Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Anti Zombie Team (TAGLISH)

🇵🇭EverRuler
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.6k
Views
Synopsis
SLOW UPDATES! ANTI ZOMBIE TEAM, isang sikretong grupo kung saan kaunti lamang ang nakaka-alam dito. AZT is founded by a Japanese leader–Nicholas Hotarou. Japan, Philippines, America, Thailand, and New Zealand. 5 countries with the AZT aircraft, different nation, different language, different leaders, different people, but they only have one mission– it is to take down the group called.... Lady P's Zombie organization. 
VIEW MORE

Chapter 1 - IT ALL STARTED BECAUSE OF A FIGURE

CHAPTER 1: It all started because of a figure

Ericka's POV

"Ito kaya?" Pag-tatanong ko sa sarili ko.

Kasalukayan akong nandito sa isang sikat na anime store sa Tokyo, Japan. Balak ko lang sanang mag-tingin tingin lang kaso, Argh! Ang ganda ng rent a girlfriend figures nila! Nakakagigil!

"Rent a girlfriend, huh?" Nagulat ako ng biglang mag-salita ang isang lalaking naka-hoodie. Nakatingin ito sa mga figures ng HOTD or Highschool of the dead.

"The plot is superb," I can't help but to smile. Rent a girlfriend's plot is amazing! "I like the anime, I also read the manga."

"HOTD is my favorite so far, the manga is amazing, plot is a masterpiece, animation is cool, add the voices and the growling of the zombies..." he paused and sigh. "But sad to say it is discontinued" I shrugged my shoulders na para bang nararamdaman ko kung ano man ang sinasabi niya.

"Yeah it is a masterpiece, that anime inspires me to use katana." Looking amused, the hooded guy looked at me.

"Oh really? You look fragile." I smiled.

"I also use dagger, Argh! I love Kara no Kyoukai! Specially the protagonist, Shiki Ryougi" The guy beside me chuckled.

"The Garden of sinners, huh? Well it's nice too, I bet you have tons of Shiki's figure."

"Of course! It's nice!"

"HAHAHA! yeah ni-"

"Hoy! Riri-chan! Time is up!" Tandang Mart!

"Teka! Bibilhin ko lang ito." sabi ko sabay lapit sa counter para bayaran ang dalawang figures.

"Pinoy ka?" Nagtatakang tanong ni hooded guy, I nodded in response.

"Opo! Proud to be! Kayo po?"

"Drop the po, I'm just fifteen, and for your question it's a yes. Half-Japanese and Half-Filipino." Ibinigay na noong cashier ang paper bag na nag-lalaman ng figures.

"Sayonara, hooded guy-san!" I wave my hand as I bid my farewell to the hooded guy. I head towards tandang Mart, he frowned when he saw the paper bag I was holding. Para namang hindi pa siya sanay sa akin.

Nang makarating na kami sa kotse ay agad kong binuksan ang rear door ng sasakyan, and to my surprise nandoon lang naman ang pakielamera kong pinsan.

"Napaka! Ericka! Napaka! Napaka-hilig mo sa mga anime figures!" Sigaw ni Mathew sa akin na tinawanan ko lang.

"Alam mo pinsan, gwapo ka pero pakielamera ka eh." I told them and my cousins laughed. Na-upo ako sa tabi ng pakielamera kong pinsan sa back seat.

"Paano ba naman kase Ericka, fourteen years old kana anime pa din!" I frowned when I heard what tandang Mart said.

"Anime is not just for kids! Bakit? May mga scenes sa anime na bawal sa bata, hindi ba?"

"Tsk! Hentai ba kamo? Nanonood ka noon, ano?" With a smirk on his lips, Mathew said.

"Adik! Ibig kong sabihin yoong mga patayan! Katulad na lang no'ng highschool of the dead, 'di ba patayan yun? Zombies to be specific." Sabi ko sa kanila, naalala ko kase yoong sinabi ni Hooded-guy-san. Nakita ko ang pag-iling ni Kuya Mart na nasa shotgun seat.

