Chereads / Wishing On A Star ( Tagalog ) / Chapter 1 - PROLOGUE

Wishing On A Star ( Tagalog )

🇵🇭4utumnieex
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

Sabi nila, kapag daw nakakita ka ng falling star, humiling ka raw roon at mag kakatotoo. May mga nag patunay na sa akin na nag katotoo raw ang wish nila. Pero dapat mo raw 'yon samahan ng dasal dahil siya lang ang makakapag bigay ng hiling mo. 

Kapag ba hiniling ko na sana bumalik ang panahon na kasama ko pa sila? Matutupad kaya?

Natawa ako sa sarili ko. Para akong tanga, humihiling ako ng imposibleng mangyari. Limang taon na ang lumipas pero heto parin ako, hindi tanggap ang nanyari noon.

Gusto kong bumawi sakanila lalo na sa kaniya, pero hindi na ako binigyan ng pagkakatoon ng mundo. Sobra akong nag sisi. Gusto kong ibalik 'yung mga panahon na nandiyan pa siya para maiparamdam ko ang pagmamahal ko sakaniya pero wala na e, wala na siya.

Tama nga sila, habang nandiyan pa ang mga taong mahahalaga sa'yo, iparamdam mo sakanila na mahal mo sila, at mahalaga sila dahil kapag nawala na sila, matatanggap mo dahil at least, kahit sa sandaling panahon, naiparamdam mo sakanila na importante sila sa buhay mo.

"Psst huy! Ayos kalang?"napatingin ako kay Attisha nang kalabitin niya ako. Nasa likod ko siya kaya humarap pa ako sakaniya.

"Ha? Oo, ayos lang ako. Salamat."Sagot ko. Bahagiya niyang pinilig ang ulo niya at tinitigan na may naninimbang na tingin.

"May problema ba?"bahagiyang kumunot ang noo ko pero agad akong umiling at ngumiti ng tipid.

"Wala naman."humarap na ako sa unahan. Naramdaman ko naman na tumabi siya sa akin.

"Weh? Akala mo hindi kita pinapanood mula sa loob ha? Kanina kapa kaya laging tulala. Mabuti ay nagagawa mo nang maayos ang trabaho mo?"natatawa niyang saad. Huminga ako nang malalim. Wala naman talaga. Bigla ko lang kase naalala ang nangyari noon kaya nalungkot nanaman ako.

"Wala ito. Huwa mo nalang pansinin."

"Okay. Nga pala, gusto mo sumama sa night out namin? Sa sabado after ng pay day natin?" Kumunot ang noo ko.

"Saan?"

"Sa Fort Bonifacio."

"Hindi ako umiinom ng alak e." Natawa siya.

"E di mag juice ka nalang!"

"Meron gano'n doon?"

"Oo naman!"Napaisip ako. Wala naman akong gagawing sa sabado, pero sa linggo ay dadalaw ako kina Mama at sa puntod ni Papa. Tumingin ako kay Attisha na nakangiti sa akin. Inaantay ang sagot ko.

"Sige."

"Great! Don't worry, nandoon naman ako." Ngumiti ako. Bumalik na kami sa trabaho namin dahil may mga customers ng umorder sa amin. Dumami lang ang customers namin dahil mukhang breat time ata ng mga estudyante.

"Hay! Grabe ka pagod! Kakaunti lang ang customers natin pero nakakapagod parin!"nag iinat ng katawan na saad ni Attisha. Break time na namin ngayon. Hindi naman ako masiyadong napagod dahil hindi naman ako ang se-serve. Si Attisha kase ay nakipag palit kanina.

"Mga be! Anong ulam niyo?"dinig ko na boses ni Vanessa. Napaangat ako ng tingin at lumingon sa puwesto nila.

"Adobo akin." sagot ni Chloe

"Paksiw naman ang akin." sinundan naman ni Jane.

"Kayo? Threa and Tisha? Sabay na kayo sa'min kumain!" anyaya ni Vanessa sa amin nang lumingon siya sa puwesto namin.

"Naku! Hindi na! Wala kaming baon."

