Chereads / Wishing On A Star ( Tagalog ) / Chapter 2 - WOAS: 01

Chapter 2 - WOAS: 01

K A B A N A T A  1

"Kaunting tiis nalang Threa, kaya mo iyan!" pagbibigay lakas ko sa sarili ko. Halos hindi na kase ako makahinga dahil sa dami ng tao rito sa loob ng LRT. Nasiksik na ako sa gilid. Tapos dagdag pang hindi ako gano'n ka tangkad.

Mahigpit kong niyakap ang bag ko. Hindi na ako makahinga sa totoo lang! Napatingin ako sa labas nang makitang lumiwanag. Pumikit ako at humiling na sana ay mabawasan na ang tao para naman makahinga ako. Hindi panga ako nakakarating ng school, amoy pawis na agad ako.

"Hayop ka bastos! Akala mo hindi ko napapansin na kanina mo pa kinikiskis sa likod ko 'yang ano mo ha!" saktong huminto ang Tren nang makarinig ako ng ingay galing sa likod ko. Napatingin ako roon. Isang babe ang nag sisigaw roon sa isang lalaki. May iilan na pinag titinginan sila pero ang iba ay hindi pinansin dahil nag mamadali nang lumabas.

"Miss, hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Aba! Nag mamaang maangan kapa ha?!Ipapakulong kita! Tatandaan ko 'yang surot mong mukha! Manyak!" Sigaw ng babae roon sa lalaki. Pinanood ko 'yung babae na padabog na lumabas. Huminga ako nang malalim.

Hay sawakas! Nakahinga rin nang maayos!

"Tsk! Nasisi pa, sa guwapo kong ito? Ako manyak?!"Dinig ko na bulong no'ng lalaki. Hindi siya gaanong malayo sa akin kaya naririnig ko ang hinanaing niya. Pinasada ko ang tingin ko sakaniya mula ulo hanggang paa.

Ka school mate ko pala siya dahil parehas kami ng logo ng school. Pero parang mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Natigilan ako at agad na nag iwas nang tingin nang mapabaling ang tingin niya sa sa gawi ko. Nag panggap akong walang nakita.

Sana naman hindi niya napansin ang pagtingin ko sakaniya. Baka isipin niyang tinitignan ko siya.

Naramdaman ko na umandar na ulit ang Tren. Sa next station na ako baba. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone kong 3310. Oo, kahit nasa kasalukuyan na na panahon ay gumagamit parin ako nito. Ayaw ko manghingi kila mama na bilhan nila ako ng touch screen na cellphone, kahit kaya naman namin bumili ay ayoko parin.

Okay pa naman ito, hindi pa naman sira.

From: Ate Baliw

Lil sis! Nasa school kana?

Basa ko sa text ni Ate.

To: Ate Baliw

Wala pa. Pababa palang ako ng Tren.

Agad-agad naman nag reply si Ate.

From: Ate Baliw

Gano'n ba? Sige, ingat ka. :)

Tinago ko na sa bag ko ang cellphone ko. Nakita ko na malapit na ako dahil lumiwanag na. Natigilan ako nang makarinig ako ng tikhim mula sa likod ko. Napalingon ako.

"I'm Aziel."pakilala ng lalaki na kaninang pinag bintangan. Tumaas ang kilay ko at tinignan ang kamay niyang nakalahad. Napansin niya na hindi ko 'yon tinanggap kaya binaba niya nalang at kapagkuwan nag pagpag ng kamay.

Alam kong bastos pero hindi kase ako basta-basta nakikipag usap, ayon ang bilin sa akin ni Ate. Lalo pa't sinabi ng babae na Manyak daw siya.

Hindi sa judgmental, ayaw ko lang na nakikipag usap sa kahit na sino.

"Sorry. You don't talk to strangers?"Tanong niya.

"Obviously."pinilit ko na hindi maging sarkasmo 'yon. Napatango siya. Inalis ko na ang tingin sakaniya at napatingin sa labas.

Hindi na niya ako kinausap pagkatapos no'n. Mabuti naman may decency naman pala siya sa katawan.

