Previously on AZT
"I'll drop you off na, Ericka."
***
"Shoe factory!?"
***
"Okey dokey! For my tummy's sake and for the chief's son!"
***
"Holy chicken on the fridge! Hooded-guy-san!!?"
***
"Holy fridge!"
"Sh*t!"
***
"Ang ibig kong sabihin na set-up tayo."
***
"You'll regret it."
***
"That was so reckless of you papa!"
***
"Hush now my dear cousin, it's just a dream."
***
Chapter 3: It's good to be back
Ericka's POV
Sa buhay natin, hindi maiiwasan ang pagkawala ng mga mahal natin. Mamamatay at mamamatay sila. May mga namamatay dahil sa katandaan, sa sakit, mga namamatay dahil sangkot sa krimen, at ang mga patay na at papatayin pa.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa ang panaginip ko kagabi. Ala-una na ng hapon pero hindi pa ako tumatayo sa kama. Pakiramdam ko ay kapag tumayo ako ay napakarami kong kailangang gawin. Sabi nga niya, 'Nasimulan mo na kaya tapusin mo'.
Hindi ko maiwasang hindi maisip ang sinabi ni kuya Nash kagabi tungkol sa chief 'kuno' ng Philippine Anti Zombie team. Wala pa silang sinasabi pero pakiramdam ko ay hindi lang doon nagtatapos ang pagiging involved ko sa AZT.
Ngayon lang magsi-sink in sa utak ko ang mga ginawa ko kagabi. Nakapatay ako ng mga patay na. Naiisip ko na paano kung may lunas na puwedeng makapagpa-balik sa kanila sa normal? Anong gagawin ko? Nangyari na ang mga nangyari. Ayaw ko pa man ding tumayo sa kama ay ginawa ko, tinungo ko ang paper bag na may lamang anime figures-figures nila Chizuru at Kazuya.
"Nadumihan ko ba ang mga kamay ko?" Pagtatanong ko sa dalawang figures na nilagay ko sa ibabaw ng mesa.
"Tanghali na kaya nababaliw ka na gano'n?"
"Ay puwet ng kabayo! MATHEW!" Ang pakielamera kong pinsan lang naman ang nanggulat sa akin. Nakasuot na ito ng panglakad, nagtatakang tinignan ko siya.
"Baliw ka na nga, ngayon ang flight natin pabalik sa Pinas." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Nakakaloka! Oo nga pala at last week pa kami pumunta dito sa Japan, ilang araw din kaming nag-stay sa hotel bago dumeretso dito sa Itomori.
"Mag ayos ayos ka na, nasa baba na maleta mo at please lang, pakibilisan mo ang kilos." Yoon lang bago nito tuluyang isarado ang pinto at umalis.
Napahawak tuloy ako sa batok ko at napa-upo sa kama. Nanlaki na naman ang mata ko ng may ma-realize ako. 'Asan na yo'ng microchip?' Kinapakapa ko pa ng paulit ulit ang batok ko pero wala yo'ng microchip na nilagay sa akin kahapon ni ate France. Hala ka dong! Nasaan napunta yo'n? Napangiwi na lang ako dahil hindi ko talaga maalala kung nasaan ang microchip.
'Eyy... What if hindi din totoo yoong zombies? Like sa sobrang kakaisip ko kay hooded-guy-san ay napanaginipan ko siya? May posibilidad din naman iyon 'di ba?
Sinunod ko na lang ang sinabi sa akin ni Mathew na mag ayos na, mabilis na akong naligo at nagbihis. Matapos ay kinuha ko na ang paper bag na may figures at lumabas na ng kuwarto.
"Oy! Mamaya ka na kumain sa airport tara na! Male-late na tayo sa flight natin." Litanya ni tandang Mart sa akin.
"Kasama si ate Filipino?" Pagtatanong ko dahil maski siya ay nakabihis na at may hawak na bag.
"Bakit? Ayaw mo akong kasama?" Umiling naman ako bilang sagot.
