K A B A N A T A 2
"Talaga lil sis?! Anong pangalan niyan?! Guwapo ba?! Taga saan?! Saan mo nakilala?!" sunod-sunod na tanong ni Ate sa akin. Pulang-pula na ang mukha ko habang kinukwento ko sakaniya 'yon.
"Schoolmate ko po Ate."
"Omy God! Isa itong himala! Tama talaga si Lola Onor! May himala!" bulalas ni Ate. Natawa ako nang bahagiya dahil sa reaction niya. "Kailan pa 'yan lil sis ha?! Sabi mo dati wala kang pake alam sa mga ganiyan tapos ngayon? Wow! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!"
"Ate, kahapon ko lang naman naramdaman 'yon—"
"OmyGod!"she exclaimed. "Na love at first sight ka?! My gosh Lil sis! Hindi talaga nag lalayo ang dugo natin!" Napangiwi ako at bahagiyang natawa. Si Ate talaga.
"Alangan Ate! Tumigil ka nanga. Ang ingay mo. Marinig pa tayo nila Mama sa baba."bilog na bilog ang mata niya habang naka tingin sa akin.
"Anong name niyan?"tanong niya at agad na binuksan ang laptop niya. Tumayo ako at tumabi sakaniya.
"Samien."
"Samien...?"
"Hindi ko alam surname niya e, Samien lang naririnig ko." tumango siya at nag type sa search bar sa facebook. Maraming lumabas na Samien ang name pero nahinto ang tingin ko sa isang account na nasa unahan.
"Asan siya riyan? Ang daming Samien."
"Try mo tignan ito 'te."sabay turo ko sa bilog na profile na nasa unahan. Sinunod niya naman sinabi ko. Napaawang ang labi ko. Siya nga ito.
"Siya iyan?"tanong ni Ate. Nilingon ko siya at tinanguan. "Samien Silvano? Parang wala naman akong nababasa sa magazine na mayayaman na family na may surname na Silvano?Mayaman ba siya Lil sis? Sa tingin mo?" tanong ni Ate pero hindi ko siya muna sinagot at tinitigan ang profile picture ni Samien.
Hindi kita ang mukha niya roon. Naka side view siya habang naka tuko ang dalawang braso sa barandilya, malayo ang tingin. Naka white plain t-shirt siya at gray sweat pants.
Nasa beach siguro siya dahil may dagat akong nakikita.
"Hindi ko alam Ate e, pero mukhang may kaya sila."Sagot ko. Inalala ko ang bahay kung saan huminto ang tricycle kanina. May kaya lang siguro sila dahil kung mayaman siya, hindi siya sasakay sa tricycle. Ewan ko, hindi ko pa naman siya kilala ng lubos.
"Gano'n ba?"clinick ni ate ang profile picture ni Samien. "Ay... hindi kita ang mukha pero feeling ko guwapo ito, side view palang e. Guwapo ba lil sis?"baling sa akin ni Ate. Uminit ang pisnge ko. Pumasok sa utak ko ang mukha ni Samien. Napangisi si Ate nang mawalak nang mapansin ang pamumula ng pisnge ko. "Hmm..."
"U-Uh... S-Sakto lang Ate."nauutal na sagot ko. Natawa siya at kinurot ang pisnge ko. Inis kong pinalo 'yon.
"Gosh Lil sis! I'm so happy for you! But, huwag muna mag bo-boyfriend ha? If manligaw siya sa'yo tell me okay?"sabi niya at ngumiti. Ngumuso ako.
Malabo naman ang sinasabi ni Ate.
"Ate, hindi naman ako liligawan no'n."
"Asuss! Lil sis, baka nakakalimutan mo? may ganda tayo, hmm."nilagay pa ni Ate ang ibabaw ng kamay niya sa ilalim ng baba niya. Ngumiwi ako.
Alam ko naman 'yon, pero mas maganda si Ate kaysa sa akin. Si mama kase ay dating modelo, gano'n din si Papa kaya hindi kataka taka na maraming nag kakagusto kay Ate. Saakin? Ewan ko, parang wala? Pero hindi ko naman hinihiling 'yon.
