Charlie POV
Pumuwesto muna kami ng pabilog at dalawang upuan ang nakabakante. Upuan ni Ranjie at Max. dahil sinundan ni ranjie si Max. katabi ko naman si sofie at si Georgia. Na parang nakacosplay ng isang goth lolita?
Habang nagsasalita si fiora at nagbibriefing about sa competitions rules and regulations ay pasimple kong siniko si sofie. Medyo nakakaramdam kasi ako ng di maganda sa atmosphere e.
"a-ano na naman ba ginawa ko?" pabulong kong tanong sa kanya. miya miya nagsulat si sofie sa isang papel at binigay sakin habang siya nakikinig sa sinasabi ni fiora. As I open the crumpled paper eto ang nakasulat. 'L.Q si girl at Z'. Huh? Sino nag eL.Q? sino si girl at E?
"Ethan are you listening?" nagulat ako ng tinawag ako ni fiora. Uhmm... ano na ba yung pinaguusapan? Wala na finish na ko. I nod at pilit ngumiti kahit sa totoo lang di ko alam kung ano yung sinasabi niya.
"sige nga. Can you drop a name na pwede nating ilagay sa Dabbing?!" Technical category? Parang narinig ko na yun. Ah! Oo kay freya.
"a-auhhmmm... si Freya" huh?! What did I just say? napakunot naman sila na tila nagtataka kung sino yun. Nakalimutan ko di pala nila kilala yun.
"o-oo nga tama. Si Freya Chloe Gonzales nang green class. Kaibigan ni Ethan" singit ni sofie. Tila nagka idea naman sila at gumaan ang mga tingin na parang may nasabi na naman akong ewan. Tumahimik nalang kaya ako no! Dami ng palpak na sinasabi at ginagawa ko e.
"kaya ba niyang gumamit ng club mixer?" tumango nalang ako ng walang sink in sa utak ko. Ano ba tong sinasabi ko.
"well sige provisional pa naman to kaya i want you ethan to convince your friend to fill the tech category, okay?" napatango nalang ako sa sinasabi niya. woosh! Buti nalang. Pero ano nga ba ulit yung sinabi ni fiora?
"...okay so magtungo na tayo kung saan kailangan sure na kaya talaga yung category. Tandaan once the majority said kahit ayaw kailangan gawin ang best pag nagcompete na tayo alright?" at tila mga inayos nila ang sarili nila at ganun din ako. This is it pancit, pipiliin na kung sino sino ang mag f-fill ng mga categories.
"dun muna tayo sa Singing Category, may ginawang listahan si president pero kung sang ayon kayo o hindi pagbobotohan natin maliwanag?" at nagyes naman sila.
"para sa Single category boys, Zayne sa girl si ranjie" wala namang nagreact dahil sa totoo lang maganda boses ni ranjie. Di naman siya magiging singer ng silent gorgons kung hindi siya magaling diba.
"okay! Good. Next, duet category boys; Zayne and Ethan, girls; sofie and Xershie, at sa mix si Zayne at max" nagtaas naman ng kamay si Zayne. Sabay tingin niya sakin. Oh! Ano na naman ginawa ko?
"si Ethan na ilagay niyo kapartner ni Max. narinig niyo naman kanina diba. Tsaka dalawa na handle ko duet sa boys at single kaya si ethan na sa mixed" tila naman ang lamig ng tono ni Zayne sa pagkakataong iyon. Para akong naoverwhelmed sa tila sinabi niya. yung totoo baguhan palang ako brad! Relax lang naman sa pang pepressure!
Aapela na sana ako ng biglang...
"sang ayon ba kayo?" at nag taas ng kamay ang lahat kasama si president. Hindi na ko nakaimik dahil baka may masabi na naman akong di nila magugustuhan. Yung totoo may galit nga talaga sila sakin.
"Next, dating gawi sa choir at acapella wala tayong entry" ganito din last year ah?! Sayang naman. Nagtaas ako ng kamay at tila ang mga mata nila nakatingin sakin. Magtatanong lang naman ako.
"ilang member ba yung sa choir at acapella?" tanung ko. Tinignan naman ni fiora yung papel.
"sa choir ten members and up sa acapella 5 members and up" napanod nalang ako. Akala ko tatlo sa acapella bibitbitin ko sana si freya at itong si sofie.
"bakit mo naitanong ethan?" napatingin naman ako kay fiora.
"a-ah! Wala naman. Akala ko kasi pwede yung tatlo sa acapella kakayanin sana natin yun kung sakali" napanod nalang siya as she look at the rules and regulations para sa acapella hanggang sa tumingin ulit siya sakin.
"well, ayon sa rules pwedeng bumaba sa tatlo kung may biglaang nawala sa team or what" oh! Yun naman pala e. Haha. "kung iniisip mo ethan na sasali tayo sa acapella kahit may tatlo tayong member kailangan may initials parin na lima ang member bago mapatunayan na acapella group" napacurl nalang ako ng lips. Siniko naman ako ni sofie na parang sinasabi niyang 'sabihin mo na yung idea mo' kaya tumingin ako sa kanya.
