PREVIOUSLY ON AZT
"Nadumihan ko ba ang mga kamay ko?"
***
"Alam mo? Dapat magkaroon ng batas na 'walang pakielamanan ng trip, maya't maya mong pinakekeelamanan ang buhay ko, eh"
"Ah gano'n? Sige... Sabi mo eh, hindi na kita pakikielamanan. Bahala ka na sa buhay mo."
***
"Masakit ba batok mo?"
***
"Listen dear cousin, kailangan mong i-activate ang microchip mo. Nakikita kita ngayon dito sa screen. Ang gusto kong gawin mo ay hanapin ang tablet na nakatago d'yan sa mga upuan."
"Saan?"
"Bruhilda! Nakatago nga eh!"
***
"Choose activate,"
"Holy fudge!"
"Ericka..."
***
Chapter 2.5- The unwanted witness
Ericka's POV
Kanina pa talaga ako nagra-ground, pero hindi naman ako p'wedeng basta basta na lang na kumilos dahil nasa tabi ko lang si Sebastian Hades. Knowing him, one suspicious act will make him curious, kaya naman todo tiis ako kahit ang sakit na.
Sus maryosep! Ang hapdii!
"Antibodies are immune system-related proteins called immunoglobulins. Each antibody consists of four polypeptides- two heavy chains and two light chains joined to form a "Y" shaped molecule. The amino acid sequence in the tips of the "Y" varies greatly among different antibodies." Mahabang litanya ng teacher namin.
Aish! Kailan pa ba matatapos ang lesson namin sa Science?!
Habang hawak ko ang parte kung saan nandoon ang microchip ay nagsusulat din ako. Nakaka-irita nga lang pero hindi naman ako p'wedeng magpahalata. Kailangan ko munang magtiis, tutap malapit na rin naman ang rece-
Tumunog ang bell na hudyat na recess na. Sa wakas! Dalidali kong niligpit ang mga gamit ko at walang pasabing lumabas ng classroom. Rinig ko pa nga ang tawag ni Baste sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.
Dumeretso ako sa likod ng gym. Wala namang sinabing bawal pumunta doon kaya doon muna ako tatambay. Puro kase sirang upuan ang nandoon kaya ginagawa din itong tambayan ng ibang estudyante.
Sa mga oras na 'to ay malamang nasa cafeteria sila. Safe na para sa akin kaya kinapa ko ang microchip sa batok ko.
Napabuntong hininga na naman ako. Mayamaya pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ko.
"Ano naman ang kailangan nitong si ate Filipino?" Nakakunot noo kong sabi nang makitang tumatawag si ate Filipino sa akin.
"Ericka! Anak ka talaga nina tita! Hindi na kita na abutan kaninang umaga kaya hindi ko sa'yo naipaliwanag ang mga gagawin mo." Anito sa kabilang linya.
"Ano na nama- Aray!" Napadaing ako ng malakas dahil na-ground na naman ako.
"Listen dear cousin, kailangan mong i-activate ang microchip mo. Nakikita kita ngayon dito sa screen. Ang gusto kong gawin mo ay hanapin ang tablet na nakatago d'yan sa mga upuan."
"Saan?" At paano namang magka-tablet sa tambakan ng sirang mga upuan?
"Bruhilda! Naka-tago nga eh!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sinabi ni ate Filipino. Nilapitan ko ang mga upuan at isa-isang tinignan kung may tablet ba doon.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang parihabang bagay na umiilaw. Ito na ata ang sinasabing tablet ni ate Filipino. May naka-flash sa screen nito, nakikita ko pa nga ang uniform na sinuot ko no'ng araw na niligtas ko si kuya Nash sa ibaba ng mga salita.
Activation of Microchip
Activate or Cancel?
"Choose activate," Kasabay ng pagpindot ko ng activate sa tablet ay ang pagsigaw ni ate Sofilia mula sa kabilang linya. "Holy fudge!"
Nagliwanag ang paligid ko, pero bago ko pa nabungaran ang aircraft ay may isang pamilyar na tinig akong narinig na alam kong sanhi ng pag-sigaw ni ate Filipino.
"Ericka...?" B-boses ni Sebastian!
Nanlalaki ang mga matang napa-upo ako sa swivel chair ni ate Filipino sa may aircraft. Sa screen ay kitang kita ang nagtatakang mukha ni Sebastian. Napapalatak na lang tuloy si ate Filipino habang pinagmamasdan ang kaibigan ko.
"Bring him here," turo ni chief kay Baste kaya lahat tuloy kami ay sa kaniya nakatingin.
