Chereads / Mga Kwento Ni Aliyah / Chapter 1 - Aswang @ 20

Mga Kwento Ni Aliyah

🇵🇭itzmealiyah
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 24.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Aswang @ 20

"Aswang at 20"

AKO SI CASSANDRA MONTEMAYOR, twenty-years old. Maliit palang ako ay naipaliwanag na sa akin ng aking mga magulang ang tungkol sa tunay kong pagkatao.  Ayon sa kanila, nasa tradisyon na ng aming angkan na ang unang apo o anak na babae ang siyang nakatadhana para ipagpatuloy ang aming lahi.  At dahil ako ang unang apo ni Lola Bell, sa akin nakapasan ang responsiblidad bilang isang Montemayor.

Disi-otso anyos ako noong matanggap ko ang pamana sa akin ni Lola Bell, at pagkatapos niyon ay pumanaw na siya. Doon na nagsimulang magbago ang takbo ng aking buhay.  Napilitan pa ako noong huminto sa pag-aaral, at halos dalawang taon akong nakakulong sa aming bahay.

Hangga't hindi ko pa raw nako-control ang aking sarili, hindi pa ako maaaring makipagsalamuha sa ibang tao. Doon ko masasabing iyon ang pinakamiserableng pangyayari sa buhay ko. Pero dahil sa pagnanais kong mabuhay bilang isang ordinaryong tao, kahit mahirap ay ginawa ko ang lahat para makontrol ko ang aking sarili.

Bente-anyos na ako noong pinayagan na ako ni Daddy na magpatuloy ng pag-aaral. Inenroll niya ako sa isang kilalang university sa Manila kung saan isa siya sa mga ginagalang na guro roon. Dahil hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang pagnanais kong sumunod sa yapak nila ni Mommy na kapwa mga Neurologist.

Sa pagbabalik ko sa eskwelahan, doon ko rin nakilala sina Nikki at Anthony. Naging mabait sila sa akin lalo na si Nikki kaya mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. At sa ngayon siya ang tinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan. Si Anthony naman, nagparamdaman siya kaagad sa akin ng pagkagusto. Kaagad niya akong niligawan kahit kakakilala ko lang sa kanya.

Pinagpaalam ko muna sa aking magulang ang tungkol kay Anthony bago ko siya naisipang sagutin. At nang maging official na kami, iyon na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Doon ko masasabing normal na ulit ako. Pero kasama na yata sa aking buhay ang malapitan ng tukso.

Dumarating pa rin sa punto na hirap akong kontrolin ang aking sarili. May pagkakataon pa ngang nahuli ako ni Nikki na titig na titig sa patay na palakang nasa harapan namin.

Noong mga panahon na iyon, kasalukuyan kaming nasa laboratory para sa biology class namin.

"Grabe, ah! Kung makatitig ka sa palaka parang gusto mo siyang kainin ng buhay!!"

Gulat akong napatingin sa kanya. Kung alam lang niya ang tumatakbo sa utak ko.  Kulang na lang ay tumulo ang laway ko.

Tumindi ang pananakam ko nang makita kong inilagay ng professor namin ang mga naipong utak ng palaka sa isang garapon. Kitang-kita ko ang kulay pulang katas sa loob nito. At mula sa kinaroroonan ko, naaamoy ko ang sariwang dugo roon.

Ang bango!

Sobrang bango!

Dahilan para makaramdam ako ng biglang pagkagutom.

Nang matapos ang klase namin, dali-dali akong nagpaalam kay Nikki. Palihim akong kumuha ng ilang utak sa garapon at sinilid ko iyon sa nakatago kong panyo. Pagkaraan ay tumakbo kaagad ako ng banyo.

Sa isang bakanteng cubicle ko naisipang kainin ang mga dinekwat kong mga utak.

Pagkabukas ko palang ng panyo ko,  kaagad ko nang naamoy ang mabangong aroma nito. Maliliit lang iyon, pero sadyang nakakaramdam ako ng pananabik na matikman siya.

Pikit-mata pa ako nang isinubo ko na ang isang pirasong utak. Naramdaman ko ang kalambutan nito nang simulan ko siyang nguyain.  Lasang-lasa ko ang pagkasariwa nito.

Halos tumirik na rin ang aking mga mata. At sa bawat nguya ko, wari'y sumasanib sa aking pagkalooban ang kaluluwa ng naturang palaka.

Kusang may nabubuong imahen sa akin utak. Parang nagkaroon ako ng kayayahang makita ang mga alaalang nakaimbak sa utak ng palakang iyon.