"Yo'n naman pala, eh! Oh siya tara na at baka maiwan tayo." Nakangiting binuhat ko naman ang pamangkin kong si Flint na kasalukuyang four years old.
"Tata!" DID HE JUST?!
"Narinig niyo yo'n!? Tinawag niya akong tita!!" Masaya kong saad. Kahit na ba dapat tita iyon, masaya pa din ako kahit tata ang sinabi niya.
"Ingay mo! Tara na at sumakay na tayo sa van kanina pa nag-hihintay itong si mang Robert." hayan na naman ang pakielamera kong pinsan. Ipinabitbit ko na si Flint kay ate Filipino. Nauna na sina tandang Mart at Mathew sa van kaya naman may pagkakataon ako para tanungin ang katabi ko tungkol sa microchip, kahit naman na baka jindi totoo ang mga nangyari.
"Yo'ng microchip ate?"
"Tinanggal ko kagabi habang umiiyak ka, remember? Nanaginip ka" napayuko ako sa sinabi nito. Nawaglit nga sa isipan ko yoong napanaginipan ko, pinaalala naman. And yeah~~ totoo pala iyong mga zombies.
"Hey... Chin up cousin, kung ano man yo'ng panaginip mo, hanggang panaginip lang yo'n" Bumungisngis si Flint kaya naman natuwa na naman ako.
***
Mayamaya pa ay nakarating na kami sa airport kaya naman binaba na namin ang bagahe namin at dumeretso muna sa isang kainan do'n habang hindi pa kami tinatawag. Isang platito lang ng waffle ang in-order ko na mabilis kong nilantakan. Tumambay muna kami doon at nag-kuwentuhan.
"Oo nga pala Ericka, saan ka nagpunta kagabi? Pareho kayo ni ate Sofilia na wala sa bahay." tanong ni Mathew kaya naman napunta sa akin ang atensyon nilang lahat. Tinignan ko naman si ate Filipino at binigyan siya ng 'help me' look.
"Nag-pahangin lang kami sa labas kagabi" palusot nito.
"Kagabi? Ang lamig lamig kagabi tapos nag-pahangin kayo?" Paktay! Si tandang Martin talaga!
"Eto namang tandang 'to, naka-coat naman eh." Nakanguso kong saad para kunyari ay totoo. Ako lang naman itong nagpalusot kaya malamang ay paniniwalaan nila-hindi naman sa sinabi kong wala silang tiwala kay ate Filipino.
"Tsk! Pag ikaw nagkasakit naku! Ya'ng si ate Sofilia ang isama mo sa ospital."
"Yes sir!" Sabi ko habang sumasaludong nakatingin sa kanya.
Grabe! Para akong ginisa ng mga tatay ko! Kinuha ko na lang ang cellphone at headphones at nagpatugtog na lang ng mga anime opening and ending songs para wala nang istorbo. Naipikit ko pa ang mata ko habang dinabama ang kantang 'centimeters' ng the peggies na opening song ng rent a girlfriend.
"Mada ne unmei nante ienai~~ Ato nan senchi chikazukeba iin darou~~ Boku wa kimi ni nani wo shite agereru ka na~~ Ano hi daijoubu tte egao~~ Ato nan senchi saki wo arui-" natigil ako sa mahina kong pagkanta ng tanggalin ni Mathew ang headphones kom
"Tara na, napaka-lakas siguro ng volume mo at hindi mo na marinig ang mga nagyayari sa paligid"
"Eyy!!! Excited na akong umuwi sa Pinas!" Exaggerated kong saad habang tumatayo.
"Ewan ko sa'yo. Magulo utak mo ano? Last week sabi mo sana dito sa Japan ka na lang nakatira tapos ngayon sasabihin mo excited ka nang umuwi? Abay saan mo balak lumugar?" Napasibangot ako sa kanya habang sabay kaming naglalakad.
"Alam mo? Dapat magkaroon ng batas na 'walang pakielamanan ng trip' maya't maya mong pinakekeelamanan ang buhay ko, eh."