"Kahit na Ate. Diba nga? Sabi nila, walang panama ang ganda sa taong may mabuting puso. Kaya aanihin pa ang ganda kung pangit naman ang ugali?"umurong ang ulo niya at nginusuan ako.
"Bakit? Pangit ba ugali mo?"
"Ewan?"humirit ng tawa si Ate at niyakap ako.
"Ikaw talaga Lil sis, maganda ka at busilak din ang puso mo. Pinalaki tayo ng tama ng magulang natin kaya walang rason para maging masama tayo. Okie? Atsaka, lil sis, kahit hindi ko pa nakikita ng personal 'yang si Samien. for sure, mag kakagusto rin 'yan sa'yo."
Ngumuso ako. Pinaapas naman ako ni Ate e!
"Hindi, 'no. Ang daming mas maganda pa sa akin sa school at sa mga babaeng makaka salamuha niya kaya malabo."kumalas siya sa akin at hinaplos ang wavy na buhok ko.
"Hmm... Mas maganda ka parin lil sis. But 'di bale, bata kapa lil sis. It's okay to have crush on someone but dating? No. Just focus on your study first before you enter that. Okay?"huminga ako nang malalim at tumango.
Alam ko naman 'yon dahil bata pa ako. Wala pa sa isip ko 'yan dahil baka hindi ako pag-aralin ni papa at pauwiin ako sa bacolod at pagtanimin ng tubo roon.
Alas syete y media nang tawagin kami ni Mama para kumain na kaya sabay na kaming bumaba ni Ate. Nakahain na ang pag-kain pagka baba namin. Nag simula na kaming kumain. Tahimik kaming kumakain nang mabasag lang dahil nag salita si Mama.
"Nga pala, sa sabado ay aalis kami ng Papa niyo dahil mamimili kami sa bayan. Lovely, huwag kayong lumabas labas habang wala ako ha? Walang tao rito sa bahay."Bilin ni Mama.
"Yes po, Ma."
"May gagawin kaba, Asthrea? May assignments kaba? Projects?" tanong ni Mama sa akin.
"Wala naman po ma, puro check lang po kami."Sagot ko. Tumango siya at nag patuloy na sa pag-kain. Gano'n narin ang ginawa namin. Nang matapos kami kumain ay tinulungan ko si Ate na ligpitin ang pinag-kainan namin. Sinabi ko kay Ate na ako na ang mag huhugas ng pinggan, pumayag naman siya.
"Gusto mo lil sis?"napalingon ako kay Ate. Inaalok niya ako ng Tangerine.
"Ayoko Ate, salamat."bumalik ako sa pag babanlaw ng baso. Nang matapos ako ay binalik ko na sa lagayan ang hinugasan ko.
"Matutulog kana?" tanong ulit ni Ate.
"Opo, maaga pa ako papasok bukas Ate."
"O sige, good night."Ngumiti siya. Ngumiti rin ako pabalik. Nauna na akong umakyat. Naabutan ko si Mama na ang tutupi ng damit sa sala. Wala si Papa siguro ay nasa taas na.
"Ma, matutulog na po ako."Paalam ko. Napaaagat siya ng tingin.
"O sige, good night anak."Ngumiti siya. Lumapit ako. Hinalikan niya ang noo ko. Pagkatapos ko mag paalam ay umakyat na ako sa taas. Lumapit ako sa bag ko at kinuha ang cellphone ko. Pasado alas nuebe y media na. Nilapag ko 'yon sa night table ko at kinuha ang alarm clock ko para mag set ng alarm. Nahiga na ako sa kama ko saka na ako natulog.
Kinabukasan, hinatid ako ni Ate sa paradahan ng jeep. Sabay kase kaming umalis ng bahay. Si Ate ay may trabaho na, sa quezon city pa ang trabaho niya samantalang ako ay sa Maynila pa ang school ko.
"Lil sis, ingat ka ha?"bilin ni Ate sa akin nang nasa pila ako habang inaantay ang sasakyan ko na jeep.