Wari'y naramdaman ko ang pagtalon-talon niya sa bukirin. At paglusong niya sa lawa. Pakiramdam ko ay isa na rin akong palaka sa mga sandaling iyon.

Kakaiba ang aking naramdaman nang dumaloy sa aking lalamunan ang laman- loob na iyon. Dahilan para maubos ko ang mga nakuha kong utak nang hindi ko namamalayan.

Nabitin ako.

Sobra akong nabitin!

Hindi ko akalain na ganoon kasarap ang makakain ng sariwang utak. Pinapakain naman ako ng aking Daddy ng mga hilaw na laman-loob pero nabibili lang iyon sa mga supermarket o hindi kaya sa palengke.

Naisipan ko nang lumabas ng banyo. Pabalik na sana ako sa laboratory nang masalubong ko naman si Anthony.

"May afternoon class ka pa ba? Gusto ka kasing makilala ni Mama!"

Automatico namang napatango ako nang yayain niya akong pumunta sa kanilang bahay. Ewan ko nga ba, hindi ko siya magawang tanggihan.

At nang hapon ding iyon ay nagpasya na akong sumama kay Anthony. Nakakadama ako ng kaba dahil first time kong imi-meet ang Mama niya. Wala pa akong ideya kung ano itsura nito.

Pero pagdating namin sa bahay nila, wala roon ang Mama niya.

"Watch muna tayo ng movie, Mahal! Babalik din iyon si Mommy, may binili lang yata sa grocery!" katwiran niya.

Tumango na lang ako. At hinayaan ko siyang mamili ng movie na papanuorin namin.

Foreign Horror Movie siya na may pagka-erotic ang dating. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaiba habang nanunuod. Lalo nang  maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Anthony.

Parang sinasadya nitong magkadikit ang mga katawan namin. Dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko. Halos magsitayuan na rin ang mga balahibo ko buo kong katawan nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang hininga banda sa ibaba ng aking tenga.

"Mahal mo ba talaga ako, Cassie?" masuyo niyang tanong sa akin.

Napatango ako sabay ang lingon sa kanya. Natigilan ako dahil hindi ko inaasahan na ganoon na pala kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan hanggang sa maramdaman ko ang paghalik niya sa mga labi ko.

Parang may libu-libong kuryente ang mabilis na dumaloy sa aking mga ugat na siyang nagpagising sa natutulog na halimaw sa aking dibdib. Wari'y may namumuong apoy sa aking kalooban, at parang may nais pa akong makuha ng higit pa roon. Sa kanyang halik, may kakaibang aroma akong naaamoy na nagmumula sa loob ng kanyang katawan. 

Parang gusto ko iyong makuha sa pamamagitan ng aking mga bibig. Dinig na dinig ko pa ang malakas na pagkabog ng puso niya na parang nagpapatakam sa akin kung gaano ito kasarap.

Nagulat si Anthony sa akin nang magawa ko siyang itulak pahinga sa sofang inuupuan namin. At walang sabi-sabing umibabaw ako sa kanya.

"I want more than that!" turan ko saka kusang lumabas ang mga tutulis kong pangil na siyang labis niyang kinagulat.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Anthony lalo nang masaksihan nito ang pagbabago ng kulay ng aking mga mata.

Nagsimula siyang magpupumiglas. Pero sadyang mas malakas ako sa kanya.

"Isa kang halimaw!" saad niya habang patuloy sa pagpupumiglas.

Muli ko siyang tinangkang halikan ngunit tumindi ang pagpalag niya. Sa inis ko, nagawa ko nang hawakan ang itaas at ibabang bahagi ng bibig niya. Hindi na nagawa pang makasigaw ni Anthony dahil buong-lakas ko nang ibinuka ng husto ang bibig niya.

Bumulwak ang sariwang dugo niya. Nadinig ko pa ang pagputol ng bungo niya.

Nagsimulang mangisay ang katawan ni Anthony habang abala akong hinahalukay ang laman ng kanyang ulo.

"Ang bango! Nagugutom ako!" usal ko na para akong baliw na nanabik sa pagkain.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang kasabikan nang matagpuan ko ang utak ng kawawa kong boyfriend.

Mas malaki ang utak nito kesa sa utak ng palaka.

Halos nangangatog pa ang mga kamay ko nang isubo iyon.

Katulad nang aking naramdaman kanina noong kinakain ko ang utak ng palaka, higit pa rin roon ang naramdaman ko.