"Hayaan mo na Mat, hindi naman tayo mananalo diyan. Basta pag-dating natin sa kina ate Fil, huwag kang lalayo, ha?"

"For the nth time! Tandang Mart kaya ko na po ang sarili ko!" They burst out laughing because of what I said, and yeah! We are going to Itomori, Japan, gonna go to visit their sister Sofilia, my cousin on my mother's side.

Ate Sofilia is the oldest among them. Kasalukuyan itong nasa Japan dahil nakapangasawa ito ng fifty-fifty, Lol! Totoo naman! Kalahating pinoy, kalahating Hapon. Argh! Naalala ko na naman si Hooded-guy-san!

Si kuya Mart naman o mas kilala bilang tandang Mart, ang pangalawa sa kanilang mag-kakapatid. Single yan pero walang oras to mingle, bakit? Ewan! Ako ba si tandang Mart?

At ang pang-huli ay ang pinaka-pakielamera sa lahat, si Mathew ang fifteen years old kong pinsan. Kung hindi ko lang ito pinsan nako! Thick eyebrows, perfectly pointed nose, he also has a slender body, pinkish lips na akala mo nag-pahid ng lip balm sa sobrang kinang! At higit sa lahat ay ang mga itim na mata nito.

Tsk! To much compliment!

Muli kong tinignan ang mga anime figures na binili ko, dalawang rent a girlfriend figures lang naman ang binili ko, pangdagdag sa mga collection ko.

Napag-desisyunan kong matulog na lang muna tutal malayo layo pa ang Itomori sa Tokyo.

***

"Riri-chan! Riri-chan! Wake up! We're almost here, look!" Nagising ako sa sobrang lakas ng bungaga ni tandang Mart.

"Ang ingay mo tandang Mart! Oo na maganda yo'ng lugar, gawin mo namang maganda ang pag-gising mo sa akin parang ganto, Riri-chan, Riri the cute and-"

"Tama na, dami mong satsat Ericka! Kagigising mo lang umingay na naman." I frowned when I heard my cousin Mathew's voice. Aba! Sinong hindi? Kagigising mo lang bwi-bwisitin ka na.

"Yeah, whatever," I rolled my eyes to Mathew before looking at the window.

Woah! Sugoi! Itomori, Japan... I LOVE YOU SO MUCH! PAKAKASALAN KITA!

I laugh at my own stupidity. Yeah that is me, your short tempered Ericka na palaging masaya tuwing anime ang kaharap, malakas din akong kumain but I have my ways to keep my weight normal for my age.

Naramdaman kong naka-hinto na ang sasakyan, napa-tingin ako sa kanang bahagi. Nag-mamadaling lumabas ako sa kotse para makita kong mabuti ang bahay ni ate Filipino, napa-woah na naman ako, this is my first time that I saw this big house I mean, a mansion!

"Open~ wide!!" Sigaw ko at tada!! Bumukas ang malaking pintuan ng mansion. Sinalubong kami ng matamis na ngiti ni ate Fil.

"Hello ate Filipino!" I shouted and ran towards her to hug her tight.

"Oh, hello there my dear cousin, I miss you! Ang taba mo na!" She burst out laughing and that is why I pout.

"Huwag kang ngu-nguso nguso diyan, mukha kang baboy na may tuka."

"TANDANG MARTIN!! KAYA HINDI KA NABIBIYAYAAN NG GIRLFRIEND KASE PASMADO BUNGANGA MO EH!" Laughing, he hugged her older sister.

"Oh ayan, bunga nang pagbabantay ko sa bunso nating pinsan" Sabi niya na tinuro pa ako!

"I am not fat!"

"Yeah you are not fat..... You are very~ fat." I can hear the sarcasm in Mathew's voice, frowning I head towards the living room which is parang apat na classroom na sa laki!

"Sala ba ito?" Exaggerated kong sabi and ate Filipino nodded in response.