"Opo Ate. Ikaw rin po."ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko.
"Kapag nagkaroon ng pera si Ate bibili ako sasakyan para sa atin. Para mahatid kita. Nag-aalala kase ako sa'yo, mag isa kalang bumabyahe."huminga ako nang malalim.
"Ayos lang ako Ate, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko. Atsaka, meron akong pepper spray sa bag ko in case something happens"
"Huwag mo nang hilingan na mangyari 'yon. O siya, nandiyan na ang jeep."napatingin kami sa Jeep na paparating. Humarap muli si Ate sa akin. "Mag-iingat ka ha?" ngumiti ako at tumango.
"Opo Ate."huminga siya nang malalim at hinalikan ang ulo ko.
Pinanood ako ni Ate na sumakay sa Jeep. Inantay niya talaga na umandar ang Jeep bago siya umalis. Bumuntonghininga ako at napatingin sa cellphone ko nang tumunog 'yon.
From: Baliw kong Ate
Text me or call me kapag nasa school kana ha? Ingat lil sis, love you <3
Napangiti ako sa Text ni Ate. Si Ate talaga sobrang protective sa akin. Noong bata kase ako muntikan na akong kahanin ni Lord dahil noong nasa crib ako nasira 'yung crib e, mataas 'yon kaya nauntog daw ang ulo ko. Ilang araw na daw akong tulog. Muntikan panga umabot ng isang taon, pero sa isang taon daw na 'yon ay nawalan daw ako ng heartbeat. Akala nila Mama ay mawawala na ako pero isang himala na gumalaw raw ang kamay ko kaya nandito ako ngayon.
Kaya gano'n nalang si Ate ka protective sa akin dahil na trauma siya sa nagawa niya kahit hindi niya naman kasalanan. Kaya kapag aalis sila Mama ay hindi ako pinapalabas ni Ate. Kapag may project naman ako ay sumasama siya kahit na may trabaho siya dinadala niya ang laptop niya. Hindi siya makakatulog ng wala ako sa paningin niya.
Halos Isang oras akong nasa byahe. Naka sakay na ako ng LRT ngayon. Mabuti ay walang gaanong pasahero. Karamihan sa nakikita ko na sumasakay ay mga estudyante rin. Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag 6:45 palang. Maaga pa.
Nawala ang tingin ko sa relo ko nang bumukas ang pinto. Agad na nangunot ang noo ko nang makita si Aziel. May kasabay siyang babae. Bahagiyang tumaas ang kilay ko nang makitang nakapulupot ang kamay niya sa bewang ng kasama niya.
Sinundan ko sila ng tingin. Naupo sila sa hindi kalayuan na upuan. May binulong na kung ano si Aziel do'n sa babae dahila para kiligin ito. Napangiwi ako at napairap.
Kahit saan ko siya makita, ang daming babaeng nilalandi. Napaka womanizer.
Napailing ako at umiwas ng tingin. Napansin ko na may mga ilang babae na nakasimangot na tinitigna sila. May ilan naman na nandidiri roon sa babae at pinag bubulungan nila.
Inalis ko na ang tingin sakanila at may kinuha sa bag ko na babasahin para hindi ako ma buryong. Nag lilipat ako ng page nang makita ko na may nakatayo sa harapan ko kaya nag angat ako ng tingin. Agad na kumunot ang noo ko nang malaman kung sino 'yon.
"Bakante?"Tanong niya. Tumingin siya sa tabi ko. Sumulyap ako roon.
"Siguro?"pinigilan ko na hindi maging sarkasmo ang tono ng boses ko. Bumalik ako sa pag babasa.
"Sungit."aniya at naupo sa tabi ko. Naamoy ko pa ang panlalaki niyang pabango nang tumabi siya sa akin. Napairap ako ng palihim at iniwas ang tingin sakaniya at nag patuloy sa pag babasa.
"Nag babasa karin pala niyan?" Kunot noo akong nilingon siya. "May complete volume ako niyan, bigay ko na sa'yo, gusto mo?" Alok niya. Napairap ako.