Halos tumirik ang mga mata ko habang ningunguya ko ang bawat parte ng utak nito. At sa bawat pagnguya ko, wari'y sumasanib sa akin ang mga alaala ni Anthony.

Mga alaala simula pa pagkabata nito hanggang sa kasalukuyan.

Tulad ng inaasahan ko, naging masaya ang naging buhay ni Anthony kapiling ang kanyang mga magulang. Daig ko pa ang nasa alapaap sa mga sandaling iyon habang ninanamnam ang sariwang utak nito.

Pakiramdam ko, nasa loob ko na ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko.

Pero bigla akong natigilan sa sumunod na natuklasan ko.

Kusang nabuo sa aking isipan ang isang babaeng kilalang-kilala ko.

Si Nikki .

Nakita ko silang dalawa ni Anthony sa aking isipan habang nasa mainit na eksena ng kanilang katawan. At kung hindi ako nagkakamali, dito rin sa lugar na ito naganap ang lahat.

Muli akong sumubo ng bahagi ng utak ni Anthony. Doon ko na natuklasan ang ginawa nilang pustahan sa akin.

"Kapag nakuha mo si Cassie within one month. Sasama na ako sa'yo sa Singapore!" sabi ni Nikki.

"Yung weirdong transferre na 'yun? Are you crazy? Bakit sa dami-daming babae, bakit si Montemayor pa?"

"Because, she's my bestfriend! And I hate her! Hindi niya alam kaya ko lang siya kinakaibigan dahil anak siya ng isa sa mga professor natin. Ano game ka ba?" pagpapatuloy ni Nikki.

"Ok game!" pagtanggap ni Anthony sa hamon nito. 

Sa pinakahuling subo ko sa utak ni Anthony, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Hindi ko inaasahan ang mga natuklasan ko.

Napakasakit!

Ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko ay pinaglalaruan lang pala ako!

Napatingin ako sa walang buhay na si Anthony. Halos hindi ko na makilala ang mukha nito dahil sa pagkakahalukay ko sa utak nito.

Napakuyom ang duguan kong mga kamao. Sa muling pagkakataon ay buong lakas kong dinukot ang puso niya, at isinilid ko iyon sa loob ng aking bag.

Wala na akong inaksayang oras pa, kaagad akong nagtungo sa bahay ng bestfriend kong si Nikki. Parang sinadya ng tadhana dahil nakita kong umalis sa parents niya.

Hindi naging mahirap sa akin ang tumalon sa mataas nilang bakuran. Nagawa ko pa siyang tiktikan mula sa labas.

Nang nakita kong patungo na siya sa ikalawang palapag ng bahay nila, doon na ako nagdesisyon na umakyat ng puno para makapasok kaagad sa kuwarto nito.

Pagbukas palang ni Nikki ng pintuan ng kuwarto niya, ako ang bumungad sa kanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Saka bakit ganyan ang itsura mo? Ano'ng--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Kaagad ko nang kinuha sa loob ng aking bag ang sariwang puso ni Anthony. At walang sabi-sabing pahigas kong inabot ito sa kanya.

Nasalo naman kaagad iyon ni Nikki, pero bigla itong napatili nang matuklasan nito kung ano ba ang ibinigay ko sa kanya.

Sa'yo naman talaga ang puso ni Anthony diba? Kaya utak lang ang kinain ko!" pag-amin ko.

"What?!" bulaslas ni Nikki, "A-ano'ng ginawa mo kay Anthony?"

"Kinain!" sagot ko sabay ang pagtawa.

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya.

"Tinuring kitang kaibigan pero pinaglaruan mo ako! Pinagpustahan n'yo ako ni Anthony!"

Hindi na nakakibo pa si Nikki. Kulay-suka na siya. Parang nanigas na siya  at hindi na niya magawang makagalaw sa kinatatayuan niya.  At damang-dama ko ang takot sa kanyang kalooban at para bang napakasarap sa pakiramdam ko.

Pagkaguhit ng nguti sa aking labi saka na siya napatakbo. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan pero nagawa ko naman talunin iyon.

Naharangan ko siya.

"Mamamatay-tao ka!" singhal pa rin niya.

"Tao? For your information, hindi ako tao!" pasinghal kong tugon sa kanya na siyang kinagulat niya.

"Ako si Cassandra Montermayor, twenty years old! Ako ang bagong prinsesa ng mga Aswang!" pagpapakilala ko na sa kanya.

Pagkaraan ay para akong uhaw na hayop na sinunggaban siya.

Malakas na tili ang pinakawalan ng mabait kong bestfriend na halos umalingawngaw sa buong kabahayan nila.

Wakas