Dugong bughaw ba ang dumadaloy sa katawan ng napangasawa ni ate Filipino? Aba! Mukhang sala 'to ng royal family, bakit? Magagarang paintings na nasa wall na ang tantiya ko ay aabot sa libo libo o baka milyon ang halaga! Gold ang theme ng sala, amoy old rose din dito parang....parang kwartong matagal nang hindi nabubuksan ang amoy! Marami ding vintage paraphernalia sa bahay-este mansion. Over acting ang tawag pero grabe! Sosyal! May malaking sala din naman ang bahay namin sa Pinas pero tamang disenyo lang hindi yung Argh! Ewan!

"What the fridge?! Asan ang fridge nagugutom na po ako," May pa-himas himas pa sa tiyan kong sabi, nag-tawanan na naman sila dahil doon.

Pinag-handa kami ni ate Filipino ng meryenda, and guess what? It's the Yubari King melon na sa tingin ko ay nag-kakahalagang $45,000 noong 2019, and yes, Dollars!

"Ate Fil, meryenda lang na mura ang halaga ang ihanda mo sa amin, baka hindi kami makakain." natatawang wika ni tandang Mart.

"Sad toa say pero yaan ang gusto kong ihanda sa inyo Mart. Fresh from the farm kaya kumain na kayo, tatawagin ko lang si Flint." Oh and yeah! My niece Flint is so cute!

Nag-simula na kaming kumain ng melon, and holy fridge! It taste so good! Ang sarap sobra! Kaso nakakabusog kaya naka anim na slice lang ako meaning naka-isang buong melon ako. HEHEHE.

After eating our so called snack ay dumeretso na kami sa kanya kanya naming magiging silid. Mas simple ang silid na napunta sa akin. Beige ang kulay ng kuwarto, hindi din masakit sa mata ang design kaya okay na okay para sa akin. Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa malambot na kama at hinayaang tangayin ako ng antok.

***

Anong oras na ba? Bakit ang dilim na ng paligid?

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang oras, and for my fridge's sake! Ala-una na ng madaling araw! And guess what? Gutom na naman ako.

That is when I decided to leave my room, go to the dining area and eat, but I guess it's a no no for now when I overheard my cousins conversation with someone on the phone.

"Chief's son is missing Sofilia." Chief's son? Ano raw? At ano namang kinalaman ni ate Filipino doon?

"And your chubby cousin is the last one with Mr. Nash."

"Oh? You mean Ericka my not so fat cousin? She's the last one with the chief's son?" Ako? Teka bakit ako? Sinong chief's son?

"She's watching you Sofilia," Biglang napatingin sa direksyon ko si ate Filipino, bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.

"Oh oh oh? Wag niyo akong pag-bintangan ha?" Sabi ko with matching pa-iling iling pa.

"Take her with you." Yoon ang huling sabi no'ng lalaking kausap ni ate Filipino sa kabilang linya.

"Ate, you know me for fourteen years! At hindi ko magag-"

"HAHAHA silly you, hindi naman por que ikaw ang huling kasama ni Nash ay ikaw na ang ang dahilan kung bakit siya nawawala, but for the mean time I have a question for you,"

"Ano po iyon?" I asked innocently.

"Do you trust me?"

"Ha?"

"I said do you trust me?"

"HA?!"

"Ang sabi ko pinag-kakatiwalaan mo ba ako bilang pinsan mo, Ericka?"

"Ayan! Malinaw! Opo nama- AHHH! ATE MAHAL KO PA BUHAY KO!"

"Gaga! Hinawakan ko lang ang kamay mo, maka-sigaw ka parang walang bukas," Ay! Oo nga ano? Hinawakan niya lang ang kamay ko.

"S-saan tayo pupunta ate Filipino?" Tanong ko ng bahagya na akong kumalma.

"Sa langit," Smiling she pushed something on the back of her ears, and the next thing I knew is that para kaming nag-mukhang glitch, napa-pikit pa ako sa nakita ko at nang imulat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar.

"Hey dear cousin, welcome to the Japanese anti zombie team's aircraft" anti... what?!

"Ano daw?"

"Welcome to the anti zombie team's main aircraft. I am your cousin Sofilia and I am Chief Nicholas' right hand" Napa-nganga ako sa narinig.

Anti zombie? Main aircraft? Chief Ni-I-can't-remember-his-name's right hand? Ano daw?