Maya-maya ay huminto na ang Tren. Tumayo ako ng maayos at inanatay na bumukas ang pinto. Pinauna ko muna ang ilang matatanda bago ako sumunod. Napatingin ako sa wrist watch ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil maaga pa 8 ang simula ng class namin, wala namang flag ceremony dahil tuesday ngayon.

"Kuya Tony! para po!"tinaas ko ang kamay ko para makita ako ni kuya. Kilala ako ni Kuya dahil palagi akong sumasakay sakaniya.

"Aga mo ah?" nakangiting sinabi niya. Natawa ako nang bahagiya.

"Opo,"sagot ko at pumasok na sa loob.

"May dadanan lang ako sandali hija ah? Maaga pa naman." nilingon ko si Kuya Tony.

"Sige po. Ayos lang po."Sagot ko. Tumango naman siya. Pinaandar niya na ang tricycle. Sinandal ko ang likod ko sa sandalan. Naramdaman ko na huminto ang tricycle sa kulay abo na gate.

"Mang Tony!"Dinig ko na boses ng lalaki.

Siya ba 'yung sinabi ni kuya Tony na dadaanan namin?

"Hijo, kanina kapa ba nag aantay?"

"Hindi po, ayos lang. Maaga pa naman." Bahagiya akong sumilip sa labas. Sumakto pa na nag tama ang paningin namin no'ng lalaki. Natigilan ako at napatitig sakaniya.

Ang guwapo niya.

"May sakay po pala kayo,"sabi niya at ngumiti sa akin. Naramdaman ko na biglang uminit ang pisnge ko kaya agad akong nag iwas ng tingin. Umurong ako at sumagad sa gilid para maka upo siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit?

Hindi tuloy ako mapakali buong byahe. Nag tataka nga ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sanay naman ako na may kasabayan pero ngayon lang ako na unease ng ganito. Na parang kaunting galaw ko lang ay i ju-judge niya na ako. 

Maya-maya ay huminto na ang tricycle sa tapat ng gate. Muntikan pa akong hindi makapag bayad kay kuya dahil nangangatog ang kamay ko. Paano, nakatingin kase siya sa akin 'yung lalaki kaya nag mamadali na akong umalis. Hindi ko na kase kaya itong unease na nararamdaman ko. 

"Threaa! Good morning! Akala ko pa naman ay mga Seven kapa darating!"sinundan ko ng tingin 'yung lalaking nakasabayan ko kanina. Bahagiya pang kumunot ang noo ko dahil familiar 'yung lalaking sumalubong sakaniya.

"Threa? Nakikinig kaba?"

Teka... hindi ba siya 'yung... ano nga ulit name niya?

"Threa!"

"Ay kiki mo!—Kira?! Bakit kaba nanggugulat!"Inis na gulat na singhal ko. Humirit siya ng tawa at tinuro ang mukha ko.

"Galit yarn?! Hahaha!"

"Ewan ko saiyo."Inirapan ko siya. Humirit ulit siya nang tawa at sinundan ako papuntang locker room.

"Paano ba naman kase! Kinakausap kita pero hindi mo ako sinasagot. Kanina kapa nakatingin kila Aziel—Omy God! Don't tell me crush mo si Aziel?!"kumunot ang noo ko at nilingon siya. Malaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi ah."sagot ko at nilagay sa locker ang ilang books na hindi ko gagamitin saka ko na sinarado 'yon.

"Weh??"nirolyohan ko siya ng mata. Hindi ko siya sinagot at iniwan siya roon. "Wait Threa! Totoo?! Crush mo siya?!"

"Hindi nga!" Napaurong ang ulo niya at hindi naniniwalang tinignan ako.

"Hmm..."

"Kung ayaw mo maniwal e, 'di 'wag!"ubos na napasensiyang sinabi ko at pumasok na ng room. Narinig ko pa na humagalpak siya ng tawa kaya napatingin sakaniya ang ilang kaklase ko.

"Aga-aga ang ingay!"singhal ni Javen kay Kira. Nilapag ko ang bag ko sa upuan ko at umupo roon.