"Ah gano'n? Sige... Sabi mo eh, hindi kita pakikielamanan. Bahala ka na sa buhay mo." Anito bago mabilis na naglakad para makasabay kay tandang Mart. Paktay kang bata ka, na-offend ang gwapo kong pinsan.
Napa-palatak na lang ako bago sumunod sa kanila. Babawi na lang ako kay Mathew, mahirap na at baka iwan pa ako no'n ng wala sa oras. Abay kawawa naman ako. Ang bibig ko kase, napakapasmado! Walang preno, ayan tuloy na-offend si Mathew. Now I am afraid na baka magtagal ang hindi pagkakaintindihan namin ni pinsan. I guess I crossed his invisible line. Si Mathew kase yo'ng uri ng tao na palagi kang iinisin, bwibwisitin, aasarin, pero siya din yo'ng uri ng tao na may pakielam sa mga taong nasa paligid niya. Siya yo'ng taong hahanap-hanapin mo ang boses. Priority list ko tuloy ngayon ang pakikipag-bati kay Mathew.
Sa mirror seat ako na-upo. Hinahantay kong tumabi sa akin si Mathew pero nakita ko na lang siya na katabi si tandang Mart kaya ang ending si Flint at si ate Filipino ang katabi ko-hindi naman sa ayaw kong katabi sina ate Filipino, pero kase~~. Nakakatakot pag-nagalit itong si Mathew. Mararamdaman mo talagang may problema sa paligid lalo na kapag hindi siya nakikihalobilo lalo na sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sana pala kase ay hinayaan ko na lang siyang bungangaan ako. Tama talaga ang kasabihang nasa huli ang pag-sisisi.
•-•'
Uwah!!! Mahal kong pinsaaan! Sorry naaa!
Hmmp...
Huhuhu
"May problema ba?" Napa-ayos ako ng upo. Paktay! Napansin na ni ate Filipino.
"Na-offend ko po 'ata si Mat, eh." Nakanguso kong saad.
"Ano bang sinabi mo?"
"Na huwag niya akong pakielamanan?"
"Ba't may question mark?" Napabuntong hininga na lamang ako.
"Alam mo naman, Ericka. Si Mathew ganyan niya ipinapakita na may pakielam siya. Hindi naman sa nakikielam sa buhay, yo'ng nakikielam siya kase may pake siya sa iyo, gets? He cares for you kase nga itinuturing ka na din niyang kapatid." Mas lalo tuloy akong na-guilty.
"Yo'n na nga po, eh. Alam ko naman po na may pake siya sa akin kaya lang ang bunganga ko hindi ko na napigila." Napakamot ng ulo kong saad.
"Let him be, mare-realize niya din na miss ka niya. Alam mo na? 'Di naman no'n matitiis." Sana nga.
***
"Now, now. I'm back!!~~" Malakas kong sigaw matapos bumaba ng sinasakyan naming van. Dumeretso ako agad kina lola para yakapin sila.
"Lola ko! Na-offend ko si Mathew!!" Tinawanan lang ni lola ang pagsusumbong ko.
"Kasalanan mo ya'n!" Pabiro niyang saad.
"Lola naman, eh!" Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay lola.
First move! Check.
"Mathew! Tulungan na kita." Ani ko bago lumapit kay Mathew na may hilang dalawang maleta. Kaya lang bago ko pa makuha ay umiwas na siya kaagad.
Mathew!!
•-•'
Kumamot na lamang ako ng ulo bago kunin ang maliit na maleta ni Flint. Nakanguso tuloy akong pumasok sa bahay.
Second move... FAILED.
"Ericka!" Nagulat ako sa biglaang sigaw nang pamilyar na boses na iyon.
"Baste! Tulungan mo ako! Ayaw akong pansinin ni Mathew!"
"Eh? Nanaman?! Bago kayo umalis ng bansa ay nag-away na kayo 'di ba?" Tumango ako bilang sagot.
"Ano na namang dahilan?"
"Sinabihan ko siya na huwag akong pakielamanan."
