Chereads / Your Voice: Voiceless / Chapter 4 - Chapter IV: Once is Enough

Chapter 4 - Chapter IV: Once is Enough

Ashley POV

After a short deliberation by my team. Siya lang ang nakapasok. As I expected. Well, mapupunta siya sa Singing Faction ng club kung saan under ni Max. Sa ngayon kasi mas kailangan namin ng mga talented singers sa club. Malapit na din kasing gumaraduate sina Ate Elisse at medyo busy na din sila sa kani kanilang mga academics kaya marami samin ang mababawas. Although nag recruit na kami nung first week of the school year but mostly mga musicians lang whose under my wings.

Naglabasan na sila sa club after. Ginayak ko na din yung mga gamit ko para sa susunod na klase ko ngayong hapon. Nang nilapitan ako ni Max.

"Do you know personally ba yung guy na yun? What is his name again? Charcoal? Lime? Ugh. Whoever he is" she asked. Napangiti lang ako at umiling. Hindi ko naman talaga siya personally kilala. Nung pumasok lang siya sa club room ko lang siya na meet for real.

As I sketch my thoughts on my word pad and show it to Max saying 'No. Once ko lang siya nakita. Playing piano" Max nod in convincing manner.

"Ok, President. So pano una na ko?" I nod and pack up my things. Pinadala na rin namin yung acceptance book para sa club. Flute case ko, Bag and my life savior. My Word pad. Isang clipboard paper kung saan sinusulat ko lahat ng gusto kong sabihin. It was quite awkward nung una kong ginamit to but nakakasanayan na rin ng mga kaklase at mga club member ko.

As you see im a Mute. Yes. I cant speak since 10 years ago. It was the time when my dad died. Hindi ko maaalala ang mga eksaktong pangyayare but as I remember he shoot in front of my eyes. As the killer pointing gun and having a villainous smile at everytime na maaalala ko yun... My head hurt so bad as reminiscing my dark past.

Sabi ng mga doctor it was a trauma that can cause a part of my brain shut. It was my speaking skill. Marami na ring mga speech theraphist ang tumingin sakin but they failed hanggang sa sumuko na ko at tinanggap ang lahat. Now I dont have nothing except my Step mom Michelle, na bago mawala si dad napakasalan pa siya.

Athough my pagka something e, pagdating naman sakin she is protective and caring like my real mom kahit na never ko talagang naramdaman personally sa totoo kong nanay ang pagmamahal.

As I leave the club room nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang preskong to. Ugh.

"I will carry your bag" As he taking off my things away but I resist. Kailan ba ko titigilan nitong lalakeng to?. Ang dami daming bubuwisitin araw ko pa. Tsk. Pinandilatan ko siya ng mata as he looks scared. I walked away from him pero sinundan padin ako. Ano ba problema nitong lalakeng to sakin?

"Ash baby, dont be too harsh. I just want to help you" Iww. Nakoo.. kung talagang nakakapagsalita lang ako matagal ko na tong minura at sinabihan ng masasakit na salita kaso hindi e. How lucky.

Dahil mukhang malelate na ko dahil sa lechugas na to. I slap my clipboard on his head. Hardly. "ouch! That hurts! F***"

Buti nga. Sabay alis ko at nagpunta na ko sa pinakapaborito kong klase ang music kung saan nawawala lahat ng badvibes ko ngayong araw kung saan dahil lalaking yun nagkaroon ako. Kainis talaga.

Ethan POV

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa ginawa niya sakin. Hindi ko alam ang sasabihin or ano. I tried to be casual but everytime... ugh.

"a-auhmmm..." ugh. C-charlie umayos ka nga.

"A-ano... A-ano kasi..." she hesitated to ask. Well great... Parehas kaming mukhang ewan ngayon. Ano ba kasing trip na naman nito? di ko maintindihan. I understand naman kung hindi niya sinasadya yung ginawa niya at kaming dalawa lang pero fudge cake choco brownies naman. Andun kami sa room tas lahat nakatingin samin. Ayon hanggang ngayon mga nagtilian at mga nagulatang.

Sigurado pag uusapan ako nito mamaya. To think she is a Green class at Brown class lang ako. Isa pa we are Bestbuddies. Simula grade 3 magkakilala na kami. Siya palagi ang nagtutulak sakin sa mga bagay na may doubts ako at sa mga trouble ko sa buhay. She knows almost everything about me kaya naman ganito kami kaclose pero...

