Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Your Voice: Voiceless

🇵🇭Iam_Sephhy25
--
chs / week
--
NOT RATINGS
22.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter I: So We've Met

Charlie's P.O.V

"Oyy! Chen hindi ka pa ba kakain?" sigaw ni Greg sakin na abot hanggang kabilang classroom ang boses, samantalang andito lang naman ako sa may likod ng classroom namin nakatanaw sa school grounds habang pinagmamasdan ang mga estudyante. Wala pa kasi akong ganang kumain. I dont know kung anong dahilan, basta bigla na lang akong nawalan ng gana.

"Greg! Would you please shut your mouth up. Ayan lang naman yung kausap mo pagka sigaw sigaw mo pa, para kang tanga!" sabay pingot nito sa tenga ni greg. Napa aray naman ito. Ganyan talaga mainis tong si sofie. Ang class president namin.

Nananakit kapag naiirita lalo na't naiistorbo sa pagkain. Parang halimaw kung umasta, sobrang mapanakit.

"ano bang pakealam mo? Edi sumigaw ka din kung gusto mo!" Abla ni greg habang hinihilot yung tenga niya. Napasinghal naman si Sophie at ayun... Nag away na naman silang dalawa.

para na namang mga aso't pusa..

"Ano ba?! Ang sakit na ah!" Sagot nito habang pinipigilan niya si Sofie.

"Mas lalo ka lang masasaktan sakin pag di mo tinikom yang pesteng bunganga mo!" duro ni sofie habang lumalaban kay greg..

Grabe talaga tong si Sofie, Nakakatakot talaga tong babaeng to, parang halimaw talaga.

Well actually, nakasanayan na namin na ganyan siya magdisiplina samin dahil three years na siyang namamayagpag bilang president ng classroom namin. Ewan ko ba, nung 7th grade kasi kami katuwaan lang ng klase na gawin siyang president dahil nga Madaldal at masarap asarin lalo na't nagiging halimaw kaya ayun hanggang sa ngayon siya parin ang class president namin kahit na nasa 9th grade na kami.

Siguro hanggang sa makagraduate na kami siya na ang president namin haha..

"ititikom ko lang bibig ko kung yang pagiging halimaw mo tatanggalin mo" pang asar pa ni greg na siyang lalong kinainis ni sofie.

Sa totoo lang ang hilig kasing mang asar ni greg kahit kanino hanggat di niya napapaiyak o lalaban sa kanya..

Kaya nga trip na trip niya si Sofie na asarin dahil lumalaban.

"Ah! Ganun ba?! Huh!" hanggang sa sunod sunod na hampas, kagat, duro at tadyak ang ginawa ni Sofie na siyang tila kinatutuwa pa ni Greg.

"Ang panget mo talagang mabuwiset!" Gatong pa ni Greg na lalong kinainit ng ulo ni Sofie. Dali dali tong kumuha ng walis tambo saka hinabol si Greg na mabilis namang lumabas ng classroom.

Para silang mga bata kung mag asaran kaya kung minsan hindi na ko mag tataka kung sila magkakatuluyan.

Nakaramdam na ko ng pagkulo ng aking tyan pero wala parin akong ganang kumain, ewan ko ba kung bakit. Kumain naman ako kaninang umagahan. Siguro dahil ito sa nangyare kanina sa may hallway.

Nakabunggo kasi ako ng isang babae kanina papasok dahil malelate na ko. Maganda siya actually, mahaba ang buhok na parang kulay abo. Medyo matangkad, maputi na parang di nasisinagan ng araw. Sa totoo lang parang ngayon ko nga lang siya nakita sa school na to e. Pero sana hindi Royal Class ang nakabangga ko kung hindi...

Hayy! Ewan kung sino man siya sorry nagmamadali kasi ako e.

"oyy! Ethang!" agad akong napalingon sa nagsalita. Tsk. Bakit ba tinatawag niya ko sa ganung pangalan?!. Parang ewan.

"bakit?!" sagot ko. Talaga tong si Freya. Sabing wag niya kong tatawagin sa ganung pangalan ee. Ang bantot.

"ang rude ha! Itatanung ko lang kung kumain kana. Sabay na tayo, may gusto din akong sabihin saiyo." nakita kong bitbit niya yung lunch box niya at pumasok sa room papunta sa kung saan ako nakaupo. Wala na kong nagawa kung hindi kinuha ko na din yung lunch box ko kahit na wala talaga akong ganang kumain.

Marami din naman ang kumakain sa room, may mga tiga ibang section din katulad nitong babaeng katabi ko ang kumakain dito.

Favorite place ata ng ibang section yung classroom namin. E kainit nga dito.