"Tumahimik ka, bansot!"

Pumalumbaba ako sa desk ko habang naka tingin sa durangawan na malapit sa akin. Pinapanood ko ang nga estudyante na pumapasok sa gate. "Napaka papansin talaga niyang si Javen."naiinis na ani Kira sa tabi ko. "Akala ko naman pogi tsk! Mas pogi panga si Sven kesa sakaniya!"

Kumunot ang noo ko at dinikit ang katawan ko sa ding-ding nang matanaw ko ang bultong katawan no'ng lalaking nakasabay ko kanina. May kausap siya na magandang babae. Parang mag kasing edad lang sila. Nasa ilalim sila ng puno. Naka pamulsa 'yong lalaki salamantalang 'yong babae ay nakayuko.

Anong pinag-uusapan nila?

"Asthrea!"Napatalon ako sa upuan ko at inis na nilingon si Kira. "Ano ba? Sino ba kaseng tinitignan mo riyan?"natatawang sinabi niya at dumungaw. "Wait... Is that Samien and Kitty?"tanong niya at limingon sa akin.

Samien? Samien name niya?

Nakita ko na kumunot ang noo niya. "That bitch. Napaka desperada talaga niya. Look oh!"turo niya sa puwesto nila. Hindi ko maiwasan na mapatingin doon. Kumunot ang noo ko nang makita kung paano niya hawakan ang kamay ni Samien. Para siyang nag mamakaawa rito ng kung ano. Umiiyak na rin siya habang naka tingin sa lalaki.

"Bakit siya umiiyak?"tanong ko. Narinig ko ang pag singhal ni Kira.

"Ano paba? E, di siguro sinasabi niya na 'Samien, please, maganda naman ako ah? Bakit hindi mo ako magustuhan? Ano pabang kulang sa akin?' Geez! So desperate!"Nandidiring sinabi niya at Inartehan niya pa ang boses niya para ma ipalabas na gano'n ang boses no'ng babae.

"Ang judgemental mo talaga. Baka naman iba ang pinag-uusapan nila?"

"Aba! Nako, Threa! Pero teka nga... Nakakapanibago ka ha? Kailan kapa nag karoon ng pake alam sa paligid mo? Tapos napapansin ko pa na panay ang pagtulala mo?"natigilan ako at umiwas ng tingin. "Hmm... Care to share? May crush kana, 'no? Sino? Si Aziel?"

Napairap ako.

"Hindi nga sabi e."

"Oh? E bakit parang may kakaiba sa'yo? Sino 'yan ha? Kilala ko ba 'yan? Nandito sa room?!" bumuntong-hininga ako at humarap na sa harapan. Nahagip ng paningin ko ang orasan namin sa taas ng black board. Ilang oras nalang ay mag be-bell na.

"Wala. Wala akong gusto at saka may iniisip nga ako."umurong nanaman ang ulo niya na tila hindi naniwala sa sinabi ko. Mag sasalita na sana siya pero tumunog na ang bell, hudyat na simula na ang klase. Nag takbuhan pa ang mga kaklase ko at may sumigaw pa ng nandiyan na raw si Ma'am kaya parang may kung anong anghel na dumaan sa biglaang pag tahimik.

Pumasok na si ma'am kaya nag simula na ang klase. Wala naman kaming gaanong ginagawa dahil kakatapos lang ng exam namin ng 1st. Puro check lang kami. Taas baba ng kamay. Nakakangalay!

"Hay! Salamat! Tapos narin tayo mag check! Nangangalay na ang kamay ko kaka taas ng ng kamay!"ani Kira habang mina-massage ang mga daliri. Nag lalakad na kami ngayon papuntang canteen.

"Ilan kaya score ko sa math? Sure akong baksak nanaman ako. Hindi nga ako maka kalahati roon."Busangot akong naupo sa upuan. I hate math! Parang siya ang sisira sa buhay ko. Hindi naman magagamit 'yan kapag nag trabaho na tayo e, meron man pero plus, minus, divide lang."