"No. Thanks." sagot ko nang hindi naka tingin sakaniya. Naramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon. Nakita ko na nay text si Ate.
From: Ate Baliw
Lil sis, nandito na ako sa trabaho ko. Nasa byahe kapa ba? Text me ha?
To: Ate Baliw
Nasa LRT pa po ako Ate, pero po malapit na po ako.
"Asthrea right?"Pairap ko siyang hinarap. Naubusan na ako ng pasensiya sa lalaki na ito."'Yon! Akala ko hindi mo ako papansi—"
"Wala kabang maka-usap?"mataray na tanong ko. Bahagiya siyang natigilan at tila namangha sa kung anong bagay.
"Meron."
"O, e 'di siya ang kausapin mo. Atsaka, bakit kaba nandito ha? Bumalik kanga sa kasama mo."Inis na sanabi ko at nag type ng reply kay Ate.
To: Ate Baliw
Opo Ate. Ate, may nakatabi ako rito na baliw.
Agad-agad naman si Ate nag reply. Natawa ako ng bahagiya sa reply niya.
From: Ate Baliw
Ha?! Baliw?! Paano may nakapasok na baliw riyan?! Lumipat ka ng upuan lil sis! Sinasaktan ka ba niyan?! Tell me ipapahuli ko iyan!"
Natawa ako sa text ni Ate. Si Ate talaga, napaka protective sa akin. Mag titipa na san ako pero narinig ko na ang salita ang katabi ko.
"Tumigil kamuna sa pakikipag text, nandito na tayo."Inis ko na inangat ang tingin ko. Umiigting ang panga niya at matalim na nakatingin sa cellphone ko pagkatapos no'n walang sabi na lumabas ng Tren.
"Epal leche!"Inis na bulong ko. Tama nga siya nandito na kami. Hindi ko namalayan ang pag hinto ng LRT. Padarag kong sinukbit ang bag ko at tumayo. Nag lakad ako palabas at binilasan ang lakad ko para maabutan siya. "Hoy! Ikaw! Epal ka!"singhal ko sakaniya nang maabutan ko siya. Huminto siya. Blangkong mukha niya akong tinitigan. "Puwede ba? Hindi kita kilala at huwag mo nga ako kausapin! Feeling close ka?!"pagkatapos kong sabihin 'yon ay pairap ko siyang tinalikuran at nag madaling nag lakad palabas.
Agad ko natanaw si kuya Tony kaya tumakbo ako at lumapit sakaniya. "Oh, hija," nakangiting bati ni kuya sa akin. Ngumiti lang ako nang tipid at pumasok sa tricycle niya.
Sira tuloy ang araw ko. Bwiset na lalaki na'yon!
Alam kong wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero ayaw ko talaga ang presensiya niya. Mukha palang niya, sira na araw ko.
"Bad mood?"nabalik ako sa ulirat at napatingin sa tabi ko. Bahagiyang napaawang ang labi ko nang mapagtanto ko kung sino 'yon.
Omy si Samien! Hindi ko pala namalayan na sumakay na pala siya. Nawala tuloy ang kunot na noo ko at agad na pinamulahan ng mukha.
"A-Ah... hindi naman..."Nag sinungaling pa ako.
Tumango siya at ngumiti. Gosh! Parang nag brightened up agad ang araw ko!
Tuloy, para akong tangang palihim na nakangiti. Pagkarating kase namin sa school ay sumabay pa siya sa akin papasok. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong sumabak sa karera. Pinag titinginan kami habang papasok. Tiyak akong kakalat nanaman ang panibagong chismis.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkaapak ko palang sa room ay sinalubong agad ako ni Kira. Bilog na bilog ang mata niya. "Asthreaa! Totoo ba ang sabi nila na kasabay mo raw si Samien pumasok?!"Inalog-alog niya ako. Hindi makapaniwala sa nalaman niya.
"Kira—"
"Sagutin mo ako Threa! Omy gosh!"inalog alog niya ulit ako lalo.
"Oo, sasagutin kita pero sandali paupui—"
"Threaa! Totoo ba?! Kasabay mo raw si Samien?!"Napairap ako. Dinumog na ako ng mga kaklase ko.