Ashton, the one assigned for the weapons raised his hand and said, "That kid? He ain't even part of the team?" At sinigundahan naman iyon ni ate France.
"Pero chief..." Ate Filipino shushed them. Sinenyasan niya pa ako na sunduin si Baste.
"The time is running, Ericka. Matatapos na ang recess niyo," I aggressively nodded at my cousin.
Immedietly I pressed the microchip and transported to Sebastian's location. He's confused face greet me, pero hindi ko siya hinayaang makapagsalita at agarang hinablot ang kamay niya sabay pindot muli sa microchip.
Wala pa halaos labing limang segundo ko iyong ginawa kaya hingal akong napaupo muli sa swivel chair ni ate Filipino, inabutan naman ako ni kuya Ashton ng mineral water.
"What the...?" With brows furrowed, Sebastian Hades asked, nakaupo naman siya sa lapag.
"Welcome to the Anti Zombie team main Aircaft, Hadie." Si ate Filipino.
Natahimik tuloy si Baste. Tanging paghinga lang namin at tunog ng machine ang naririnig mula sa mga aparatong nasa paligid.
"Z-zombie?!" Napapitlag tuloy ang mga tao sa paligid dahil sa biglang sigaw nito.
"Ingay mo, Baste," side comment ko naman, takang pinagmasdan ako ng kaibigan ko.
"Yep, zombie, as in Z-O-M-B-I-E. Zombie." Paliwanag ko. Malay mo hindi niya naintindihan 'di ba?
Tumikhim si Chief Nicholas na kasalukuyang nakaupo sa swivel chair niya na naka elevate. "This is the Anti Zombie team. As you can hear, zombie," he then paused and looked at me. "They're true."
The chief motioned his hand in the air, and like what I saw the night when Nash-senpai was abducted, the hologram screen appeared and clips of the antis fighting with the zombies played.
Slowly, Sebastian stood up with eyes focused of the screen. The next video played, it was me saving kuya Nash. Wait... THAT'S ME!
Napalingon ako sa direksyon ni Sebastian muli at kita kong napakunot na naman ang noo niya.
OH NO!
My eyes widened when I saw myself killing zombies with kuya Nash. I saw how I beheaded them, those lifeless creatures growls like a hungry animal. And just like an animal, I saw my face splattered with blood.
What... On Earth?
Kahit pa natapos ang mga video sa hologram ay nandoon pa din ako nakatingin. Kung ano ano na ang mga pinaguusapan nila pero isa lang ang narinig ko.
"Ericka, bumalik na muna kayo sa classroom niyo. Tapos na ang recess." Without even a word, I and Baste came back to the gym using the microchip. Nakatulala akong naglakad pabalik ng room.
Ganoon pala. Ganoon pala ang itsura ko habang nasa harapan ako ng mga zombies noong makalawa, para akong nasisiraan ng bait. My eyes are glittering that moment when I beheaded one of them.
"You'll regret it." Senpai's voice kept on ringing into my ears. A tear fell from my left eye, however, I wipe it as fast as I can before Sebastian sees it.
Patakbo na din akong pumunta sa classroom namin dahil nga nag-bell na. Tahimik naman akong sinundan ni Baste na halatang hindi pa na-pro-process ang mga nalaman.
Sabagay, hanggang ngayon nga ay hindi ko pa din maisip kung ba't ko ginawa ang mga iyon. Ang bilis ko kaseng gumawa ng mga desisyon na hindi ko alam kung mapapanindigan ko.
Puwede naman kase akong hindi pumayag sa sinabi ni Chief pero um-oo pa din ako. Feeling ko kase ay responsibilidad ko ang mga bagay bagay sa paligid ko, kaya ayon, niligtas ko si kuya Nash.
Tsk! Set-up nga lang pala ang nangyari. Chief kuno? Kung mag-back out na lang kaya ako at kalimutan na ang lahat ng nangyari? Kaysa naman problemahin ko ang lahat 'di ba?
Tsaka ano ba kase 'yang mga zombies na iyan? Bakit nga wala akong nakikitang mga zombies sa balita? Mga news na nagsasabing may virus or kung ano man na kumakalat para maging zombie ang isang tao?
Bakit ako ang pinili nila para iligtas si kuya Nash? Bakit sa dinamidami ng tao sa ship ay ako pa? Paano kung bati si Baste ay madamay sa gulong pinasok ko? Anong ipapaliwanag ko sa kanya?
Bakit... Bakit ang dami kong tanong?!
Inis kong sinabunutan ang buhok ko kahit na may klase kami sa english. Kanina ay microchip lang ako problema ko, ngayon kung ano ano na! Kapag nga naman sinusuwerte ka, 'no?