"sige na ethan alam kong may naiisip ka" sabi ni sofie na narinig ng iba. Napalingon naman ako sa kanilang lahat na para bang naghihintay sila ng tanong o kung ano mang sasabihin ko.
"n-naisip ko kasi... k-kung ganon nga magparoll tayo ng limang tao sa papel pero ang totoo ay tatlo lang talaga..." kung baga peke lang yung dalawang tao tas tatlo yung totoo.
"pandaraya yang naiisip mo..." sabi agad ni fiora. Yeah! Mukha nga siyang pagsisinungaling pero sayang kasi diba.
"well, may mukhang magandang idea nga yun fiora. Kasi in the first place naman talaga tatlo lang ang kailangan sa acapella kung baga magdadagdag lang tayo ng tao to fill the two empty slots na hindi naman talaga mapupunuan" tila nag agree naman yung iba sa sinabi ni Nianian.
Napaisip ng mabuti si fiora. "well kung ganun nga sino naman ilalagay natin sa acapella? Karamihan sa singer natin may gagawin na. Kung ilalagay natin kayo doon e baka mahirapan na yung boses..."
"I can give a beat. Ako na yung magiging sound box. Katulad nito" putol ko sa sinasabi ni fiora. As i tap my left foot my mouth automatically give a beat miya miya kumanta na si sofie kung saan tila iisa ang nasa isip namin.
You know just what to say
Shit, that scares me, I should just walk away
But I can't move my feet
The more that I know you, the more I want to
Something inside me's changed
I was so much younger yesterday, oh
I didn't know that I was starving till I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, by the way, you do things to my body
I didn't know that I was starving till I tasted you
By the way, by the way, you do things to my body
I didn't know that I was starving till I tasted you
Halos nakisabay naman ang iba hanggang sa naging tila isang jamming ang ginawa namin kung saan kami ni carl ang naging beat. It was feel like na sa moment na yun isang emotion lang ang umibabaw.
Ang saya ng pagiging mga musers namin.
A hours passed kung saan di namin namalayan na its already 9@:00 o' clock na. Nakaayos na din lahat ng mga sasali at kung anong category, unofficial at pwede pang nabago kaya ififinalize nalang mamaya kaya naman nagmiryenda muna doon mismo sa hall. Di padin pumasok sina Ranjie at Max. Vegetable Salad at bread stix yung miryenda. Yup. Walang silang mga lasa dahil halos panay kantahan ang ginawa namin kaya yung mga lalamunan nila pinahinga na.
Miya miya tumabi sakin si President habang kumakain ng vegetable salad. Ningitian niya ko habang ako tinitignan ko kung may reply na si freya pero wala pa din. Hayy... miya miya kinalabit niya ko at pinakita niya yung clipboard niya na may nakasulat 'ang galing mo kanina. Hindi nga kami nagkamali na ikaw ang piliin' nahiya naman ako. Well, salamat sa compliment. Ningitian ko naman siya bilang tugon.
Nag scrib ulit siya at pinakita sakin. 'may gumugulo ba sa isip mo?' sa totoo lang oo. Una si freya. Di ko alam kung ano ang mangyayare kung magkikita kami. Parang magiging awkward para samin or sakin lang?. Pangalawa, bakit parang ang sama ng atmosphere kanina nung si Zaynr yung pumalakpak. May hinala na ko pero di ako sure.
"wala naman president naisip ko lang yung may ari nito" sabay pakita ko ng susi na sinauli niya sakin. Nilihis ko nalang yung usapan. Miya miya nagscrib ulit siya na may nakasulat na 'hindi ba saiyo yan?' ngumiti ako.
"akin to. I mean is may nagbigay sakin nito nung kababata ko. Iniisip ko siya kung ano na lagay niya" paliwanag ko. Tumango tango siya at nag sulat ulit. 'childhood lover?' napakunot naman ako pero napangiti niya ko dun. Well, parang ganun na nga siguro. Ewan.
Sa totoo lang siguro. Alam ko ang cringe kung sasabihin kong mahal ko siya kahit mga bata palang kami nun. Pero iba kasi..
"ewan. Di ko na din kasi matandaan kung ano yung promise namin sa isat isa kasi ten years ago na din. Tska isa pa di ko na matandaan kung ano ang pangalan niya kaya ayun" natatawa ko nalang na sinabi. Ningitian lang niya ko. Nakakagaan yung mga ngiti talaga ni president. Hanggang sa....
"we will meet again"
Isang parang fragment sa utak ko ang biglang nag pop out. Ang weird.
Ngayon nalang ulit nangyare sakin yun ah!.
Pinakita ulit ni president yung clipboard niya na may nakasulat na 'soon magkakasama ulit kayo' ningitian ko siya at ganun din siya. miya miya parang nakikipagkamay siya? nagtaka ako sa gusto niyang gawin.
Inabot ko yun na may pagtataka hanggang sa naaalala ko ulit yung secret hand shake na ginawa niya ngayon. Saan niya yun natutuhan?
"president... uhmmm... saan mo to natutunan tong hand shake?" tanong ko sa kanya. parang rude pero nagtataka kasi ako. Miya miya nag scrib siya 'ewan. Basta alam ko lang" a-alam niya lang? Huh? Parang ang weird naman... hmmm...