"Ay jusme! Ayos lang 'yan! Titirhan nalang kita. Alam niyo, mas masarap kumain ng may kasalo dahil nakakagana!"

"True ka riyan 'teh!" Nakipag apir pa si Chloe kay Venessa.

"Sige ha! Sabi mo 'yan, titirhan mo ako!" tumayo na si Attisha at nag lakad papunta roon.

"Oo nga! Threa! Halika na!" winagwag pa ni Vanessa ang kamay niya na nag aanyaya. Bumuntong-hininga ako at tumayo nalang.

"Threa! Ito oh, may sandwich akong ginawa baka magustuhan mo."nakangiting binigay ni Jane ang plastic na may lamang sandwich na gawa niya. Ngumiti ako.

"Salamat."

"Naku! Wala 'yon."

"Oy pahingi ako ulam!"

Napailing nalang ako at bahagiyang natawa habang pinapanood sila. Nabanggit pa ni Attisha na kasama ako sa night out nila. Tuwang tuwa naman sila na kasama ako dahil minsan lang daw ako umu-oo sakanila kaya mabuti ay sumama ako. Puro tawanan ang umingay sa buong lamesa. Tama nga si Vanessa, masayang kumain ng may kasabay kaya puro tawanan at biruan ang ginawa namin. Paano, si Vanessa kase ang lagi nag papatawa sa amin. Lalo pa't ang dami niyang baon na chismis!

"Oo day! Grabe! Ilang taon lang 'yon 15 years old lang buntis na!"

"Alam mo, Vanessa, napaka chismosa mo talaga! Kay Aling Bebang mo nanaman narinig 'yan ano?" si Chloe na umiiling-iling

"Oo! Atsaka hindi ako chismosa,'no! Sinabi lang sa akin kaya kinuwento ko sainyo!"

"Asus! Palusot pa!"

"Oo nga!"

"Hindi naman legit yan!" sumingit na si Attisha sakanila.

"Gaga! Totoo nga!"

"Where's my lil sis, Summer? Nasa locker room ba?"na pintig ang tainga ko nang marinig ko ang boses ni Ate. Napansin ko na natahimik sila Kira, pati pala sila ay napatingin sa gawi ko. Nakita ko siyang nakatayo counter habang kausap si Summer. Nakita ko na tinuro ni Summer ang puwesto ko kaya napalingon si Ate sa akin. "Omy! Lil sis! I miss you!"galak na sanabi ni Ate at lumapit sa akin. Nahinto siya nang makita ang mga kasama ko. "Oh, hi!"palakaibigan siyang kumaway sakanila. Nginitian naman siya ng mga kasama ko. "Puwede ko bang mahiram ang kapatid ko? Saglit lang,"

"Sure po!"Agad na sagot ni Attisha. 

"Okie, salamat!"Tumingin ako sakanila. Tumango lang sila at ngumiti sa akin. Sumama na ako kay Ate.

"Sorry lil sis ha? Ngayon lang ako naka bisita sa'yo. You know. Hahaha! Hirap ng buhay may anak." tumatawang saad niya.

"Ayos lang ate, kumusta na pala si Cloud?" Tanong ko.

"Ayon... ayos naman ang kulit! Nang sinabi ko na dadalaw ako sa'yo gusto niyang sumama na miss niya na raw dida niya." Napangiti ako. Ako rin, miss ko na rin siya. Nakaka miss kase ang ka kyutan ng bata na'yon. Guwapo ang anak ni Ate at halos nakuha ata kay kiya Cyan ang mukha dahil magkamukhang- magkamukha sila.

"Sa linggo, bibisita ako sainyo Ate, na miss ko na kase ang anak mo." Natawa siya. Pinasada ang tingin ko sa kabuohan ni Ate. Kahit may anak na ay maganda parin si Ate, hindi nag bago ang figure ng katawan niya, para lang siyang dalaga.

"Si Mama nga pala kumusta?"tanong ko nang maalala si Mama, tagal na naming hindi nag kikita. Noong birthday lang niya ako naka bisita sa kanila.

"Ayon... okay naman mama... Ikaw? Ayos kalang ba?"Tanong niya. Tila may kakaiba sa tanong ni Ate na hindi basta pangangamusta 'yon. Parang may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko mawari.