"ano ulam mo? Pahingi ako" pakyut niyang sabi habang binubuksan yung lunch box niya.

"tuyo at kamatis gusto mo?" habang inaunbox ko yung pagkakabuhol ng lunch box ko. Talagang si ina ang higpit magtali parang ayaw talaga akong pakainin.

Napakunot naman ang noo niya na parang nandidiri. Haha. Ayaw niya kasi sa mga tinatawag na Poors man food kaya eto parang ewan yung mukha niya. Anak mayaman kasi kaya may pagka alam niyo na.

Kung tutuusin ano bang problema sa tuyo at kamatis diba?, E ang sarap nga nun.

"Too gross ethang! para kang ewan, ano nga kasi ulam mo?" medyo inis niyang tono. Nang mabuksan ko na hard boiled egg tska may konting pork strands. Parang sa corned beef yung pork strands. Hibla hiblang mga laman ng baboy. Inadobo muna tapos hinibla hibla tas pinirito.

Tirang ulam kong adobo kagabi.

"Yiiee! My favorite" sabay kuha niya ng marami sa ulam ko. Talaga tong babaeng to. Basta karne ang takaw, malakas ding kumain pero di naman tumataba. Ang weird talaga ng katawan ng mga babae.

"Aba! Tirhan mo naman kaya yung may ulam kung hindi naman nakakahiya saiyo?!" sumubo lang siya ng malaki na parang masayang masaya pa siya sabay inggit sakin. Sinubukan ko namang kumuha sa lunch box niya pero agad niyang naiiwas.

Biruin mo puro steak at iba pa na parang bento style tapos pati ulam ko kukunin?. Ano va tong babaeng to?!.

"No! Its mine" pacute niyang tono. Napakamot nalang ako sa ulo. Kahirap ba ng ganito.

"Hindi na nga lang ako kakain" kunwaring pagtatampo ko sa kanya. Tignan natin galing ng babaeng to. Haha.

"Uy! Im just kiddin lang naman. Grabe siya.. Here na subuan kita" sabay alok ng pagkain niya na isusubo niya sakin. Napatingin naman ako sa mga kaklase namin. Buti walang nakakita sa ginagawa namin. Napangiti naman siya.

Ano ba talaga trip ng babaeng to?.

"nga pala ethang did you look at the bulletin board? Nag rerecruit daw ulit yung music club ng mga singers and musically talented. diba! pangarap mo yun?" paalala niya sakin. Well, actually wala na kong ganang sumali sa club. Kahit ba one of the respected club pa sila sa school na to. Almost ten times na nila kong narereject kaya naman obviously na hindi ako pang music club diba?!.

"hindi na siguro. Quota na ko sa pa recruit nila" nasabi ko nalang. Almost monthly kasi nagpaparecruit sila which is siguro yung mga bago sa kanila hindi kinaya yung training kasi sobrang strict daw at quality ang hinahanap.

Di lang pang extra curricular activity ang club na yun kung hindi nag rerepresent na din ng school flag. Lumalaban na din sila ng international which is minsan nag cha-champion globally, Kaya sobrang swerte mo pag napabilang ka sa kanila.

"You will missed the chance. Malay mo eto na yung chance mo diba?" sige konting push pa baka sakaling hindi na magbabago isip ko. Haha. pero hindi na siguro, Abay nadadala din naman ako kahit papaano. Nine times kanang narereject sa isang bagay, at isa lang ibig sabihin nun.. wala talaga akong future. Haha.

"wag muna isipin yun wala talaga akong future sa club nila" sabi ko sabay subo. Actually, gusto ko pa sana talagang subukan pero.. mas desidido utak ko na itigil ko na ang pangarap kong makasali sa music club. One of the prestigous club kasi yung music club kaya marami ding gustong makapasok pero dahil sa high standards nila walang wala akong binatbat. Obviously, parang mga professionals na yung mga members nila kaya nakakaintimidate din lalo na yung vice president na si Maxinne.

Kung hindi talaga para saiyo bitiwan mo, kahit gaano mo pa kagusto ito kung hindi para saiyo, hindi para saiyo kahit anong pilit mo.

After that lunch, malapit na mag simula yung first subject namin nang pang hapon. Inisip ko din naman yung mga sinabi ni Freya.

Halos buong maghapon ko inisip yun hanggang sa di ko namalayan na the school bell rang as it strikes at 4 oclock.

Ibig sabihin uwian na kaya naman halos mabilis na naubos ang mga kaklase ko sa loob ng room.

Pag talagang uwian na ang bibilis kumilos pero pag gawaing classroom mas mabagal pa sa mga pagong. Hayy... Grabe talaga.