Humirit ng tawa si Kira.

"True ka riyan! Pero wala e, gano'n talaga kapag nag-aaral, lahat inaaral."Aniya." Ano order mo? Usual ba?"Tumango ako. Umalis na siya pagkatapos ko siyang sagutin.

Pumalumbaba ako habang pinag lalaruan ang tissue na nasa table. Umangat ang tingin ko at sumakto pang nakita kong pumasok si Samien. Napatuwid ako ng upo at umiwas ng tingin nang mapatingin siya sa gawi ko. Naramdaman ko nanaman ang kakaibang nararamdaman ko kaninang umaga.

"Ito na order mo—Teka? Ayos kalang? Bakit ka namumula?"napatingin ako kay Kira. Hindi ko naramdaman na nandiyan na pala siya.

"H-Ha? Oo ayos lang ako."sumulyap ako sa dinaanan ni Samien kanina pero wala na siya roon. Huminga ako nang malalim at nilapit sa akin at banana cake at ang mogu mogu ko.

Mabuti ay hindi na nag tanong pa si Kira. Nag patuloy nalang ako sa pag-kain ko pero ang mata ko ay lumilibot. Tumigil lang ang paningin ko sa hindi gaanong kalayo na lamesa kung saan nandoon si Samien kasama si Aziel

"Hi Aziel and Samien!" bati ng tatlong babae na dumaan sa harapan nila. Mga namumula pa ang mukha nila. Or dahil sa blush on?

"Hi girls."bati ni Aziel kanila at kinindatan pa 'yung isang babae. May sinabi siya kay Samien saka na tumayo ay inakbayan yung babae na kindatan niyan. Napangiwi ako.

Ang landi naman ng lalaki ito.

"Kira, CR lang ako."paalam ko kay Kira nang maramdaman ko na tinatawag ako ng kalikasan.

"Hm! Shige!"may laman na bibig na sagot niya. Tumango ako at tumayo. Nag lakad ako papunta sa ladies rest room. Binuksan ko ang walang tao na cubicle saka ako umihi roon. Nang matapos, ay lumabas na ako. Inayos ko ang palda ko. Natigilan lang ako nang makita na pumasok si Kitty. Namumula ang ilong at mata niya.

Binuksan ko ang gripo at ang hugas roon.

"Kitty! Oh Gosh! Is it true?! You begged?!"bulalas ng babaeng pumasok. Sa tingin ko ay kaibigan niya ito.

"Yes." She drawled.

"What the heck?! Ganiyan kana ba ka desperada?! Kapag ayaw sa'yo huwag mong pilitin ang sarili mo! You're a Del Buena for God sake! Wala sa dugo natin 'yan!"

"Ate, please calm down."

"Why should I calm down, huh?! Seriously, i don't like Samien for you, he's poor!"

Inis na lumingon si Kitty sakaniya. Kapatid niya pala ito pero bakit hindi sila mag kamukha?

"So what if he's poor? I love him!" kumuha ako ng tissue at agad na pinunas 'yon sa kamay ko. Lumabas na ako ng CR. Ayaw ko manatili roon dahil baka isipin nila chismosa ako.

"Oh?! Bilis mo ah?"

"Alangan tumambay ako roon?"pilosopo kong saad saka binuksan ang mogu mogu ko.

"Gaga! Tara nanga! Bumalik na tayo ng room. Mag ti-time narin naman."anayaya niya. Tumango ako at tumayo na. Nag lakad na kami palabas ni Kira. Pabalik na kami ng room. Dumaan kami sa quadrangle. Para hindi kami maki siksik sa corridor. Pagdating namin sa room ay sumakto na tumunog na ang bell kaya nag sipasukan na ang nga kaklase ko.

Sa buong oras na iyon ay puro check lang ang ginawa namin kaya lahat kami ay buryong na. Nag balak panga ang ilan kong kaklase na hindi sila papasok ng tatlong araw, papasok nalang daw sila kapag simula na ng 3rd quarter.