"Oo naman, Ate. Ayos lang ako."sagot ko at ngumiti. Ngumuso si Ate at sumimangot. Kumunot ang noo ko.

"Totoo? Ayos kalang?"lalong kumunot ang noo ko. Alam kong tungkol 'yon sa nararamdaman ko pero pinilit ko na hindi ipahalata.

"Oo nga..."

"Hays... Lil sis, Ate mo ako, i know you more than yourself. Hindi ka man mag sabi ay ramdam ko." Bumuntonghininga ako.

"Ewan ko sa'yo Ate, ayos nga lang ako. Bakit naman ako hindi magiging maayos?"

"Syempre... dahil hindi kapa maka move on sa nangyari noon."

"Tanggap ko naman na Ate na wala na sila, siya, talagang mabigat lang kase dito oh,"Turo ko sa dibdib ko. "Kase nangako ako sa sarili ko na pagbalik niya, babawi na ako sakaniya pero..." Napalunok ako. Parang may bumara sa lalamunan ko at nag simula nang mag tubig ang mata ko. Umiwas ako ng tingin. "w-wala na siya e... wala na..."

"Lil sis..."Tumayo si Ate at lumapit sa akin. Niyakap niya ako. Tuluyan na akong napaiyak. Niyakap ko nang mahigpit si Ate. Halos apat na taon akong hindi umiyak kaya parang gripo ang luha ko. Ang bigat-bigat parin sa dibdib na wala na siya. Hanggang ngayon hindi ko parin tanggap. hinihiling ko araw-araw na sana buhay pa siya dahil hindi pa raw sure na siya 'yon pero noong nalaman ko kay Tita Amelia na totoong patay na siya, parang gumuho ang mundo ko.

Ilang beses na akong humiling na sana ay pag-gising ko ay wala nang mabigat sa puso ko, naka move on na ako at malaya na ako pero hindi e. Nandito parin 'yung bakas ng sakit ng kahapon.

"L-Lil sis, i'm sorry... I'm so sorry..."umiiyak na paumanhin sa akin ni Ate habang hinahagod ang likod ko. Nahawa na siya sa iyak ko. Pinunasan ko ang pisnge ko at lumayo nang kaunti kay Ate. Inayos niya ang ilang strand ng buhok ko na kumalat sa mukha ko. He smiled weakly at me. "Makaka move on karin sakaniya okay? Tahan na... alam kong pagod kana... Nag sisisi rin ako dahil noong mga panahon na nag-iisa ka, wala kami ni Mama sa tabi mo, pasensiya na dahil wala si Ate... kung puwede ko lang akuin 'yang bigat sa dibdib mo, ginawa ko na. I'm sorry... lil sis... Tahan na..."

Pagpapakalma sa akin ni Ate dahil sa walang tigil na hagulgol ko. Hinahagod niya ang likod ko para pagaanin ang loob ko pero ni walang talab 'yon, mas lamang ang sakit sa puso ko.

"A-Ate gusto ko siyang makasama... Gusto ko siyang mayakap, mahalikan, lahat! Pero bakit niya ako iniwan?"Umiiyak na tanong ko. Bakas sa boses ko ang pagod at hinagpis. Napaiyak lang si Ate at hinaplos ang buhok ko. "S-Sabi niya, babalik siya. Umasa ako, nag antay ako pero bakit ang dumating sa akin abo niya?"

"I-I'm sorry... I'm sorry..."

"Mahal ko siya e... bakit? Bakit niya ako iniwan?!" Nagtangis ako at napatakip sa mukha ko. Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang hagulgol ko. Tanging iyak lang ang naitugon sa akin ni Ate.

"Ipagdarasal ko na sana ay matanggap mo na at makalimutan na siya. Alam kong masakit, pero hindi habang buhay na iikulong mo ang sarili mo sa nakaraan. Nandito ako, nandito si Mama at ang mga kaibigan mo, hindi ka namin iiwan, nandito lang kami. Mahal ka namin ni Mama lil sis, tahan na..."

