera di porket abogado na..ang naiiling sabi ni Lander sa kanyang sarili habang naghuhugas na siya ng kanyang kamay kasi katatapos lang niyang umihi.
Fair akong magbigay ng grado kaya may the best man win na lang sa kanilang tatlo, nausal niya sa sarili niya habang naglalagay siya ng konting pulbo sa kanyang guwapong mukha.
Bumalik na si Lander sa kanyang upuan at sakto namang dumating na ang order ng kanilang chairman na pagkain at nagdebatehan pa sila kung kakain na ba sila or tsaka na lang pagkatapos ng evaluation ng kanilang panghuling aplikante at napagdesisyonan na lang nila na tsaka na lang sila kakain pagkatapos ng huling aplikante dahil nga sa medyo naawa na sila sa kanya. Sana nga naman ay matino, hindi mahangin at sana ay hindi na mukhang pera itong panghuling aplikante...ang tahimik na panalangin ni Lander. Pilit man, pero kailangan niyang ngumiti para hindi siya mahalata ng kanyang nga kasamahan sa ranking committee lalo na at ito ang kanyang kauna-unahang gampanan ang posisyon na iyon.
In 3...2...1...tatawagin na nila ang panghuling aplikante and this time, medyo napaawang ang mga mata ni Lander pagkakita nito sa huling aplikante...Awts! kalma ka lang Lander, yang puso mo! sabay tapik nya sa kanyang matipunong dibdib...wow! anghel o diwata ba ito? namaligno na yata ako, maganda na nga, sexy pa, ang naibulong ni Lander sa kanyang sarili...
Sana siya na nga, ang piping dasal ni Lander.