Magtatanung ulit sana ako ng biglang nagsalita si fiora "okay guys. The lunch will be serve at 12:00 then mga bandang 2:00 balik tayo dito sa hall para sa announcement para sa finalization at practice alright? Dismissed" at nung maubos na namin isa isa na silang nagtayuan miya miya pinakita sakin ni president yung clipboard niya. 'sige, mamaya nalang ulit tayo mag usap. Pahinga kana' sabay ngiti niya. ganun din ako sa kanya na parang ang dami kong gustong malaman tungkol sa kanya. nahihiwagaan na ko ha!.
Naglakad na ko sa hall kung saan di ko alam kung tama ba tong nilalakaran ko papunta sa kwarto. Ako lang kasi mag isa at sa totoo lang parang maze itong bahay na to ha! Ang daming pinto at kanto. Di ko alam kung nasan na ko miya miya may narinig akong umiiyak. Hala! May something ata dito?!
Sinundan ko kung saan nanggagaling yung pagiyak. Hindi naman totally umiiyak e yung tipong parang sumisinghot singhot lang ganun. Hanggang sa isang pinto na bahagyang naka bukas ko narinig yung parang umiiyak. Kahit may kaba e inalam ko kung bakit. Kumatok ako at tumawag kung may tao hanggang sa biglang tumahimik.
"s-si... sino y-yan. Will you please leave?" Si max?. at dahil matigas ang ulo ko sumilip ako at nakita ko siyang nakahiga at nakakulubong ng kumot. Ano bang nagyayare sa kanya? baka may masakit lang sa kanya.
"m-may problema ba?" seryoso charlie? yan yung tanong? Natural kasi umiiyak diba? Bigla niyang inalis yung pagkakalubong tapos tumingin siya sakin. Nagulat ako sa itsura niya. di ko alam kung matatawa o maaawa.
Pero sa totoo lang ang ganda parin niya kahit sabog sabog sa mukha niya yung buhok niya.
"a-ano ginagawa mo rito?" pagalit niyang tono pero di niya matago yung damdamin niyang parang nasasaktan. Ganito din kasi madalas si freya. Akala mong kung sino matapang pero deep inside nasasaktan or may gusto. Hayy... mga babae nga naman.
"uhmmm... s-sorry m-may naririnig kasi akong umiiyak akala ko multo. Magandang babae pala" palusot ko. Sinimangutan naman niya ko sabay punas na parang naiinis sa mukha niya.
"m-mukha ba kong multo? Huh!" napapigil ako ng tawa sa sinabi niya. para din pala tong baliw e. Iiyak tapos ngayon naiinis. Bipolar ba?
"well, sa itsura mo ngayon parang..." asar ko. Sinamangutan niya ko sabay binalibagan ako ng unan. Hindi naman halos umabot sakin.
"biro lang. Pinapatawa lang kita" sabi ko. Sinamangutan niya ko sabay nagcross arm siya. medyo nagpipigil lang siya ng tawa pero kahit papaano nakalimutan na ata niyang umiiyak siya.
Mga ilang minuto lang huminga siya ng malalim at kahit papaano ningitian na niya ko. "s-salamat" ningitian ko lang din siya. hmmm... tanungin ko na nga din to kung nasan yung kwarto ko naliligaw kasi ako at gusto ko na matulog.
"nga pala. Uhmm.... alam mo ba kung saan yung room 251? Naliligaw kasi ako. Kanina pa ko hanap ng hanap di ko natandaan yung dinaanan ko" sabay kamot ng ulo ko. Mas maganda ng sabihin ko ang totoo kesa magmarunong ako baka abutin ako ng alas dos dito hanap pa ko ng hanap.
Napakunot naman siya ng noo sabay ayos niya sa mukha niyang panay luha at hulas halos ng make up. "seryoso ka? Nasa kabila lang kwarto mo, may number naman kasi sa gilid ng pinto" napatingin ako at nakita kong 250 yung number niya nakita ko din yung tinuro niya at yun na nga yung 251. Napangiti nalang ako sa hiya. Ang engot umariba na naman saiyo charlie!.
"ay! Oo nga sorry. O sige salamat. Wag kana umiyak ha! Di ako makakatulog nito" napangiti naman siya ulit at napailing.
"oo na. Sige na. Salamat ulit. Buti ka pa" napakunot nalang ako at sinara ko yung pinto niya at nagpunta na ko sa kwarto ko. Saktong bubuksan ko naman to ng isang maid ang kinausap ako tungkol sa lunch. Napasabi ko nalang na busog pa ko at nagtungo siya sa kwarto ni Max. di ko na narinig yung sinabi nun at agad akong humiga.
Hayy... gusto kong matulog. Pa iglip na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ko. Hayy... pwede ba pagpahingahin niyo naman ako?. Tamad akong bumangon at binuksan yung pinto. "sino... Max? uhmm... m-may problema ba?" nabigla kong tanong. Akap akap niya yung unan sa kwarto niya na binalibag sakin.
"p-pwede ba muna ko rito?" h-huh?!