"Papasok kayo bukas?"uwian na namin kaya maingay at magulo ang estudyante. Halatang excited na umuwi.

"Hindi ako sure... Ikaw Threa? Papasok ka?Kapag oo papasok narin ako."ani Kira sabay lingon sa akin. 

"Papasok ako."

"Papasok din ako."

"Omygosh! Ang guwapo talaga ni Aziel!"tili ng mga babaeng nag mamadaling pumunta sa locker area.

"Mauna naako sainyo ha? Nandoon daw si Aziel!"paalam ni Fiona sa amin. Kinikilig pa siya. Nag madali na siyang umalis at naki tili sa mga kababaihan na pinapanood 'yung si Aziel na papasok ng locker area. Agad na humaba ang leeg ko at hinanap si Samien pero bigo ako dahil iba ang kasama ni Aziel.

Napanguso ako.

"Pare! ibang klase ka talaga, ang dami mong chicks!" dinig ko na sanabi ng lalaking kasama ni Aziel. Napangiwi pa ako dahil kumakaway siya sa mga babae na baliw sakaniya.

"Pre, ako lang ito."

Sinarado ko na ang locker ko at nilingon si Kira na kunot ang noo habang tinitignan ang ilang love letters na hawak niya. May mga nag kakagusto kase sakaniya kahit na baliw-baliw itong kaibigan ko.

"Love letter nanaman?"Tanong ko at sumilip doon.

She snorted. "Oo, tinatapon ko nga lang ito dahil na co-corny-han ako." Aniya at nilukot 'yon at tinapon sa gilid ng bag niya. Napatingin siya sa likod ko. Bahagiya pa siyang nagulat kaya nag taka ako.

"Bakit Kira?"Ngumuso siya at may tinuro sa likod ko.

"Si Aziel nasa likod mo."Bulong niya. Kumunot ang noo ko at napalingon. Napaurong ang ulo ko sa gulat dahil sa lapit niya.

"Hi, beautiful." Nakangising bati niya. Blankong mukha ko lang siyang tinignan. Napansin ko na pinag titinginan kami.

"Anong kailangan mo?"Malamig na tanong ko.

"Ikaw, puwede?"

"Omyghaad! Seriously Aziel?! Infront of my gorgeous face?!"Kira said in mockery. Natawa lang si Aziel. Tumingin ulit siya sa akin at sinandal ang braso niya taas ng ulo ko.

"Sorry mister but i'm not available."I coldly said saka ko siya tinalikuran. "Tara na, Kira."Hila ko sa braso niya.

"Ha?! Oh, sige! Bye Aziel!"Kumaway pa si Kira sakaniya. Hindi ako lumingon doon. "Gosh girl! Ikaw lang ata nag reject ng gano'n kay Aziell! Halos kase ng mga babae rito hindi siya kayang i reject... You know... He's hot!"Aniya. Hindi ako sumagot.

Ano naman? Pake alam ko sakaniya. Hindi ko siya gusto at lalo na ang presensiya niya.

"Ayon na 'yung driver mo oh,"turo ko sa parking lot ng school namin. Napatingin siya roon.

"Ay oo nga! Sige beshy! Mauna na ako."paalam niya. Bumeso pa siya sa akin. Pinapanood ko siyang mag lakad papunta sa driver niya.

Nag lakad na ako papunta sa quadrangle. Natigilan pa ako nang matanaw ko sa waiting shed si Samien. May iilan na babaeng tumitingin sakaniya at kumakaway. Ngiti lang palagi ang tugon niya sa mga ito.

Sa lahat ng lalaking guwapo rito, siya lang 'yung hindi pinag kaka guluhan. Unlike Aziel. Halos kulang nalang ay luhuran na siya ng babae.

Nag lakad ako papunta sa gawi niya. Tumayo lang ako sa labas ng waiting shed. Nakaharap ako sa gate.

Inaantay niya rin kaya si kuya Tony?

Naramdaman ko na uminit ang pisnge ko.

Mag sasabay kami!

Nakaramdam ako tuloy ako ng excitement. Parang gusto ko na tuloy sumakay lagi sa tricycle ni kuya Tony para lagi kaming sabay pumasok.