Anyways, nagwalis naman ako ng kaunti at nagayos ng room bago tuluyang iwan yung room. Nag text na din sakin si freya na mauna na daw siyang umuwi dahil may aasikasuhin pa daw siya. Napatingin din ako sa school grounds at kakaunti nalang din yung mga estudyante na palabas ng school. Para atang ako nalang naiwan dito sa second floor ah!..

Dali dali rin naman akong lumabas ng room at sinara ang pinto.

Halos wala na kong nakikitang mga estudyante na naglilinis o nag aayos man lang ng classroom nila habang naglalakad ako ng corridor.

minabuti ko ng umuwi at nag sisimula na ding dumilim. Bali mga ilang room din nadaanan ko bago ko narating ang pangarap kong Club, Ang Music Club. Napansin ko na medyo nakabukas at nakasindi pa yung ilaw.

Dito muna sila pansamantalang nagtayo ng Club dahil eto nalang yung space na malaki for their music instruments.

Aba! Ang sipag naman magrehearse ng mga to. Sobrang dedicated. Kaya siguro hindi ako makapasa pasa sa standards nila kasi almost wala akong dedication sa mga ganyan haha. Anyways, sumilip naman ako ng kaunti sa Club room at tignan ko kung ano yung ginagawa ng mga to.

Pero bat ganun? Parang wala naman akong naririnig na kumakanta or nagpapatugtog ng instruments. Pero bukas tong pinto nila? Uhmm... teka... Charlie.. kung ano man ang iniisip mo, maganda yan pero..

Tumingin tingin ako sa paligid baka may makakita sakin at nang masure ko na ako nga lang talaga ang tao sa hallway na to at sa tapat pa ng pangarap ko na club di ko na to papalagpasin pa syempre..

Dahan dahan akong naglakad papasok at medyo sinara ko ng kaunti yung pinto na nakabihadhad, Baka may biglang makakita sakin ee. Nang masecure ko na tong room na to ay namangha talaga ako sa nakikita ko.

Grabe yung mga musical instruments dito. Halos complete ng gamit from acoustic guitar to Grand Piano. At syempre di na ko nagpatumpik tumpik pa. Agad akong umupo sa Grand Piano. Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong uri ng instrumento sa buong buhay ko. Grabe talaga,

Lord thank you po sa blessing.

Kahit medyo may kaba ako dahil sa gagawin ko, di ko to sasayangin. Sinubukan kong pindutin yung E key sa piano. Natuwa ako nang marinig ko yung tunog. Haha. Buti walang nakakakita sakin kung hindi malamang pinagtatawanan na ko. Sinubukan ko din yung iba pang keys hanggang sa sinubukan kong mag patugtog ng common beat sa piano.

Grabe talaga. Ang ganda ng tunog at ang saya. Kahit siguro magtrabaho ako ng sobra sobra hindi ko mabibili tong Grand Piano na to. Ilang sandali pa parang may kumalansing na bagay. Agad akong napatingin sa labas pero wala akong nakita. Shocks. Kala ko kung ano na. Kailangan ko ng makaalis dito baka may makahuli pa sakin yari ako, pero di ko pa lubusang nadadama tong grand piano. Hayyy... kainis naman...

Pero.. saglit na lang naman ee.. Sinara ko yung pinto ng kaunti pa pero yung tipong agad din naman ako makakalabas at makakasilip kung sakali. Mahirap na, umupo ulit ako at sinubukan itong piano na to. Napansin kong may lyrics note sa may table. Agad kong kinuha at tinignan. Mga gawa ni Beethoven at karamihan mga sonatas.

Konti lang alam ko sa mga note na to kaya di ko na pinagkaabalahang patugtugin pa. Nag isip nalang ako ng patutugtugin ko. Miya miya sinubukan kong patugtugin kung ano man pumasok sa utak ko.

Oh! your eyes, your eyes

Make the stars look like theyre not shinin

your hair, your hair

Falls perfectly without you trying

Youre so beautiful

And I tell you everyday

I know, I know

When I complipment you, you wont believe me

Its so, its so

Sad to think that you dont want see what I see

But everytime you asks me, do I look okay?

I say

When I see your face

Theres not a thing that I would change

Cause youre amazing just the way you are

And when you smile

The whole world stops and stares for a while

Cause, girl youre amazing just the way you are

Miya miya nagulat ako sa narinig kong paglangitngit ng isang pinto. Nanlaki yung makita ko ang isang babae.

A-ah!... eh..." nauutal kong sabi. Fudge!!.. Sabi na kasi Charlie wag nang kung ano ano pinaggagawa sa buhay ee.. Dahil sa Grand Piano ayan tuloy may nakarinig saiyo, ano na gagawin mo ngayon?!.