"ARAY!" Aba! Batukan ba naman ako!
"Kasalanan mo ya'n." Ani Sebastian Hades bago kunin ang maletang hawak ko.
"Para kang si lola!" Tinawanan lang niya ako sa sagot ko.
Pa-hard to get naman 'tong si Mathew...
Kaloka!
"Hayaan mo na muna, papansinin ka din niyan." Si ate Filipino. Kinuha ko sa kanya si Flint para malinisan na ng katawan. Mukhang inaantok na ang bata.
Matapos kong linisan at palitan ng damit si Flint ay nakatulog agad ang bata. Naligo na din ako pagkatapos.
"Hoy" mahinang tawag sa akin ni Baste. Nasa kuwarto kami ngayon nina ate Filipino at ni Flint.
"Bakit?" Inayos kong muli ang kumot ni Flint matapos niya itong tanggalin.
"Kinausap ko si Mathew, mag-nilaynilay ka daw muna."
"Baste naman, eh!"
"Shh! Natutulog si Flint." Napalingon tuloy ako sa batang mahimbing na natutulog.
Ngayon ko lang ulit naisip ang tungkol sa Anti Zombie Team. Hindi pa malinaw sa akin ang tungkol doon. Napakarami kong tanong. Maraming gumugulo sa akin, na kung bakit walang zombie kuno ang nababalita dito sa Pinas, kung paano sila nakagawa ng ganoong mga technologies, yoong aircraft at yoong chief-thingy na sinasabi ni kuya Nash. And speaking of kuya Nash, hindi nga pala ako nakapag-paalam sa kanya kanina. Napabuntong hininga na naman ako.
"Ang lalim naman niyan." Puna niyasa buntong hininga ko.
"Wala may iniisip lang." Sebastian Hades, ang childhood friend ko slash kapitbahay na din. Hindi ako makakapag-sinungaling sakanya kaya sinabi ko na ang totoo.
Ginulo muna niya ang buhok ko bago tumayo sa lapag.
"Magkita na lang tayo sa lunes, gumising ka nang maaga, ah! Huwag magpapa-late!" I give him a thumbs-up as my answer. Malapit na nga pala ang resume ng classes.
Kailangan ko pang mag-advance reading. Paniguradong marami akong dapat malaman bago magpasukan. Baka maulit na naman ang nangyari last year, nako! Huwag naman sana. Aba! Akala ko ba naman ay intoduce yourself ang gagawin sa first day namin bilang grade eight students tapos ang nangyari ay seatwork at lessons agad? Aba, matinde! Kaya ngayong taon, magpapaka-bait na ako.
'De joke lang!
Monday
"Ayay! Mo'ning, Baste, tara sabay! Mukhang mamaya pa si Mathew. 'Di pa din kasi kami nagkakabati, eh." Bungad ko kay Baste na kalalabas pa lang ng gate ng bahay nila.
"Mo'ning!" Baste, being his usual self, smiled cheerfully at me. Napansin kong mali ang pagkakalagay ng tie niya kaya nilapitan ko siya para ayusin iyon. Napaigtad pa siya pero ngumiti din naman.
"Kung ganyan mo tratuhin si Mathew, baka sabay sabay tayong papasok ngayon." Aniya sa akin. Napa-iling na lamang ako bago umatras mula sa pagkakalapit sa kanya.
"Kay aga aga sermon na agad," Napangisi tuloy ako matapos tignan ang pintuan ng bahay na nilabasan ko kanina. "Tara na nga, mukhang hindi talaga sasabay si Mathew sa atin." Ani ko sa kanya at nagpatiuna nang maglakad.
Walking distance lang naman ang paaralan na pinapasukan naming tatlo nina Baste at Mathew. Graduate na kasi sina Ate Filipino at tandang Mart. May tatlong kapatid na babae si Baste na sina Ate Persie, kambal na sina Athena at Artemis. Yo'ng kambal ay sa iabng school pumapasok habang si ate Persie naman ay nasa ibang bansa.