Bumuntong hininga ako at tinignan sila.
"Paupuin niyo muna ako puwede?"Nataranta sila.
"Oy paupuin daw!"
"Bakit kase hindi niyo muna pinaupo si Asthrea?!"
"Threa! Bakit ka sumama sa lalaki na 'yon? He's poor!"
Natigilan ako sa pag lapag ng bag ko sa upuan. Kunot-noo kong nilingon si Jenina Ang kaklase kong mala coloring book ang mukha.
"Bakit? Anong masama roon?"takang tanong ko. Bigla ko naalala ang usapan ni Kitty at ang kapatid niya kahapon.
Bakit big deal sakanila ang pagiging mahirap ni Samien?
Mahirap ba siya? Hindi naman ah?
Dahil ba itong school namin ay tanging mayayaman at may kaya lang ang puwede makapasok?
Ako kase kaya lang naman ako nakakapasok dito dahil kay Ate. Pero bakit ganiyan sila? Nakapa judgemental naman ng mga ito. Kaya ba walang gaanong lumalapit kay Samien dahil tingin nila mahirap lang siya?
"Look, Asthrea, this school is very well known at tanging mayayaman lang ang nakakapasok dito and i heard na kaya lang naman nakapasok si Samien dito dahil sa step mother niya. And... well... he's definitely hot and handsome. But err still, he's poor!"
Nag init ang ulo ko dahil sa sinabi ni Jenina. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para pagsalitaan siya pero naunahan ako ni Kira. "Hoy! Ang judgemental mo naman Jenina! Busangalan ko 'yang bunganga mo e!" agad kong pinigilan si Kira nang akma siyang susugod kay Jenina. Nag kagulo na ang mga kaklase ko dahil sa na mumuong away.
"Why? It's true!"
"Anong true?! Matapobre ka kamo!"
"What's the matter here?!" nagulantang kami sa biglaang sigaw ni Ma'am Zoraita. Isa sa terror teacher namin. Agad na nag kagulo ang mga kaklase ko at ang si balikan sa kaniya-kaniyang puwesto."Hindi na talaga ako magugulat pa dahil sa lahat ng section na hinawakan ko, kayo ang pinaka worst!"
Hinila ko ang braso ni Kira para maupo na siya sa upuan. Matalim niyang sinundan ng tingin si Jenina.
"Lecheng babaeng 'yan! Napaka judgemental talaga niyan kahit kailan. Kaya lang naman siya yumaman dahil nakapag asawa ng foreigner ang Mama niya!" gigil na bulong sa akin ni Kira. Hindi alintana ang sermon ni ma'am.
"Ms. Villiaz! Ikaw nanaman ang nangunguna! Kababae mong tao napaka basugulera mo!"
"Isa pa tong minion na teacher na ito, judgemental din. Pasibak kita e."muntik na ako matawa sa sinabi ni Kira. Paano kase palaging si Kira ang target niyang pahiyain palagi. Kahit na ang Tito ni Kira ay isa sa share holders ng school na ito.
Halos kalahating oras si Ma'am nanermon sa amin. Mga inaantok nanga kami e dahil halos kabisado nanamin ang sermon niya. Si Attisha nga na nasa unahan ko ay ginagaya niya si ma'am kaya halos kaming mga nakakarinig ay nag pipigil ng tawa.
Si Ma'am talaga. Walang kasawa sawa sa pa nenermon. Ewan ko ba kung deserve niya respetuhin e wala nga siyang ginagawa kundi ang pahiyain kami. Wala nanga siyang tinuturong maayos sa amin, puro siya kwento tungkol sa buhay niya. E di sana hindi nalang siya nag teacher.
"Hayy sa wakas! Natapos din ang klase ng minion na'yon! Kairita! Wala nanga tayo natutunan sakaniya e!"bulalas ni Kira habang papunta kaming canteen. Nakikinig lang ako sa mga hinanaing niya.
"Hayaan mo na. Kalimutan mo nalang. Tapos naman na."Bumuntonghininga siya.
"Mabuti panga!"