Dahan dahan akong nagtungo palabas habang nakatigin ako sa kanya. Ramdam ko na lagot na ko nito. para din siyang nakakita ng multo sa gulat kaya wala siyang masabi. Teka... parang pamilyar siya?...

Agad akong lumabas at tumakbo pababa ng school. Ewan ko ha! Pero pakiramdam ko yari wala na ko, lalo na't Royal blue yung kulay ng collar uniform niya.

Yes, bawat student dito nakacategorized into four sections of color na nakabatay kung anong antas ka sa lipunan o ano ang iyong kakayahan.

The four colors are: Royal blue, Scarlet, Green and brown. Royal Blue colors ang mga estudyante came from a well-known at prominent families, Sila yung mga anak lang naman ng mga bilyonaryo, yung tipong kayang bayaran ang isang katulad ko. Kaya naman ganito nalang talaga ang kaba ko nung nakita ko yung babaeng yun. Im dead.

Fudging Dead.

Scarlet colored uniforms naman karamihan sa kanila yung mga anak ng politiko or in the showbiz, mga noble family kung saan di nalalayo sa mga blue collar uniforms.

Mga talented at nga smart assed kaya di mo rin mamaliitin. Karamihan o halos lahat din sa dalawang kulay na to ee hindi lumalapit sa mga ibang kulay like green and brown collars.

Descrimination at its finest diba!.

Green uniforms naman ay much lowered class unlike the two, Although kahit ang isang tulad ko ay may posibilidad na maging green collar uniform dahil if you are intelligent enough pwedeng maging green uniforms.

Eto naman ang kulay ng uniform ni Freya. Shes quite athletic and academically intelligent kaya nga green uniform siya, may say di naman yung family niya kaya kung iisipin Scarlet or blue color uniform siya pero mas pinili pa niya yung green na hindi ko maintindihan sa kanya. Kung iisipin kasi mas mag iimprove pa siya sa other colors bukod sa brown pero mas pinili pa rin niya yung green. Ewan ko ba sa babaeng yun.

Anyways, lastly the brown color uniforms. Eto yung mga student na sinasabi ng ibang color na Pure Luck students well, totoo naman din but still karamihan samin pinaghirapan ang kulay na ito. Mostly kasi ng nasa kulay na to kung hindi hardworking, scholar or talented enough to have a half scholarship. Katulad ko hindi naman ako katalinuhan at hardworking but I guess I have talent enough para makakuha ng scholarship.

Actually, kung iisipin ang dami daming school para sa mga katulad ko pero iba kasi yung pakiramdam kapag na achieve mo yung gusto mong school in your pure dedication. Tska isa pa madali kang makakapasok ng work dahil kilala ang school na to for there quality students.

Kaya naman eto ako sobra ang kabog ng dibdib ko because of being a selfish. Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi kasi ako naakit sa Grand Piano na iyon at pinatugtog siguro makakatulog pa ko ng mahimbing nito.

Pauwi na ko at iniisip kung ano ang mangyayari sakin. Kasama kasi sa rules ng school ang mga ganung bagay. Sa pag kakatanda ko ikatlong batas yung nalabag ko na bawal na bawal gumamit ng mga bagay sa isang club ng walang permiso mula sa club president or vice president kahit isa pa siyang member nito.

E ako hindi na nga ako member ng club nila brown color uniform pa ko. Hayy...

Nang makarating na ko sa bahay tinanggal ko na lahat ng iniisip ko. Ayaw ko na munang isipin yun dahil may dalawang araw pa ko para makapag isip ng paliwanag. Sa ngayon gusto ko munang matulog at mag pahinga.

"Ma, andito na ko" bati ko habang hinuhubad ko yung sapatos ko.

"ginabi ka ata? Kumain ka na ba?" tanong sakin ni mama. nawalan tuloy ako ng gana dahil sa pangyayari na yun.

"hindi na ko kakain ma, matutulog na po ako" diretso ko sa kwarto ko. Pagkabukas ko ay hinagis ko yung bag ko at sabay binuksan yung ilaw. Hinubad ko na yung uniform ko at pumasok sa banyo para mag shower. Habang naliligo ako parang may napansin akong nawawala sakin. Kinapa ko yung leeg ko at agad akong kinabahan.

Yung kwintas ko nawawala. Agad kong tinapos yung pagshasower ko at lumabas para hanapin sa buong kwarto yung kwintas ko pero wala. Fudge cake! Saan ko nalaglag yun? Takte naman oh!.

Ilang kamalasan pa ba ang kapalit bago ko mabayaran ang paglabag ko!..