"Happy traveling?" I nodded.
"Of course! May binili pakong figures ng rent a girlfriend. Sa'yo na lang yo'ng isa." Sabi ko na inilingan niya naman.
"Sus! Ako pang niloko mo! Alam ko kung gaano ka kahilig sa mga anime figures at sa mga nanderoid kaya huwag ka nang magatubili na alukin ako kase tatanggihan ko lang iyan." Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ito naman, o sige, kitkat na lang! Matcha flavor, favorite mo." Nakita kong napangiti siya ng matamis.
"Ano nga ulit kasabihan mo?"
"Plastic ako pero durable naman." Muli na naman kaming nagtawanan. Man! Nam-pla-plastic ako pero kaya ko namang gumawa ng excemption.
Narating na namin ang pinapasukan naming paaralan na nagtatawanan. Puro kase ako kalokohan. Same building, same room, and same chairs.
'Ack! It's good to be back!'
Kaliwa't kanan ang kuwentuhan ng mga kaklase namin ni Baste tungkol sa mga nangyari no'ng Christmas vacation nila. Tumayo muna ako para ibalik ang ibang libro ko sa locker. Suwerte at nasa loob lang ang nga locker namin. Pagkatapos ay bumalik na din ako sa upuan ko at tumabi na kay Baste.
Mahina akong napadaing nang maramdaman ko na para akong na-ground sa parte kung saan nilagay ni ate France ang microchip. Naka-lugay naman ang buhok ko kaya wala silang makikita- kung meron man.
Nagsimula ang klase na hawak hawak ko ang batok ko. Mabuti at walang flag ceremony ngayon dahil malamang ay maiibitan ako at mapipilitang mag-tali ng buhok.
"Masakit ba batok mo?" Si Baste. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Recess na kaya lumabas na ako ng classroom at naglakad papuntang likod ng gym kung saan puro luma at sirang upuan lang ang nandoon.
Tambayan ko ang likod ng gym. Wala kasing kataotao at tahimik ang lugar, kaya para sa akin ay safe na tignan ang kung ano mang nangyayari sa batok ko.
Tinalian ko ang buhok ko, nakaramdam na naman ako ng ground.
'Walang'ya! Ano ba kaseng meron?!'
Napabuntong hininga na naman ako. Mayamaya pa ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ko.
"Ano naman ang kailangan nitong si ate Filipino?" Nakakunot noo kong sabi nang makitang tumatawag si ate Filipino sa akin.
"Ericka! Anak ka talaga nina tita! Hindi na kita na abutan kaninang umaga kaya hindi ko sa'yo naipaliwanag ang mga gagawin mo.")
"Eh ano nama- Aray!" Napadaing ako ng malakas dahil na-ground na naman ako.
"Listen dear cousin, kailangan mong i-activate ang microchip mo. Nakikita kita ngayon dito sa screen. Ang gusto kong gawin mo ay hanapin ang tablet na nakatago d'yan sa mga upuan.")
"Saan?" At paano namang magka-tablet sa tambakan ng sirang mga upuan?
"Bruhilda! Naka-tago nga eh!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sinabi ni ate Filipino. Nilapitan ko ang mga upuan at isa-isang tinignan kung may tablet ba doon.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang parihabang bagay na umiilaw. Ito na ata ang sinasabing tablet ni ate Filipino. May naka-flash sa screen nito, nakikita ko pa nga ang uniform na sinuot ko no'ng araw na niligtas ko si kuya Nash sa ibaba ng mga salita.
Activation of Microchip
Activate or Cancel?
"Choose activate," Kasabay ng pagpindot ko ng activate sa tablet ay ang pagsigaw ni ate Sofilia mula sa kabilang linya. "Holy fudge!"
Nagliwanag ang paligid ko, pero bago ko pa nabungaran ang aircraft ay may isang pamilyar na tinig akong narinig na alam kong sanhi ng pag-sigaw ni ate Filipino.
"Ericka..."
***
To be continue...
Chapter 2.5
THE UNEXPECTED WITNESS