Gabi na nang mag kahiwalay na kami ni Ate, sumama pa kase siya sa akin sa bayan para mamili ng ulam ko. After kase namin mag-usap ni Ate ay bumalik na ako sa trabaho ko. Mabuti ay hindi napansin ng mga kasama ko na namumula ang ilalim ng mata ko at pisnge ko pero naroon ang panay tingin nila sa akin lalo na si Attisha na halos hindi na matanggal ang tingin sa akin hanggang sa matapos ang shift ko.

Pasado alas otso y media na pero Marami rami paring tao na nag lalakad dahil maaga pa pero nag madali na rin akong umuwi dahil mag sasaing pa ako. May sarili kase akong apartment na hindi naman kalayuan sa pinag tratrabahuan ko.

Pagkarating ko sa bahay, ay nilapag ko muna sa lamesa ang ulam atsaka ako sumalapak sa sofa ko. Pagod na pagod ako. Nakapag pahinga naman ako pero parang ang bigat ng katawan ko...Or hindi katawan ang mabigat sa akin, puso ko?

Matunog akong nagpakawala ng hangin at tumitig sa ceiling. Ilang oras kong pinanood ang butiki roon na gumagapang. Napatili pa ako ng biglang nahulog siya at sumakto pa sa mukha ko kaya muntik na ako matalisod sa lamesa ko dahil sa pagkabigla. Parang kulog tuloy na lumagundong ang katawan ko sa sahig dahil sa lakas ng impact. Inis kong binato ang sapatos ko sa butiki.

"Bwisit ka! Dahil sa'yo maaga ako mamatay!"singhal ko at agad na inayos ang damit na nalukot. Inayos ko na rin ang lamesa ko na naurong saka na ako pumasok sa kwarto ko at nag half bath. Dalawang beses ko pa nilagiyan ng facial foam ang mukha ko dahil nandidiri ako roon sa butiki. Nang matapos ako ay sinuot ko ang pantulog ko na damit. Lumabas na ako sa kwarto ko para masimulan na ang gagawin ko.

Nag saing ako at nag luto ng pagkain dahil para bukas ay may kakainin pa ako pagkadating. Kumain narin ako pagkatapos. Nang natapos ako ay hinugasan ko ang plato ko at binalik 'yon sa lagayan. Nag lakad ako palabas ng kusina at kinuha ang bag ko na nasa sofa. Sinarado ko nang maigi ang pinto at ang ilang sliding door saka na ako pumasok sa kwarto ko para matulog na.

Nag set muna ako ng alarm para magising ako bukas. Humiga na ako sa kama ko at saka na ako natulog. Kinabuksan, ay maaga nga akong nagising dahil sa alarm clock ko kaya maaga rin akong nakapasok sa shop. Bumungad agad sa akin ang mabangong aroma ng kape at ang matamis na ngiti ni Attisha.

"Good morning, Threa! Ayos kana? Gusto sana kitang tanungin kahapon dahil napansin ko na parang umiyak ka? Ayos kalang?"bungad na tanong niya habang papunta kami ngayon sa locker room. Nadaanan pa namin si Ma'am Thaly. Nginitian namin siya pati na rin ang kasama niya.

"Oo, pero wala 'yon."sagot ko at hindi na pinahaba dahil ayaw ko na balikan 'yon. Nalulungkot lang ako. Mabuti naman ay hindi na siya nag tanong ukol roon at agad na iniba ang tanong.

"Mabuti ay maaga ka? Kahapon ay muntik ka nang ma late."

"Oo nga e, 'yong cellphone ko kase na lobat. Hindi ko pala na charge." nilagay ko sa locker ko ang bag ko. "Bihis lang ako."paalam ko sakaniya. Ngumiti siya at tumango.

"Antayin nalang kita sa labas."

Pumasok na ako sa CR saka na nag palit ng damit. Brown na collar shirt 'yon na may logo sa gilid na Autum's Cafè at ang partner no'n ay skinny jeans with belt on. Lumabas na ako habang inaayos ang subrero ko. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nang kuntento na ako ay lumabas na ako para tumabi kay Attisha at Chloe. Nag kwentuhan muna kami saglit. Nahinto lang nang may customers nang lumapit.