"T-teka ate, It's confusing, anong Anti zombie?" Smiling, ate Filipino grabbed my hand again, I don't know where are we going basta ang naalala ko lang ay bumukas ng kusa ang malaking pintuan, nag-lakad kami hanggang sa makarating kami sa isa pang malaking pintuan. Namangha ako ng kusa muli itong bumukas, and guess what? Mukhang isang conference room ang napuntahan namin dito sa aircraft-kuno.

Nakita kong nag-bow si ate Filipino kaya napa-bow nadin ako. Isang lalaking may edad ang yumuko din, nang lingunin ako nito ay nginitian niya ako.

"You may leave us for a while, Sofilia" Old-guy-san said to my cousin Sofilia, tumalima naman si ate at bago ito lumabas ng conference room ay nginitian niya muna ako.

"I am Nicholas Houtarau, the Chier of the Anti Zombie Team. Nice to meat you." Sabi niya at inilahad ang kamay sa akin.

"My name is Ericka Garcia, nice to meet you too, Chief." Ani ko at tinanggap ang naka-lahad nitong kamay kahit pa alam kong nanlalamig na ako.

"Don't worry I know that you are not the one who abducted my son"

"Your son, eh?" Eh sino ba anak nito?

"Him" wika niya sabay turo sa hologram na nasa gitna ng mahabang lamesa.

"Oh? Hooded-guy-san?" I screamed in exaggeration.

"I know you know him, by the way his name is Nash Gabrielle Houtarou, my son" I nodded, pero teka nga, ang dami kong tanong eh.

"Wait Chief, my cousin told me that we are going to heaven, tell me where are we?" I asked without even a single hesitation.

In a blink of eye, everything turned into a glass! Ay ewan! Basta nag-mukhang nasa taas kami, kitang kita ko ang tanawin mula sa baba, na-lulula ako sa taas ng kinalalagyan namin. Kitang kita ko ang mga ilaw sa ibaba. Naalala ko yoong sinabi ni ate Filipino kanina, Welcome to the Anti Zombie Team's main aircraft! That explains why she said earlier na pupunta daw kaming langit nasa itaas nga naman talaga kami!

Nang makahuma ako sa ganda ng paligid, naalala ko naman ang pangalan ng team nila.

"Chief, but what do you mean by calling your team Anti zombie?" Smiling he swipe in the air and then I saw the hologram move. Isa iyong video, at nang i-play ni Chief ang video ay napatulala ako sa nakita.

Zombies!! Maraming zombies! May mga taong pumapatay sa zombies, may mga hawak silang baril, kutsilyo, bow and arrow, marami pang iba pero may isa akong nakitang nakakuha ng atensyon ko, a katana! P-pero wait nga!

"I-is this for real?" The chief nodded slowly.

"I explain it to you some other time, but for now I'll go straight to the point," He paused when I looked at him. "I want you to save my son."

T-teka ano daw!?

***

Hindi ko alam kung anong nangyari at napa-payag ako ni chief Nicholas sa gusto niyang iligtas ko si Houtarou-senpai, dala na rin siguro ng sinabi sa akin ng mga magulang ko na kapag may nangangailangan ay tumulong pero ang hindi ko naman ma-isip ay kung bakit ako ang gusto niyang mag-ligtas sa anak niya samantalang habang papunta kami sa paroroonan daw ay ang daming tao ang nasa paligid.

Por que ako ang huling kasama ako na agad? Eh? Sa totoo lang ay sobrang dami ko pang katanungan pero sa ngayon ay uunahin ko muna ang pinapagawa nila sa akin.

Isa pa sa pinag-tataka ko ay ang mga zombies sa video kanina, bakit walang zombie-kuno sa balita? Wala naman akong naririnig na ganon sa Pinas.

Sinabihan na lang ako ni Chief na sumunod kay ate Filipino kasama ang dalawa pang myembro ng AZT pareho silang naka-suot ng weird na damit. Naka-suot ng itim na sweatshirt ang lalaki na may nakapatong na vest, itim na jeans naman ang sa pang ibaba, nasabi kong weird dahil nakita kong may naka-sukbit na kung ano-anong paraphernalia sa belt nung lalaki na pinangalanan ni ate Filipino na Ashton.