"Inaantay mo si Mang Tony?" napagitla ako sa gulat nang may biglang nag salita sa gilid ko. Gulat akong napalingon sa gilid ko at lalo pa ako nagulat ng si Samien 'yon.

Omy God! Kinakausap niya ako?!

"Ah... Hmm-hm."nahihiyang sagot ko. Lumapit siya sa akin kaya parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Katahimikan ang namayani sa amin pero may ingay parin dahil sa ingay ng mga estudyante na naka kalat.

"Samien! Finally! I found you! Kanina pa kita hinahanap. Sabay kana sa akin umuwi."napaurong ako sa gulat nang bigla akong tinabig ni Kitty para makatabi niya si Samien. Muntikan pa akong matalisod.

"Hindi na. Salamat."

Inayos ko ang ang libro na hawak ko dahil nabitawan ko dahil sa pag tulak ni Kitty saakin kaya bumukas 'yon. Sinarado ko agad at inayos ang uniform ko.

Kaya naman pala ayaw ni Samien saiyo, sama pala ng ugali mo. Hindi ka talaga bagay sakaniya!

"Why? Please Samien..." matalim kong tinignan ang likod ni Kitty. Tama nga si Kira. Desperada nga talaga siya.

Napatingin ako sa labas ng gate. Nakita ko na si Kuya Tony.

"Kitty please, stop this already." nag lakad na ako papunta sa kay Kuya Tony. Nasira ang masayang nararamdaman ko kanina dahil sa Kitty na 'yon. Pero 'di bale, makakasabay ko naman si Samien umuwi.

"Kuya Tony!"Tawag ko sakaniya. Napatingin sa gawi ko si Kuya Tony.

"Oh, Hija, sasakay ka?"

"Opo."

"Nakita mo ba si Samien?"tanong ni Kuya nang makapasok na ako sa loob. Tinanaw ko siya mula sa loob.

"Ah... Nandoon po, may kausap."sagot ko at tumuro sa gate.

"Gano'n ba? O sige, puwede ba natin siya antayin?"

"Sure po." ngumiti siya at tumango.

"Papunta na siya rito."agad napintig ang tainga ko at sumilip sa labas. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Tinuptop ko ang labi ko at umiwas na ng tingin nang makalapit na siya. Napatingin pa siya sa akin.

"Pasensiya na po Mang tony, kanina pa po ba kayo nag aantay?"

"Naku! Hindi Hijo, ayos lang." Inayos ko ang upo ko at ang buhok ko. Nakita ko na pumasok na siya sa loob. Sumulyap pa siya sa akin kaya nag tama ang paningin namin. Umurong ako para makaupo siya. Maya-maya ay umandar na ang tricycle.

"Sorry nga pala,"natigilan ako at napalingon sakaniya. Parang nahulog ang puso ko nang mapagtanto na ang lapit namin sa isa't-isa. Nag huhuramentado tuloy ang dibdib ko.

"H-Ha? Sorry saan?"takang tanong ko.

"Nakita ko na naitulak ka ni Kitty, pasensiya na." Bahagiya akong natawa.

"Naku! Wala 'yon. Hindi naman ako nasaktan." binasa niya ang ibabang labi niya at tumango. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinaya ang tingin niya sa akin.

Katahimikan ang nayamani sa amin hanggang sa huminto ang tricycle sa familiar na gate. "Bababa na ako."Paalam niya.

"Okay. Ingat."ngumiti siya sa akin saka na siya bumaba.

"Mang Tony, salamat." dinig ko na sanabi niya kay Kuya.

"Wala 'yon hijo." nakita ko na ngumiti siya at tumingin sa akin.

"Paki hatid po siya ng maayos."bilin niya kay Kuya. Natigilan ako roon. Tinagilid niya ang ulo niya at sinilip ako. "Take care, Threa."nakangising saad niya saka na umandar ang tricycle.

Agad akong pinamulahan ng mukha. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na mangiti.

Alam niya ang pangalan ko.