Hindi masiyado hustle ang trabaho namin dahil kakaunti lang ang customers. Dahil siguro sa bagong tayong milktea sa kabila kaya kakaunti lang ang pumapasok. Nabalitaan ko kanina na may promo sila kaya ayun, kakaunti lang tuloy ang nasaamin.

"Uy mga teh! May chika ako sainyo!"napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Vanessa. Nakita ko siya na kinikilig pa. Ngumunguya pa siya ng donut niya.

"Ano nanaman 'yang chika mo? Legit ba 'yan? Ang chismosa mo talaga. Kahapon may baon ka ngayon meron nanaman?"si Chloe na binabalewala ang i chi-chika ni Vanessa.

"Gaga! Pero hind ito galing kung sino! Galing ito sa twitter mismo!"

"Talaga? O sige, ano 'yon?" lumapit si Attisha sa amin.

"May nabalitaan kase ako sa Twitter sa Celebrity gossips... kilala niyo si Evora? 'Yung model ng CK at Chanel?" 

"Oy! Ano iyan? May mainit na kape nanaman?"napaangat kami ng tingin kay Jane na na tumabi narin sa amin para makinig. Wala naman umo-order at kanina umalis si ma'am Thaly kaya may oras kaming mag chikahan dito.

"Oh? Ano meron sakaniya?" baling ni Attisha kay Vanessa para ibalik ang topic dahil naputol nang sumingit si Jane.

"Ayon nanga! Ikakasal na raw!"namilog ang mata ko roon kasabay nang pagsinghap nila Attisha, Chloe at Jane pati si Vanessa ay napasinghap din.

"What?! Legit ba talaga 'yan?! Maraming rumors akong naririnig na engaged na raw si Evora pero hindi ako naniniwala!"Pasinghal na sinabi ni Chloe.

"Same. Atsaka ganiyan naman lagi sa industriyang 'yan! Wala naman bago." si Attisha na hindi rin naniniwala sa sinabi ni Vanessa.

"Hay nako! Vanessa!"

"But it's true mga bes! Wait! May ipapakita ako sainyo."sabi ni Vanessa at kinuha ang cellphone niya. Pinanood namin siyang nag swi-swipe ng kung ano roon at maya- maya ay may pinakita siyang picture ni Evora na nag post sa IG niya na naka wedding gown siya. Lalo ako nagulat. Totoo nga. Hindi malabo dahil ang ganda ni Evora at ang sexy pa. Hinahangaan ko nga siya e.

"Omy gosh! Legit nga!"Hindi makaniwalang bulalas ni Attisha. Kinuha ni Chloe ang cellphone ni Vanessa at tinignan 'yon. Halos mag kapalit-palit na ang mukha namin dahil sa pagtingin doon sa IG post ni Evora.

"See? And ito pa! balita ko ay hindi raw artista or co-model niya ang napapangasawa niya. Hindi pinapakita ang picture no'ng lalaki dahil gusto raw i private ng family. But i heard na from Delvano family? 'Yung mapapangasawa niya." Vanessa said that make me stunned. Did i heard it right? Devano?

"Wait... ano? Ulitin mo nga."nagulat rin na expression ni Attisha. Gulat siyang napatingin sa akin at binalik din agad ang tingin kay Vanessa.

"Devano, Devano 'yung mapapangasawa ni Evora. Gosh! I'm sure guwapo ang mapapangasawa niya dahil maganda si Evora kaya hindi imposible!"

Sa buong araw na 'yon ay panay ang tingin ko kay Attisha. Parang normal lang siya kung kumilos, nagagawa ngang mag biro e. Alam kong hanggang ngayon ay mahal niya parin si Jaden pero nagatataka ako kung bakit normal lang siya.

Matapos nang usapan namin ay bumalik na kami sa trabaho namin at pagkatapos ay nakipag palit muna kami para mag break.

"Ayos kalang ba, Attisha?" Tanong ko sakaniya. Nag lalaba siya ng towel sa sink. Napalingon siya sa akin.