I just make myself clear as she was looking blushy and shamed. I exclaimed para naman mawala yung barri-bubble between us.

"F-freya. A-ano uhmm..." as she cuted me.

"Ethan are we okay parin naman diba?!" she said. My thoughts became a mist a second dahil sa tanong na yun.

"y-yeah" nauutal kong pagtango habang nakatingin ako sa kanya habang siya nakatanaw sa malayo. She looked at me seriously na para bang may malalim pa siyang iniisip.

She looked away ulit sabay yakap niya sa mga tuhod niya. As she was burrying a big problem in her chest. Ganyan yan pag may gustong sabihin pero takot or nahihiya niyang sabihin. But I understand naman kung ano man yung gusto niyang sabihin.

"Alam mo. Kung nahihiya ka or natatakot kang sabihin yung mga bagay na nagpapabigat ng mga iniisip mo. Diba andito lang ako?! Pwede mo kong sabihan. Maiintindihan ko maging ayos ka lang" I said without conviction. Medyo binurry pa niya yung ulo niya sa tuhod niya.

"sana walang magbago satin" she said na para bang paiyak na. Ano na naman ginawa ko? Sa tuwing may ginagawa siya palagi siya yung unang umiiyak? Di ko maintindihan sa kanya kung ano ba gusto nitong sabihin.

Dinukot ko yung panyo ko at binigay sa kanya. Narinig ko na naman siyang sumisinghot. She grab it then wipe her eyes kahit di ko nakikita. Sa totoo lang she was my bestbuddies na hindi ko ipagpapalit kahit kanino. She was my Best Bud forever.

As the week passed by ilang araw ding pinuputakte ako ng tanong ng mga kaklase ko.

Yes!

In our room malaking issue parin yun dahil sa totoo lang this school look down on us. Brown Class students. Kung baga hindi nababagay ang mga low class sa mga high class. Hindi ko na hinayaan pang kumalat yung chismis na to sa labas ng classroom namin kaya madali ding namatay. Pero andyan parin yung mga tiga 'Ayyiiee' at tiga kilig. Parang mga timang diba.

Monday na ulit pero hanggang ngayon hindi pa ko officially club member dahil may initiation pa daw yun sa nakausap kong isang club member. Sabi niya wait for them dahil marami din silang ginagawa. I understand naman kaya di na ko nagtanong pa. Ilang araw na ding parang ang awkward namin sa isat isa ni Freya. Sa totoo lang gusto kong kalimutan yun pero wala e. Di ko alam kung paano. Para akong timang minsan pag naaalala ko bigla napapailing nalang ako mag isa. Timang diba.

Ngayon andito ako sa rooftop kung saan mag isa sana akong kakain ng lunch. Tinext ko din si Freya kung nasaan ako. Miya miya nakita ko na siya at lumapit sakin. She smiled at me although ramdam ko ang awkward-mess.

"tara kain na tayo" she said sabay salampak niya. She was too jolly pag pagkain ang nasa harap. We eat together at medyo naguusap na din nang walang awkwardness kahit papaano. We tried to be casual as we talk. Hanggang ngayon di pa rin niya sinasabi sakin kung bakit she do that thing pero di ko na pinilit pa.

As we done eating. Nagpahinga muna kami dahil may one hour pa naman bago ang susunod na klase. Nakasalampak kami habang nakatingin sa malayo. Miya miya she lean his head on my shoulder sabay palupot ng braso niya sa braso ko. Ang weird talaga nito. may paganito pa ngayon.

"remember the last time I did it to you?" she said. Teka... kelan nga ba?

"diba pinagseselos mo si trina noon nung 7th grade tayo tapos nung dumating siya ganito ginawa ko saiyo. Napairap pa siya tapos nun tumawa tayo dahil tagumpay ka na makamove on sa kanya kahit never naman talaga naging kayo" ah... oo I remember. Ngayon nasa ibang school na yung babae na yun. Napangiti nalang ako ng maaalala ko.

"oo. Kala ko siya na first girlfriend ko pero fudge cake siya. Ako lang pala nag iisip na kami na" we both laugh habang na naalala namin. Hayy... those days. Yun din yung mga araw na akala ng lahat tuloy kami na dahil she was a catch noon hanggang ngayon naman e. But were Buddies. Less than Close friends, but more than a Best friends. At mananatili kaming ganito.

Ashley POV

Malapit na ang competition one month from now kaya sobrang busy na ng club. At sa sobrang pagkabusy hindi na kami makapagprepare ng initiation for him. Hayy...