"Ericka?" Bigla akong napalingon sa english teacher namin. Patay kang bata ka!
"Sorry po ma'am, may naalala lang po kase ako." Nahihiya kong sabi. Ramdam ko naman ang pagsiko sa akin ni Baste, paglingon ko ay isang papel na nakatiklop ang inabot niya sa akin.
'Anong meron? Sabihin mo nga sa akin kung bakit ka humahawak ng patalim?'
'Yon ang nakasulat sa papel. Tinitigan ko pa iyon ng ilang sandali bago magsulat.
'Paliwanag ko sayo mamaya.'
Kinakabang binalik ko naman sa kanya ang papel. Ayaw ko naman na dahil sa AZT ay magka-lamat ang relasyon naming magkaibigan.
Ano na lang kaya ang idadahilan ko sa kanya?
Hmm, kunyari green screen lang iyon at peke ang lahat? Na para iyon sa movie project? Pero sinabi na kase ni chief na totoo ang mga zombie. Paano na 'yan?
Wala na naman sa oras na napa face palm ako dahilan ng pagkahulog ng pencil case kong bukas. Kumalampag ang mga gamit ko sa sahig at...
"MISS GARCIA!" Sigaw ng english teacher namin.
***
Kapag nga naman minamalas ka't mapapahikling ka na lang na bumagal ang oras ay tsaka pa ito bibilis.
Uwian na't nakatitig na sa akin si Baste.
Matutusta na ako.
Saktong paglabas naming dalawa sa gate ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
"HA! KUYA NASH!" Nabigla ko ang sarili ko't napasigaw ng wala sa oras.
As usual, nakasuot ng hoodie si kuya Nash. Natawa tuloy ang kaharap ko habang si Baste naman ay inatake ulit ako ng tingin. Partida, nakakunot na ang noo niyan.
Nilapitan kami ni kuya Nash at sinabi ang mga hindi ko inaasahan.
"Come with me at the AZT." Tinapik pa niya ang balikat ko bago sumenyas na sumuod sa kanya.
Sumakas naman kami sa tinted black van. Walang tao kung hindi kami lang tatlo.
"Shall we go na?" Tanong niya sabay hawak sa microchip niya.
Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin at hinawakan ang kamay ni Baste. Ramdam ko pa ang pagkagulat niya pero ngumisi na lamang ako bago sumabay kay kuya Nash na pindutin ang microchip.
Man! Ang astig talaga kapag nag-gli-glitch kami. Ang modern lang.
Sama sama kaming tatlo na pumunta sa kaparehong kuwarto kung saan ko nakilala ni chief. Nasa kanan ko si kuya Nash habang nasa kaliwa ko naman si Baste.
Binibilisan ko ang lakad para hindi ako matanong agad, sorry na!
Nandoon sina ate Filipino, kuya Ashton at ate France na nakikinig lang sa kung anong binubulong ni Chief sa kanila.
Tumikhim si kuya Nash kaya naman nakuha ang atnsyon nilang tatlo.
Nginitian ako nilang lahat maliban kay kuya Ashton na tumango lang.
"Yo, Ericka!" Bati ni ate France.
"Hello po." Nahihiya ko pang saad.
Siniko na naman ako ni Baste.
"Ah-"
"Sebastian." Naputol ang dapat pagpapakilala ko kay Baste ng magsalita si ate Filipino.
Wala naman akong masabi ng hilahin ako ni kuya Nash paupo. May maliit na robot ang nag-abot sa akin ng bote ng juice, nakangiti ko namang inabot iyon habang pinagmamasdan ang features ng robot.
Puti't blue ang kulay nito. Binigyan din pati si kuya Nash. Malamang ay iinumin ko ang binigay sa akin.
"You may be an unwanted witness. Someone whose not supposed to be involved in this matter. Someone, just someone who isn't suppose to stick his nose in our-" Binatukan ni ate France si kuya Ashton dahil sa mga sinasabi nito.
"You're being rude, dude." Iling na sabi nito.
Nakatayo pa din si Baste't halatang naguguluhan na. Hidi lang siya, hindi lang siya.
Pati ako. Marami pang mg bagay bagay ang hindi malinaw sa akin. Ang dami kong gusto itanong at umabo't na sa punto na hindi ko na alam kung saan sisimulan.
"Sebastian," Muling tawag ng pinsan ko sa gulong gulong si Baste.
Biglang nag-abot ng plati na may muffins ang robot. Kumuha na si kuya Nash kaya mahihiya pa ba ako? Pagkagat at pangnguya ko ng muffin ay para akong nabingi sa narinig ko.
Unfortunately, nabilaukan pa.
ANO DAW?!