"Oo naman." Tinitigan ko siya. Bumuntonghininga siya at pinigaan ang towel. "Kung nag-aalala ka saakin dahil doon ay huwag kang mag-alala. Matagal na akong naka move on kay Jaden. Oo, I'd loved him pero hindi siya 'yung taong tinakda para sa akin dahil kung kami, kami talaga pero hindi e, kaya ayos lang. Parehas naman naming tanggap na wala na kami. Atsaka, wala na rin akong balak buksan ulit nag puso ko pagkatapos namin mag hiwalay, masaya na akong single ako." Aniya at ngumiti.

Her smile was genuine. Talagang totoo siya sa sinasabi niya.

Sanaol naka move on na. Ako kaya kailan?

Simula nang mamatay siya ay wala narin akong balak mag mahal ulit. Masaya rin akong single ako, marami pa akong gustong tuparin sa sarili ko at sanay naman na akong mag-isa. Noong namatay si Papa ay ako nalang mag-isa na nakatira sa apartment na tinutuluyan namin. Pero lumipat na ako dahil gusto ko nang mag move forward at tanggapin na wala na si Papa.

Pero hanggang ngayon, parang hindi pa ako naka move on, masakit parin kase. Kung sino pa ang mga taong malapit sa puso ko, sila pa ang nawala sa buhay ko. Masakit, pero kailangan ko tanggapin ang totoo na wala na sila.

Bumalik na kami sa trabaho namin. Nakipag palit sa akin si Jane kaya ako ang nag se-serve ngayon.

"Hello ma'am, here's your order po."magalang na sinabi ko at nilapag ang dalawang mug sa harapan nila. Ngumiti sila sa akin at nag pasalamat. Bumalik ako ulit para kumuha ng order.

"Asthrea! Ikaw nga muna, naiihi ako."Napaangat ang tingin ko kay Attisha.

"O sige," nag lakad ako papunta sa puwesto niya.

"S-Sige salamat! Gosh! Lalabas na ata!" Natawa ako habang pinapanood si Attisha na tumakbo papunta sa CR.

"Hayss ang boring! Wala bang guwapong papasok sa shop natin? Gusto ko ganahan!"atungal ni Chloe na na lapag ng tray sa gilid ko. Sumandal siya at humalukipkip.

"Oo nga e, sana may pumasok!" Sabat ni Vanessa sa gilid ko. Pumalumbaba siya habang naka tingin sa pintuan na may pumapasok na estudyante.

"Tss, nag hahanap pa kayo ng guwapo, hindi paba ako sapat?" Sabay kaming napalingon sa kanan nang mag salita si Waren. Sabay kaming napangiwi. Pabirong hahampasin ni Chloe ng tray si Waren.

"Napaka epal mo! Lumayas kanga!"

"Tss nag bibiro lang e." Kumamot si Waren sa likod ng ulo niya. Pinandilatan lang siya ni Chloe.

"Speaking of guwapo! May paparating na guwapo tayong customer!" Napalingon kami kay Summer na may hawak na tray. Namimilog ang mata niya at namumula.

"Weh?! Saan?!"

"Ayun oh! Papasok siya rito."Nguso niya sa pinto. Hindi ko kita dahil may naka takip na sign board.

"Omgee! Ang guwapo nga!" tili ni Chloe at inalog alog pa ako.

"Hay sa wakas! Magaganahan na akong mag trabaho! Hi sir! Welcome to my life!Este sa Atumns cafè!"Natigilan ako nang makita ko na ang mukha no'ng tinutukoy nila. Ngumiti siya sa mga kasama ko at nang makalapit na siya ay nag tama ang paningin namin.

"S-Samien..." Nangangatog na usal ko. Para akong maiiyak dahil hindi ko alam kung nanaginip ba ako? Kinurot no ang sarili ko pero dahil baka nag iimagine lang ako pero hindi! Totoo siya at nasa harapan ko siya!

Nagsimula nang manlabo ang paningin no dahil sa namumuong luha sa mata ko.

Nakatingin siya sa taas kung saan nakalagay ang coffee menu. Matagal siyang naka tingin doon.

"One Latte and..." He trailed off. Bumaba ang tingin niya sa akin. "your number miss." Tumulo ang luha ko.