Ngayon naglalakad ako sa corridor papunta sa cafeteria dahil bigla akong nagutom ng bigla na namang sumulpot tong mokong na to. UGH. Nakakairita talaga.

"Where are you going my baby? Lets go to cafeteria together" Can I slap him?. Nakakairita na e. Promise. Hindi ko nalang siya pinansin at nagdere-deretso ako naglakad pero bigla nalang niya kong pinigil. Aray.

He hold me tight in my arm like im his SLAVE. But of course not. "Why are you always pushing me away huh!. What are you trying to say? that you dont like me?" YES. Obvious ba? He was too obsess.

Miya miya dumating si Milly at agad niyang inawat tong lalakeng to. "Dylan please leave her alone would you?" bigla namang lumuwag yung pagkakahawak niya sakin hanggang sa tuluyan niya kong binitawan. Napahilot nalang ako at agad kaming umalis ni Milly.

"Are you okay? Gosh namula yung braso mo. Tara sa clinic" I just dissent nod ang smile at her. Pero tila nagmanhid yung pagkakagrip sakin ng dylan na yun. Hindi ko alam kung bakit naging ganun siya. Dati rati sweet naman siya pero ngayon, he was like a psycho.

It was a year and a months ago ng makilala ko siya. He was the co-captain of the basketball team pa. I mean it na gwapo siya kaya marami na ding girls ang nagkakagusto at minsan nag coconfess ng feelings for him. And I am one of them. Kinikilig sa bawat shoot niya, pumapalakpak sa bawat lamang na ginagawa niya sa kalaban at nag aalala sa bawat dapa, tisod, or maling pagbagsak niya.

Hanggang sa isang pagkakataon ang nagkaroon ako. Our club will be having a meeting sa basketball team for the music piece na gagamitin nila para sa entrance. Yes. It means na live kami magpeperform at kami din ang napili para sa halftime show. I was the Muse at that time dahil napagtripan ako nila ate elisse.

Nang nagsisimula na ang meeting I always catching him looking at me at sa bawat huli ko ay ngiti ang ginagawa niya. His charming smile that making my face turn into red. Kaya sa huli ako din ang umiiwas ng tingin.

I mean it na sobra ko talaga siyang crush not because of his looks but his attitude. He was to kind, gentleman and positive thinker. Pero di ko akalain na sa dinami dami ng nagkakagusto sa kanya he confesses on me. It was like my time turn back and loop endlessly in my head that word. "I like you"

Halos araw araw binibigyan niya ko ng bulaklak at chocolates. Minsan bumibisita din siya club kahit nakatingin lang siya sa may window dahil bawal pumasok ang mga hindi club member. Kahit halos sa text at chat lang kami naguusap it was the sweetest thing to me hanggang sa mafall na ko sa kanya officially. Sasagutin ko na sana siya at aamin na ko na Im a mute. I know na matatanggap niya ko kasi mahal niya din ako sa pagkakaalam ko but...

One day he cornered me. Looking into my eyes sparkling. His so sweaty and amoy alak but his perfume are stronger than the scent of the alcohol. That time gusto ko siyang itulak dahil sobrang awkward. Buti walang mga other student ang nandoon.

"I know that you fall in love on me do you?" his breathe smells mixed of cigar, alcohol and a mint. Di ko alam kung maooffend ako or ano kasi diba if you love somebody his/her dont have flaws.

"answer me please?" Ugh. At that time hindi pa niya alam na I am a mute. His face slowly leaning on my face. At that time bigla na lang akong napaisip. Is this his real personality? Harrassing a girl like me?

Kaya naman agad kong sinipa ang mahiwagang black box niya. Bigla siyang napaluhod sa sakit at napamura "F*** you'll regret doing this" natakot ako at the same time nag alala, At simula nun his attitude become so barbaric. I dont know why but siguro dahil iniiwasan ko na siya kahit masakit sakin. Kasalanan ko din dahil ginusto ko ding magpaligaw ng hindi ko siya nakikilala ng lubusan.

One game nga nung interschool nun. Kalaban namin ang Eucian High. Mahigpit na kalaban ng school namin. Tila sobrang tensyonado ng laban ay halos nagkakapisikalan na hanggang sa ang dating gentle at sportsman na si Dylan, change. Sinuntok niya at ganun din ang ibang mga team hanggang sa magkaroon ng rambol. Ang dylan na nakikilala ko nagbago in a snap.

Akala ko siya na ang first boyfriend ko but it was not.