Yoong babae naman parang naka-astral dress ng Date a live, kamukha nung kay Tohka, ang kaibahan nga lang ay mas revealing ang likod nito, red and green ang kulay parang mansanas, may double edged katana naman na naka-sukbit sakaliwang tagiliran niya. Siya naman si France. Matatawa na nga lang kako ako kung ang double edged katana niya ay nakasabit sa likod niya, baka masira ang maganda niyang buhok with matching bangs. Pero naisip ko din na profesional user na siya, malay ko ba.

Nabalik ako sa realidad ng bumukas naman ang isang pintuan, mas maliit kumpara sa naunang mga pintuan. Sa susunod na lang daw nila ako ililibot sa buong AZT's aircraft dahil masyado daw itong malaki.

Tumambad sa amin ang napaka-raming weapons! Ibat ibang klase ng mga baril ang nakikita ko sa kaliwang side ng kuwarto, mula pistol, rifles, at shotgun!

Sa gitna naman ang paraphernalia like ropes, first aid kits, flashlights, walkie talkie, bombs and more!

Sa kanang side ako napa-nganga, ibat ibang klase ng patalim! May mga daggers, spiked chain, iba't ibang uri at laki ng swords, starknife, meron ding baseball bats! Samurai and katana!

Hindi na ako naka-pagpigil pa at lumapit sa lugar kung saan naroon ang mga katana, kinuha ko ang katana na may gold handle. Dahan dahan kong tinanggal ang saya o ang scabbard ng katana. Kitang kita ko ang kinang ng katanang hawak ko. Kung tutuusin ay isang simpleng katana lamang ito kumpara sa double edged katana ni France-san.

Iwinasiwas ko iyon sa ere na nag-likha naman ng matining na tunog. Approximately 68 inches ang nagasa o length ng katana.

"You liked it?" Ashton-san asked me, I smiled and nodded.

"You can have it, well then let's go to the pract-"

"Nah, no need, I know how to use katana." Pag-putol ko sa sasabihin niya. Baka akala niya hindi ako marunong gumamit, marunong kaya ako.

"You can kill zombies?" Ay! Ibang usapan yan!

"Bring me to the practice room." The three of them chuckled.

Pag-pasok namin sa practice room ay nagulat ako nang makita ko ang apat na zombies doon!

"Be quiet Ericka, the only sense that is present on their body is hearing."

"Kill them." Napalingon ako kay ate Filipino.

"Ha?"

"Kill them."

"O-oh..." Sabi ko bago ako tuluyang pinapasok sa practice room. Hindi muna ako gumawa ng kahit anong ingay. Tinanggal ko ang saya ng katana at inihagis sa gilid dahilan para mapalingon sa gawi ko ang mga zombies.

Alalahanin mo lang ang ginagawa nila Saeko-senpai ng HOTD...

Ilang metro pa ang layo ng mga zombies pero sinugod ko na sila, ang unang zombie ay pinugutan ko ng ulo, ang baho pero okay lang, yo'ng sumunod na tatlo ay gagamitin ko para pahangain ang mga nakamasid sa akin.

Marunong ako!

Nakaramdam ako ng takot sa ginawa kong pag-pugot ng ulo ng zombie, but this is the only way para maligtas ko mamaya ang anak ng chief. Baka nga sa iba ay hindi nila maisip kung bakit kailangan kong tumulong samantalang kung tutuusin ay kaya na nila 'to. I'm involved na kaya wala na akong magagawa, isa pa it looks fun even though it's really dangerous.

Napansin ko ang mga mata nitong kulay puti na lang. Naka-nganga din ang bibig nito na animo'y handa ng kumagat.