Pagkapasok namin sa canteen ay hindi gaano ang dami ng estudyante. Karamihan kase ay nasa field or 'di kaya naman ay nasa gazebo. Nag hanap ako ng bakenteng upuan. Inikot ko ang tingin ko sa kabuohan ng canteen pero hindi ko inaasahan na mapapahinto ang tingin ko sa dulong bahagi ng canteen. Walang gaanong tao roon at taging si Samien lang. Kumakain siya ng sandwich habang nag babasa ng libro.
"Huy! Sino nanaman tinitignan—Oh, si Samien 'yon ah? Asan si Aziel?" napalingon ako kay Kira nang siniko niya ako nang mahina. Nakatingin na rin siya sa puwesto ni Samien.
"Ewan. Order kana, mag hahanap lang ako ng table natin."Sabi ko.
"Ha? O sige,"lumingon ulit ako sa puwesto ni Samien. Nakita ko na may dalawang babaeng lumapit sakaniya. Bahagiya pang kumunot ang noo ko ng mapansin na may inabot sila na kung ano kay Samien pagkatapos no'n ay umalis na 'yung dalawang babae. Sinundan ko ng tingin sila. Mukha pang kinikilig 'yung isa at yung isa naman ay namumula.
Binalik ko ulit ang tingin kay Samien. Kunot-noo niyang tinignan 'yung sobre pagkatapos ay pinasok niya sa bulsa niya 'yon at nag patuloy sa pag babasa.
Umiwas ako ng tingin at dumeretso sa hindi kalayuan sa puwesto niya dahil nakita ko na bakante 'yon.
Ano kaya 'yung binigay ng dalawang babae na 'yon? Love letter?
Alam kong kahit sinasabi nilang mahirap lang si Samien, may mga nag kakagusto parin sakaniya rito. Ewan ko ba sa school na ito, karamihan sa estudyante rito ay matatapobre. Paano, laki sa karangyaan e. Parang takot maputikan o madungisan.
Ang aarte, pare parehas lang naman mababaho tae natin.
"Huy! Tulala ka nanaman! Nakakapanibago ka talaga Threa ha!"napagitla ako sa gulat nang biglang may nag salita. Napaangat ako ng tingin kay Kira. Nandito na pala siya, hindi ko naramdaman.
"H-Ha?"
Bumuntong hininga siya.
"Hay nako! Oh, banana cake mo at mogu mogu. Gutom kana siguro."aniya at nilapag sa harapan ko ang pagkain. Tumango nalang ako at kumagat sa banana cake. Pasimple akong sumulyap sa puwesto ni Samien. Namilog ang mata ko at nabilaukan. "Oh?! Threa! Dahan dahan lang kase, gutom ka talaga?" agad akong inabutan ni Kira ng tissue at tubig.
Bahagiya kong pinapalo ang dibdib ko habang umiinom ng tubig. Nang mahimasmasan ako ay nilapag ko 'yon.
Bakit naman kase sumaktong nakatingin siya sa akin?!
"Oh? Ayos kana?"lumunok ako at tumango. Binuksan ko ang mogu mogu ko at uminom doon. Halos makalahati ko na 'yon nang binitawan ko. "Baka gusto mo pa? Ano order pa ako?"
"H-Hindi na, Kira. Salamat."
Tumawa siya.
Nag patuloy na ako sa pag-kain ko. Hindi na ako lumingon roon dahil baka nakita niya ang nangyari sa akin. Nakakahiya!
Pagkatapos ng break time namin ay bumalik na kami sa room. As usual, gano'n parin puro check at pag taas ng kamay lang naman. Tatlong araw kaming ganito kaya baka bukas ay simula na ng 2rd quarter.
"Threa, mauna na ako sa'yo ha? Nag text na kase ang driver namin nandiyan na raw siya." paalam ni Kira sa akin pagkatapos ng klase. Nasa locker area kami ngayon.
"Hm, sige. Ingat ka."Nginitian ko siya.