Nilaro ko sa kamay ko ang handle ng katana bago muling pinugutan ng ulo ang zombie na nasa harap ko. Tinakbo ko naman ang zombie na sa ibang dereksyon papunta, binge ata, I beheaded the zombie again. Isa na lang, nag-ingay ako sa pamamagitan ng pag-katok sa glass window, nagulat naman sila sa ginawa ko, tumakbo sa dereksyon ko ang zombie, kaunti na lang ang pagitan namin pero nagawa ko pa ding pugutan ito ng ulo. Narinig kong may pumapalakpak kaya napalingon ako sa pinanggalingan nito, it was Chief Nicholas.

"I guess you are ready Ericka, France put the microchip on her."

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko matapos akong lumabas ng PR. Grabe ang daloy ng adrenaline sa katawan ko.

Napatulala na naman ako kaya hindi ko na namalayan na nadala na pala ako ni ate France sa isang kuwarto na puro computers at kung ano anong paraphernalia na sa tingin ko ay para sa tinatawag nilang microchip. May mga sketches din ng mga building ang nandoon.

"Anong gusto mong itsura ng A.Z.T uniform mo?"

"Pinoy! HAHAHA kahit ano po basta mala anime. Maangas ang datingan na pang bang bang! Itim po sana," Natutuwa ako kase isa palang Pinoy si ate France, kung tama ang hinala ko.

"Sige, sige." Napangiti ako at tumango. Na-upo si ate France sa isang computer at tumipa sa keyboard.

Hindi naman makapal ang mukha ko, ano?

"Ang gamit nitong microchip ay para mag-karoon ka ng mas madaling paraan ng pag-papalit ng AZT uniform, at dahil ang golden katana ang ginamit mo kanina, yoon na lang din ang i-include ko sa uniform mo."

"You mean parang transformation po ganoon?" Tanong ko na siyang tinanguan niya. Iniangat niya ang bangs niya at doon ko nakita ang pulang microchip na nakalagay sa kanang sintido niya, pinindot niya iyon at woah! Nag glitch look like ang suot niyang uniform at napalitan iyon ng pajamas! Naka-pajamas siya bago pumunta sa aircraft? Pinindot niya ulit iyon at bumalik sa dati ang suot niya.

"Isa pang gamit ng microchip na ito ay ang teleportation, meaning once na pinindot ko ang microchip na ito gamit ang hinliliit ko ay makaka-punta ako sa paroroonan ko, may tracker din ito kung saan puwede kang ma-track ng AZT." mahabang paliwanag niya, kaya pala may kung anong pinindot si ate Filipino sa likod ng tenga niya, malamanv ay nandoon ang microchip niya.

Natapos na siya sa ginagawa niya, iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon akala ko iyon ay ang microchip pero isa palang pares ng airpods.

"Ginagamit naman yan for communication, kapag hindi mo naman ginamit ang microchip para sa teleportation pwede ka naman mag-request ng retreat" napatango tango ako.

"So, saan mo gustong ilagay ang microchip?" Napa-isip naman ako sa tanong ni Ate France.

Hanggang maari ay gusto ko sa tagong part ng katawan ko pero madaling mapindot. Katulad na lang noong kay ate Filipino.

"Sa batok po."

"Sorry Ericka ha?" Nag-taka naman ako sa sinabi niya, pumwesto siya sa likuran ko at biglang dinikit ang microchip sa batok ko, and for my fridge's sake ang hapdi noon!

"Aray! Manok naman sa freezer ang hapdi!" Sigaw ko.

"Sorry! Ganyan talaga yaan, pero paalala lang isang oras mo palang yan pwedeng gamitin kase bagong microchip palang yan so marami pang ka-ekekan na dapat gawin." Tumango ako a kanya, nawala na din ang hapdi sa batok ko kaya sinubukan ko na ang microchip.

Hinlalaki para sa uniform, middle finger naman para ibalik sa dati ag suot, at hinliit naman para sa teleportation.

"Woah! It's amazing!" Nagulat ako kase bagay sa akin ang uniform! A simple black leather jacket with a black t-shirt underneat. Perfect pair for my leather shorts and a black high knee socks. Naka-duot na din sa akin ang itim na army boots.

"Get ready Ericka, AZT will drop you at the area where Nash is abducted."

Am I ready?

***

To be continue...

Up next:

Chapter 1.5

Saving the abducted