"Okie! You too! Love yah!"kumaway siya sa akin at pagkatapos no'n ay lumabas na siya. Humarap ako muli sa locker ko at sinarado na 'yon. Niyakap ko ng mahigpit ang libro ko at saka na lumabas roon. Natigilan ako nang sumalubong si Azeil, papasok palang siya ng locker area.
Nagulat din siya katulad ko pero agad na lumamig ang tingin niya. Napairap ako at umiwas sakaniya saka na lumabas doon. Napangiti ako nang makita si Samien sa waiting shed. Nag lakad ako papunta roon. Napansin ko na may kuting na nasa lap niya habang siya ay nag babasa ng libro. He's intently looked at my direction kaya napaiwas ako agad ng tingin.
Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko sa kaba. Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Nakita niya tuloy na nakatingin ako sa kaniya! Sana hindi niya napansin! Nakakahiya! Dalawang beses na ha!
"Ayos kalang?"natigilan ako at napaangat ng tingin. Nagulat ako nang si Samien 'yon.
Napansin niya kaya na nakatingin ako sakaniya? Nakuu naman, Threa!
"H-Ha? Oo ayos lang."muntikan na mautal na sagot ko. Napatingin ako sa pusa.
"Do you want to touch her?"tuluyan na akong napatingin sakaniya.
"Puwede?"Tumango siya. Napangiti ako at hinawakan ang kuting. Tulog siya sa kamay ni Samien. Ang cute niya. Kakaiba ang kulay niya. Kulay abo siya na may black na halo na kulay sa tainga niya.
"Nakita mo na si Mang Tony?" Inangat ko ang tingin sakaniya
"Hindi pa."sagot ko at binaba ang kamay ko. Tinignan ko siya. "Mahilig ka sa pusa?" tanong ko.
"Hmm." napaawang nang bahagiya ang labi ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil may nalaman ako tungkol sakaniya.
He like cats!
"Samien my friend! Akala ko umuwi kana? Nandito ka pa pala?"nawala ang ngiti sa labi ko nang umepal si Aziel. May kasama siyang babae pero ibang babae 'yon. Napatingin siya sa akin. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng blankong mukha.
Inirapan ko siya.
Okay na e, umepal nanaman itong bwiset na ito!
Iniwas ko ang tingin sakanila pero hindi ko maiwasan na mapasulyap sa kasama niyang babae.
"Gusto mo sumabay pre?" Maganda siya, hindi katulad no'ng babaeng kasama niya kanina mukhang coloring book ang mukha.
"Hindi na pre, salamat." Tumango si Aziel at sumulyap sa akin. Inirapan ko lang siya at iniwas na ang tingin.
"Let's go, Claudia." Nakita ko na napakunot ang noo ng babae.
"Claudia?! I'm not Claudia!"
"P-Pauline, let's go." Hinuli niya ang kamay nito pero padarag na kinuha 'yon ng babae.
"The heck! My name is Herlene! Not Claudia or Pauline! Damn you! Break na tayo!" gusto kong humagalpak ng tawa nang iwanan siya ng babae niya. Napailing nalang ako.
'Yan! Buti nga saiyo!
Natawa si Samien at tinapik ang balikat ni Aziel.
"You better change your lifestyle, bro. Maraming kinakarma sa pangbabae." Sinaman siya ng tingin ni Aziel at inalis ang kamay ni Samien sa balikat niya.
"Tss."
Napatingin ako sa gate. Nakita ko si Kuya Tony na nag aantay roon.
"Samien, tara na. Nandoon na si Kuya Tony."Singit ko sa usapan nila. Napatingin si Samien sa akin.
"Alright. Muna na ako bro."Paalam niya at tinapik ulit nag balikat ni Aziel. "Let's go?"anyaya sa akin ni Samien. Ngumiti ako at tumango. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakaniya pero nasa harapan ang tingin niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko.
Nag lakad na kami palabas pero hindi ko maiwasan na mapalingon sa puwesto ni Aziel. Nakatayo lang siya roon at malamig ang tingin sa akin. Umiwas siya ng tingin at nag lakad na paalis.
Huminga ako ng malalim at nag patuloy nalang sa paglalakad.